Islam ang Relihiyon ng kapayapaan
Mga naisalin na paksa
Ang mga kategorya
Mga pinagmumulan
Full Description
- ISLAM ANG RELIHIYON NG KAPAYAPAAN
- Ang Kahulugan ng Islam
- SSSS Ang Maling Pakahulugan na ang Islam ay Lumaganap sa Pamamagitan ng Tabak
- Ang Maling Pakahulugan na ang Layunin ng Islam sa Pananakop ay Makamundong Pakinabang
- Tamang Paliwanag ng Digmaan at ang
- Pagsasanay sa Islam
- Ang Pagtatagubilin ng Habag at Pagbabawal sa Pananalakay ay Isa sa mga Prinsipyo ng Islam
- Ang Pangkalahatang Prinsipyo ng Islam – Kampeon sa Pagtataguyod ng Ganap na Kapayapaan
- SSSS Ang mga Kaugaliang Wagas sa Islam na Nagtataguyod ng Lubos na Kapayapaan
- Mga Tagubilin sa mga Mananampalataya at ang mga Payo upang Maitaguyod ang Kapayapaan
- SSSS Mga Gawaing Ipinagbabawal sa Islam upang Maitaguyod ang Kapayapaan
- SSSS Pakikiapid, Pangangalunya, Paninirang-puri, atbp.
- Panghuling Pananalita
ISLAM ANG RELIHIYON NG KAPAYAPAAN
Ni
Abd Ar-Rahman Abdul-Kareem Al-Sheha
Isinalin sa Wikang Tagalog nina:
Amir Mohammed Ornido, MBA.
Jamal Q. Joves
Ang "Terorismo" ay dalawang uri: ang malisyosong terorismo na batay sa napakasamang pagmamalupit, at ang mabuting terorismo na nararapat batay sa pangangailangan at gawaing makatwiran. Ang terorismo na masama ay labag sa katwiran, dobleng pamantayan, mapaniil at agresibo sa lahat ng nakapopoot na ipakahulugan sa salitang ito. Pinatatamaan ang mga babae, mga bata, mga sibilyan at mga taong hindi kawal, nagtatangkang makuha sa dahas ang pagkatalo at ang kapasiyahan ng mga politiko sa pamamagitan ng pagpalaganap ng terorismo. Ang uring ito (ng terorismo) ang kaagad-agad na iniisip ng mga tao kapag nakakarinig sila ng salitang terorismo. Ang uring ito ang lagi ng naiisip ng mga tao kung sila ay nakakarinig ng terorismo. Kadalasan ito ang lagi ng iniuugnay ng mga tao na siyang inaakalang ilalarawan ng mga ibat-ibang sangay ng gobyerno at ng mga sangay ng mga nakararaming pahayagan. Ang mga Muslim ang lagi nang inilalarawan bilang terorista kahit na ang karamihan ay ganap na walang kinalaman sa mga bintang o kaya ay higit na inosente kaysa sa marami nilang kaaaway na mapusok laban sa kanila. 'Teroristang Muslim' ang paghamak o tampulan ng poot sa mga peryodiko, kahimat mahirap umisip ng katumbas na terminong iuugnay sa mga Hudyo, Kristiyano, Hindus o mga Budismong terorista. Tunay na may mga samahan at sa mga tao – na may tiyak na pakana at may mga nagtataguyod – na naging kasangkapan o instrumento sa pag-iimbento at pagpapanatili ng mga maling inpormasyon, nagpapalabis sa mga pangyayaring pinasinungalingan at pinabulaanan dahil sa hindi pagkakaintindihan at mga paninirang puri.
Ang terorismong nararapat at batay sa pangangailangan at makatwirang gawain ay nagpapatupad ng makatarungang batas, nagpapanukala ng kainamang parusa na kasukat ng nagawang krimen, nagtatanggol laban sa mga sumasalakay, sa mga mapusok at sa katiwalian. Ito ay ginagamit laban sa mga mismong gumagawa ng kasamaan, at hindi pinatatamaan ang mga babae, mga bata at mga hindi kalaban. Ginagamit dito ang salitang 'terorismo' bilang bago at may katiyakang pahiwatig, na maaaring hindi malirip o maisip ng mga mambabasa. Sa ganitong positibong pang-unawa, ang takot ay tumitimo sa puso ng mga masasama, sa mga kalaban ng Allah (Y), bilang pampaudlot upang sila ay matakot sa mabilis at malupit na paghihiganti sa anumang gawaing kanilang isasakatuparan o sabwatan na binabalak. Sa ganitong pangyayari lamang matatawag na terorismo, bagama't makatwiran at nakabubuting terorismo ang kinakatigan sa prinsipyo bilang lehitimo para sa lahat at para sa buong mundo. Ang Allah (Y) ay nagsabi sa Banal na Qur'an tungkol sa makatwirang uri ng terorismo na ating tinatalakay na siyang pumipigil at humahadlang sa pananalakay o panggugulo:
"At magsipaghanda kayo para sa kanila ng lahat ng magagawa ng inyong lakas, kasama ang mga kabayo ng digmaan, upang takutin ang kaaway ng Allah at ng inyong kaaway, at mga iba pa na hindi ninyo nalalaman subali't nababatid ng Allah. At ang anumang inyong gugulin sa Landas ng Allah ay babayaran sa inyo, at kayo ay hindi pakikitunguhan ng walang katarungan." (Qur’an 8:60)
Maaaring masasabi ng iba na ginagamit namin ang salitang pananakot (terror) sa kanyang pangdalubhasang wikang pakahulugan at lumalayo sa tunay na saklaw at legal na pakahulugan ng terorismo, ngunit sa dahilan ang kahulugan nito ay mainit na pinagtatalunan sapagkat walang pamantayan na kahulugan nito na sinang-ayunan sa buong daigdig. Dahil maraming hinanakit laban sa pagkukunwari at dobleng pamantayan ng mga may pangunahing kapangyarihan na nagiging higit na lumilitaw, at dahil ang lakas o kapangyarihan ay hindi itinuturing na karapatan ayon sa batas, gusto naming ipagdiinan ang pagbabalik sa pandaigdigang likas na pagkukuro o paggamit ng sentido komun (isip). Ang pananakot ay maaaring magkaroon ng negatibo at positibong kahihinatnan batay sa pangyayari at sa motibo nito.
Ang terorismo ay walang pagsalang hindi nagmula sa wala subali't sa pangkasaysayang pangyayari na pagmamalupit, kawalan ng katarungan at ang mga karaingan o hinanakit na lumaki at nagpatong-patong sa paglipas ng panahon hanggang ito ay dumating sa punto ng pagsabog at paghihimagsik. Isang pangkaraniwang uri na hindi mapapasubalian na terorismo ay ang terorismong panukala ng pamahalaan, subali't ito ay madalas na kusang pinababayaan o minamaliit ng mga nasa katungkulan at ang pagtangkilik ng pamahalaan sa pagsisiyasat sa pangyayaring nakapaligid sa terorismo. Ito ay sa dahilang ayaw mabunyag ng mga tagapamahala ang krimen na nangyayari sa kanilang kinasasakupan at pinapalitaw na ang krimen ay laban sa sangkatauhan at bilang hindi sinasadyang pangyayari laban sa estado o pamahalaan. Ang kanilang layunin ay ang ipangalan sa iba at hindi isisi sa kanilang sariling mga tauhan bilang kriminal at ang terorismo ay hindi matutuklasan.
Isa bang terorismo ang lihim na panukalang pagpapatay at ang sinadyang pagpatay? Isa bang uri ng terorismo ang labis na pagpapahirap at ang panggagahasa? Ang sinasadyang pagsabutahe sa mga military, sa pulitika, sa ekonomiya at sa kapaligiran na ikinamatay ng marami ay isa bang terorismo? Ang pangkalahatang pagmamalupit sa isang lahi o grupo ng isang lipi o isang klase ng tao sa pamamagitan ng walang paglilitis, pagpatay at pagpapahirap sa mga ibang tao ay isa bang terorismo? Ang inaasinta at pinatatamaan sa pagbobomba ay isa bang terorismo? Ang paggamit ng sandatang nukleyar at ibang armas na nakakamatay ng marami sa pinaka-sentro ng isang populasyon ay isa bang uri ng terorismo? Paano ang mga nadamay sa di-makatarungang kapinsalaan? Kung ang mga gawaing ito ay hindi terorismo, ano ang matatawag sa mga ito? Kung ang mga ito ay hindi legal at hindi makatwiran, ano ang maitatawag natin sa mga halimbawang nangyayari sa buong mundo nitong ika-20 siglo ng walang kapantay na pakikipagdimaan ng mga tao at ang pagkawasak o pagkasira ng nakakarami. Ano ang tawag sa ipinairal na patakaran na siyang sapilitang pinasusunod sa buong mundo nitong ika-21 siglo, at ang mga ibang mayroong makabago at makalumang pag-iisip na mga marunong ay tinawag nilang, 'Proyekto para sa Siglo ng Makabagong Amerikano' at may kaugnayan sa “PAX AMERICANA”? Maraming mahirap na pangyayari na hangga ngayon ay nasa ilalim pa nang pagsusuri at pagtatalo at kinakailangan ang maselan at makatwiran kasagutan mula sa mga paham at gayun din sa mga politiko.
Maraming mga nasyonal at sekular na pamahalaan at sistema na nag-aangkin bilang kampeon sa karapatang pang-tao, sa kapayapaan, sa kaunlaran at sa kaligayahan para sa mga tao. Subali't sa kabila nito, sa tunay na buhay, makikita natin sila na may kaugaliang mababa ang pagka-makabansa at may pangkat ng mga politiko na ang layunin ay bigyan ng kapangyarihan at gawing mayaman ang piniling grupo at sila ay likas na may kanya-kanyang layon at pasalungat sa sariling pagnanasa na makapaglingkod sa ibat-ibang kapakanang espesyal ng iba, subali't sila ay nagpapahayag bilang tagapaglingkod para sa kapakanan ng madlang tao. Ang pagbabatas ng mga pamunuan at mga ahensiyang ito ay nagpapatupad ng mga batas at mga patakaran para sa kapakanan ng mga may kapanyarihan at ng mga mayayaman sa kanilang pamayanan. Ang panlipunan, pulitika, ekonomiya at ang kapaligiran na bunga ng hindi pa nasisiyasat na kapangyarihan at ng kasakiman sa kinita at sa karangyaan ay nakapipinsala sa karamihan sa mga tao at ito ay umaakay sa kalakhang sangkatauhan sa isang hindi na mapanunumbalik na pagkawasak at ganap na pagkasira.
Ang Islam sa kabilang dako, ay isang ganap na pamamaraan at madaling maunawaan na ito ay pandaigdig na Relihiyon para sa lahat ng lahi at uri ng tao na hindi tinuruan upang magsilbi sa isang partikular na klase o grupo ng tao, subali't bukod tanging nilayon ang pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng mga alituntuning pang moral, espirituwal, panlipunan, pambatas, pulitika at ekonomiya.
Ang wagas at kalinawan ng moral nito, ang magaan at mahigpit nitong pananalig sa kaisahan ng paniniwala (sa Diyos), at ang lubos na pagbabawal sa lahat ng uri ng kasamaan, pang-aapi at ang kawalan ng katarungan ay ikinalulugod ng lahat ng klase at uri ng tao, kahit anupaman ang lahi, kultura, edukasyon, lipunan at ekonomiyang katayuan. Ang layunin ng Islam ay upang makapagtayo ng modelong panlipunan at pang-kapatiran na nagpapalaganap ng pangkalahatang kawanggawa at ang dakilang patnubay para sa lahat ng tao para sa kanilang kabutihan at kaligtasan. Kasama sa hangarin nito ay ang mapanatili ang katarungan sa lahat ng oras at sa lahat ng katayuan, ang mapanatili ang mapayapang relasyon kahit na sa mga mahigpit na kaaway maliban kung walang nakikitang gumagawang kaguluhan at ang pagtataguyod ng kapayapaan magpakailanman kung maaari. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur'an:
"Baka sakaling ang Allah ay magkaloob ng pagmamahalan sa pagitan ninyo at inyong (mga kamag-anak na) itinuturing na mga kaaway, sapagkat ang Allah ang may Kapangyarihan, at ang Allah ang Laging Nagpapatawad, ang Pinakamaawain. Hindi kayo pinagbabawalan ng Allah na makitungo sa mga taong hindi nakikipaglaban sa inyo sa pananampalataya at hindi nagtataboy sa inyo mula sa inyong mga tahanan, na sila ay inyong pakitunguhan nang mabuti at makatarungan, katotohanang ang Allah ay nagmamahal sa mga makatarungan. Katotohanan, ang Allah ay nagbabawal lamang sa inyo sa mga tao na nakikipaglaban sa inyong pananampalataya, at nagtataboy sa inyo mula sa inyong mga tahanan at tumutulong sa iba upang kayo ay mapaalis, at sila ay huwag pakitunguhan ng mabuti. At sinuman ang makitungo sa kanila, sila ang gumagawa ng kamalian." (Qur'an 60:7-9)
Ang mga taludtod na ito ay tumatawag ng kapayapaan sa mga nagtitimpi mula sa pagsasagawa ng kaguluhang iniulat. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur'an:
"Datapwa't kung sila ay humilig sa kapayapaan, humilig din kayo rito, at sa pagtitiwala sa Allah. Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam." (Qur'an 8:61)
Ang talatang ito ay nagsasabi na kung ang kalaban ay nakikipagkasundo para sa katahimikan kinakailangan sa mga Muslim na humilig tungo sa kapayapaan.
Kami ay umaasa na ang mga naghahanap ng katotohanan at ang mga paham ay magsisiyasat tungkol sa Islam at sa mga batas at prinsipyo nito na walang kinikilingan at mayroong matapat na paglalarawan. Ang tunay na kagandahan at ang pagpipitagan sa Islam ay malinaw sa mga taong puno ng lakas na namumuhay alinsunod dito at nagsasagawa sa mga turo nito (ng Islam). Lahat ng mga mag-aaral ay humahanga sa makatwirang batas nito, ang pangdaigdigang kapatiran, may karangalan at may makatarungang prinsipyo, ang mataas na moral nitong halimbawa sa kalinisan, katapatan, pagkamakatwiran, pagkamapagbigay at ang pangkatarungan. Isa sa mga katibayan o patunay bilang dakila ang Banal na pananampalatayang ito (Islam) ay, kahit na mahina ang suporta at pagtataguyod ng mga tagasunod ng Islam at ang malawakang pagtuligsa laban dito ng mga masasamang kritiko at ng mga kalaban, ay napaglalabanan nito ang mga katiwalian, pagbabaluktot at mga pagbabago at patuloy ang paglaganap sa kanyang sariling kagalingan at kahalagahan sa mga iba't-ibang sulok ng mundo. Ano ang nasa likod o dahilan sa paglaganap ng Islam, sa kabila ng kahinaan ng mga Muslim maliban sa taglay na lakas sa katotohanan at katwiran ay likas na pinapawi at napaglalabanan ang kasamaan at ang kawalan ng katarungan. Sa Islam, ang mga tao ay nakakatagpo ng ganap na kasiyahan kasama na rito ang pang-espirituwal, pang-moral, pang-katawan at mga praktikong kahilingan at pangangailangan.
At ang mga taong tumatangging buksan ang kanilang mga mata o tumingin, makinig at magsiyasat sa katotohanan, ay walang pagsalang mananatiling nasa pusali sa kanilang maling pithaya, makitid na pagkiling at walang-malay na paunang paghatol. May isang bantog na prinsipyo na nagsasaad na, ang tao ay likas na tumatanggi sa kanyang kinatatakutan. Natatakot siya sa anuman na wala siyang kamalayan, kaya't ipinapalagay niyang kaaway ang mga bagay na hindi niya alam. Inilarawan ng Dakilang Allah ang mga ganitong klaseng tao sa Banal na Qur'an:
"At katiyakang Aming nilikha ang marami sa mga Jinn at sangkatauhan na maninirahan sa Impiyerno. Sila ay may puso na hindi nakakaunawa, sila ay may mga mata na hindi nakakakita, at sila ay may mga tainga na hindi nakakarinig. Sila ay katulad ng mga baka! Hindi, higit silang napapaligaw. Sila ang walang iniintindi at mga pabaya." (Qur'an 7:179)
Ang mga baka ay sumusunod ng pikit-mata, ngunit sila ay tumatalima sa likas na batas at katutubong ugali na nilikha ng Dakilang Allah para sa kanilang ikabubuhay, subali't ang mga tao ay pikit-matang sumusunod sa kanilang tradisyon at sa kanilang namumuno, tinatanggihan ang Kapahayagan na ipinahayag ng Dakilang Allah para sa kanilang kabutihan at kaligtasan. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Bagkus, sila ay nagsasabi: 'Natagpuan namin ang aming mga ninuno sa isang Relihiyon, at kami ay sumunod sa kanilang mga yapak na napapatnubayan." (Qur'an 43:22)
Ako ay umaasa at dumadalangin sa Allah, ang Dakila, na sana ay magbibigay sa atin ng pakinabang sa ating pagbabasa at pakikinig. Ang aming hamak na pagsisikap ay inaalay ng may busilak na layunin, para makapag-ambag ng kayamanan para sa kaalaman ng tao at pagsulong ng kaalaman. Ang may akda ay nag-aalay ng bukas na paanyaya sa lahat ng may gusto o interesado sa karagdagang pag-aaral tungkol sa Islam at makipag-ugnayan sa kanya sa direksyon na nakalagay sa ibaba, at siya ay magagalak at handang sasagot sa lahat ng mga tanong tungkol sa Islam at magbibigay ng mga karagdagang babasahin tungkol dito.
Ang may akda ay naghahandog ng taimtim na pasasalamat sa Dakilang Allah dahil sa Kanyang walang-hintong pagtulong. Anuman at ang lahat ng pagkakamali o nakaligtaan sa aklat na ito ay inaako ng may akda, at siya ay nakikiusap sa lahat ng mambabasa na patawarin siya, at hinihingi ang pagpapatawad ng Allah, ang Mahabagin.
Nawa'y ang Pagpapala at Awa ng Dakilang Allah ay mapasa kay Propeta Muhammad (ﷺ) ang sagka at huling Sugo ng Allah sa Sangkatauhan, sa kanyang pamilya, sa kanyang mga kasamahan at sa lahat ng mga tumatahak sa tamang landas hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Abdurrahmaan al-Sheha
Ang Kahulugan ng Islam
Ang salitang Islam ay nangangahulugan ng pagsuko at pagtalima sa Allah, (ang Pinakamakapangyarihan, ang Tagapaglalang at Panginoon ng lahat ng nilikha), ng buong pagkatao at kaluluwa, sa pamamagitan ng pagtalima sa lahat ng ipinag-uutos at ipinagbabawal sa Kanyang ipinahayag na batas, sa pagtupad at buong pusong pagsunod sa Kanyang Kagustuhan at Pagpapasiya, at sa pagtanggap sa lahat ng kapalaran na itinalaga ng Dakilang Allah para sa tao sa daigdig. Ang Allah ang Pinakamapagbigay at Pinakamaawain na Siyang nakakaalam sa nararapat na kailangan ng tao, na nagpapatupad sa lahat ng mabuti at nagpapaala-ala laban sa lahat ng kasamaan. Samakatuwid ang Kanyang Batas na ipinahayag ay ganap para sa pandaigdig na pangangailangan, karapatan at pananagutan ng tao. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur'an tungkol kay Propeta Ibarahim (u) (Abraham):
"Pagmasdan! Nang ang kanyang Panginoon ay magwika sa kanya: 'Pasakop'. Siya ay nagwika: 'Ako ay nagpapasakop sa Panginoon at Tagapagtaguyod ng lahat ng mga nilalang." (Qur'an 2:31)
Ang kahulugan ng salitang 'Salam' ay 'Kapayapaan' at ito ay nanggaling sa tatlong letrang Arabik na ugat na 'SLM' katulad ng salitang Islam. Ang 'Salam' ay isa sa mga Katangian ng Allah, kaluwalhatian sa Kanyang mga Pangalan at Katangian at Dakila ang Kanyang Kamaharlikaan, katulad ng nakasulat sa Banal na Qur'an:
"Siya ang Allah, wala ng iba pang diyos maliban sa Kanya; ang Hari, ang Banal, ang pinagmumulan ng Kapayapaan (at Kaganapan), ang Tagapagbigay ng Kapanatagan, ang Tagapagbantay, ang Makapangyarihan, ang Tagapagpasunod at hindi Mapaglalabanan, ang Kataas-taasan. Luwalhatiin ang Allah! Higit Siyang mataas sa lahat ng kanilang mga iniaakibat na mga katambal sa Kanya." (Qur'an 59:23)
Ang 'Salam' ay isa rin sa mga pangalan ng Jannah (Paraiso). Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagsabi sa Banal na Qur'an:
"Mapapasakanila ang Tahanan ng Kapayapaan (Paraiso) na iginawad ng kanilang Panginoon. At Siya ang kanilang magiging Tagapagtanggol na Kaibigan, dahil sa kanilang mabubuting gawa." (Qur'an 6:127)
Ang pagbati sa isa't-isa ng mga naninirahan sa Paraiso ay 'Salam' kapag makatagpo nila ang kanilang Panginoon, ang Allah katulad ng sinabi sa Banal na Qur'an:
"Ang pagbati nila sa Araw ng kanilang pakikipagtipan sa Kanya ay "Salaam" (Kapayapaan)! at inihanda na Niya sa kanila ang isang nag-uumapaw na Gatimpala." (Qur'an 33:44)
Ang mga Muslim ay nagpapalitan ng dalisay at marangal na pagbating, 'As-Salaamo A'laykum" ('Mapasainyo nawa ang Kapayapaan') kapag sila ay nagtatagpo, kung nagkakasalubong at kung sila ay nagtatawagan. Kahit na walang makitang tao sa pagpasok ng isang Muslim sa kanyang tahanan, siya ay nagsasabing 'As-Salaamo A'laykum' dahil binabati niya ang mga anghel na kasalukuyang naroroon. Ang uri ng pagbating ito ay nagpapaginhawa sa puso mula sa lahat ng klaseng poot at sama ng loob at matinding galit na kinikimkim ng mga tao, at pinapalitan ng magandang kalooban, pagbibigayan ng paggalang, katahimikan, kapanatagan at kaligayahan. Kalimitan ang mga Muslim ay nagbabatian sa bawat isa sa pamamagitan ng buong pagbati ng, 'As-Salaamo A'laykum wa Rahmatullahi wa Barakatoh' ('Mapasainyo nawa ang Kapayapaan, Pagpapala at Habag ng Allah'.)
Sa isang tradisyon (hadith) ng Propeta (ﷺ) makikita natin ang mga salita ng Sugo ng Allah (ﷺ) na siyang nagpalaganap sa pagbating ito mula sa gitna ng mga kaugalian ng mga may ganap na pananampalataya.
"Hindi ka makakapasok sa Paraiso hanggat hindi ka magkakaroon ng ganap na pananampalataya, at hindi ka magkakaroon ng ganap na pananampalataya hanggat hindi magmahalan ang bawat isa sa inyo. Kayo ba ay aking gagabayan sa isang bagay na kung ito ay inyong maipanatili sa bawat isa sa inyo, kayo ay magmamahalan sa bawat isa? Magpalaganap ng pagbating 'Salaam' (Kapayapaan) ng higit sa makakaya ninyo sa bawat isa sa inyo (sa inyong pamayanan)." (Muslim)
At sinabi ng Sugo ng Allah (ﷺ):
"Lubos na mag-alay ng pagkain sa iba; magsimulang bumati ng 'salaam' (kapayapaan) sa bawat isa sa inyo para sa mga kakilala ninyo at sa mga hindi ninyo kakilala." (Bukhari at Muslim)
Ang layunin ng Islam ay upang lagi ang pagsisikap na mapaligaya ang Allah, ang Naglalang at Panginoon ng mga Daigdig, sa pamamagitan ng pandaigdigang kabutihan at mga makatarungang gawain. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
"O Angkan ng Kasulatan! Ngayon ay dumatal sa inyo ang Aming Sugo (Muhammad) na nagpapaliwanag ng mabuti sa inyo ng mga bagay na inyong itinatago mula sa Kasulatan, at hinahayaan at dinadaan-daanan lamang. Katotohanang dumatal sa inyo mula sa Allah ang isang liwanag at isang maliwanag na Aklat na sa pamamagitan nito ang Allah ay namamatnubay sa mga naghahanap ng Kanyang mabuting kasiyahan sa mga paraan ng kapayapaan, at sila ay Kanyang iniahon mula sa kadiliman tungo sa liwanag (ayon) sa Kanyang kapahintulutan at Kanyang pinatnubayan sila sa Matuwid na Landas." (Qur'an 5:15-16)
Ang Islam ay binubuo ng ganap at malawak na kahulugan ng kapayapaan na sumasaklaw sa kalooban at pang-kaluluwang kapayapaan at para sa kapayapaan ng kapwa at sa mga mamamayan. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang tunay na Muslim ay yaong ligtas ang ibang tao sa kanyang mga pang-aabuso at pagtuligsa mula sa kanyang dila at mga kamay, ang isang ‘Muhaajir’ (ang taong lumikas sa pook na walang paniniwala at nagtungo o lumikas sa pook na may paniniwala) ay siyang tumalikod sa mga masasamang gawain.” (Bukhari at Muslim)
Karagdagan dito, sakop ng Islam ang pangkalahatan at pandaigdigang kapayapaan para sa lahat ng tao. At sa dahilang kasama sa prinsipyo nito ang tibay, damayan, pagpipitagan at hindi umaaway sa mga taong payapang sumusunod sa makatwirang kasunduan lalo na sa mga taong may paniniwala sa mga naipahayag na Relihiyon mula sa Dakilang Allah bilang kanilang batayan sa pamumuhay katulad ng mga Kristiyano at mga Hudyo.
"O kayong nagsisisampalataya! Magsipasok kayo sa Islam (pagsunod, pagtalima at pagsuko sa lahat ng mga kautusan ng Allah) ng lubos at buong puso at huwag ninyong sundin ang mga yapak ni Satanas, sapagkat tunay ngang siya ang inyong lantad na kaaway! (Qur'an 2:208)
Ang pag-anyaya ng Islam, sa pandaigdigan Relihiyon ng Allah(Y), ay para sa lahat. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur'an:
"Sabihin (O Muhammad): 'O Sangkatauhan! Katotohanang ako ay ipinadala sa inyong lahat bilang Sugo ng Allah…" (Qur'an 7:158)
At sinabi Niya (Y):
"Katotohanan, ang Relihiyong tatanggapin ng Allah ay Islam…" (Qur'an 3:19)
At sinabi rin Niya (Y):
"At sinuman ang maghanap ng ibang Relihiyon maliban sa Islam, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kanya, at sa Kabilang Buhay, siya ay isa sa mga talunan." (Qur'an 3:85)
SSSS Ang Maling Pakahulugan na ang Islam ay Lumaganap sa Pamamagitan ng Tabak
Isang kuro-kuro, na itinaguyod ng mga hukom ng mga kaaway na hindi inalam ang pinagmulan ng kuwento na walang kinikilingan ngunit isinaayos ang lumang propaganda nang paulit-ulit, ang maling pagbibintang na ang Islam ay lumaganap sa pamamagitan ng pamimilit at pamumuwersa. Maraming talata sa Banal na Qur'an ang magpapabulaan sa napakasamang paninirang puri na ito. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur'an:
"Walang pamimilit sa pananampalataya. Katotohanan, ang Tamang Landas ay naiiba sa maling landas. Sinuman ang hindi manampalataya sa Taghoot (Satanas, mga diyus-diyosan, idolo atbp.) at manalig sa Allah ay nakahawak ng tunay na mapagkakatiwalaang tangan na hindi masisira. At ang Allah ang Nakakarinig at Nakababatid ng lahat ng bagay." (Qur'an 2:256)
At sinabi rin ng Dakilang Allah:
"At kung ninais lamang ng inyong Panginoon, ang lahat ng tao na nasa kalupaan ay sasampalataya nang sama-sama. Kaya't iyo bang pipilitin ang sangkatauhan (O Muhammad), ng laban sa kanilang kalooban, hanggang sila ay maging mananampalataya." (Qur'an 10:99)
Ang Dakilang Allah ay nagsabi rin:
"Sabihin: 'Ang Katotohanan ay mula sa inyong Panginoon.' At kung sinuman ang magnais, hayaan siyang manampalataya at kung sinuman ang magnais, hayaan siyang huwag manampalataya. Katotohanang Aming inihanda sa mga Zalimun (mga mapagsamba sa mga diyus-diyusan, pagano, tampalasan) ang apoy na ang mga dingding nito ay nakapalibot sa kanila. At kung sila ay hihingi ng tulong, sila ay bibigyan ng tubig na tulad ng kumukulong langis na babanli sa kanilang mukha. Kakilakilabot ang inumin dito at isang masamang paninirahan o pahingahang lugar." (Qur'an 18:29)
Sinabi rin ng Dakilang Allah:
"At kung sila ay tumalikod, ang iyong tungkulin (O Muhammad) ay upang maiparating lamang (ang Mensahe) sa maliwanag na paraan." (Qur'an 16:82)
Sinabi rin ng Dakilang Allah:
"Kaya't paalalahanin mo sila (O Muhammad), ikaw ay isa lamang (Sugo na) tagapagpaala-ala. Subali't hindi ikaw mamamahala sa kanilang kapakanan." (Qur'an 88:21-22)
Sinabi rin ng Dakilang Allah:
"Sabihin: 'Sundin ninyo ang Allah at sundin ang Sugo, datapwa't kung kayo ay magsitalikod, siya (ang Sugo na si Muhammad) ay may pananagutan lamang sa tungkuling iniatang sa kanya, at ang sa inyo ay kung ano ang iniatang sa inyo. At kung kayo ay susunod sa kanya, kayo ay malalagay sa tamang patnubay. Ang tanging tungkulin ng Sugo ay upang ipaabot sa inyo (ang mensahe) sa maliwanag na paraan." (Qur'an 24:54)
At sinabi rin ng Dakilang Allah:
"At sinuman sa mga paganong mapagsamba sa mga diyus-diyosan ang humingi ng iyong pangangalaga, kung gayon, iyong gawaran siya ng pangangalaga upang kanyang marinig ang Salita ng Allah, at iyong samahan siya sa lugar na siya ay magiging ligtas. Sapagkat sila ay mga tao na walang kaalaman." (Qur'an 9:6)
Ang mga nabanggit sa itaas at marami pang ibang talata sa Qur'an at sa mga katuruan mula sa mga tradisyon ng Propeta (ﷺ) ay maliwanag na iniulat na walang sapilitan o puwersahan sa Relihiyon; walang sinuman ang maaaring pupuwersahin laban sa kanyang kalooban upang siya ay yumakap sa Islam. Ang pananampalataya ay nararapat na kusang-loob at batay sa matatag na paniniwala mula sa puso, kasunod nito ang pagpapatunay sa tamang pananalita at mabuting gawa. Ang panunumpa sa pananalig o kredo ng Islam na, “LA ILAHA ILLALLAH” (Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah) na nagmumula lamang sa bibig ay hindi sapat na patunay bilang isang mananampalataya, subali't, kung ito ay sinabi mula sa kaibuturan ng kanyang puso at paniniwala, ang isang tao ay kaagad-agad magiging isang Muslim. Katulad ng pagsabi ng Dakilang Allah tungkol sa mga 'Bedouin' na nagkukunwari na sila ay naniniwala sa pananalita ngunit walang matibay na pananalig.
"Ang mga Bedouin (mga Arabong nananahan sa disyerto) ay nagsasabi: 'Kami ay sumsampalataya.' Sabihin: 'Kayo ay hindi sumasampalataya,' bagkus ay nagsasabi lamang ng: 'Kami ay nagsuko ng aming kalooban sa Allah (sa Islam)', sapagkat hindi pa pumasok ang pananampalataya sa inyong puso. Datapwa't kung inyong susundin ang Allah at ang Kanyang Sugo, hindi Niya mamaliitin ang inyong mga gawa at hindi babawasan ang inyong gantimpala. Katotohanan ang Allah ay ang Mapagpatawad, ang Pinakamaawain." (Qur'an 49:14)
Batid natin na hindi maaaring pilitin ang isang tao na baguhin kung ano ang nasa kaibuturan ng kanyang puso, at maaaring ang isang tao ay magsasabing pakunwari mula sa kanyang dila na siya ay naniniwala ngunit ito'y walang katiyakan: ito ay hindi Islam o Islamikong paniniwala. Sa ganitong katwiran ang Dakilang Allah ay nagsabi tungkol sa isang napilitang tumalikod sa Islam dahil sa labis na pagpapahirap sa kanya:
"Sinuman ang magtakwil sa pananampalataya matapos na siya ay manampalataya, maliban sa kanya na sapilitang pinagawa dito at ang puso ay nakasadlak sa Pananalig, - subali't sila na naglantad ng kanilang dibdib sa kawalan ng pananalig, - sasapit sa kanila ang Poot ng Allah, at sasakanila ang matinding kaparusahan." (Qur'an 16:106)
Malalantad ang kawalan ng paniniwala kapag binuksan ang puso mula sa kawalan ng pananampalataya (ng walang pagbibiro) na maluwag sa kalooban, at sa ganitong batayan, ang isang tao ay magsasalita ng kasamaan at gagawa ng krimen laban sa Allah at laban sa mga Kapahayagang patnubay mula sa mga Sugo at magiging 'apostate' (tumalikod ng ganap sa Relihiyon) pagkaraang siya ay naniwala (isang Muslim).
Ang isa pang paratang (patungkol sa itaas) na ang Islam ay lumaganap sa pamamagitan ng puwersa ng sandata at digmaan. Isang matibay na paniniwala na kahit na anong uri ng sistema o pamahalaan, kahit ano pa ang batayan, kinakailangan dito ang makapangyarihang lakas upang ipagtanggol ang mga tagasunod, pangalagaan ang karangalan, ipalaganap ang alituntunin, tiyakin ang makatarungang pagpapairal ng kanyang batas, at ang magpatupad ng pantay na pagsasagawa ng legal na kaparusahan laban sa mga kriminal at sa mga nagrebelde laban sa pamahalaan. Katulad ng paglalahad sa isang tradisyon ng Propeta(ﷺ):
“Katotohanan, ang Allah ay nagpapaalaala sa karapatan ng mga pinuno, ng higit sa pagpapaalaala sa Banal na Kapahayagan – ang Qur'an." (i.e.: higit na ipinapatupad ang makatarungang pagpaparusa kaysa sa maka-Diyos na pagbasa ng kasulatan). (al-Hindi, Kanz-ul-Aámaal)
Tayo ay sumulyap sa mga unang panahon ng Islam at ang kanyang kahanga-hangang paglaganap sa mga lugar na kilala sa mundo upang ating suriin ang katotohanan sa mga paratang batay sa mga kasulatang makatotohanan ng kasaysayan. Ang Sugo ng Allah na si Muhammad (ﷺ), pagkaraan naibigay sa kanya ang karapatan mula sa Dakilang Allah, ang kanyang pagiging Sugo upang maipahayag at maipalaganap ang banal na mensahe ng Islam, ay nanatili siya sa sagradong siyudad ng Makkah ng labing-tatlong taon sa kanyang pag-anyaya sa Islam sa mga mamayan ng tribo ng Quraish at sa mga bisita sa Makkah. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang maipaalam at maibigay ang mensahe ng Qur'an at ang mga tradisyon (Sunnah), na dito nakaranas ng mga maling pagpaparatang, paninirang puri, pagmamalupit, pang-aapi, pangtanggi, pagbabanta at malupit na pagsalakay ng kanyang mga mamamayan. Ang mga niniwala ay nakiramay sa kanyang paghihirap, at sa dahilang hindi pa siya napag-utusan sa panahong iyon ng Dakilang Allah na lumaban sa mga nang-aabuso, ang kanyang mga tagasunod ay nagbata at nagtiyaga at nagdusa sa pinakamataas na uri ng pagmamalupit ngunit sila ay nagpigil sa kanilang mga kamay at nanindigan sa panuntunan ng mapayapang pagsasagawa ng kanilang layunin. Marami sa kanila ang pinahirapan at ang mga iba sa kanila ay naging martir para sa kanilang pananampalatayang Islam. Ang kahalagahan ng mga matatapang na kaluluwa ay napatunayan sa pagsaksi sa mahabang panahong paghihirap ng kanyang mga tagasunod na nagbata sa marahas na pagsubok. Pinaginhawa ng Propeta ang paghihirap ng kanyang kasamang si Ammar ibn Yasir (t) at ng kanyang mga magulang (na ang kinahinatnan ay sila ang naging unang mga martir sa Islam)… sa pagsabi ng mga sumusunod na pangungusap;
“Maging matiisin, O pamilya ng mga Yaser! Ang Paraiso ay ang inyong magiging permanenteng tahanan." (Al-Hakim)
Pinayagan ng Propeta (ﷺ) ang kanyang mga tagasunod na gustong lumikas sa Etiyopia upang makaiwas mula sa pang-aapi at pagpapahirap. Sila ay nakatagpo ng kanlungan sa ilalim ng pangangalaga ng isang makatwirang namumuno sa panahong iyon na si Najashi, na tuluyang yumakap sa Islam. Kahit na sa ganitong napakasamang pangyayari ang Allah, ang Pinakamaalam at Pinakamaawain, ay nag-utos sa Kanyang Sugo na si Muhammad (ﷺ) na maging matiisin, mahinahon at mapagparaya sa kanyang mga mamamayan habang nagpapalaganap ng mensahe. Mayroong mga naulit na halimbawa sa kanyang pagiging sobrang pagkamaawain, mahabagin, kadakilaan at pakikiramay sa harap ng walang tigil na karahasan at pananalakay. Ang Propeta (ﷺ) at ang kanyang mga kasamahan ay tumayo ng matatag sa kanilang paniniwala at pagpapalaganap ng mensahe sa pagsunod sa kautusan ng Dakilang Allah katulad ng sumusunod:
"Kaya't maging matiyaga ka (O Muhammad) na katulad rin nang ginawa ng mga Sugo na may matatag na hangarin, at huwag kang mawalan ng pasensiya sa mga hindi sumasampalataya. Sa araw na kanilang mamamasdan ang kaparusahan na ipinangako sa kanila, (ie: tinakot, at sa wari bang) parang sila ay hindi man lamang nagtagal ng isang oras sa buong maghapon. Ang iyong tungkulin ay upang ihatid lamang ang Paala-ala (ang Qur'an at Hadith). Datapwa't walang mawawasak maliban sa mga mapanghimagsik (sa Allah)." (Qur'an 46:35)
At lagi niyang ipinagdarasal ang patnubay ng kanyang mga kasamahan ng ganito: "O Allah! Patnubayan Mo ang aking mga mamamayan, dahil hindi nila nauunawaan!"
Ang Propeta (ﷺ) ay tuloy-tuloy ang pagpapalaganap ng mensahe sa Makkah. Siya ay naghanap sa mga tribo-tribo ng sinumang maaaring makatulong at magtatanggol sa kanya. Ipakikilala niya ang kanyang sarili at ang kanyang misyon sa mga bumibisitang mga tao at sa mga tribo ng Makkah sa panahon ng kasikatan ng mga palengke ng mga Arabo. Nagkataon na ang isang grupo ng tao mula sa lunsod ng Yathrib (tinatawag ngayong 'Madinah' ang lunsod ng Propeta,ﷺ) ay naniwala sa Mensahe ng Islam. Ibinigay nila ang kanilang pangako ng katapatan upang tulungan at ipagtanggol siya katulad ng kanilang pagtatanggol sa kanilang sariling ari-arian, kayamanan, karangalan, katapatan at sambahayan, at kung siya ay hihingi ng kanlungan at mandayuhan kasama ang kanyang mga mananampalataya sa kanilang sariling lunsod. Kaalinsabay nito ang pagmamalupit sa Makkah na humantong sa mapanganib at peligrosong yugto na ang mga pinuno ng mga tribo ng Quraish ay nagsabwatan na patayin ang Propeta (ﷺ). Ang pangyayaring paglikas (sa Madinah) ay naging isang malaking pagbabago sa kasaysayan ng Islam, dahil sa Madinah naitayo ang unang Masjid (Moske). Ang pangkapatiran ng mga Muslim ay umundlad at lumago hanggang ang Islamikong Estado ay naitatag dahil sa kanyang personal na pamamahala at patnubay.
Malalaman natin na si Propeta Muhammad (ﷺ) at ang kanyang mga tagasunod ay hindi kailanman nagpadanak ng dugo sa kanilang paghihiganti sa mahabang panahon ng pagpapahirap at pang-aapi sa lunsod ng Makkah dahil siya ay hindi pinag-utusang lumaban, manapay naging mapagpasensiya at matiyaga. Ang digmaan at ang labanan ng may armas mula sa kabig ng mga Muslim ay nagsimula pagkaraan ng dalawang taon niyang paglikas mula sa Makkah papuntang Madinah, na noon ang mga taga tribo ng Quraish ay natakot sa pangingibabaw at sa pagpapatuloy na paghadlang ng Islam sa daan ng mga nang-aapi at pagkaraan naubos ang paghahanap ng lahat ng mapayapang pamamaraan.
Mula noon ang bayan ng Madinah ay dinadaanan ng mga karaban ng mga negosyanteng nagmumula sa tribo ng Quraish papunta sa kalakhan ng Sirya. Ang unang paglalaban ay nangyari noong naka-enkuwentro ng Sugo ng Allah (ﷺ) ang pang-komersyong karaban na pinamumunuhan ng magiting na taga Quraish na si Abu Sufyan (t). Binalak ng Propeta (ﷺ) na magpataw ng isang uri ng pagpapahintulot para sa pang-ekonomiya sa mga taga tribo ng Quraish upang payagan siyang mapayapang magpalaganap ng pananampalataya sa ibang tao ng hayagan. Kalakip ng binabalak ay upang mabayaran ang mga mananampalataya sa kanilang ari-arian, pag-aari at kayamanan na hindi makatarungang kinumpiska ng mga Quraish sa Makkah bago sila lumikas (sa Madinah). Ang mga karaban ay nakaiwas sa pagtambang datapwa't ng malaman ang pangyayari, ang mga pinuno ng mga Quraish ay naghanda ng kaukulang laki at lubos sa gamit na hukbo na aatake sa mga Muslim. Ang kinalabasan ay ang unang masidhing digmaan na nangyari sa lugar na Badr. Subali't ang mas maliit at walang mga gamit na mga Muslim na mayroong bilang na puwersang 313 na nakipaglaban ay nilupig ang mga mayayabang na hukbo ng Quraish sa nakakahiyang pagkatalo. Ang Allah, ang Dakila at Kataas-taasan ay inilarawan ang makatwirang pangyayari sa digmaang ito:
"Sila na itinaboy sa kanilang mga tahanan ng walang katarungan sapagkat sila ay nagtatanggol sa karapatan at nagsasabi ng: 'Ang aming Panginoon ay ang Allah.' At kung hindi lamang sa pagsalangsang ng Allah sa ibang mga tao sa pamamagitan (rin) ng iba, ay marami ang mawawasak na mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga moske, kung saan ang Ngalan ng Allah ay ginugunita nang masagana. Katotohanan ang Allah ay tutulong sa mga tao na tumutulong sa Kanyang Kapakanan. Katotohanan ang Allah ang Ganap na Malakas, ang Lubos na Makapangyarihan. Sila (na mga Muslim), na kung sila ay Aming pagkalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, (sila) ay mag-uutos ng Salah (takdang pagdarasal), at pagbabayad ng Zakah (tulong na pangkawanggawa) at sila ay mag-aanyaya sa lahat ng kabutihan at magbabawal sa lahat ng kasamaan. At sa Allah nakasalalay ang kahihinatnan ng lahat ng mga pangyayari." (Qur'an 22:40-41)
Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"At ano ba ang pumipigil sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa Landas ng Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan nang masama at inaalipusta sa lipon ng kalalakihan, kababaihan at mga bata, na ang panambitan ay: 'Aming Panginoon! Kami ay iligtas Ninyo sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api; at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makapangangalaga, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang makakatulong." (Qur'an 4:75)
Ang Dakilang Allah ay nagsabi rin:
"Makipaglaban kayo alang-alang sa Kapakanan ng Allah sa kanila na nakikipaglaban sa inyo, datapwa't huwag ninyong labagin ang mga hangganan, sapagkat ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamalabis (sa pagsuway) sa hangganan..." (Qur'an 2:190)
Sa lahat ng mga digmaan na sinalian at pinagwagian ng Sugo ng Allah (ﷺ) at ng kanyang mga kasamahan na nangyari sa loob ng dalawamput-tatlong taon sa misyon ng Propeta (ﷺ) sa Makkah at sa Madinah, tatlong daan at pitungpu't limang tao lamang ang nasawi sa mga labanang ito. Noong ika-siyam na taon ng Hijra (Paglikas o 'Immigration') na tinawag na 'Taon ng mga Kinatawan', ang Propeta (ﷺ) ay nakatagpo ng mga humigit-kumulang na isang-daang kinatawan mula sa ibat-ibang tribo ng buong Peninsula ng Arabia upang sumangguni at makipag-unawaan sa Propeta (ﷺ). Sinalubong sila ng may lubos na kagandahang-loob at ng may kadakilaan. Sinagot lahat ang kanilang mga tanong tungkol at may kaugnayan sa Islam na Pananampalataya (Aqeedah) at sa Batas (Shari'ah). Ang karamihan sa kanila ay tunay na humanga sa pag-anyaya ng Propeta(ﷺ) at tinanggap nila ang Islam. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagpadala din ng mga sulat sa mga namumuno sa mga nakapaligid na bansa at inanyayahan sila na tanggapin ang Mensahe ng Dakilang Allah, na babanggitin sa bandang ibaba.
Pagkaraan noon, sa buong buhay ng Propeta (ﷺ), ang buong Peninsula ng Arabia, sa unang pagkakataon sa kanyang kasaysayan, ay nagkaisa sa isang makatarungan at pantay na alituntunin, pangangasiwa sa batas at sa banal na Relihiyon. Ang karamihan sa mga Arabo ay kusang-loob na tinanggap ang Islam ng maramihan pagkaraang narinig ang Qur'an at nang nakita ang Propeta at ng kanyang tradisyon (pamamaraan) pati na ang kanyang mga kasamahan bilang halimbawa. Nasaksihan ang batas ng Islam na may konting pag-aatubili sa mga lipon ng Hudyo at mga Kristiyano (na pinayagan manirahan sa loob ng Islamikong Pamahalaan na taglay ang kanilang dating paniniwala) sa itinakdang kasunduan tungkol sa karapatan at mga ubligasyon katulad ng pagbabayad ng 'Jizya' (tax) kapalit ng pangangalaga ng Pamahalaan (sa kanila) at sa di-paglahok sa serbisyo ng pang-militar. Katotohanan ang rebolusyonaryong pagbabago ay isang himalang tagumpay kung isaalang-alang ang kakaunting pag-aari (ng mga Muslim) nang mangyari ito. Naging panghabang-buhay ang naging bunga nito sa buong daigdig, at ang Allah, ang Dakila, ay ang nagbibigay ng tagumpay sa kaninumang Kanyang nais.
Ang mga napatnubayang mga Kalipa (Namuno), ang mga kasamahan at ang mga napatnubayang hinalinhan ay sumunod sa mga halimbawa ng Propeta nang siya ay namatay at ipinagtatanggol ang bansang Islamiko mula sa mga kaaway. Sinakop ang mga nakapalibot na mapang-aping mga Imperyo na nagtangka sa kanilang pamumuhay. Nagpalaganap ng Islam sa pagsikhay at pagsisikap sa kanilang misyon sa pamamagitan ng kanilang kagalingan, kabutihang-asal at sa makatwirang pakikipag-ugnayan. Ang mga taong ito, sa anumang pamantayan, ang kanilang mga taong nalupig ay mas marami ang bilang at nakakahigit sa mga gamit na pandigma, mga paghahanda at sa pagka-propesyonal na kagalingan sa pakikidigma. Subali't ang kalakasan ng kanilang banal na pananampalataya, misyon at ang nakakahigit nilang moral sa kagandahang-asal ay nakabihag sa puso at isip ng mga pangkaraniwang mamayan bago dumating ang pangangailangan na dapat malupig ang mapang-aping hukbo na ang kanilang kalupitan sa mga mamamayan ay hindi na matiis.
Ang isa sa mga nag-Muslim sa panahon natin, si Basheer Ahmad, ay nagsabi sa paglalarawan ng bagay na ito: 'Isa sa pinakamalaking palaisipan sa akin, at isa sa pinaka-mabigat na pagkabalisa bago ko tinanggap ang Islam at niyakap ko bilang pamamaraan ng buhay, ay ang paratang ng mga Kristiyano na ang Islam ay lumaganap dahil sa talim ng tabak (i.e.: pinapatay daw ang hindi magmu-Muslim?). Samakatuwid, ang tanong ko sa aking sarili, kung ang paratang na iyon ay totoo, bakit napapansin natin na maraming mga tao, sa lahat ng sulok ng mundo, ay nananatiling naninindigan sa Islam at yumayakap dito, sumasama dito at tinatanggap bilang pamamaraan ng buhay? Bakit nakikita natin sa araw-araw na maraming taong yumayakap sa Islam ng walang pamimilit o dahas ng sinuman?' [Paraphrased from Dr. Imad-du-Deen Khalil: “What Do They Say about Islam?” p.295]
Si G. Norman A. Daniel, ay nagsabi sa mga pinagmulan ng mga inimbento nilang alamat, "…Ang Kanluran ay naghubog ng humigit-kumulang na hindi nagbagong batas kanoniko tungkol sa Islam; tiniyak sa kanilang sarili kung ano ang Islam noon… Ang mahalagang bagay ay naangkop sa Kanluran… binigyan ang Kristiyanismo ng pagpipitagan sa pakikitungo sa mga sibilisasyon na nakakahigit sa maraming bagay." [Islam and the West: The Making of an Image, p. 270]
Si De Lacy O'Leary ay nagbigay ng puna sa kamaliang ito: "Ginawang maliwanag ng kasaysayan, gayunman, na ang alamat o pinagmulan ng mga sinasabing panatikong mga Muslim na lumaganap sa buong mundo at pinilit ang Islam sa pamamagitan ng patalim sa nasakop na mga lahi ay isang pinaka-kakatwang walang katotohanan na alamat na inuulit-ulit ng mga mananalaysay." [Islam at the Crossroads, London, 1923, p. 8]
Si Dr. Gustav LeBon ay nagsabi sa kanyang aklat na, 'Civilization of the Arabs [p.127–128]': "…ang karahasan ay hindi naging dahilan sa paglaganap ng katuruan ng Koran, at ang mga nasakop ng mga Arabo ay iniwang malaya sa pagsasagawa ng kanilang paniniwalang mga Relihiyon. Kung nangyari na mayroong mga Kristiyanong yumakap sa Islam at ginamit ang Arabik bilang kanilang salita, ay unang-una, dahil sa ibat-ibang uri ng hustisya o katwiran sa mga lugar ng mga Arabong nagwagi, na sa ganitong pamamaraan ang mga di-Muslim ay hindi sanay o bihasa. Maaari din isang dahilan na ang Islam ay mapagparaya at di-mahigpit, na ito ay lingid sa mga ibang Relihiyon." [Paraphrased from Dr.Imad-du-Deen Khalil: “What Do They Say about Islam? p.314]
Sinabi rin niya na: "…ang mga unang Kalipa… ay lubhang mababait sa kanilang pakikitungo sa mga taong taga Sirya, Ehipto, Espanya at sa ibat-ibang bansa na kanilang napasuko, iniwan silang nagsasagawa ng dati nilang mga batas at alituntunin o paniniwala at pinatawan lamang ng pagbabayad ng maliit na halaga ng 'Jizya' para sa kanilang pangangalaga at pag-iingat upang maging mapayapa na kasama nila. Sa katotohanan, ang mga ibang bansa ay hindi nalaman ang pagiging mahabagin at mapagparayang mga nanakop katulad ng mga Arabo."
Kung ang Islam ay lumaganap bilang bunga ng digmaan laban sa mga Muslim mula sa mga kaaway na nagbanta sa kanilang buhay, at ang pagkatalo ng mga nanakop at ang kinalabasan ay ang pagiging bulok ng kanilang pamahalaan, ito ba ay naiiba sa kasaysayan, lalo na kung ikukumpara sa mga ibang kabihasnan? Ang tunay na naiiba sa Islamikong pananakop ay ang kanilang layuning pagpapalaya sa mga karamihang naaapi, katulad ng tanyag na kasagutan na ibinigay sa Emperador ng Persiya ng mga kasamahan ng Propeta (ﷺ) nang sila ay tanungin kung ano ang idinulot ng mga Muslim sa kanilang mga lupain, katulad ng naisulat sa mga aklat ng kasaysayan: "Isinugo kami ng Allah upang kunin ang sinuman mula sa pagkaalipin ng ibang mga tao, tungo sa pagpapaalipin sa pagsamba sa Allah, mula sa pagkabilanggo sa mundong ito tungo sa malawakang kalayaan (na siyang idinulot ng Islam sa mundong ito at sa Kabilang Buhay), at mula sa kawalan ng katarungan sa lahat ng pamamaraan ng buhay (ng mga makamundong namumuno) tungo sa katarungan ng Islam." [tingnan: 'Ibn Katheer, Bidayah wa Nihayah'].
Sa tuwirang kabaligtaran sa mga karamihang halimbawa ng mga patayan, mga panggagahasa, mga pandarambong, at ang mga walang katarungang nabanggit sa kasaysayan sa (pahinang) pagpapakilala (sa aklat na ito), ay hindi natin maihahambing ang pangyayari sa kasaysayan nitong pananakop noong unang panahon ng Islam. Si G. Thomas Carlyle, sa kanyang tanyag na sunod-sunod na mga panayam, ay nagpaliwanag tungkol sa paglaganap ng Islam katulad ng mga sumusunod: "Sobra na ang pagbanggit sa Relihiyon ni Mahomet na sinasabing lumaganap sa pamamagitan ng tabak. Walang pagdududa na higit na dakila ang ating pagmamalaki sa Kristiyanong Relihiyon, na ito ay lumaganap sa sarili nitong may kapayapaan sa paraan ng pagpapalaganap at matibay na pananalig. Subali't sa kabila ng lahat, kung ating pag-uusapan ang katotohanan o kamalian ng isang Relihiyon, mayroong sukdulang kamalian dito. Sa katunayan tungkol sa tabak, saan kukunin ang tabak! Lahat ng bagong pagpapalagay, sa kanyang umpisa ay tiyak na sa maliit na bilang. Sa isip na lang ng isang tao, doon tumatahan muna. Isa lamang sa buong mundo ang naniniwala dito; may isang tao laban sa lahat ng tao. Na siya ay kumuha ng tabak, at nagtangkang magpalaganap sa pamamagitan nito, may magagawang kaunti para sa kanya. Kumuha ka muna ng iyong tabak! Sa kabuuan, ang isang bagay ay magpaparami ng sarili niya sa kanyang kakayahan. Hindi natin makikita, kahit na sa Relihiyon ng Kristiyano na lagi ang paghamak sa tabak, kung ang isang tao ay mayroon nito. Ang kombersyon ng mga 'Saxon' ay hindi sa pamamagitan ng pangangaral ni G. Charlemagne. Hindi ko binibigyang halaga ang tabak; hahayaan ko ang isang bagay na magsikap ang sarili sa mundong ito, kahit na sa anumang tabak o dila o mayroong siyang maisakatuparan o mailatag na panghahawakan. Hahayaan natin siyang mangaral, magbigay ng polyeto, at makipaglaban, at gawin ang lahat ng magagawa, sa pamamagitan ng tuka at kuko, kung anuman ang nasa kanya, makakasiguro na sa bandang huli, makakasakop siya nang hindi dapat sakupin. Kung ano ang mabuti sa kanyang sarili, ay hindi maitatapon kung hindi ang isang bulok lamang. Sa dakilang Duwelo, ang Kalikasan mismo ay ang reperi, at hindi makakagawa ng kamalian; ang isang bagay na nagkaugat na ng malalim sa Kalikasan, na siyang matatawag nating –tunay-, ang bagay na ito at hindi ang iba ang siyang makikita nating tutubo sa bandang huli." [‘Heroes, Hero Worship, and the Heroic in History,’ Lecture 2, Friday, 8th May 1840]
Sa paghahambing sa itaas, kumuha tayo ng mga pahayag mula sa bibliya at basahin kung ano ang pinanghahawakan ng mga Hudyo at Kristiyano bilang sagrado at banal na patnubay tungkol sa kaasalan sa digmaan, at siyang nagbungsod sa kanila sa pagpapalawak at pananakop. Mababasa natin sa Aklat ng Deuteronomio:
“10. Kapag malapit ka na sa lunsod na iyong kukubkubin, alukin mo muna ito ng kapayapaan. 11. Kung tanggapin nito ang kapayapaan at buksan sa iyo ang mga pintuan, magiging trabahador mo ang lahat ng taong naroroon at maninilbihan sila sa iyo. 12. Kung tanggihan naman nila ang alok mong kapayapaan at makipaglaban sa iyo, kubkubin mo ang siyudad. 13. At kapag ibinigay iyon sa iyong mga kamay ng iyong Diyos, pagtatagain mo ng tabak ang lahat ng lalaki. 14. Ang mga babae lamang at mga bata, ang mga hayupan at lahat ng iba pang nasa siyudad ang masasamsam mo para sa iyo. At kakanin mo ang mga nasamsam sa iyong mga kaaway na ibibigay sa iyo ng Diyos mo. 15. Ganito ang gagawin mo sa lahat ng lunsod na napakalayo sa iyo, na hindi mga siyudad ng lupaing aangkinin mo. 16. Ngunit sa mga lunsod ng lupaing ibinibigay sa iyo ng iyong Diyos bilang pamana, wala kang iiwang buhay. 17. Lipulin mo silang lahat ayon sa batas ng Anathema – ang mga Heteo, Amorreo, Kananeo, Parezeo, Heveo at Hebuseo – tulad ng iniutos sa iyo ng Diyos mo." [Deuteronomy 20: 10-17]
Sa pagsakop sa siyudad ng Jerico at sa kapalaran ng mga dukhang naninirahan doon, mababasa natin ang:
"Tumunog ang mga tambuli at sumigaw ang mga tao. Noon din ay gumuho ang muog ng lunsod at pumasok ang bawat isa sa lunsod sa dakong katapat niya. Sinakop nila ang siyudad (Jerico) at pinatay nila sa tabak ang lahat ng lalaki't at babae, bata man o matanda, kasama ang mga baka, tupa at asno (dahil sa banal na sumpa) sa pamamagitan ng tabak." [Yusha' 6/20-21]
Sa lunsod ng Muqeideh at Labneh, pareho ang ginawa nila katulad sa Jerico.
"Noong araw ding iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinatay niya sa tabak ang hari at ang mga mamamayan. Inihandog niya sa Diyos ang lahat ng naroroon at wala siyang pinaligtas. Ginawa niya sa hari ng Makeda ang ginawa niya sa hari ng Jerico." [Yusha' 10/28]
Isang nakakalitong pahayag sa ebanghelyo ni Mathew sa salita ni Hesus (u) ay mababasa natin:
“Huwag ninyong isipin na dumating ako para magdala ng kapayapaan sa lupa, hindi kapayapaan ang dala ko kundi tabak." [Mateo 10:34; at ihambing sa Lucas 22:36]
"At sinabi ni Hesus: 'Ngayon naman, magdala ang may pitaka gayon din ang may bag; at kung may walang tabak, ipagbili niya ang kanyang balabal para bumili." [Lucas 22:36]
Ano ang tabak na ito? Sino ang may kapangyarihan na itaas ito? Ito ay hindi maliwanag at mainit na pinagtatalunan. Maaaring ito ay maitataas sa kanyang ikalawang pagdating. Hanggang si Constantine na nagmalupit sa mga naunang minoryang Kristiyano ay waring nagpasiya sa walang dahas o kalupitan at naghintay sa nalalapit na pagbabalik, subali't pagkaraan niyon, ang mga 'Trinitaryang Kristiyano' ay naging opisyal na Relihiyon ng bansa noon pagkatapos ng pamamahala ni Constantine, ang tabak ay nahinang sa Estado, at ang mga namumunong Kristiyano mula noong unang panahon ay pinangunahan ang maraming digmaan at nanlupig sa ngalan ng Relihiyon. Ang Kristiyanong prinsipyo ng pagkamasunurin sa kaninumang may kapamahalaan ay batay sa pakahulugan na pahayag ni Hesus (u) na sinabi, "Ibigay ang kay Caesar". Ito ay higit na ipinaabot ng mga Kristiyanong Teologo upang gawing makatwiran at iaayon sa batas ang karapatan ng banal na tuntunin at pagkaraan, kahit na pambansang patakaran o walang kaugnayan sa Relihiyon na alituntunin, batay sa doktrinang 'Pauline' katulad ng pagdambana sa ipinag-utos nito:
“Ang bawat isa ay nararapat pasakop sa mga may kapangyarihan, dahil walang kapangyarihan na naitatag na hindi galing sa Diyos. Ang mga kapangyarihan na umiiral ay itinatag ng Diyos." [Romans 13:1]
Ang pahayag at ang katotohanan sa itaas ay maaaring maitulad sa mga ibang patnubay mula sa Aklat ng Allah (Y), ang Qur'an, at ang pamamaraan ng Propeta (ﷺ), ang kanyang Sunnah, upang magbigay ng karagdagang katibayan na totoong ang Islam ay ang Relihiyon ng kapayapaan, sa kabila ng katotohanan na ang mga ibang di-masunuring mga Muslim ay pinasama, sa salita at sa gawa, ang larawan ng Islam, at sa kabila ng mga nakakalason na propaganda, paninirang puri at ang mga kakatwang walang katotohanang impormasyong inimbento at ipinamahagi ng mga kaaway ng Islam sa kanilang kilusan laban sa Islam at sa mga Muslim.
Hindi namin ipinagkakaila ang mga pagkalihis at ang mga walang katarungang ginagawa paminsan-minsan ng mga ibang Muslim, subali't ang pangkalahatang tangay ng pangkasaysayan kalakaran ay ang aming katibayan, katulad ng nakasulat sa itaas. At kaakibat ng pangungusap na ito maaaring magbigay ng mahalagang karagdagang halimbawa, dahil nagpapakita sila ng pangkalahatang disenyo. Ang mga Kristiyanong manlulupig ng 'Jerusalem' ay pinatay lahat ang mga Hudyo at Muslim na naninirahan dito, datapwa't ang pagsakop ulit sa 'Jerusalem' ni Salahudeen Al-Ayubi ay masasabing kapuri-puring halimbawa bilang kadakilaan at kabutihang-loob. Kabaligtaran naman ang mga pangyayari sa Andalus (Mga Muslim sa Espanya) at sa Anatolia (Asia minor). Pinaalis ng mga Kristiyano ang mga Muslim at mga Hudyo mula sa Espanya at ang mga iba ay isinailalim sa tabak at ang mga iba ay pinilit na sumampalataya sa Kristiyanismo noong kapanahunan ng nakakahiyang Matingding Pagtatanong – ("Inquisition"), ang pangkaraniwang pagtrato sa mga Muslim sa ilalim ng pamamahala ng mga Kristiyano. Sa panahong ding iyon nasakop ng mga Muslim ang karamihan na may lahing 'Turkish' ang tinatawag ngayong 'Turkey', at kung ihahambing sa iba sila ay higit na mapagpaubaya, at hanggang sa araw na ito doon parin nakatayo sa Istanbul ang simbahan ng 'Eastern Orthodox' (ang nalupig na Constantine). Ang bantog na taga Silangan na si 'Sir Thomas Arnold' ay tinanggihan ang masamang propaganda tungkol sa Islam at nagsabing: "…ano man ang pagtatangkang binuo upang sapilitang ibigay ang Islam sa mga di-Muslim na pamayanan, o kung anuman ang pamamaraan o ang sistemang pagpapahirap upang maitatak ang Kristiyanismong Relihiyon, wala kaming narinig. Kung ang mga piniling Kalipa ay isinagawa ang alinman sa dalawang hakbang na ito, maaaring nawalis kaagad ang Kristiyanismo katulad ng madaling pagtataboy nina Ferdinand at Isabela sa Islam palabas sa Espanya, o kaya si G. Louis XIV na nagtakda ng parusa sa mga Protestante sa Pransiya, o ang mga Hudyo na pinalabas at hindi pinapasok sa Inglatera sa loob ng 350-taon. Ang mga simbahan sa silangan ng Asya (Asia) ay ganap na pinutol at nawalan ng komunyon o pakikipag-isa sa lahat ng Kristiyano sa lahat ng dako na walang sinumang nagtangkang tumulong para sa kanilang kapakanan, bilang may paniniwalang erehe o 'heretical communions'. Kaya't ang mismong pagkaligtas ng mga simbahan hanggang sa ngayon ay isang mabigat na katibayan ng pagpaparayang ipinakita ng pamahalaan ni Muhammad para sa kanila. [Sir Thomas W. Arnold: The Preaching of Islam, a history of the propagation of the Muslim faith, Westminster A. Constable & Co., London, 1896, p. 80]
Ang hindi magandang pangyayari sa kasaysayan ay ang pangingibabaw sa mundo ng kasaysayan ng Europa kaysa sa kasaysayan ng Islam, at ang naging reaksiyon kontra sa tuloy-tuloy na paglalaban ng mga sekta ng mga Kristiyano sa Europa ay naging daan sa pagkalikha at pagsimula ng modernong sekularismo sa Europa, ang pagsamba sa mga tao, ang pagkamakabayan, ang di-paniniwala sa Diyos, at nakikita natin na ang mga kalakaran na ito ay siyang mga ugat ng malaking salot sa pulitika at sa lipunan na nakaakit sa mga tao sa panahong ito.
SSSS
Ang Maling Pakahulugan na ang Layunin ng Islam sa Pananakop ay Makamundong Pakinabang
Ang ikatlo at may kaugnayan sa paratang na ang mabilis na pananakop ng Islam, na nagpagulat sa kilalang mundo at ito ang naging dahilan sa paglaganap ng pananampalataya ng mga Muslim sa Silangan at Kanluran, at pinaratangan na ang layunin ay unang-una sa mga nasamsam sa digmaan, kaligayahan sa mundo at karangyaan at karangalan.
Tayo ay magbigay ng ilang katotohanan na nangyari tungkol sa talambuhay ng Propeta (ﷺ) at tungkol sa mga alituntunin ng Islam mula sa kasulatan ng kasaysayan. Si Propeta Muhammad(ﷺ), sa umpisa ng kanyang misyon bilang Propeta at Sugo ng Allah ay pinagsabihan siya ng kanyang mga mamamayan at ginawa ang lahat ng paraan upang talikuran at iwanan niya ang pagtawag sa Islam maliban sa iba pang pagtatangka nilang bukas na pagmamalupit at pang-aapi upang biguin ang kanyang misyon na naiulat sa una. Pinagsabihan ng mga Quraish ang Propeta (ﷺ) ng ganito:
"Kung gusto mo ng ari-arian at kapamahalaan sa buong Peninsula ng Arabia, sinisiguro namin ito sa iyo. Kung gusto mong mag-asawa, ihahandog namin sa iyo ng libre ang pinakamagandang babaeng birhen sa buong Arabia. Ang Propeta(ﷺ) ay inalok din ng labis na kayamanan na walang sinumang nakapanaginip nito sa mga taga Peninsula ng Arabia, subali't hindi rin niya ito tinanggap."
Ginawang lahat ng mga namumunong Arabo na taga Quraish ang paghahandog (sa Propeta, ﷺ) sa kondisyon na iwanan niya ang kanyang pagpapalaganap ng kanyang Relihiyong Islam at huminto siya sa pagkastigo at pagbubunyag sa kalokohang paniniwala ng mga Pagano sa pananampalataya nila sa mga idolo at paniniwala sa mga pamahiin. Ang payak, matuwid at tapat na sagot ng Propeta (ﷺ) sa lahat ng kanilang mga pag-uudyok at kapaki-pakinabang na panukala ay ang lubos na pagtanggi. Isang bantog na paglalahad sa mga salita ng Propeta ang naiulat na ganito:
"Sumpa man sa Allah, kung ilalagay nila ang araw sa aking kanang kamay, at ang buwan sa aking kaliwang kamay upang pahirapan ako at lisanin ang pagtawag sa aking misyon, hindi ko gagawin. Hindi ako susuko, o tanggapin ang kanilang panukala (subali't itutuloy ko ang aking misyon) hanggat ang pagtawag na ito (sa Islamikong pananampalataya) ay magiging makapangyarihan at matatanggap ng karamihan at isasagawa sa Peninsula ng Arabia, o kaya ang ulo ko ay aalisin sa aking katawan." [Ibn Hisham, The Biography of Muhammad (ﷺ) vol.1, p.170]
Isa pang katotohanan ang mahalagang bigyan ng pansin ay ang mga liham o sulat na ipinadala ng Propeta (ﷺ) sa mga kilalang mga hari, mga governador at mga namumuno sa mga kapit-bansa ay maliwanag na pinahintulot sa kanila ang pananatili bilang mga pinuno, sa kanilang sinasakupan at ang kanilang mga ari-arian kung tatanggapin nila ang Islam at panatilihin nila ang kapayapaan at katarungan. Katulad halimbawa ang sumusunod na liham kay Heraclius, ang Emperador ng mga Imperyo ng Romano at 'Byzantine' ay mababasa katulad ng sumusunod:
“Ako ay nagsisimula sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain. (Ang liham na ito ay) mula kay Muhammad, ang alipin ng Allah at ang Kanyang Sugo, para kay Heraclius (ang Hari ng Byzantine sa panahong iyon). Kapayapaan sa mga tumatahak sa tamang patnubay. Kayo ay aking inaanyayahan na tanggapin ang Mensahe ng Islam. Kung inaasam ninyo ang kaligtasan tanggapin ninyo ang Islam. Kung tanggapin ninyo ang Islam kayo ay mabibigyan ng dobleng gantimpala, datapwa’t kung tatanggihan ninyo ang paanyaya ng Islam, ang pananagutan ng buong bansa sa kanilang pagkakasala (ng mga iniligaw ninyong mga tagasunod) ay mapapasainyo." Ang Dakilang Allah ay nagsabi: "Sabihin (O Muhammad): 'O Angkan ng Kasulatan! Halina kayo sa isang usapan na makatarungan sa pagitan namin at ninyo, na huwag tayong sumamba sa iba maliban sa Allah, at huwag tayong magbigay ng anumang katambal sa Kanya, at huwag nating itakda ang ilan sa atin bilang panginoon maliban sa Allah. At kung sila ay magsitalikod, inyong sabihin: 'Maging saksi kayo na kami ay mga Muslim' (na tumatalima sa Allah)." (Qur'an 3:64)
Si Anas bin Malik (t) ay nagsabi:
'Kailanman, ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay hindi hinihingan ng anumang bagay kapag ang isang tao ay yumakap sa Islam, ngunit kanya itong inaayunan at pinpalampas. Katulad ng isang lalaki na tumanggap ng Islam ay lumapit kay Propeta Muhammad at binigyan niya ito (mula sa Islamikong Pananalapi) ng isang kawan ng tupa na nanginginain sa pagitan ng dalawang bundok. At ang lalaki ay bumalik sa kanyang mga mamamayan at nagbalita: 'O aking mamamayan, tanggapin ang Islam! Dahil si (Propeta) Muhammad ay magbibigay ng gantimpala at ang taong tatanggap ay hindi na matatakot sa kahirapan. (Lahat ng kamag-anak ng taong ito ay tinanggap ang Islam at sumama sa mga Muslim). Si Anas (t) ay nagpatuloy na nag-ulat: "May mga tao na tatanggap sa Islam para lamang sa pakinabang pang-materyal, subali't kapag kanyang nadama at nasamyo ang tamis ng Islam, ang taong ito ay higit na mapapamahal sa pananampalataya sa kanyang puso kaysa sa buong mundo at sa nilalaman nito." (Bukhari & Muslim)
Suriin din natin ang halaga ng iniwang kayamanan ng Propeta(ﷺ) bilang kanyang ipinamana pagkaraan ng kanyang kamatayan. Si Amr bin al-Harith (t) ay nag-ulat:
“Ang Propeta (ﷺ) sa kanyang pagkamatay ay walang iniwang 'dirham' o kaya 'dinar' (mga uri ng pera), alipin, katulong o anupaman, maliban sa kanyang puting mola (parang asno at kabayo), ang kanyang sandata o armas at ang isang lote na kanyang ipinahayag bilang kawanggawa para sa mga Muslim." (Muslim)
Sa katunayan ang personal na armas ng Propeta (ﷺ) ay naibigay sa isang Hudyo bilang panagot sa kanyang pagsanla para sa ilang sukat ng 'barley' para sa pagkain ng kanyang pamilya sa panahon ng kanyang kamatayan.
Papaano masasabi ng isang matinong tao, ngayon, na paratangan ang taong katulad ni Propeta Muhammad (ﷺ) na siya ay nahuhumaling sa mga makamundong bagay at ari-arian, panandaliang dakilang kalagayan at karangalan? Ang mga Emperador, mga namumunong makabayan, ang kanilang mga Heneral at mga mandirigma ay naghahanap para sa karangalan, lupain at mga labi ng digmaan, subali't ang katotohanan na nasabi sa itaas ay nagpapatunay na ang layunin ng Sugo ng Allah(ﷺ) ay upang ipalaganap ang Relihiyong Islam sa sangkatauhan sa mapayapang pamamaraan para sa kanilang kapakanan, at hahayaan sila sa kanilang paghahanap-buhay at gawin ang pamamaraan upang makamtan ang pangangailangan sa kanilang ikasisiya subali't hindi sila lumalampas sa hangganan ng Islam.
Ang mga kasamahan ng Propeta (ﷺ) at ang mga matatapat na tagasunod, ay ipinakita ang kanilang kabutihan bilang halimbawa, matutuwid at ang pagpapakasakit sa kanilang buhay, na hindi sila naghangad sa makamundong kayamanan at sa panandaliang kasiyahan sa kanilang buhay.
Noong panahon ng digmaan sa 'Uhud', ang Propeta (ﷺ) ay nagbigay ng kuro-kuro: "Magsitayo kayo upang makamtan ang Paraiso na higit na malawak kaysa sa pinagsamang lahat ang mga langit at lupa."Ang isang taong nangangalang Omair bin al-Hemam (t) ay narinig ang pangungusap ng Propeta (ﷺ) at siya ay nagtanong: “O Propeta ng Allah (ﷺ)! sinabi mo ba na ang gantimpala ay Paraiso, na ang sukat ay parang pinagsamang mga langit at lupa!" Ang Propeta ay sumagot ng walang pag-aalinlangan. Ang kanyang kasamahan na ito ay nagsabi: 'Bakhin, Bakhin!''[1] Tinanong ng Propeta (ﷺ) ang lalaki: “Anong nag-himok sa iyong sabihin mo ang iyong winika? Ang lalaki ay sumagot: "O Propeta ng Allah (ﷺ)! Ang pag-asa ko lang na inaasam-asam ay ang makasama sa mga titira sa Paraiso!" Ang Propeta (ﷺ) ay nagsabi: “Sigurado, ikaw ay isa sa mga tatahan sa Paraisong ito.” Nang marinig ang salita ng Propeta (ﷺ), ang taong ito ay kumuha ng kaunting datiles upang kumain bago nakipaglaban. Subali't itinapon din kaagad ang mga datiles sa ere at nagsabi: "Ako ay sumusumpa sa Allah! Kung ako ay mabubuhay sa pagkain ng mga datiles na ito maaaring lubhang mahabang panahon!" Kaya't siya ay nagmadaling nakipaglaban nang kanyang buong lakas sa mga kaaway hanggang siya ay napatay." (Muslim)
Si Shaddad bin al-Hadi (t) ay nag-ulat na may isang Bedouin ang lumapit sa Sugo ng Allah (ﷺ) at nagpahiwatig ng pagkagusto sa Islam at siya ay tuluyang yumakap sa Islam. Ang Bedouin ay nagpahayag na gusto niyang lumikas sa Madinah na kasama ang Sugo ng Allah (ﷺ). Kaya't sinabi ng Propeta (ﷺ) sa mga Muslim na pangalagaan ang Bedouin (na kanilang ginawa). Ang mga Muslim ay nakipaglaban sa mga pagano at sa bandang huli sila ay nanalo at nakakuha ng mga labi ng digmaan. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay namahagi sa mga labi ng digmaan sa kanyang mga kasamahan at ang Bedouin ay nabigyan ng kanyang bahagi dahil sa pagsama niya sa labanan. Ang Bedouin ay nagtanong, "Para ano ito?" Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay sumagot: "Iyan ay parte mo mula sa labi ng digmaan dahil sa iyong paglahok sa labanan." Ang Bedouin ay nagsabi: "Hindi ko ibinigay ang aking pangako na maging matapat para sa makamundong pakinabang. Katotohanan, ako ay sumama sa inyo at yumakap sa Islam sa pag-asang matamaan ako sa lalamunan ng palaso ng kalaban, at ako ay mamamatay, at pagkatapos ako ay mabibigyan ng gantimpalang Paraiso." Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagbigay ng puna sa sinabi ng Bedouin, "Kung ikaw ay matapat sa Allah, tiyak na ibibigay ng Allah ang iyong hangarin."
Hindi nagtagal, sila ay nakipaglaban ulit at ang Bedouin ay natagpuang patay na may palasong nakatusok sa kanyang lalamunan. Siya ay dinala sa harap ng Propeta (ﷺ). Ang Sugo ng Allah(ﷺ) ay nagtanong, 'Hindi ba siya ang Bedouin?' Ang mga tao ay sumagot ng walang pag-aalinlangan. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi, "Tunay na ang taong ito ay naging matapat sa Allah. Samakatuwid, ang Dakilang Allah ay Matapat sa kanya."
Ibinigay ng Sugo ng Allah (ﷺ) ang kanyang balabal bilang pambalot sa martir na Bedouin. Nangyari ang paglilibing at sila ay nag-alay ng dalangin para sa kanyang kaluluwa, ginamit ang mga sumusunod na panalangin para sa kaluluwa ng martir:
“O Allah! Ito ang Iyong alipin, na lumikas para sa Iyong Kapakanan. Siya ay namatay bilang isang martir. Ako ay saksi sa nangyari." (Nisaa'e)
Ang pangyayaring ito ay isang katibayan na ang taong ito at ng mga katulad niya na hindi tumanggap ng bahagi ng labi sa digmaan dahil sa lubos na katapatan sa paghahanap ng gantimpala mula sa Dakilang Allah lamang.
Si Umar bin Al-Khattab (t) ang bantog at makatwirang ginabayang Kalipa at Kasamahan ng Propeta (ﷺ), na ang kanyang nasakop ay inabot sa malawak na kilalang mga lugar kasama na dito ang mga Imperyo ng mga Romano at Persiya, narinig ang kanyang tiyan na umungol dahil sa kakulangan sa karaniwang pagkain. Si Umar (t) ay napabulalas: "O aking mahal na tiyan, tumahimik ka! Sumpa man sa Allah! Hindi ka malalagyan ng mabuti hanggat ang lahat ng mga Muslim ay makakain ng maigi (at masiyahan sila sa kanilang pagkain)." (Baihaqi al-Sunan, 9/42]
Ang mga nasamsam at labi ng digmaan ng mga naunang mga Muslim bilang pakinabang ng kanilang pananakop ay sapat na upang sila ay mamuhay ng masagana at magandang buhay, subali't ang tunay na layunin sa likod ng kanilang pananakop ay ang pagpapalaganap ng Salita ng Allah at sa Relihiyon ng Islam sa mga tao. Ito ay napatunayan sa katotohanan na ang mga taong kanilang nasakop ay binigyan ng kalayaan kung tatanggapin ang Islam bilang Relihiyon at daan ng buhay, at ito ay kanilang ginawa at silang mga nasakop ay may karapatan katulad sa lahat ng mga karapatan ng mga ibang Muslim. Itong pagkakapantay-pantay at pangdaigdigang pamamaraan ay hindi nalaman sa daigdig noong panahon na ang pagtatangi-tangi ng mga lahi at ang mga pambansang Imperyo ay nagkaroon ng puwang sa pagbibigay ng tanging karapatan ng mga matataas na tao at ang karamihan ay tinaguriang pangalawang uri ng mamamayan sa magandang salita at marami rin ang malamang na tagapaglingkod, mga alipin at ng mga busabos. Kung ang mga nasakop na mga tao ay tumanggi sa Islam, at nanatili sa dating Relihiyon ngunit hindi nagbadya ng digmaan laban sa mga Muslim, sila ay kinakailangan magbayad ng Jizyah (buwis) isang makahulugang halaga ng buwis bilang kapalit ng pangangalaga ng kanilang buhay, mga ari-arian at mga kayamanan na ginarantiya at sinasagot ng Islamikong Estado.
Karagdagan dito, ang mga nagbabayad ng Jizyah (buwis) ay nakakatamasa ng lahat ng kaluwagan at kagamitan na inaalok at pinapanatili ng Islamikong bansa at hindi sila sapilitang magbayad ng karagdagang buwis. Subali't ang mga Muslim, sa kabilang dako, ay sapilitan silang magbayad ng Zakah (sapilitang kawanggawa mula sa naipong kayaman, ang halagang 2.5 porsiyento ng kanilang naipon sa loob ng isang taon o kaya mula sa halaga ng kanilang naani sa pagbubukid at sa pagsasaka). Kadalasan ang Zakah ay higit na marami kaysa sa halaga ng buwis sa loob ng isang taon. Kung ang mga di-Muslim ay nasakop at sila ay tumanggi sa alin man sa dalawang opsiyon, at pinili ang pananatiling lumalaban, ang digmaan ay isusukli laban sa kanila upang ipahayag ang Mensahe ng Islam sa mga pangkalahatang mamamayan. Ang mahalagang katwiran sa pagtataguyod ng digmaan laban sa ibang mga di-Muslim ay ang katotohanan na, ang mga ibang naninirahan sa gayong hindi Islamikong bansa, ay maaaring yumakap sa Islam, kung nalaman sana nila ang alituntunin at misyon nito. Sa kahalagahan at dakilang layunin nito ('Allah knows best') ang Islam ay nag-utos sa mga Muslim na magtaguyod ng digmaan sa mga di-Muslim upang ipahayag ang Mensahe ng Dakilang Allah.
Si G. Khalid bin al-Waleed (t), isa sa mga dakilang Heneral ng Islam at ang pinakatanyag at matagumpay na Heneral sa mga naunang mga Muslim, namatay siya nang mayroong lamang isang kabayo, isang tabak at isang alagad. Saan ka makakakita ng mga bakas ng pagka-makamundong buhay sa linya ng mga dakilang Muslim na mga Heneral at mandirigma?
Ang mga aklat ng Islamikong kasaysayan ay sagana sa mga maraming naiulat tungkol sa mga taong matataas at may kakayahan na nagpapatunay sa mga layunin ng mga naunang mga Muslim ay hindi para sa makamundong pakinabang, katunayan, sila ay umaasa sa gantimpala mula sa Allah, ang Mapagbigay, para sa kanilang tapat na pagtawag sa Islam, ang banal na Relihiyon ng patnubay mula sa Dakilang Allah. Katulad ng naipahayag at pangako ng Propeta(ﷺ):
“Kung ang isang kaluluwa, lalaki o babae, ay napatnubayan sa Islam sa pamamagitan mo, ito ay higit na mabuti sa iyo kaysa sa pagpili ng mga pulang kamelyo (ng buong mundo, i.e.: ang pinakamahalagang pag-aari ng mga Arabo)." (Muslim at ibp.)
Maraming mga mapagkakatiwalaang kasaysayan ng mga naunang mga Muslim na naiulat na sila ay nakahandang ibigay ang lahat ng kanilang kayamanan at buong buhay na naimpok bilang kawanggawa sa panahon ng kanilang pagyakap sa Islam. Ang mga naunang kaanib sa tribo ng mga Quraish ay kapuri-puri tungkol dito. Ang mga iba ay nawala ang karapatan sa kanilang kayamanan sapagkat ang kanilang mga pamilya ay nagalit at lumayo dahil sa pagyakap nila sa Islam. Ang karamihan naman ay sinamsam ang mga pag-aari noong sila ay nangibang bayan sa Madinah. Ang iba ay sukdulan ang pagtulong sa pagpapalaganap sa Islam at ibinigay nila ang kanilang oras at kayamanan sa ganitong mga gawain. Bilang halimbawa, sa isang pangunahin at tiyak na labanan sa 'Nahawand', ang kasamahan ng Propeta (ﷺ) na ang pangalan ay an-Nu'man bin Muqrin al Mozani (t) ay naghandog ng panalangin ng ganito: “O Allah! Parangalan at luwalhatiin Mo ang Iyong Banal na Relihiyon, at gawin mong matagumpay ang mga paniniwala sa Iyo. 'O Allah! Gawin mo akong una na maging martir sa labanan. 'O Allah! Bigyan mo ang aking mga mata ng tunay na kaligayahan na masaksihan ang pinakamagandang pananakop na siyang magkakaloob ng karangalan at dignidad sa Islam. O mga tao! Ibigay ang paniniwala sa Allah, katiyakan ibibigay sa inyo ang Kanyang Awa."
Mayroon ba kayong nakikitang may pagkamakamundong kasakiman at pansariling hangarin sa dakilang panalangin na ito? Ang pinaka-layunin ay siguradong para sa Kasiyahan ng Dakilang Allah at ang matapat na hangarin sa pagtawag sa iba upang tanggapin ang Islam para sa kanilang kapakanan.
Ang Pinuno ng Ehipto, si Muqawqis, ay ipinadala ang kanyang mensahero sa Muslim na Heneral na si Amr bin al-Aas (t) na siyang sumakop sa Ehipto. Ang Muslim na Heneral ay hinawakan ang kuta ng Babilonya sa kanilang paglusob. Ang Pinuno ng Ehipto ay nagsabi sa kanyang mga espiya na mag-ulat ng kanilang pagmamatyag (sa mga Muslim). Silang lahat ay nagpahayag ng (para bang) pinagkasunduang pagmamamasid. Sinabi nila: "Napansin nilang mas gusto nila ang mamatay kaysa mabuhay. Ibig nila ang maging mahiyain at taglay ang kababaang-loob kaysa mapagmataas at mayabang. Napansin namin na wala silang hangarin sa makamundong pakinabang at kayamanan. Sila ay nakaupo sa sahig at ang kanilang pinuno ay katulad rin nila. Hindi makikilala ng sinuman kung sino ang pinuno at ang mga tagasunod, ang amo at ang utusan o alipin. Halos sila ay magkakapareho, kahit na ano pa ang kanilang katayuan."
Ang mga nabanggit at marami pang ibang halimbawa na ang pag-iimpok sa mga nasamsam sa digmaan at ang pagpapayaman sa mga nalikom na labi ng digmaaan ay hindi ang mga layunin ng mga naunang Muslim, subali't ang pagsisikap sa misyon sa Islam ay upang patnubayan ang mga tao, mula sa kanilang mga tahanan ay nabunsod sila sa palibot ng kanilang lugar, dala-dala nila ang pang-daigdigang mensahe ng Islam.
SSSS
Tamang Paliwanag ng Digmaan at ang
Pagsasanay sa Islam
Ang Islam, katulad ng naipaliwanag sa una, ay isang banal na Relihiyon ng pagsuko sa Allah (Y) at ang mga ipinahayag na patnubay para sa tao, na naghahanap ng kapayapaan at nagtuturo ng habag. Bagama't ang Islam ay nag-aanyaya ng kapayapaan sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga tao sa lahat ng bansa, sa ibang pagkakataon ang digmaan ay kinakailangan bilang isang lunas. Ang Allah (Y) ay nagtakda ng pakikidigma sa limang katayuan. Ang tawag dito ay hindi digmaan kundi "Jihad" batay sa katawagan ng Islam, na ang ibig sabihin ay ang pagsusumikap at ang paggamit ng isang tao sa kanyang lakas ng lubusan upang magpunyagi para sa landas at kapakanan ng Allah(Y). Ang pangunahing pagkakaiba sa gitna ng digmaan at ang 'Jihad' ay; ang layunin ng 'Jihad' ay upang ipagtanggol ang mga Muslim at kilalanin ang kanilang karapatan upang ibahagi ang Islamikong pag-anyaya sa Islam, at upang ipalaganap ang pandaigdigang mensahe ng Banal na Salita ng Allah, ang Pinakadakila at Makapangyarihan. Ang digmaan, maaaring ito ay upang magtanggol laban sa mga nang-aapi, isang lehitimong katwiran sa katiyakang mga kondisyon, ngunit sa malawak at pangkalahatang katawagan ng kasaysayang ito ay madalas na nangyayari dahil sa pananalakay at sa walang katarungang pansarili at pambansang paghihiganti. Gayun din ang digmaan ay para sa mga imperyal, lupang pananakop (kolonya) at mga pagpapalawak ng mga samahan at pangingibabaw, para sa pamamahala, pagsasamantala, pandarambong at pagnanakaw ng mga likas na kayamanan ng mga tao; o kaya ay para sa katanyagan, kapurihan at pagmamalaki. Hindi tinatanggap ng Islam ang mga layunin ng digmaan na nabanggit sa itaas at ang mga ito ay isinasaalang-alang lahat na labag sa batas at karapatdapat dito ang makatarungang pagpaparusa. Mayroong lamang limang lehitimong dahilan upang magsagawa ng 'Jihad' katulad ng mga sumusunod:
Pagtatanggol laban sa mga umaatake sa mga tao, mga ari-arian, kayamanan at sa dignidad ng pamayanang Muslim at sa pambansang hangganan (borders). Ito ay batay sa talata sa Banal na Qur'an:
"Makipaglaban kayo alang-alang sa Kapakanan ng Allah sa kanila na nakikipaglaban sa inyo, datapwa't huwag ninyong labagin ang mga hangganan, sapagkat ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamalabis (sa pagsuway) sa hangganan..." (Qur'an 2:190)
Ito ay batay din sa tradisyon (hadith) ng Sugo ng Allah (ﷺ) na nagsabi:
“Sinuman ang namatay dahil sa pagtangka niyang pangalagaan ang kanyang mga ari-arian ay isang martir; sinuman ang namatay sa pagtangka niyang ipagtanggol ang kanyang sarili ay isang martir; sinuman ang namatay sa kanyang pagtangka na ipagtanggol ang kanyang Relihiyon ay isang martir; at sinuman ang nagtangka na ipagtanggol ang kanyang pamilya ay isang martir." (Tirmidhi, Abu Da`ood, Nisaa’I at Ibn Majah)
Ang ipagtanggol ang mga mahihina at walang-laban na mga tao kontra sa mga nang-aapi o sa mga tumutulong sa mga nang-aapi. Ang uri ng Jihad na ito ay malinaw na sapilitan na makataong layunin. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
"At ano ba ang pumipigil sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa Landas ng Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan nang masama at inaalipusta sa lipon ng kalalakihan, kababaihan at mga bata, na ang panambitan ay: 'Aming Panginoon! Kami ay iligtas Ninyo sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api; at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makapangangalaga, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang makakatulong." (Qur'an 4:75)
Ang kautusan na kailangang lumaban sa mga nang-aapi at nagpapahirap ay batay sa talata na ipinahayag sa Banal na Qur'an:
"Katotohanan, ang mga nagsisampalataya at lumikas, at nakipaglaban sa pamamagitan ng kanilang ari-arian at ng kanilang buhay (sarili) para sa Landas ng Allah, gayundin ang mga nagbigay ng silungan at tulong, sila ang magkakapanalig sa isa't-isa. At ang mga nagsisampalataya na hindi nagsilikas (para sa Kapakanan ng Allah), ikaw ay walang pananagutan sa kanila na pangalagaan sila hangga't sila ay hindi lumilikas, datapwa't kung sila ay nananawagan sa inyo sa pananampalataya upang sila ay tulungan, ito ay inyong katungkulan na tulungan sila, maliban na lamang kung ito ay laban sa mga tao na mayroong kayong pinagkasunduan ng pakikianib. At alalahanin na ang Allah ang Ganap na Nakamamasid ng inyong ginagawa." (Qur'an 8:72)
Ang paghihiganti sa di-pagtupad at paglabag sa tapat na kasunduang pinagtibay, sa pagkakaisa at sa kapayapaan. Ito ay batay sa mga talata na ipinahayag na Banal na Qur'an:
"Datapwa't kung sila ay sumira sa kanilang mga pangako matapos ang kasunduan, at tuligsain ang inyong pananampalataya ng may pag-ayaw at pamimintas, kung gayon, inyong labanan ang mga pinuno na walang pananalig, sapagkat katiyakan, ang kanilang pangako ay walang halaga sa kanila, upang sila ay tumigil (sa masasamang gawa). Hindi baga ninyo lalabanan ang mga tao na sumira sa kanilang pangako at naghangad na ipatapon ang Sugo, samantalang una silang sumalakay sa inyo? Natatakot ba kayo sa kanila? Hindi! Ang Allah ang may higit na karapatan na Siya ay inyong pangambahan kung kayo ay nananampalataya." (Qur'an 9:12-13)
Ang pag-disiplina laban sa mga Muslim na sumalakay at nag-umpisang gumawa ng masama ng walang katarungan at nagpapatuloy sa pagiging suwail sa daan ng kasamaan katulad ng sinabi ng Dakilang Allah:
"At kung ang dalawang pangkat sa lipon ng mga sumasampalataya ay humantong sa isang tunggalian, kung gayon, inyong pagkasunduin sila sa isa't isa, datapwa't kung ang isa sa kanila ay lumampas sa hangganan ng pagmamalabis laban sa isa, kung gayon, inyong labanan ang nagmamalabis hanggang sa ito ay magbalik sa pagsunod sa kautusan ng Allah. Subali't kung sila ay sumunod, kung gayon, kayo ay makipagkasundo sa pagitan nila ng may katarungan at maging pantay sa katarungan, sapagkat katotohanang ang Allah ay nagmamahal sa kanila na makatarungan." (Qur'an 49:9)
Ang uri ng Jihad na ito ay nagpapatunay na ang layunin ng Jihad ay ang pagkiling sa batas at katarungan dahil ito ay itinataguyod kahit na laban sa mga Muslim na kriminal.
Kung ang pagpapalaganap sa Relihiyon ng Islam sa mapayapang pamamaraan ay di-mangyayari, ang uri ng Jihad na ito ay ang huling kailangan gamitin pagkatapos ng maraming mapayapang pakikipag-usap subali't nagpapatunay sa pinuno ng mga Muslim na ang mapayapang pakikipag-alam ay imposibleng mangyari na. Ang unang hakbang ay ang pakikipag-usap na payagan ang mapayapang pagpapalaganap sa Islam, sumusunod sa ginawa (sunnah) ng Propeta (ﷺ) at kung, katulad ng naiulat sa itaas, siya ay nagpadala ng mga sulat sa mga pinuno ng mga nakapaligid (na lugar) at sila ay inanyayahan sa Islam. Subali't kung ang mga pinuno ay tumanggi sa paanyaya, siya at ang kanyang mga mamamayan ay aalukin sa karapatan sa pagpili na maging dhimmees (ang mga taong pinangangalagaan sa di-Muslim na pamayanan), na pinanghahawakan ang kanilang sariling batas sa Relihiyon, ngunit sapilitang susunod sa pangkalahatang batas ng Islam upang mapanatili ang batas, katahimikan at kaligtasan, at magbayad ng 'Jizya' (buwis) bilang kapalit sa pagsasagawa ng serbisyong pang-militar. Kung ang mga di-Muslim ay tumanggi sa mga kondisyon na naiulat, sa ganitong dahilan lamang maaaring umpisahan ang digmaan dahil sa katotohanang pag-kontra nila sa mapayapang pagpapalaganap sa Islam. Ang mga Muslim ay sapilitang magsasagawa ng Jihad laban sa mga taong hindi lamang tinatanggihan ang pandaigdigan mensahe para sa sangkatauhan na ang Allah lamang ang karapat-dapat sambahin at si Propeta Muhammad (ﷺ) ay Sugo ng Allah kundi patina ang pagpigil o paghadlang sa pagpapalaganap ng pandaigdigang mensahe at ang pagpapalaganap nito sa mapayapang pamamaraan. Ang Islam ay ang pandaigdigang pananampalataya at ang Relihiyon ng Dakilang Allah, ang Tagapaglikha at Panginoon – ang Tagapagsustento sa sangkatauhan, samakatwid Siya ay hindi para sa mga natatanging tao lamang ngunit para sa lahat ng tao na napag-alaman ang tungkol sa Islam at natutuhang sumuko ng buong puso sa Dakilang Allah. Ang pagtanggap sa Islam ay hindi ang layunin ng mga Muslim dahil ang patnubay ay nasa Kamay ng Allah lamang, ang Pinakamaalam at ang Dakila. Ang lahat ng mga tao ay dapat magkaroon ng pag-asang marinig ang tungkol sa kabutihan, katarungan, pagmamahal, pagkapantay-pantay at kapayapaan at ang lahat ng katuruan ng Islam. Ang Mahabagin at Makapangyarihang Panginoon ng Sangkatauhan ay nagsabi sa Kanyang Banal na Qur'an:
"At inyong labanan sila hanggang sa mapawi ang panunukso, sigalot, pang-aapi at ang kawalan ng pananalig sa Allah, at ang panananampalataya ay maging tangi lamang sa Allah sa buong santinakpan. Datapwa't kung sila ay titigil, katiyakang ang Allah ang Ganap na Nakamamalas ng kanilang ginagawa." (Qur'an 8:39)
Kung sa anumang oras na ang mga kalaban ng mga Muslim ay huminto sa pakikipaglaban at pakikidigma at humiling o tumanggap ng makatarungang kasunduang pangkapayapaan, ang mga Muslim ay sapilitang hihinto sa estado ng digmaan at makipag-ayos, at magiging labag sa batas para sa kanila na ipagpatuloy ang digmaan laban sa mga kaaway. Ang Allah, ang Maalam at ang Walang hanggang Karunungan ay nagsabi:
"Maliban sa kanila na umaanib sa pangkat na sa pagitan ninyo at nila ay mayroong isang kasunduan (ng kapayapaan), o sila na lumalapit sa inyo na may pusong nagpipigil sa pakikipaglaban sa inyo gayundin sa pakikipaglaban sa kanilang sariling pamayanan. Kung ninais lamang ng Allah, katotohanang sila ay Kanyang mabibigyan ng kapangyarihan nang higit sa inyo at sa gayon sila (sana) ay nakipaglaban sa inyo. Kaya't kung sila ay lumayo sa inyo at sila ay hindi nakipaglaban, at (sa halip) ay naghandog sa inyo (ng katiyakan) ng kapayapaan, kung gayon ang Allah ay hindi nagbukas ng daan para sa inyo (upang makidigma) laban sa kanila." (Qur'an 4:90)
Ang mga kadahilanan ng mga lehitimong pakikidigma ay nakikilala sa pamamagitan ng naiulat sa itaas at ang ibang talata na nagpapaliwanag dito ay ang sinabi ng Dakilang Allah na:
"Sila ay nagtatanong tungkol sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan. Sabihin: 'Ang pakikipaglaban sa panahong ito ay isang matinding pagsuway (kasalanan), datapwa't ang higit na malubhang pagkakasala sa Paningin ng Allah ay ang sansalain (hadlangan) ang sangkatauhan sa pagsunod sa Landas ng Allah, ang hindi pagsampalataya sa Kanyang Relihiyon, at paghadlang sa mga tao na makapasok sa Masjid Al-Haram (sa Makkah) at ang pagtaboy sa mga nakatira dito at ang fitna (ang panunukso, ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, ang kaguluhan o sigalot) ay higit na masama kaysa sa pagpatay'…" (Qur'an 2:217)
At sinabi rin ng Dakilang Allah:
"At sila ay inyong labanan hanggang mapalis ang fitnah (kawalan ng pananalig sa Allah at pagsamba sa iba maliban pa sa Allah) at ang lahat at bawat uri ng pagsamba ay matuon lamang para sa Allah. Datapwa't kung sila ay maglubay (sa pakikipaglaban sa inyo), huwag hayaang magkaroon ng paglalaban at paglabag maliban sa mga mapaniil." (Qur'an 2:193)
Sinabi rin ng Dakilang Allah:
"Ang mga sumasampalataya ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ng Allah, at sila na mga hindi sumasampalataya ay nakikipaglaban tungo sa kapakanan ng Taghut (Satanas, diyus-diyosan, atbp.). Kaya't makipagtunggali kayo laban sa mga kapanalig ni Satanas. Tunay na laging mahina ang mga pakana ni Satanas." (Qur'an 4:76)
Lahat ng uri ng digmaan, katulad ng nabanggit sa itaas, na nagbubunga ng malaking pagkawasak at pagkawala ng buhay at ari-arian, ay ipinagbabawal at ipinapahayag na labag sa batas at ito ay isang pananalakay sa Islam. Ang Digmaan ng pagyayabang na nagpapakita ng lakas at kagalingan, katulad ng mga sinasabing makatwirang biglang pananalakay (pre-emptive strikes), ang mga ito ay ipinagbabawal sa Islam, katulad ng sinabi ng Dakilang Allah sa Qu'ran:
"At huwag maging katulad ng mga tao na lumabas sa kanilang tahanan ng may pagmamataas at upang mamasdan lamang ng mga tao, at upang humadlang sa mga tao tungo sa Landas ng Allah. At ang Allah ay Ganap na Nakatatalos sa lahat ng kanilang ginagawa." (Qur'an 8:47)
Kahit na pinapahintulot ng Islam ang pakikidigma dahil sa mahalagang pangangailangan na nabanggit sa itaas, ang Islam ay nagbibigay ng mahigpit na alituntunin at patakaran upang magsagawa ng pakikidigma sa parehong namumuno at sa mga kawal, sa mga “mujahideen”, at pinamamahalaan ang lahat upang sumunod sa marangal na pamamaraan at pag-uugali kahit na sa pinakamahirap ng panahon. Ang mga Muslim na mandirigma ay pinapayagan lamang na patamaan at patayin ang mga taong kumakalaban sa kanila o iyong mga tumutulong at nagtataguyod sa mga kalaban sa pook ng labanan. Ang mga taong matatanda na, mga bata, kababaihan, ang mga may-sakit, mga sugatan at ang mga taong nagbubukod at humihiwalay upang sumamba sa kanilang paniniwala sa walang-dahas, ang lahat ng mga taong ito na hindi kalaban at di-nakikibaka ay hindi dapat pinatatamaan, patayin, inaabala o guluhin man lang kahit sa anumang paraan ng mga Muslim na sundalo. Hindi rin pinapahintulot ang pumatay sa mga nasugatan o bumagsak na sa pook ng labanan sa mga kalaban ng mga sundalong Muslim. Ipinagbabawal ang pagputol sa mga katawan at bangkay ng mga patay na kalaban. Karagdagan pa, ipinagbabawal ng Islam ang pagpatay sa mga alaga ng mga kalaban at ang pagsira ng kanilang mga taniman at sinasaka at ang kanilang mga tirahan at mga gusali, maliban sa tiyak na kalagayang kinakailangan sa madaliang labanan. Karagadagan pa dito, hindi pinapahintulot ng Islam ang sinasadyang paglagay ng dumi o lason sa pinagkukunan ng tubig o sa balon ng mga kalaban. Isinasaalang-alang ng Islam ang lahat ng mga bagay na iniulat sa itaas na nagdudulot ng kasamaan sa pamayanan at hindi kailangang ang pagpapahirap sa mga karaniwang tao.
Ang kahulugan ng Jihad sa Islam ay ang pagpahintulot sa mapayapang pagpapalaganap sa Salita ng Dakilang Allah at ang mensahe ng Islam. Katulad ng sinabi ng Dakilang Allah sa Banal na Qur'an, na ang layunin ng buhay ng Muslim ay ang paghangad ng buhay na walang hanggan sa Kabilang Buhay sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa:
"At iyong paghanapin sa pamamagitan ng (kayamanang) ipanagkaloob sa iyo ng Allah, ang Tahanan ng Kabilang Buhay, at (gayundin naman ay) huwag mong kaligtaan ang iyong bahagi na pinahihintulutang kasiyahan sa mundong ito. Gumawa ka ng kabutihan, kung paano rin naman naging mabuti sa iyo ang Allah, at huwag kang magnais sa anumang pagkakataon ng kabuktutan (katiwalian) sa kalupaan. Katotohanang ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga mapaggawa ng kabuktutan." (Qur'an 28:77)
Mula sa mga maraming katuruan at patnubay na galing sa Sugo ng Allah (ﷺ) para sa mga 'mujahideen' ay ang mga sumusunod; ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi na mayroon lamang isang lehitimong layunin para sa pag-Jihad, ng kanyang sinabi:
“Sinuman ang nagsumikap at nakipaglaban upang ibandila ang Salita ng Allah, ang Kataas-taasan ay siya na nagsumikap at nakipaglaban para sa landas at kapakanan ng Allah." (Bukhari at Muslim)
Noong may natagpuang babaeng namatay sa isang digmaan, ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi na;
"Ang babae ay hindi nakikipaglaban at ipinagbabawal ang pagpatay ng kababaihan at mga bata." (Muslim)
Siya ay nagbigay ng mga sumusunod na tagubilin:
“Umpisahan ang inyong pakikipaglaban sa Ngalan ng Allah laban sa mga taong nagpahayag ng kawalan ng paniniwala sa Allah. Makipaglaban sa kanila, subali't huwag sirain ang inyong pinagkasunduan o kontrata. Huwag putol-putulin ang mga katawan ng mga namatay na sundalo ng mga kalaban. Huwag pumatay ng bagong silang na bata." (Muslim)
At sinabi rin niya (ﷺ):
“Lumakad ng pasulong sa Ngalan ng Allah. Huwag pumatay ng mga taong matatanda, o mga bata, o mga babae at huwag lumabag (sa Batas ng Allah)." (Malik at Abu Dawood)
Ang bantog na kasamahan na si Abu Bakr as-Siddeeq (t), ang unang Muslim na Kalipa ng Islamikong Estado, ay nagbigay ng mga sumusunod na payo sa mga sundalong Muslim na kanyang ipinakatawan at sinabi:
“Maghintay bago kayo umalis. Gusto kong ibigay sa inyo ang mga sumusunod na payo. Huwag magkanulo o magtaksil; huwag magnakaw mula sa mga nasamsam sa digmaan bago ang tama at makatarungan pamamahagi; Huwag magtaksil sa inyong pangako at kasunduan sa inyong mga kalaban; Huwag pumutol ng katawan ng mga namatay na sundalo; Huwag pumatay ng maliliit, bata, babae o matandang lalaki; Huwag pumutol o magsunog ng halamang datiles (o ibang mga halaman na walang dahilan); Huwag pumutol ng halamang nagbubunga; Huwag magkatay ng tupa, baka o kamelyo maliban kung ito ay para sa inyong pagkain; Kayo ay mangyaring makakatagpo ng mga taong nakatira sa mga tagong pook para sa kanilang pagsamba sa Allah, bayaan ninyo silang mag-isa. Huwag silang gambalain o sirain ang kanilang pamumuhay". [Iniulat ni at-Tabari, Vol.3, p.226, at ibpa.]
Gayundin, ang mga Muslim ay dapat magbadya muna ng digmaan bago mag-umpisa sa labanan. Sa dahilan ang mga Muslim ay hindi nagtataksil at hindi nanlilinlang sa pakikipaglaban. Ang Islam ay nagtalaga ng mga magandang alituntunin at pag-uugali sa mga Muslim sa pakikipaglaban. Kinakailangan ng Islam ang ganap na pagtupad sa katarungan at hindi dapat nang-aapi sa mga kalaban na sundalo.
Si Umar bin Abdul-Aziz (t), isa sa mga naunang Umayyad na Kalipang Muslim, ay nilapitan at kinausap siya ng mga kinatawan ng mga sundalo ng Siyudad ng Samarqand, at sila ay nagreklamo tungkol sa lider ng mga Muslim na si Qutaibah, sa pag-atake sa kanila ng biglaan. Ang Kalipa ay nagpadala ng sulat sa gobernador ng nasabing pook at inutusan siyang magtalaga ng hukom upang magsiyasat sa bagay na ito, at kung minamabuti ng hukom na ang mga Muslim ay dapat lumabas sa siyudad at iwanan dahil sa kanilang pagsira sa tiwala, dapat silang sumunod sa pasiya. Ang gobernador ng Samarqand ay nagtalaga ng hukom na ang pangalan ay Jomai' bin Hader al-Baji na nagbaba ng hatol na ang mga Muslim ay dapat lumabas sa siyudad na kanilang sinakop. Dapat ang pinuno ng mga Muslim ay nagbigay muna ng maliwanag at karampatang babala bago sila manakop ng lupain at magbunsod ng pakikipaglaban sa mga mamamayan ng Samarqand, upang bigyan sila ng pagkakataon na makapaghanda ng kanilang sarili sa digmaan at dapat malaman ang mga dahilan sa pag-aatake. Nang makita ng mga tao sa Samarqand ang makatarungang pakikitungo ng mga Muslim walang alinlangan na hindi na nagpatuloy sa labanan at tinanggap ang mga alituntunin ng Islamikong batas." [Tingnan: "Futuh-al-Buldan" Countries of the Conquests, by Balathuri, p.428]
Tungkol sa mga bihag at mga bilanggo, ang mga ito ay laging nagkakaroon ng mainit at maramdaming pag-uusap at mayroong hindi pagkakaintindihan sa gitna ng dalawang partidong naglalaban. Hindi pinapahintulot ng Islam ang pananakot, ang pagpapahirap, ang pagputol (ng bangkay) o ang patayin sa gutom (ang mga bihag). Tunay, ang pagpapakain sa kanila ay isang kabutihan, at ang gantimpala nito ay mula sa Dakilang Allah katulad ng pagsabi Niya:
"At sila ay nagkakaloob ng pagkain dahilan sa pagmamahal sa Allah, sa nagdaraop, sa ulila at napipiit. (Na nagsasabi): "Kami ay nagpapakain sa inyo para sa kasiyahan ng Allah. Kami ay hindi naghahangad ng pabuya, gayon din ng pasasalamat mula sa inyo." (Qur'an 76:8-9)
Ang pinuno sa Islam ay naglalaan ng pagkakataon upang ganap na mapalaya ang mga bihag ng digmaan nang walang katubusan, o ang magbigay ng kasunduan sa kanilang pagtubos, o kaya sila ay pakakawalan bilang kapalit ng mga Muslim na bilanggo sa digmaan. Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur'an:
“Samakatuwid kapag inyong makaharap sa labanan (Jihad- pakikibaka sa landas ng Allah) yaong mga walang pananampalataya, tigpasin ang kanilang mga leeg, hanggang sa kalaunan ang karamihan sa kanila ay inyo nang napatay o nasugatan, inyo silang talian ng panggapos na mahigpit (at gawing bihag). Sa gayon, (makaraan nito) naririto ang sandali ng pagpaparaya (palayain sila ng walang tubos) o patubos (ayon sa kapakinabangan sa Islam), hanggang ang hapdi at hilahil ng digmaan ay mapawi. Sa gayon, kayo ay pinag-utusan (ng Allah na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Jihad laban sa mga hindi sumasampalataya hanggang sa sila ay yumakap sa Islam, o kaya ay mapabilang sila sa ilalim ng inyong pangangalaga), datapwa’t kung ninanais lamang ng Allah ay magagawa Niya na magapi sila (na wala kayo), ngunit ninanais Niya kayo at ang mga iba. At yaong mga nasawi sa landas ng Allah ay hindi Niya hahayaang ang kanilang mga gawa ay mawalang saysay.” (Qur'an 47:4)
At sa mga natalo na hindi Muslim na naninirahan sa mga bansang nakubkob, ang mga Angkan ng Kasulatan na katulad ng mga Kristiyano at mga Hudyo, ay pinakitunguhan ng may paggalang. Ang kanilang kalinisang-budhi, dignidad at karangalan ay napanatili. Ang kanilang kayaman at ari-arian ay napangalagaan mula sa pananalakay at sa walang katarungang pagnanakaw. Sila at ang kanilang mga kababaihan ay hindi naligalig at hindi hinamak sa anumang paraan. Ang kanilang tahanan at pamamahay ng kanilang mga pamilya ay iniwang walang sira. Sa kabuuan sila ay pinakitunguhan ng maganda at makatarungan. Ang kanilang orihinal na paniniwala ay iginalang at pinarangalan. Kung pinili nilang manatili sa kanilang paniniwala sila ay nararapat na gumalang at sumunod sa Islamikong alituntunin at Relihiyon. Panatilihin ang pagsunod sa kabutihan, kaligtasan at ang patakaran para sa lahat ng may pagkapantay-pantay sa batas. Ito ay batay sa maraming talata at katuruan, katulad ng sinabi ng Dakilang Allah:
"Sila (na mga Muslim), na kung Aming silang pagkalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, (sila) ay nag-uutos sa Salah (takdang pagdarasal), at pagbabayad ng Zakah (takdang pangkawanggawa) at sila ay nag-aanyaya sa lahat ng mabuti at nagbabawal ng lahat ng kasamaan (na ipinag-uutos ng Allah), at sa Allah nakasalalay ang kahihinatnan ng lahat ng mga pangyayari." (Qur'an 22:41)
Isa sa mga mabuting katibayan na naglalarawan sa mga katuruang ito ay ang halimbawang ginawa ni Umar bin al-Khattab (t), ang pangalawang Kalipa ng Islamikong Estado, (at ang sumakop sa Imperyo ng mga Romano at Persiya) sa mga naninirahan sa Herusalem, 'Aelia' nang pumasok dito bilang matagumpay. Sinabi ni Tabari (t) nang siya ay sumulat sa kanila ng ganito:
"Ako ay nagsisimula sa Ngalan ng Allah, ang Pinakamahabagin at Pinakamaawain. Ito ay ang kasunduan ng kaligtasang inaalok ng alipin ng Dakilang Allah, 'Umar, ang Pinuno ng mga matatapat, para sa mga mamamayan ng 'Aelia'. Siya, sa pamamagitan nito, ay ginagarantiya ang kaligtasan ng kanyang mga tao at ari-arian, ang kanilang mga simbahan at mga krus, ang mga maliliit at mga malalaking tao at ang lahat ng mga tagasunod ng Kristiyanong Relihiyon. Hindi pinapahintulot na ang kanilang mga simbahan ay hadlangan, sirain o pahinain, o ang kanilang mga krus ay pinsalain o kahit na ang kanilang mga ari-arian sa anumang paraan. Hindi sila dapat puwersahin na iwanan ang kanilang paniniwala at wala sa kanila ang maaaring saktan. Hindi pinapayagan ang mga Hudyo na makisama at mamuhay na kasama sa 'Aelia'. Kung ang mga mamamayan ng Aelia ay magkakaroon ng ubligasyon sa pagbayad ng 'jizya', katulad ng mga mamamayan ng Mada'in, nararapat na paalisin nila ang mga taga 'Byzantine' sa gitna nila. Kung sinuman sa mga ito ang umalis sa 'Aelia' ay pagkakalooban ng kaligtasan para sa mga tao at kanilang ari-arian hanggang sila ay dumating sa patutunguan. At kung sinuman ang nagpaiwan sa 'Aelia' ay mabibigyan din ng parehong kaligtasan, at kabahagi ang mga tao sa 'Aelia' sa kanilang karapatan at sa pagbayad ng 'jizya'. Ito rin ay isinasagawa para sa mga mamamayan ng 'Aelia' at sa mga ibang tao. Kung sinuman ang gustong umalis kasama ang mga 'Byzantine' ay maaaring umalis at ang mga gustong bumalik sa kanilang mga mamamayan ay hindi sapilitang magbayad ng anuman hanggang sila ay makapag-ani. Ang Dakilang Allah ay saksi sa laman ng kasunduang ito, at ang Kanyang Propeta, ang mga kahalili at mga mananampalataya. Naging saksi dito sina Khalid Ibn Al-Walid (t), 'Amr Ibn Al-'Aas(t), Abdur-Rahman Ibn Al-'Awf (t) at Mu'awiyah Ibn Abi Sufyan(t)." [Ito ay isinagawa noong ika 15-taon ng Hijri]
Tunay na walang maihahambing sa mga naisulat na kasaysayan ng mga tao ito. Kami ay naniniwala na ito ang pinakamagandang uri ng kadakilaan, katarungan at kapahintulutan mula sa kabig ng mga nanlupig laban sa mga nasakop o natalo. Karamihan sa mga nanakop ay inaalisan ang mga nasakop ng lahat ng uri ng karapatan, kalayaan, karangalan, kasama na ang karapatan sa magandang pamumuhay. Isinasailalim sila sa paggawa o pagtatrabaho bilang alipin o ikalawang klaseng mamamayan at magsisilbi para sa kabutihan ng mga nagkubkob. Si Umar bin al-Khattab (t) ay maaari sana siyang magdikta ng malupit na kondisyon o takda laban sa mga nasakop nilang Kristiyano at Hudyo noong panahon iyon, subali't sinunod niya ang ipinamalas ni Propeta Muhammad (ﷺ) sa kanyang kabutihang loob at kadakilaan nang kanyang sakupin ang Makkah pagkaraan ng ilang taon na pakikitungo sa kanilang tusong pakikidigma sa mga taga Madinah at ang mapait na pagmamalupit ng mga taga Makkah sa panahon ng kanyang misyon. Ang katarungang kanyang ipinakita ay para sa marangal na layuning pagpapalaganap ng salita ng Dakilang Allah at hindi upang magkamal ng pansarili at pambansang kapakinabangan. Ang mga halimbawang ito, katulad ng iba, ay naglalarawan sa pagiging makatarungan, pagkamapagbigay at sa kagandahan ng Islam, ang banal na ipinahayag na Relihiyon ng Dakilang Allah para sa pandaigdigan at makatarungang kapayapaan. Ang batas ng Dakilang Allah, ang Makapangyarihan, ay nararapat ipatungkol sa lahat ng tao ng walang pagtutol o pagtatangi.
Ang mga hindi Muslim na nasa ilalim ng batas Islamiko ay sapilitang magbayad ng Jizyah (buwis) sa halagang minimo bilang tanda sa halagang ipinatutupad (na bayaran) ng mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong Estado na malayang pinili ang pananatili sa kanilang dating pananampalataya. Ang batayan dito ay makikita sa talata ng Qur'an:
"Makipaglaban kayo sa kanila na hindi sumasampalataya sa Allah at sa Huling Araw, at sa mga hindi nagbabawal sa bagay na ipinababawal ng Allah at ng Kanyang Sugo, at sila na hindi tumatanggap ng pananampalataya ng katotohanan (ang Islam) mula sa lipon ng pinagkalooban ng Kasulatan, hanggang sila ay magbayad ng Jizya (isang uri ng buwis bilang proteksiyon sa mga hindi Muslim) ng may pagsang-ayon habang sila ay nagpapakumbaba." (Qur'an 9:29)
Ang buwis ay tatlong uri na tinatantiya batay sa salapi nang panahong iyon:
Ang buwis mula sa mga mayayaman at may mga kakayahang tao. Ito ay nagkakahalaga ng 48-dirhams na pilak, kinukuha mula sa mga tao bawat taon.
Ang buwis mula sa may kalagitnaang antas ng tao (Middle class people), katulad halimbawa ng mga nangangalakal at mga magsasaka. Ito ay nagkakahalaga ng 24-dirhams na pilak, kinukuha mula sa mga tao bawat taon.
Ang halaga ng salapi na kinukuha mula sa mga manggagawa (may trabaho). Ito ay nagkakahalaga ng 12-dirhams na pilak, kinukuha mula sa mga tao bawat taon.
Ang Jizya (buwis) ay ipinapataw sa mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong Estado bilang simbolo ng kanilang pagpapasakop at bilang simbolo sa pagbayad sa kanilang pangangalaga, sa kanilang dangal, kayamanan at buhay sa Islamikong pamahalaan laban sa mga kaaway mula sa labas at sa panggugulo mula sa loob at dahil sila ay hindi saklaw sa pagsisilbi sa pangmilitar. Kasama sa pangangalaga ang lahat ng karapatan at ubligasyong binabanggit at sinang-ayunan sa kontrata. Sa paghahambing, ang mga Muslim ay mayroong mga karagdagang pananagutan, kasama na dito ang pagsisilbi sa militar kung kinakailangan, at ang pagbayad ng 'Zakah' (sapilitang kawanggawa) at iba pang uri ng 'sadaqa' (kawanggawa).
Si Khalid bin al-Waleed (t) isa sa mga tanyag na naging Muslim na Heneral ng digmaan, sa isang kasunduan na ginawa niya sa mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong Estado ay nagsabi;
“Ibinigay ko sa inyo ang aking pakikipagkasundo na tanggapin ko ang inyong buwis at bilang kapalit kayo ay pangalagaan namin laban sa lahat ng kalamangan, katulad ng aming pangangalaga sa lahat ng bagay na laban sa aming sarili. Kung kami ay nagtagumpay sa pangangalaga sa inyo kukunin namin ang buwis. Kung hindi (kami naging matagumpay), magkagayon hindi kayo dapat magbayad hanggat hindi namin kayo napangangalagaan.” (Balathuri's history)
Si L. Veccia Vaglieri, sa kanyang aklat na may pamagat na "Ipagtanggol ang Islam" ay nagsabi: "Ang mga nasakop na mga tao ng mga Islamikong pamahalaan ay nabigyan ng buong kalayaan na panatilihin at pangalagaan ang kanilang pananampalataya at tradisyon sa kondisyon na ang mga taong pumili sa karapatang ito at hindi tumanggap ng Islamikong pamumuhay, ay magbabayad ng makatarungang buwis sa Islamikong pamahalaan. Ang buwis ay mas maliit kaysa sa mga ibinabayad ng mga Muslim sa kanilang pamahalaan. Ang mga di-Muslim na naninirahan sa Bansa ng mga Muslim, ay nagbabayad ng ganitong buwis bilang kapalit para sa pangkalahatang pangangalaga na iniaalok ng Islamikong pamahalaan na siya ring ibinibigay sa kanyang sariling mga mamamayan.”
Kailangan maala-ala natin ang tatlong uri ng Jizya o buwis kung papaano kinukuwenta (naiulat sa itaas) ang para sa mga miyembrong nagtatrabaho, subali't ang mga ibang klase ng mga di-Muslim, katulad ng mga maralita, dukha, mga bata, kababaihan, mga monghe, mga pari, ang mga may kapansanan na permanente at ang mga bulag, ay hindi saklaw mula sa pagbabayad ng ganitong buwis, at ang kanilang pangangalaga, pangangailangan at pangkalahatang kapakanan ay ibibinibigay ng libre mula sa Islamikong Pananalapi.
Katulad halimbawa si Umar bin al-Khattab (t) ng minsan siya ay nakaupo at nakita niya ang isang matandang Hudyo na dumaan at namamalimos sa mga tao. Si Umar (t) ay nagtanong tungkol sa kapakanan ng taong iyon at napag-alaman niya na siya ay hindi Muslim na naninirahan sa pangangalaga ng Islamikong Pamahalaan, at siya ay nagbabayad ng buwis. Si Umar (t) ay nagsabi: “Kami ay hindi naging makatarungan sa iyo! Kami ay nagpataw ng buwis at pinagbayad ka namin noong ikaw ay bata pa at malakas, at ngayon ay hindi namin maibigay sa iyo ang tamang panlipunang pangangalaga at kabutihan (ngayong matanda ka na at baldado)."
Ang kinalabasan, dinala ni Umar ang tao sa kanyang sariling bahay, pinakain niya at binigyan ng wastong pananamit. At pagkaraan noon pinag-utusan niya ang Muslim na Ingat-yaman; 'Tingnan ang kaso ng taong ito, at ang ibang mga taong may katulad na kalagayan, at bigyan sila ng karampatang kita mula sa kaban ng Islamikong pamahalaan, pati na ang kanilang mga pamilya. Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagsabi sa Qur'an:
“Ang kawanggawa ay para lamang sa mga mahihirap at nangangailangan at para sa mga nagtatrabaho upang mangalap at mamahagi nito (ng Zakat) at para sa taong ang puso ay naitalaga sa Islam (bagong yumakap sa Islam) at yaong alipin para sa kanilang paglaya at sa mga nagkautang at sa mga naglalakbay (na kinapos ng salapi) at sa mga nakikipaglaban sa landas ng Allah; ito ay isang tungkuling itinalaga ng Allah. Ang Allah ay ang Lubos na Maalam, Ang Tigib ng Karunungan.” (Qur'an 9:60)
Si Khalid bin al-Waleed (t) ay nagkaloob ng kasunduan sa mga di-Muslim sa Iraq, at sinulat ang mga sumusunod: "Sinuman sa mga di-Muslim na nasa pangangalaga ng Islamikong Estado na matanda na at wala ng kakayahang maghanap-buhay o dinapuan ng permanenteng sakit o naging mahirap, sa gayong kalagayan siya ay kinakailangan bigyan ng kawanggawa mula sa kanyang sariling mga kapatid sa pananampalataya, at siya ay hindi na kailangang magbayad ng Jizya o buwis. Silang mga ganitong uri ng tao ay dapat pagkalooban ng pangunahing pangangailangan mula sa kaban ng Islamikong Pamahalaan, pati na ang kanilang pamilya." [Abu Yousef, Al-Kharaj, p.144]
Si Lis Lictenstadter, isang babaing Aleman na mananaliksik, sa kanyang aklat na may titulong, 'Ang Islam at ang Modernong Panahon' ay nagsabi; "Ang karapatang ibinigay sa mga tao sa Persia (Iran) at sa Roma o ang mga taga Kanluran, sa panahon ng pagpapalaganap ng Islam, ay hindi ang pagpatay sa pamamagitan ng espada kung hindi tatanggapin ang Islam. Sa katunayan, ang panukala ay sa pagitan ng pagtanggap sa Islam bilang pamamaraan ng buhay o kaya ay ang magbayad ng buwis (bilang kapalit sa kanilang pangangalaga). Ito’y isang panukalang karapat-dapat ipagbunyi o purihin na siyang tinularan sa Inglatera (England) sa panahon ng pamumuno ni 'Queen Elizabeth'”. [Islam and Modern Age, p. 67. See also, Ahmad Shalabi, Comparative Religious Studies, vol. 3, p.174]
Ang mga di-Muslim na nasa ilalim ng pamamahala ng Islamikong Estado ay binigyan ng lubos na kalayaan para sa kanilang ganap na pangangalaga at paggalang sa kanilang mga karapatan. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur'an;
"Baka sakaling ang Allah ay magkaloob ng pagmamahalan sa pagitan ninyo at inyong (mga kamag-anak na) itinuturing na mga kaaway, sapagkat ang Allah ang may Kapangyarihan, at ang Allah ang Laging nagpapatawad, ang Pinakamaawain. Hindi kayo pinagbabawalan ng Allah sa mga tao na hindi nakikipaglaban sa inyo sa pananampalataya at hindi nagtataboy sa inyo sa inyong mga tahanan, na sila ay inyong pakitunguhan nang mabuti at makatarungan, katotohanang ang Allah ay nagmamahal sa mga makatarungan. Katotohanan, ang Allah ay nagbabawal lamang sa inyo sa mga tao na nakipaglaban sa inyo sa pananampalataya, at nagtaboy sa inyo sa inyong mga tahanan at tumulong sa iba upang kayo ay mapaalis, na sila ay huwag pakitunguhan ng mabuti. At sinuman ang makitungo sa kanila, sila ang gumagawa ng kamalian." (Qur'an 60:7-9)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Kung sinuman ang gumawa ng hindi maganda sa isang tao (di-Muslim) sa ilalim ng pangangalaga ng Islamikong Pamahalaan o minamaliit, inaapi o inaabuso o kinukuha ang pag-aari niya na walang pahintulot, ako ay tatayo laban sa kanya sa Araw ng Paghuhukom”. (Abu Dawood at Nasa’ee)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Sinuman ang pumatay ng tao sa ilalim ng pangangalaga ng Islamikong Pamahalaan, siya ay hindi makakalanghap ng bango ng Paraiso, na ang amoy nito ay maamoy mula sa layo ng apatnapung taon.” (Bukhari)
Sa kabuuran kami ay sisipi mula sa aklat ni G. Will Durant tungkol dito sa higit na pinasamang Jizya, na sinipi niya mula sa mga 'Orientalist Welldiorant': “Ang mga tao ng 'Dhimmis'; mga Kristiyano, 'Zaradishts', mga Hudyo at mga Sabiano, ay nagtamasa ng antas ng pagpaparaya sa panahon ng pamamahala ng mga Umayyad na hindi maaaring lagumin sa mga bansa ng mga Kristiyano sa panahon na ito. Sila ay Malaya sa pagsasagawa nila ng kanilang mga rituwal. Napanatili nila ang kanilang mga simbahan at mga sinagoga na ang naging ubligasyon ay ang pagsusuot nila ng may espesyal na kulay at ang pagbabayad ng buwis ng bawat tao batay sa kanilang kinita. Ang binabayad na ito ay mula sa dalawa hanggang apat na dinaryo. Ang buwis na ito ay pinapataw lamang sa mga di-Muslim na puwedeng pumunta sa digmaan. Subali't ang mga pari, kababaihan, kabataan, mga alipin, ang mga matatandang lalaki, ang mga lumpo, mga bulag at ang mga naghihikahos ay di-saklaw ng buwis. Ang mga Dhimmis ay di-saklaw para sa serbisyo ng militar. Sila din ay libre sa pagbabayad ng Zakat na may halagang 2.5% ng kanilang kinita sa loob ng isang taon at tungkulin ng pamahalaan na sila ay pangalagaan.” [History of Civilization, vol.12, p131]
SSSS
Ang Pagtatagubilin ng Habag at Pagbabawal sa Pananalakay ay Isa sa mga Prinsipyo ng Islam
Ang Banal na Relihiyon ng Islam ay isang Relihiyon ng kapayapaan, habag, pagpaparaya, kabaitan at kawanggawa. Ito ay naninindigan ng matuwid laban sa lahat ng kalupitan, karahasan at sa lahat ng kasamaan upang itaguyod at pangalagaan ang katarungan at kapayapaan. Ang Allah, ang Mapagkawanggawa ay hinihimok ang lahat ng mga Muslim na sumunod sa hakbang ng Sugo ng Allah (ﷺ) katulad ng sumusunod:
“At sa pamamagitan ng habag ng Allah, (O Muhammad) makipag-ugnayan sa kanila ng mahinahon. Kung ikaw ay naging mabalasik at matigas ang puso, sila ay maaaring lumisan sa iyo, kaya’t ipagpaumanhin ang kanilang mga kakulangan at humingi ng kapatawaran sa Allah para sa kanila at sumangguni sa kanila hinggil sa kanilang gawain. At kung kayo ay nakapagpasiya na, ibigay ninyo ang inyong pagtitiwala sa Allah, katiyakang ang Allah ay nagmamahal sa mga nagtitiwala sa Kanya." (Qur'an 3:159)
Ang Allah ang Maalam at Dakila ay naglarawan sa misyon ni Propeta Muhammad (ﷺ) bilang awa sa lahat katulad ng nakasulat:
"At ikaw (O Muhammad) ay Aming isinugo bilang Habag para sa sangkatauhan." (Qur'an 21:107)
Ang Islam ay nag-uutos sa lahat ng Muslim na magpakita ng awa at kabaitan sa lahat ng mga inosente at mga dukhang. Ang Propeta ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang mga mahabagin at mababait na tao ay tatanggap ng Awa sa Maawaing Allah, ang Makapangyarihan. Maging maawain sa mga tao dito sa lupa at ang ang Allah, ang Makapangyarihan na nasa Kalangintan, ay magkakaloob sa inyo ng Kanyang Awa.” (Tirmidthi)
Sa ibang pahayag sinabi niya (ﷺ):
“Ang Allah, ang Makapangrarihan, ay mahabagin sa mga taong maawain sa mga tao. Maging mahabagin sa mga tao dito sa mundo, at ang Isa na nasa Langit ay maging maawain sa inyo." (Tirmidthi at Abu Dawood)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Bilang mabait sa iba ay maganda sa lahat ng bagay, at kung ang kabaitan ay mawala (sa mga puso ng tao) ang kalagayan ay magiging masama at lulubha." (Muslim)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
"Siya na nawalan ng pagtitimpi at kahinhinan ay, katunayan, siya ay nawalan lahat ng buti." (Muslim)
Ang Propeta (ﷺ) ay nagsabi rin:
"Kung ang pagtitimpi ay idinagdag sa isang bagay, ito ay gumaganda, at kung ito ay inalis mula sa isang bagay, ito ay madaling masira." (Muslim)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi kay Ashaj Abdul-Qais (t):
"Ikaw ay nagtataglay ng dalawang katangian na mahal ng Allah: habag at pagtitimpi." (Muslim)
Karagdagan dito, ang Islam ay nag-uutos na ang habag at kabaitan ay dapat ibigay sa lahat ng tao, kahit na sa mga kaaway ng mga Muslim na nabihag sa panahon ng labanan o Jihad, dahil ang pag-uutos ng Propeta ng Allah (ﷺ) ay:
“Dapat na maging mabait at mahabagin sa mga bihag." [see Al-Mu'jammal-Kabeer, The Grand Dictionary of Hadith. 22/393].
Kung ang Propeta ay nag-utos sa mga Muslim na maging mabait para sa mga masasamang kalaban na umaaway sa kanila, magkaganoon, nararapat na mas maganda ang pakikitungo sa mga tahimik at mapayapang tao. Hindi dapat na pumatay sa mga walang katarungan katulad ng sinabi ng Dakilang Allah:
"At huwag ninyong patayin ang sinuman na ipinagbabawal ng Allah, malibang ito ay sa makatarungang paraan. At kung sinuman ang napatay na hindi makatarungan, Aming binigyan ang kanyang tagapagmana ng karapatang gumanti ayon sa legal na paraan [humingi ng Qisas (batas ng pagpatay sa pumatay) o magpatawad o tumanggap ng Diyah, salaping bayad sa dugo]. Datapwa't huwag siyang lumampas sa hangganan ng pagpatay. Katotohanang siya ay lilingapin (ng ayon sa batas ng Islam)." (Qur'an 17:33)
Marami pang ganitong paksa na ilalahad sa ibaba, ngunit bigyan natin ng pansin ang tungkol sa habag at kabaitan sa Islam, (hindi na babanggitin pa ang pagbabawal sa pagpatay ng tao ng walang katarungan) at hindi lamang para sa mga tao subali't kasama dito pati ang lahat ng mga nilikhang may buhay.
Katulad nang ang Propeta ng Allah (ﷺ) na nakakita ng isang tao na binaril ang isang ibon bilang libangan lang at iniwan na lang basta hanggang mamatay, sa gayon sinabi niya (ﷺ):
“Ang maliit na ibong ito ay dudulog sa Allah (ang Makapangyarihan), ang kanyang kaso sa Araw ng Paghuhukom na magsasabi: ‘O Panginoon ko! Pinatay ako ng taong ito ng walang layunin at hindi pinakinabangan ang aking pagkamatay.' (katulad nang pinapahintulutang paghahanap ng pagkain).” (Ahmed at Nasa’ee)
Ang kasamahan na si Abdullah ibn Umar (t) ay iniulat na nadaanan niya ang mga kabataang lalaki mula sa tribo ng Quraish na nakahuli ng ibon at ginawang asintahan sa pagbaril. Sinabi niya: 'Sino ang naglagay ng ibong ito upang gawing asintahan sa pagbaril? Sumpain nawa ang taong gumawa nito! Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang Allah, ang Makapangyarihan ay isusumpa ang taong humuli ng anumang nabubuhay na nilalang at ginawang asintahan sa pagbabaril.” (Bukhari at Muslim)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nag-utos sa mga Muslim na magpakita ng kabaitan sa lahat ng gawain, kahit na sa pagkatay ng mga hayop, sa pamamagitan ng salita sa ibaba:
“Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nag-utos na dapat ay walang kapintasan sa lahat ng ginagawa. Kung papatay, dapat ay walang mali ang pagpatay. Kung kayo ay magkakatay ng hayop para sa karne, dapat gawing ganap ang pagkatay. Ihasa ng maigi ang gulok at dapat maging mabuti, mabait at mahabagin sa hayop na iyong kakatayin. Bigyan ng lubos na kaginhawahan ang hayop na inyong kinakatay." (Muslim)
Ang pagiging maawain at mabait sa mga hayop ay isang paraan upang makapasok sa Paraiso. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
"May isang taong naggaling sa kagubatan at siya ay lubhang nauhaw. Siya ay naghanap ng tubig at nadaanan niya ang isang balon at nakuha niyang bumaba dito upang kumuha ng tubig. Dahil wala siyang anumang bagay upang marating ang ibaba ng balon at makakuha ng tubig, gumawa ng mabuting paraan na dito'y naghirap ng ganap para maabot ang tubig, at sa huli nakuha niyang mapawi ang kanyang uhaw at umahon mula sa balon. Sa kanyang pag-ahon nakita niya ang isang aso na nakalabas din ang dila dahil sa pagkauhaw. Ang tao ay nagsabi sa kanyang sarili na ang aso ay nagdurusa din sa pagka-uhaw na katulad niya. Kaya't ito ay muling bumaba sa balon at nilagyan niya ng tubig ang kanyang sapatos na kagat-kagat niya sa pagpanhik mula sa ibaba ng balon at ibinigay ito sa aso. Ang aso ay uminom at umalis. Dahil dito, nasiyahan ang Allah, ang Makapangyarihan, sa kanyang ginawa at pinatawad ng Allah ang kanyang mga nakaraang kasalanan.” (Bukhari)
Isa sa mga tagapanood, na nakarinig sa salita ng Propeta (ﷺ) ay nagtanong, 'O Sugo ng Allah (ﷺ)! Mabibigyan ba kami ng gantimpala sa pagiging mabuti at maawain sa mga hayop? Ang Sugo ng Allah ay nagpahayag:
“Katotohanan na mayroong mga sagradong gantimpala sa pagiging mabait at maawain sa lahat ng mga nilikhang nabubuhay na mayroong basa o mahalumigmig na atay. " (Bukhari)
Naiulat na ang isang babae ay nararapat sa pagpaparusa at sa Galit ng Allah, ang Makapangyarihan, at magiging isa sa mga maninirahan sa Impiyerno dahil sa kanyang pagmamalupit sa isang pusa. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang isang babae ay nanirahan sa Impiyerno dahil sa kanyang pagmamalupit sa isang pusa. Itinali niya at ikunulong ang pusa at hindi pinakain o hindi pinakawalan upang maghanap ng kanyang sariling pagkain sa paligid." (Bukhari & Muslim)
Ang listahan ng Propeta (ﷺ) sa mga kautusan niya sa mga Muslim upang maging mabait, maawain at mahabagin ay walang katapusan. Ang mga naiulat sa itaas ay ilan lamang sa mga halimbawa. Iniulat sa ibaba ang iba pang mga halimbawa. Habang ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay naglalakad at nakita niya ang isang asno na may tatu sa mukha, at sinabi:
“Nawa'y ang sumpa ng Allah ay mapasa taong naglagay ng tatu sa mukha nitong asno." (Muslim)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nag-ulat na may nadaanan siyang kamelyo na patpatin dahil sa gutom, at sinabi niya;
“Alalahanin at igalang ang mga kautusan ng Allah tungkol sa mga hayop na hindi nakakapagsalita sa kanilang pangangailangan. Ginagamit at sinasakyan sila kaya't dapat silang alagaan ng mabuti, at kinakatay at kinakain sila kaya't dapat silang alagaan ng mabuti." (Abu Da`ood)
Kung ito ay ang pagiging maawain at mabait sa mga hayop at sa mga nabubuhay na ibang nilikha, papano pa sa mga taong nabubuhay, na siyang binigyan ng higit na pagtangi, karangalan at paggalang kaysa sa lahat ng ibang nilikha ng Dakilang Allah? Ang Pinakamaalam at Makapangyarihang Allah ay binigyan ng karangalan ang tao ng higit kaysa sa ibang nilikha at ipinagkaloob at iniisa-isa ang Kanyang kagandahang-loob sa sangkatauhan katulad ng mababasa natin sa Qur'an:
"At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan at Amin silang ginawaran ng masasakyan sa lupain at (ipinalaot) sa karagatan, at pinagkalooban sila nang mabubuti at malilinis na bagay at Aming itinampok sila nang higit sa karamihan sa Aming mga nilikha.” (Qur'an 17:70)
Tunay na ang pagsunod sa Dakilang Allah at sa patnubay na ipinahayag Niya sa Kanyang Sugo (ﷺ), ang tao ay pinarangalan. Subali't sa hindi niya pagsunod siya ay nasadlak sa kapariwaraan at kasiraan ng puri sa kanyang sarili sa kahihiyan at kapoot-poot na mga gawain.
SSSS
Ang Pangkalahatang Prinsipyo ng Islam – Kampeon sa Pagtataguyod ng Ganap na Kapayapaan
Upang maging makatotohanan at pangkalahatan ang kapayapaan dapat ay saklaw nito ang lahat ng makataong gawain na tumutupad sa pangangailangan ng buhay sa maayos at matuwid na paraan. Ang mga batas at turo ng Islam ay binubuo ng mga sumusunod na prinsipyo, naayon sa panuntunan ng batas at patnubay – ipinapakilala bilang halimbawa lamang – na ang lahat ng layunin ay ang pagtataguyod sa pangkalahatan at makatarungang kapayapaan.
Paggalang sa Buhay ng Tao
Binibigyang halaga ng Islam ang lahat ng buhay ng tao, at para sa kaligtasan ng tao, pinapataw ang parusang kamatayan [Qisaas] para sa nagplano at sadyang pagpatay sa inosenteng kaluluwa. Ang hindi inaasahang pangyayari at di-sinasadyang pagpatay ay may ibang kaparusahan na tinatawag na “Diyyah” (salaping bayad sa dugo), na nangangahulugang may itinalagang kabubuang salapi na ibibigay sa tagapagmana ng pinatay bilang kabayaran. Ang salaping bayad sa dugo ay hindi kailan man nangangahulugan na katumbas ng nawalang buhay ng tao kundi ito ay bilang kabayarang sa pinsala at sakit na kanilang dinanas bunga ng pagkawala ng isang minamahal.
Ang pagbabayad puri o pagsisisi (kaffarah) ay tutuparin ng pumatay sa pamamagitan ng pagpapalaya ng alipin o kaya sa pag-aayuno ng dalawang buwang sunud-sunod upang pagbayaran ang kanyang kasalanan. Kung ang pumatay ay di-makasunod sa pag-aayuno, sa lehitimong katwiran, siya ay sapilitang magpakain ng animnapung mahirap na tao ng makatwirang sapat na pagkain (isang kainan). Ang pagsisisi ay pagsambang gawain na kung saan ang makasalanan na naghahanap ng kapatawaran mula sa Allah (Y), para sa kanyang di-sinasadyang kasalanang pagpatay ng tao. Lahat ng ito ay gagampanan para ipakita ang paggalang at kasagraduhan ng buhay ng tao. Ang Islam ay nag-uutos ng matinding kaparusahan sa sadyang pagpatay ng tao dahil kung ang may balak pumatay ng tao ay mauunawaan niya na siya rin ay papatayin dahil sa paghihiganti at mapaparusahan para sa kanyang kasalanan, marahil siya ay magdadalawang isip bago gawin ang pagpatay. Kung hindi mahigpit sa pagpapatupad ng paghihiganti at kaparusahan, ang mga kiminal ay magpapatuloy sa kanilang katapangan at lantarang pagsasagawa ng krimen. Ito ay katulad din sa pagpapatupad ng kaparusahang kamatayan at sa mga parusang may pananakit na tinatawag na “Hudood” (masakit na kaparusahan) sa Islam.
Ang Pangunahing kaparusahang sa Islam ay mainam at mabisang parusa dahil ito ay magandang pagpigil at lubhang kailangan bilang marangal na katwiran upang mapangalagaan at mapanatali ang kaligtasan ng buhay ng tao. Ang Allah, Ang Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
"At sa Al-Qisaas (Batas ng Pagkapantay-pantay sa kaparusahan) ay mayroong (pagliligtas) ng buhay sa inyo, o kayong mga tao na may pang-unawa, upang mapigil ninyo ang inyong sarili (sa pagkakasala)." (Qur'an 2:179)
At ang Allah ang Pinakamapagbigay ay nagsabi:
"Sa ganyang pananagutan: Aming ipinag-utos sa mga anak ng Israel na kung sinuman ang pumatay ng isang tao – maliban na lamang kung ito ay isang pagganti (bilang legal na kabayaran pagpaparusa sa pagpatay) o pagkakalat ng kaguluhan sa kalupaan - ito ay katulad ng pagpatay niya sa buong sangkatauhan: at kung sinuman ang nagligtas ng isang buhay, ito ay katulad ng pagligtas niya sa buong sangkatauhan. At kahit na dumatal sa kanila ang Aming mga Sugo na may maliliwanag na mga katibayan at mga tanda, gayunpaman, pagkatapos nito, marami sa kanila ang nagpatuloy na lumagpas sa hangganan dito sa kalupaan." (Qur'an 5:32)
Bukod dito, ang mga kriminal na halang ang mga kaluluwa na hindi marunong magsisi ay binabalaan sa walang katapusang kaparusahan sa Impiyerno, ang pirmihang tirahan ng mga hamak at walang katapusang kaparusahan sa Kabilang Buhay na nasa ilalim ng Galit at Poot ng Allah, ang Makapangyarihan. Ang Allah, ang Maalam at Makapangyarihan ay nagsabi:
"Kung sinuman ang pumatay ng sadya sa isang nananampalataya, ang kanyang kabayaran ay ang Impiyerno, upang manahan doon (magpakailanman), at ang poot at sumpa ng Allah ay nasa kanya at ang nakakatakot na kaparusahan ay inihanda para sa kanya." (Qur'an 4:93)
Si Abu Bakrah (t) ay nag-ulat: 'Narinig ko ang Sugo ng Allah(ﷺ) na nagsabi':
“Kapag ang dalawang Muslim ay nag-away (nagpang-abot) sa pamamagitan ng kanilang mga espada, silang dalawa, ang pumatay at namatay ay mapupunta sa Impiyerno. Sinabi ko: 'O Sugo ng Allah! Tama lang para sa pumatay ngunit papaano naman iyong napatay?' Sumagot ang Sugo ng Allah; 'Katotohanan na siya rin ay may layuning patayin ang kanyang kasama.” (Bukhari)
Walang pasubali na kung tapat ang pagsisisi ng isang tao, magkagayon ang Awa at Kapatawaran ng Dakilang Allah ay para sa lahat ng makasalan.
-> Pagkapantay-pantay sa Katayuan ng mga Tao
Ang lahat ng tao ay likas na magkakapantay-pantay at ito ay tumutukoy sa kapwa lalaki at babae na magkatulad. Nang ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nilikha ang unang tao, si Adan(u) -- ang ating dakilang ama at ama ng buong sangkatauhan – nilikha din Niya (Y) ang ating ina na si Eba. Kaya’t ang sangkatauhan ay pangunahing binubuo ng isang pamilya at isang lahi mula sa marangal na mag-asawa. Mula noon, ang mga nilalang ay nakikilala sa kanilang pananampalataya at pagkamasunurin o sa kanilang kawalan ng pananampalataya at di-pagkamasunurin. Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
"O Sangkatauhan! Igalang ninyo ang inyong Panginoong (Allah) Tagapag-alaga, na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan) at nilikha niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanilang dalawa ay kumalat (nilikha) ang di mabilang na mga lalaki at babae, at pangambahan ninyo ang Allah, na sa pamamagitan Niya ay humihiling kayo ng mga pabuya at mga karapatan at ibigay ang paggalang sa mga sinapupunan (na nagsilang sa inyo, ie, huwag putulin ang pagkakamag-anak), katiyakan na ang Allah ay lagi nang ganap ng nagmamasid sa inyo." (Qur'an 4:1)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang lahat ng tao ay mga anak ni Adan at si Adan ay nilikha mula sa alikabok.” (Ahmed)
Yamang ang alikabok ay ibat-iba ang kulay at katangian, ang tao rin ay umunlad tungo sa ibat ibang kulay at mga katangian.
Si Propeta Muhammad (ﷺ) ay nagsabi:
“Pinaginhawa kayo ng Dakilang Allah mula sa hirap ng kamangmangan na may pagmamalaki sa mga ama at sa mga ninuno. Kayong lahat ay mula kay Adan, at si Adan ay nagmula sa alikabok. Walang pagkakaiba sa pagitan ng Arabo at hindi Arabo, o sa pagitan ng itim na tao at pulang tao maliban sa kabanalan.” (Abu Dawood)
Sa pasimula, ang lahat ng tao ay naniwala sa pangkaraniwang pananampalataya sa kaisahan (ng Allah) sa Islam na ipinahayag kay Adan, at sinalita ang parehong karaniwang lengguwahe. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
"At ang sangkatauhan (noon) ay isa lamang Ummah (lahi at bayan at may isang pananampalataya lamang sa isang Diyos at isang Relihiyon, ang Islam) ngunit sila ay nagkahidwa-hidwa (pagkaraan ng mga panahon). At kung hindi lamang sa isang (tiyak na) Salita na nanggaling mula sa inyong Panginoon, ang kanilang pagkahidwa-hidwa ay napagpasiyahan na sana sa pagitan nila (tungkol sa bagay na hindi nila pinagkakasunduan)." (Qur'an 10:19)
Bunga nito, ang tao ay nagsimulang magkaroon ng hindi pagkakasundo at ang mga dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay: ang pagdami ng kanilang mga bilang, mga paglalakbay sa ibat-ibang panig ng mundo, ang pagkakaibang kulay at ibang mga katangian ng mga grupong umuunlad sa paglipas ng panahon sa pamamagitan ng kapaligirang nakakapagbigay-sigla at iba pa, ang pag-unlad ng mga wika at mga salitang diyalekto at marami pang ibang dahilan.
Dahil sa iginagalang ng Islam ang bawat nilalang na hindi isinasaalang-alang ang lahi, kulay, salita, panuntunan, pananampalataya, o sariling bansa na may pagkapantay-pantay na pakikitungo sa lahat ng tao, ang lahat ng mga nilalang ay pantay-pantay sa harap ng mga Batas ng Allah, ang Makapangyarihan. Siya (Y) ay nagsabi:
"O Sangkatauhan! Nilikha Namin kayo sa isang pares ng lalaki at babae, at Aming ginawa kayong maraming bansa at mga tribu, upang mangakilala ninyo ang isa't isa (at hindi iyong hamakin ang isa’t isa). Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay siya na pinakamabuti at pinakabanal. At ang Allah ay tigib ng Kaalaman at Lubos na nakababatid (sa lahat ng bagay)." (Qur'an 49:13)
At sa mga tradisyon (hadith) nabasa natin na si Aishah, (nawa'y kalugdan siya ng Dakilang Allah), ay nag-ulat: 'Ang mga Quraish ay higit na nabahala sa kaso ng babaeng Makhzumiyah na nakagawa ng pagnanakaw at nag-isip kung sino ang mamamagitan para sa kanya sa Sugo ng Allah (ﷺ). Ang iba ay nagsabi na si Usamah bin Zaid (t) ay kanyang pinakamamahal at maaaring maglakas-loob na gawin ito. Kaya’t si Usama (t) ay nakipag-usap sa Sugo tungkol sa bagay na iyon, at ang Propeta(ﷺ) ay nagsabi sa kanya:
“Ikaw ba ay mamamagitan kapag ang isa sa mga alituntuning may kaparusahan na ipinag-utos ng Allah ay nalabag? At siya ay tumayo at nagsalita para sa mga tao at sinabing: 'Ang mga taong nauna sa inyo ay nangapinsala dahil kapag ang may impluwensiyang tao na kabilang sa lipon nila ay nakagawa ng kasalanang pagnanakaw, pinapalaya nila na hindi nilalapatan ng kaparusahan, ngunit kapag ang isang mahinang tao na kabilang sa lipon nila ay nakagawa ng kasalanang pagnanakaw, iginagawad kaagad ang pangunahing kaparusahan sa kanya. Sa Ngalan ng Allah, kung si Fatimah, ang anak ni Muhammad, ay nakagawa ng kasalanang pagnanakaw (na ang halaga ay sakop ng pangunahing kaparusahan), puputulin ko ang kanyang kamay!” (Bukhari at Muslim)
Ang lahat ng mga nilalang ay pantay-pantay batay sa saligang kalayaan at mga pananagutan. Si Umar bin Al-Khattab (t) ay nagsalita ng maliwanag tungkol dito noong halos labing-apat na siglo na ang nakakaraan nang ipahayag niya sa nagkasalang Muslim na naging palalo sa isang di-Muslim: “Inalipin mo ba ang ibang tao na nagsilang sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga ina ng walang bayad?” Samakatuwid, bawat nilalang, sa mata ng Islam, ay may karapatan sa mga sumusunod na uri ng kalayaan, na iniulat sa maiksing halimbawa katulad ng mga sumusunod:
Kalayaan sa pag-iisip at kuro-kuro. Ang Sugo ng Allah(ﷺ) ay nag-utos sa mga Muslim na magsabi ng katotohanan, magpahayag ng tapat na kuro-kuro, at magpigil sa sarili mula sa pananakot ng iba, katulad ng iniulat:
“Ang taong nakakaalam sa katotohanan at hindi niya ipinahayag, siya ay isang piping demonyo.” (Tirmidhi)
Kalayaang marating at makinabang sa mga yaman, mga mineral, at sa mga likas na kayamanan ng mundo.
Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi:
"Siya ang gumawa na ang kalupaan ay maging madaling pangasiwaan para sa inyo, kaya’t inyong tahakin ang mga landas nito at inyong tamasahin ang mga biyaya na Kanyang ipinagkaloob, at sa Kanya ang Muling Pagkabuhay." (Qur'an 67:15)
Kalayaang makamtan ang makapagtrabaho at kumita ng naayon sa batas at magkaroon ng pag-aari. Pinapasigla ng Islam ang lahat para magtrabaho sa kapakipakinabang na kalakalan at magkaroon ng kalayaang gamitin ang pagkakataon upang kumita ng legal. Katulad halimbawa sa pagmamana, ang Allah ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Mula sa anumang naiwan (na kayamanan) ng magulang at malalapit na kamag-anak, mayroong bahagi para sa mga lalaki at bahagi para sa mga babae, kahima't ang ari-arian ay maliit o malaki, isang nakalaan na bahagi." (Qur'an 4:7)
Kalayaan sa pag-aaral at pagtuturo. Itinataguyod ng Islam ang kalayaan sa pag-aaral ng bawat miyembro ng lipunan. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang pagsasaliksik ng karunungan ay sapilitang tungkulin ng bawat Muslim” (Baihaqi)
Sa katunayan, tinaguri ng Islam na ang gawaing pagsasarili ng mga pangunahin kinakailangan at kaalaman pang Islam, ang pagtago nito sa iba, at hindi pagbahagi sa kanila, ay ang gawaing hindi mapapatawad na ang gumawa nito ay siyang tatanggap sa Galit at Parusa ng Allah, ang Makapangyarihan. Ang Sugo ng Allah(ﷺ) ay nagsabi:
“Ang taong marunong na hinilingang ibahagi ang kanyang kaalaman sa iba ngunit tumanggi ito at itinago ang karunungan, siya ay lalagyan ng guwarnasyon na apoy sa Araw ng Pagbabayad” (Abu Dawood at Tirmidthi)
Kalayaan sa paggamit ng karapatan upang magkaroon ng tungkulin sa lipunan, kung siya ay mayroong nararapat na mga katangian. Talino at kakayahan ang pangunahing batayan sa paghawak ng tungkuling pamumuno sa Islamikong lipunan, katulad halimbawa ng walang pagkiling sa kulay at lahi. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Kung ang isang tao ay naitalaga para sa kapakanan ng mga Muslim, pagkatapos ay magtalaga siya ng isang tao ng may pagtatangi na hindi isinaalang-alang ang kanyang mga katangian, nararapat lang sa kanya ang Galit at Sumpa ng Allah. Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay hindi tatanggap ng anumang kanyang mga gawain at ang ganyang tao ay mapupunta sa Impiyerno.” (Hakim)
Marami pang mga kalayaan na ginagarantiyahan sa sistema ng Islam, ang mga nabanggit sa itaas ay ilan sa mga halimbawa.
Ang kalayaan ay salitang kalimitang mali ang paggamit, dahil sa ang tunay na kalayaan ay hindi makakamtan kung ang isang tao ay alipin ng kanyang masidhing mga pangangailangan – o alipin ng mga pangangailangan ng iba – at naghahanap para isakatuparan ang mga ito sa pamamagitan ng masama at labag sa batas na paraan. Ang tao ay naakit dito sa maling kalayaan sa paag-aakit ni Satanas, ang tahasang kaaway ng lahat ng nilalang, na dahil sa kanyang matinding pagseselos ay kinasuklaman ang lahi ng tao at ibinigay niya ang kanyang pangakong sumpa sa Allah(Y) na siya ay maghihintay kasama ang kanyang mga alagad upang manalakay sa pamamagitan ng kanilang mga sandata kahit kailan at kahit saan. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"O Angkan ni Adan! Huwag hayaang linlangin kayo ni Satanas katulad ng pamamaraan ginawa niyang pagpapalayas sa inyong mga magulang (Adan at Eba) mula sa Paraiso, hinubaran sila ng kanilang mga saplot upang mailantad ang kanilang kahihiyan. Tunay nga na siya (Satanas) at ang kanyang mga sundalo ay nakakakita sa inyo mula sa lugar na hindi ninyo sila nakikita (upang kayo ay mabitag). Tunay, Aming nilikha ang mga Demonyo bilang kaibigan ng mga walang paniniwala." (Qur'an 7:27)
-> Ang Mananatiling Relihiyon ng Allah (Y) para sa Lahat ng Tao
Bilang pandaigdig at walang hanggang Relihiyon ng Dakilang Allah (ang Islam) para sa lahat ng tao, ang layunin ng Islam ay alisin ang lahat ng anyo ng pagiging matapat sa isang grupo, matapat o deboto sa isang bansa, ang paniniwalang may nakatataas na lahi at ang diwa ng pagkapangkat-pangkat tungo sa pagkakasalungatan. Ang Islam ay ang Relihiyon ng Allah (Y) na itinuro sa lahat ng tao na ang kaisahan ng Allah (monotheism) ay ang pinakadiwa nito. Katulad din ng pangunahing mensahe na ibinigay mula kay Propetang Adan (u) hanggang sa huling Sugo na si Muhammad (ﷺ).
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Ang Allah ang nagtakda sa inyo ng gayon ding pananalig na Kanyang ipinag-utos kay Noah, at gayundin ang Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) at gayundin ang Aming ipinahayag kay Abraham, Moises at Hesus: na nagsasabi, na kayo ay manatiling matapat sa pananalig sa Relihiyon, at huwag kayong gumawa ng pagkakabaha-bahagi rito (sa Pananampalataya). Ang daan na kung saan sila ay iyong tinawag ay mahigpit para sa mga taong sumasamba sa ibang diyus-diyosan maliban sa Allah. Tunay nga, pinipili ng Allah ang para sa Kanyang Sarili ng sinumang Kanyang makalugdan, at Siya ang namamatnubay sa sinumang bumabaling sa Kanya." (Qur'an 42:13)
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Kami ay nagpadala ng kapahayagan (inspirasyon) sa iyo (O Muhammad) kung papaano rin Namin binigyan ng kapahayagan (inspirasyon) si Noah at ang mga Sugo na sumunod sa kanya: Aming ding binigyan ng kapahayagan si Abraham, Isma'il, Isaac, Hakob, at sa mga Tribu (ang mga anak ni Hakob), kay Hesus, Job, Jonah, Aaron, at Solomon at kay David iginawad Namin ang Salmo. At sa mga ibang Sugo na Aming binanggit sa iyo noong una at sa mga Sugo na hindi Namin nabanggit sa iyo, at kay Moses, ang Allah ay nakipag-usap ng tuwiran. Ang mga Sugo ay nagbigay ng mabubuting mga balita gayundin ng babala, upang ang sangkatauhan ay wala ng maipangatwiran laban sa Allah, matapos ipadala at isugo ang mga Sugo, dahil ang Allah ay Sukdol sa Kapangyarihan at Tigib ng Karunungan." (Qur'an 4:163-165)
Ang Allah, ang Dakila ay nagsabi:
"At yaon ang aming pagtatalo at pangangatwiran tungkol sa Aming ibinigay kay Abrahaham (na gamitin) laban sa kanyang mga pamayanan. Aming itinataas ang antas nang sinumang Aming maibigan, dahil ang inyong Panginoon ay tigib ng kaalaman at karunungan. Iginawad Namin sa kanya sina Isaac at Hakob, at bawat isa sa kanila ay Aming pinatnubayan, at bago pa sa kanya, Aming pinatnubayan si Noah at ang kanyang mga supling na sina David, Solomon, Job, Hosep, Moises at Aaron. Sa ganito Namin ginagantimpalaan yaong mga gumagawa ng mabuti. At sina Zakarias, Juan, Hesus at Elias: silang lahat ay nasa lipon ng mga matututwid." (Qur'an 6:83-85)
Ang Panginoon na Tagapanustos sa Tao, ang Allah, ang Pinakamaalam at Makapangyarihan, ay isinugo silang lahat na may magkatulad na mensahe:
"…O aking mga mamamayanan! Sambahin ang Allah! Wala na kayong iba pang Diyos maliban sa Kanya..." (Qur'an 11:50, 61, 84…)
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Sabihin (O mga Muslim): Kami ay sumasampalataya sa Allah at sa kapahayagang na ipinagkaloob sa amin at kay Abraham, Ismail, Isaac, Hakob at sa (labingdalawang) tribu at sa mga ipinahayag kay Moises at Hesus, at sa mga ipinahayag sa lahat ng mga Propeta mula sa kanilang Panginoon, kami ay hindi nagtatakda sa kanila ng pagtatangi-tangi, at kami ay tumatalima at sumusuko sa Allah (sa Islam)." (Qur'an 2:136)
Dahil dito, bawat Muslim ay inuubligahan ng pananampalataya at kredo: na maniwala sa lahat ng mga Propeta at mga Sugo; na maniwala sa mga Banal na Aklat at Kasulatan na ipinahayag at ipinahayag ng Allah, ang Makapangyarihan, sa mga naunang mga tao; na maniwala sa Kapatiran ng mga naunang tagasunod ng Aklat na tumanggap sa misyon ni Muhammad (ﷺ). Ang Mensahe ng Islam na dinala ni Muhammad (ﷺ) ay ang kahuli-hulihang Banal na Mensahe para sa sangkatauhan. Ang Allah (Y) ay nagsabi:
"Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, datapwa’t (siya ay) ang Sugo ng Allah, at Sagka (Panghuli) sa lahat ng mga Propeta, at ang Allah ang may ganap na Kaalaman sa lahat ng bagay." (Qur'an 33:40)
Katulad nito, ang kahuli-hulihang Banal na Mensahe ng Islam na ipinahayag sa Propeta Muhammad (ﷺ) ay pinawalang bisa ang mga naunang mga mensahe. Ang pagpapawalang bisa ay hindi pagtanggi o pagkaila sa mga naunang mga mensahe subali't wala ng kabuluhan ang mga ito. Magkagayon, ang Islam lamang ang Relihiyon na tatanggapin ng Allah, ang Pinakamataas na Panginoon. Ang Maalam at Makapangyarihang Allah ay nagsabi:
"Kung sinuman ang magnais ng ibang Relihiyon maliban sa Islam, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kaniya, at sa Kabilang Buhay siya ay mapapabilang sa hanay ng mga talunan." (Qur'an 3:85)
Hinihimok ng Islam ang mga tagasunod ng mga naunang Banal na Mensahe na maniwala sa Mensahe ng Islam, na ipinahayag kay Muhammad (ﷺ). Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Kaya’t kung sila ay mananampalataya na katulad ng inyong pananampalataya, tunay nga na sila ay nasa tamang landas, datapwa’t kung sila ay tumalikod, at sila ay nagkahiwa-hiwalay, kung gayon sapat na sa inyo Allah laban sa kanila, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Kaalaman." (Qur'an 2:137)
At ang Allah, ang Pinakadakila at Makapangyarihan ay nagsabi:
"At sa mga hindi sumasampalataya sa Allah at sa Kanyang mga Sugo at nagnanais gumawa ng pagtatangi-tangi sa pagitan ng Allah at ng Kanyang mga Sugo na nagsasabing, “Kami ay naniniwala sa iba (sa ilan sa mga Propeta) subali't nagtatakwil sa iba, at nagnanais magpatibay ng isang daan sa pagitan ng paniniwala at di-paniniwala. Sila ay mga tunay na hindi nananampalataya, at Aming inihanda sa mga hindi sumasampalataya ang kaaba-abang kaparusahan.” (Qur'an 4:150-151)
Lahat ng uri ng di-pananampalataya ay walang pasubali at katiyakang hindi tatanggapin ng Dakilang Allah:
"At para sa mga nagbabaha-bahagi ng kanilang pananampalataya at naghihiwalay sa maraming sekta, ikaw (O Muhammad) ay walang anumang kaugnayan sa mga ito kahit na katiting, ang kanilang kapakanan ay nasa Allah, Sasabihin Niya sa kanila ang katotohanan ng lahat ng kanilang ginawa. Sinuman ang gumawa ng isang mabuting gawa ay magkakaroon ng sampung ulit (na gatimpala) para sa kanyang kapakinabangan, at sinuman ang gumawa ng masamang gawa ay magkakaroon lamang ng isang kaparusahan katumbas nito, at sila ay hindi mawawalan ng katarungan. Sabihin (O Muhammad), “Katotohanan, ang aking Panginoon ay namatnubay sa akin sa tuwid na landas, isang tuwid na pananampalataya, ang pananampalataya ni Abraham (na Hanifan), ang tapat sa pananampalataya, at siya kailanman ay hindi napabilang sa lipon ng mga sumasamba sa iba maliban sa Allah. Sabihin (O Muhammad), ‘Katotohanan, ang aking Salah (takdang pagdarasal) at ang aking tungkulin sa pagsasakripisyo, ang aking pamumuhay at ang aking pagkamatay ay (lahat) para sa Allah, ang Panginoon at Tagapanustos ng mga Daigdig. Siya ay walang katambal, at sa bagay na ito ako ay napag-utusan, at ako ang una sa mga Muslim na tumatalima at sumuko sa Allah (sa Islam)." (Qur'an 6:159-163)
Pinapasigla din ng Islam ang lahat ng kanyang mga tagasunod na igalang ang damdamin ng mga di-sumasampalataya sa kanilang Relihiyon at ipagbawal ang nakakasakit na pananalita laban sa mga taong di-umaayon sa mga Muslim sa paniniwala katulad ng ipinag-utos ng Dakilang Allah:
"At huwag ninyong insultuhin ang mga yaong sumasamba maliban pa sa Allah, baka (ang mangyari) ay kanilang insultuhin ang Allah sa kamalian dahilan sa kawalan nila ng kaalaman. Kaya’t ginawa naming Kalugod-lugod sa bawat tao ang kanyang sariling gawain. At sa huli, ang kanilang pagbabalik ay sa kanilang Panginoon at Siya ang magpapahayag sa lahat ng kanilang ginawa." (Qur'an 6:108)
Samakatuwid ang Islam ay nag-uutos sa mga Muslim na anyayahan ang mga di-Muslim tungo sa pananampalataya sa pagpapakita ng kagandahan ng mga alituntunin, sa pagpatnubay ng may kaakit-akit na halimbawa at kaasalan. Ang Dakila at Makapangyarihan Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
"At sabihin, ‘Ang Katotohanan ay mula sa inyong Panginoon: At kung sinuman ang magnais, hayaan siyang manampalataya, at kung sinuman ang magnais, hayaan siyang hindi manampalataya. Katotohanan Aming inihanda sa mga makasalanan ang Apoy (usok at liyab) ay katulad ng dingding at bubong ng isang tolda na nakapalibot sa kanila, sila ay makukulong dito: at kung sila ay maghanap ng tulong (ginhawa), sila ay bibigyan ng tubig na tulad ng kumukulong tanso, na babanli sa kanilang mukha. Gaano kakila-kilabot ang inumin dito? Gaano kasama ang pahingahang lugar dito!" (Qur'an 18:29)
Ipinahayag ng Islam na ang katarungan ay ipamahagi din pati na sa mga di mananampalataya. Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
"Kaya’t sa gayong (Relihiyon ng Allah, sa Islam) anyayahan mo (sila sa Pananampalataya), at maging matapat at manatili sa tamang landas sa paraang ikaw ay pinag-utusan at huwag mong sundin ang kanilang mga kagustuhan, bagkus sabihin: ‘Ako ay naniniwala sa Aklat na ipinahayag ng Allah, at ako ay pinag-utusan na maging makatarungan sa inyo. Ang Allah ang aming Panginoon at inyong Panginoon, sa amin (ang pananagutan) ng aming mga gawa, at sa inyo (ang pananagutan) ng inyong mga gawa, walang pagtatalo sa pagitan natin. Ang Allah ang magtitipon sa atin, at sa Kanya ang ating Huling Pagbabalik." (Qur'an 42:15)
Ang Islam ay nagbigay ng ganap na kalayaan sa mga tao upang pumili sa tawag ng pananampalataya. Maaari nilang tanggapin o tanggihan ang anumang pananampalataya o paniniwala. Ibinigay ng Islam ang kalayaan sa mga Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) na panatilihin ang kanilang pananampalataya at mga tradisyon. Ipinagbawal ng Islam ang pagsira sa mga simbahan at mga sinagoga at ipinagbawal ng Islam ang pagsira sa krus ng mga Kristiyano. Ang Sugo ngAllah (ﷺ) ay nagsabi tungkol sa mga tao ng mga naunang Kasulatan:
“Iwanan ninyo silang mapag-isa sa taguri (tawag) ng pananampalataya” (Tabari)
Binigyan ng Islam ang mga tao ng mga naunang Kasulatan ng kanilang mga karapatan na nakasulat sa kanilang batas, at sila ay maaaring kumain, uminom at magsuot kung ano ang ipinapahintulot ng kanilang Relihiyon. Ang Islam ay nagbigay din ng karapatan sa mga tao ng mga naunang Kasulatan na gawin ang mga tradisyon ng kanilang Relihiyon katulad ng pagpapakasal, pag-aasawa, paghihiwalay at sa mga iba pang may kinalaman sa kanilang pag-uugnayan.
Bilang pagbibigay ng praktikal na halimbawa, si Umar bin al-Khattab (t) ang pangalawang Kalipa, ay ipinakita ang mga panukalang ito ng dumating siya sa simbahang 'Resurrection Church' sa Herusalem, at nang ang oras ng pagdarasal ng mga Muslim ay dumating, lumabas si Umar (t) sa simbahan at nag-alay ng dasal sa labas ng Simbahan at sinabi niya sa pari ng simbahan: “Kung ako ay nag-alay ng dasal sa loob ng Simbahan, maaaring aangkinin ng ibang Muslim sa hinaharap na si Omar ay nag-alay ng kanyang dasal sa may Simbahan at gagamitin nila itong dahilan upang wasakin ang Simbahan at magpatayo ng Mosque.” [Ibinalita mula sa Kasaysayan nina Imam Ibn Jareer at-Tabari]
Pagkakatulad nito, si Umar (t) ay nag-alok ng mga sumusunod na pangako ng pagtitiwala, “Ito ay pangako ng katiwasayan na inihandog ni Umar bin al-Khattab, ang Pinuno ng mga Mananampalataya, sa mga nakatira sa Ilea, tungo sa tawag ng Kapayapaan. Ibinigay ni Umar ang kanyang pangako ng pagkakaroon ng katiwasayan at kapayapaan para sa kanilang buhay, kayamanan, simbahan, mga krus at lahat ng kanilang mga sekta. Ang kanilang mga simbahan ay hindi dapat sakupin, wasakin, paliitin sa sukat, o limitahan ang pagmamay-ari ng mga Kristiyano na nakapalibot sa mga simbahan. Ang mga krus ay hindi dapat pakialaman. Ang kayamanan ng mga Kristiyano ay hindi dapat panghimasukan o angkinin ng labag sa batas, at ang mga Kristiyano ay hindi nararapat pilitin o puwersahin ng laban sa kanilang kalooban (halimbawa, ang tanggapin ang Islam).” [Ibinalita mula sa Kasaysayan nina Imam Ibn Jareer at-Tabari]
-> Ang Pampapasigla ng Mabungang Pakikipagtulungan sa Pagitan ng mga Muslim, Hudyo at mga Kristiyano
Ang pakikipagtulungan ay batay sa pagdadamayan at paggalang ng bawat isa, at dapat bihasa kung papaano magserbisyo sa pinakamahusay na paraan para sa pamayanan at madlang tao. Ang Allah, ang Pinakamaalam at ang Makapangyarihan ay nagsabi ng pangkalahatang alituntunin:
"…Magtulungan kayo sa isa’t-isa sa pagka-makatarungan at kabanalan, datapwa’t huwag kayong magtulungan sa isa’t-isa sa pagkakasala at pagsuway, at pangambahan ang Allah, tunay na ang Allah ay mahigpit sa Kaparusahan." (Qur'an 5:2)
Pinagpayuhan ng Islam ang lahat ng kanyang tagasunod ang magkaroon ng makabuluhan at matapat na salitaan o diyalogo sa mga taong di-umaayon sa kanilang Relihiyon. Ang Allah, ang Maalam ay nag-utos:
"At huwag kayong makipagtalo sa mga Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), maliban lamang sa mas mabuting paraan, maliban sa mga tao sa lipon nila na na nagdudulot ng kamalian at nananakit, at inyong sabihin sa kanila, ‘Kami ay naniniwala sa Kapahayagan na ipinarating sa amin at sa Kapahayagan na ipinadala sa inyo, ang aming Diyos at inyong Diyos ay Iisa, at kami ay sa Kanya lamang tumatalima (sa Islam). " (Qur'an 29:46)
Sa katunayan, ang daan ng Islam tungo sa pag-anyaya sa mga tao mula sa ibang Pananampalataya ay nakakabuti at may layon sa pakikipag-ugnayan na magdadala sa mga tao ng sama-sama sa Salita ng Allah at sa Kanyang Banal na Mensahe at mga Katuruan. Ang Allah (Y) ay nagsabi:
"Sabihin (O Muhammad): ‘O mga Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano). Halina kayo sa isang usapan na makatarungan sa pagitan namin at ninyo, na huwag tayong magbigay ng anumang katambal sa Kanya, at huwag nating itakda ang ilan sa atin bilang panginoon maliban sa Allah. At kung sila ay magsitalikod, inyong sabihin, ‘Maging saksi kayo na kami ay mga Muslim – tumatalima at sumusuko sa Allah’ (sa Islam)." (Qur'an 3:64)
-> Katapatan at Kadalisayan sa Pagpapayo sa Iba
Ang lahat ng mga Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagbigay ng matapat na payo sa kanilang pamayanan at ang matapat at dalisay na hangarin ang siyang kaibhan at kilalang mga katangian ng Islam. Ang Propeta (ﷺ) ay nagsabi, na iniulat ni Abu Hurairah (t):
“Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay minsan nagtanong, ‘Sino sa inyo ang magpapatupad ng mga sumusunod na mga salita ng kaalaman, isagawa ang mga ito, at ituro sa iba upang isagawa din ang mga ito?’ Si Abu Hurairah (t) ay sumagot ng walang pag-aalinlangan. Dahil dito, hinawakan ng Sugo ng Allah (ﷺ) ang kamay ni Abu Hurairah (t) at nagbigay ng limang sumusunod na paalala: 1) Layuan ang lahat ng ipinagbawal na ipinahayag ng Allah, sa gayon kayo ay magiging pinakamahusay na mananampalataya sa Allah, ang Makapangyarihan, 2) Tanggapin kung ano ang naitadhana sa inyo ng Allah, sa gayon kayo ang pinakamayaman na tao, 3) Maging mabuti sa inyong kapitbahay, sa gayon kayo ay makikilala na Mananampalataya, 4) Hangarin mo para sa ibang tao kung ano ang gusto mo para sa iyong sarili, sa gayon kayo ay makikilala na isang Muslim, 5) Bawasan ang inyong pagtawa, dahil sa sobrang pagtawa maaaring ang inyong puso ay mamatay.” (Tirmidthi)
Tinatawagan ng Islam ang lahat ng mga Muslim para magbigay ng makabuluhan at matapat na pagpapayo sa lahat ng tao ng walang bayad. Ang puntong ito ay batay sa salita ng Sugo ng Allah (ﷺ):
“Ang Islam ay Relihiyon ng pagpapayo. Ang mga tao ay nagtanong, 'O Propeta ng Allah! Kanino dapat ialok o kumuha ng pagpapayo? Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: sa Allah, sa Kanyang Aklat, sa Kanyang Propeta, sa mga Pangulo ng mga Muslim, at sa pangkahalatang lupon ng mga Muslim.” (Muslim)
Ang pagpapaliwanag sa tradisyong ito ay ang mga sumusunod:
Ang wagas at dalisay na payo mula sa Allah, ang Makapangyarihan ay ang sambahin Siyang Nag-iisa, ng taos-puso, huwag magtambal ng kahit anuman sa pagsamba sa Allah (Y) (ie: ang pagsamba sa mga diyos-diyosan), ang pag-aalaala sa Allah (Y), ang pagsambit sa Kanyang Magagandang mga Katangian at Banal na mga Pangalan, ang tanggapin ng walang pasubali na ang Allah (Y) ay nag-iisa sa pamamalakad sa lahat ng kapakanan ng Kanyang mga nilikha, ang maniwala na anuman ang gugustuhin ng Allah, ang Makapangyarihan, ay mangyayari at kung anuman ang hindi Niya gusto, ito ay hinding-hindi mangyayari, at ang pagsunod sa lahat ng mga Kautusan ng Allah (Y), at sumunod sa lahat na Kanyang ipinagbabawal.
Ang matapat na payo sa Aklat ng Allah (Y) ay ang pagkakaroon ng matatag na paniniwala sa Banal na Kasulatan na ipinahayag sa Kanyang Sugo na si Muhammad(ﷺ), at tanggapin ang lahat ng mga alituntunin na nakapaloob dito.
Ang matapat na payo sa Propeta ng Allah (ﷺ) ay ang pagsunod kung ano ang kanyang ipinag-utos, umiwas sa lahat ng kanyang mga ipinagbabawal, maniwala sa kanyang mga salita, mahalin at igalang siya, at ang pagtugon sa kanyang tawag at mga ipinapagawa, at ipalaganap ang mga ito sa mga tao.
Ang matapat na payo sa pinuno ng mga Muslim ay ang pagsunod sa lahat ng kanilang ipinag-uutos hanggat hindi ito sumasalungat sa kautusan at batas ng Allah (Y) at ng Kanyang Propeta (ﷺ), ang pagtulong sa kanila sa paggabay sa lahat ng kabutihan, hindi dapat maghimagsik laban sa kanila hanggat sumusunod sila sa Islam at sa mga alituntunin nito kasama ng buong ahensiya ng gobyerno, at ialok sa kanila ang ganap at pinakamatapat na payo sa paraang magiliw at malumanay.
Ang matapat na payo sa pangkalahatang mga Muslim ay ang gabayan sila ng pinakamainam sa kanilang pangRelihiyon at makamundong kapakanan, at tulungan sila na makamtan ang kanilang mga adhikain, para mahadlangan ang kahirapan laban sa kanila, at hangarin para sa kanila kung ano man ang minimithi ng isa para sa kanyang sarili, at dapat kamuhian ang nagdulot sa kanila ng kapinsalaan katulad ng pagkapoot ng sinuman sa nagdulot ng kapinsalaan sa kanyang sariling kaluluwa.
->Pagtatagubilin sa Mabuti at Pagbabawal sa Masama
Ang mga Muslim ay napag-utusan upang ipagpatuloy ang bawat angkop na pamamaraan sa pagtagubilin ng mabuti at ang pagbabawal sa masama, ayon sa kakayahan, karunungan, at taglay na kapangyarihan, para sa kapanatagan, kapayapaan, katahimikan at kasaganaan ng lipunan at komunidad at tutulan ang mga nang-aapi, kabulukan, at ang paglaganap ng 'Batas ng Kagubatan'.
Ang Allah, Ang Maalam at Makapangyarihan ay nagsabi:
"…Magtulungan kayo sa isa’t-isa sa pagka-makatarungan at kabanalan, datapwa’t huwag kayong magtulungan sa isa’t-isa sa pagkakasala at pagsuway, at pangambahan ang Allah, tunay na ang Allah ay mahigpit sa Kaparusahan." (Qur'an 5:2)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Kung sinuman ang nakakita ng masama ay dapat maiwasto ito sa pamamagitan ng kanyang kamay, kung hindi niya ito maisagawa, hayaan niyang iwasto ito sa pamamagitan ng kanyang dila, kung di pa rin niya magawa, kung gayon kahit man lang sa di pagsang-ayon at kapootan niya mula sa kanyang puso.” (Muslim)
Ang Sugo (ﷺ) ay gumawa ng paghahalintulad sa mga gumagawa ng kamalian at pinsala sa iba sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan:
“Ang halimbawa ng mga taong tumatalima sa mga hangganan ng Allah at ang mga taong hindi tumatalima ay katulad ng isang grupo ng mga tao na naglakbay sa isang bapor. Ang mga marino ng bapor ay nagpasiya na hatiin ang mga nakasakay, ang ibang bahagi sa kanila ay sumakay sa pang-itaas na kubyerta (ng bapor) at ang ibang bahagi ay sumakay sa pang-ibabang kubyerta. Nang ang mga tao sa pang-ibabang kubyerta ay gustong kumuha ng tubig sa ilog, kailangan nilang pumunta sa pang-itaas na kubyerta at humingi sa kanila. Ang mga tao sa pang-ibabang kubyerta ng bapor ay nagpasiya na butasan ang dinding/pader na bahagi ng kanilang bapor. Kung ang mga tao sa pang-itaas na kubyerta ay papayag na gawin ang kanilang plano, lahat sila ay lulubog at malulunod sa tubig. Pero kung ang mga tao sa pang-itaas na kubyerta ay pagbawalan ang mga ito sa pagbutas at sila ay takdaan, silang lahat ay maililigtas.” (Bukhari)
Ang Allah, ang Makapangyarihan at Nakababatid ng Lahat ay nagbalita sa atin na ang Kanyang Poot ay nagmula sa naunang mga pamayanan dahil sa kanilang pagpapabaya sa pagtatagubilin ng mabuti at ang pagbabawal sa masama:
"Hindi man lang sila nagbabawal sa isa’t isa sa kasamaan at kamalian na lagi nilang ginagawa. Tunay na kabuktutan ang kanilang laging ginagawa." (Qur'an 5:79)
-> Ang mga Uri ng Pagsamba sa Islam ay Nagpapasigla sa Kapatiran at sa Pagpapahalaga sa Kapayapaan at Kalayaan
Ang lahat ng uri ng pagsamba sa Islam ay ang likas na kalayaan sa pagtataguyod ng kapatiran at kapayapaan. Ang pagsaksi sa pananampalataya (ang Shahadah), ang takdang pagdarasal (Salaah), ang limos at kawanggawa (Zakat), ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan (saum), ang paglalakbay sa tahanan ng Allah sa Makkah (Hajj), ang pag-uutos sa mabuti at pagbabawal sa masama (amr bil-ma’roof wa nahi ‘anil-munkar'), ang pagpupunyagi para sa Landas ng Allah (jihad) ay sapilitan sa lahat ng mga Muslim ng pantay-pantay kung kayang tuparin ang mga kinakailangan nang ayon sa kanilang mga kakayahan. Upang maging isang Muslim, ang payak na seremonya ay ang pagpapahayag at ang pagsaksi sa pananampalataya: LA ILAHA ILLALLAH MUHAMMAD-UR-RASULLAH (ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay Sugo ng Allah). Sa kongregasyon na pagdarasal, ang mga Muslim ay nakahanay na nakatayo ng sunod-sunod na walang pag-uuri at pagtatangi sa pagitan nila. Itinataguyod ng Zakah (limos at kawanggawa) ang pagiging mapagkawanggawa at pagsama-sama sa pagitan ng mayayaman at mahihirap na pangkat ng lipunan. Itinataguyod ng pag-aayuno (Fasting) ang katuparan ng mahahalagang pangangailangan ng lahat ng tao, at ang pagpigil sa masidhing makataong pagnanais. Ang Hajj (ang paglalakbay sa tahanan ng Allah sa Makkah) ay ang dakilang tagapagpantay (pagkakapareho ng mga tao) dahil ang lahat ay nadamitan ng simpleng puting damit sa pagganap ng pare-parehong seremonya sa paggunita kay Propeta Abraham(u) at sa pagpuri sa sagradong mga lugar na saklaw ng Makkah. Ang pag-uutos ng mabuti at pagbabawal sa masama at “Jihad” (pagpupunyagi para sa Landas ng Allah) na ang pakahulugan ay para sa pagtataguyod at pagpapanatili ng lahat ng mabuti, kaaya-aya at desente at pagsugpo sa lahat ng masama at di-magandang kaugalian.
Ang Pangangailangan ng Lahat sa Paghahanap ng Mahalagang Karunungan
Ang Allah, ang Pinakadakila ay nagsabi:
"Siya kaya na matapat sa pagsamba na nagpapatirapa sa kanyang sarili o nakatayo sa mga oras ng gabi (sa pagdarasal), na nag-aalaala sa Kabilang Buhay, at umaasa sa habag ng kanyang Panginoon, (ay katulad ng isa na hindi nananampalataya)? Sabihin: ‘Magkatulad ba yaong may kaalaman at yaong walang kaalaman? Tunay, sila lamang na mga taong may pang-unawa ang tatanggap ng paala-ala." (Qur'an 39:9)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang paghahanap ng karunungan ay sapilitan sa bawat Muslim (lalaki o babae).” (Tirmidhi, Ibn Majah, at Baihaqi)
-> Pagkalinga at Pangangalaga sa Kapaligiran
Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na kalingain at pangalagaan ang kapaligiran at binabalaan laban sa walang katwirang pagsira at pagsasalaula. Ang pangkalahatang alituntunin ay sinabi ng Dakilang Allah sa Banal na Qur'an:
"At huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan pagkatapos na ito ay maitalaga sa tamang kaayusan, at panikluhuran Siya (ang Allah sa pagdarasal) ng may pangamba (sa Kanyang kaparusahan) at pag-asa (sa Kanyang gantimpala), katiyakan, ang Awa ng Allah ay laging malapit sa mga gumagawa ng kabutihan." (Qur'an 7:56)
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi rin:
"At mayroong uri ng tao na ang kanyang pananalita sa buhay sa mundong ito ay nakakaakit sa inyo, at siya ay nananawagan sa Allah na maging saksi kung ano ang nasa loob ng kanyang puso, ngunit siya ang pinakapalaaway sa mga umuusig. At kung siya ay tumalikod, ang kanyang layunin sa kalupaan ay upang gumawa rito ng katampalasanan at kanyang sirain ang mga pananim at mga hayupan. Datapwa’t ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga kaguluhan." (Qur'an 2:204-205)
Ang pinaka-tanging likas na kayamanan katulad ng malinis, dalisay na tubig, hangin at masaganang lupa ay bilang pagkalinga para sa pangkalahatang kabutihan at kahalagahan. Katulad halimbawa, ang Propeta (ﷺ) ay nag-utos para sa pagtitipid ng tubig at pangangalaga sa pagsabi sa mga Muslim na huwag mag-aksaya ng tubig sa panahon ng paghuhugas at paglilinis (wuduh) kahit na ginagamit ang tubig mula sa ilog, at ipinagbawal niya ang paghuhugas sa mga parte ng katawan sa paglilinis (ablution) ng higit sa tatlong beses at sinabi niya:
"Sinuman ang nagparami dito (ng higit sa tatlo) ay nakagawa ng walang-katarungan at pagkakamali." (Nasa’ee)
At ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagbawal sa mga tao na umihi sa hindi dumadaloy na tubig. (Muslim)
Ipinagbabawal din ng Islam sa mga tao na maglagay ng dumi o basura sa gitna ng pampublikong mga daanan, o piniling lugar na malilim ng mga tao para gamiting pahingahan at libangan.
Panlipunang Kapakanan at Pagsuporta sa mga Naulila, mga Maralita at mga Dukha.
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"At magbigay ng tamang sukat (o timbang) kung kayo ay sumusukat, at magtimbang sa timbangan na walang daya, ito ay pinaka-angkop at pinakamainam sa kahuli-hulihang pagpapasiya." (Qur'an 17:35)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang tagapagtaguyod ng naulila at Ako ay nasa Paraiso katulad nito (at hinawakan niya ang kanyang dalawang daliri, ang hintuturo at gitnang daliri na magkadikit, at ipinakita kung gaano kalapit ang mga ito.)” (Tirmidthi)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Sa Ngalan ng Allah! Ang isang tao ay hindi magiging tunay na Mananampalataya hanggang hindi niya hangarin para sa kanyang kapatid ang gusto niya para sa kanyang sarili.” (Muslim)
-> Ang mga Prinsipyo sa Pagkakaloob ng Kayamanan o Ari-Arian
Ang pagkakaloob ng kayamanan o ari-arian sa Islam ay dalawang anyo:
Pribadong Pagkakaloob ng Kayamanan: Ang anyong ito ay iniaalay sa mga anak ng taong nag-aalay ng kayamanan. Ang anyong ito ay may nakasaad na ang mga pondo ng ipinagkakaloob na kayaman ay maaaring ibigay para sa kapakanan ng pampublikong kawanggawa sa pagkamatay ng huling anak ng nag-aalay.
Pampublikong at Pangkalahatang Pagkakaloob ng Kayamanan o Ari-Arian: Ang anyong ito ay iniaalay sa trabahong pangkawanggawa katulad ng: pagpapatayo ng mga hospital, eskuwelahan, kalsada, pampublikong aklatan, bahay dasalan ng mga Muslim (mosque), pook lunduyan, bahay ampunan, bahay pangmatanda, at iba pang mahalagang proyekto para sa kapakanan ng pangkalatang publiko para sa komunidad at para sa malawakang panlipunan.
SSSS Ang mga Kaugaliang Wagas sa Islam na Nagtataguyod ng Lubos na Kapayapaan
Ang buong alituntunin ng Islam ay ang hangaring maitaguyod at mapangalagaan ang kapayapaan, kaligtasan at kaligayahan sa kalakaran panlipunan. Ang alituntuning ito ay nagtatagubilin ng pang-kapatiran at mga mahalagang bagay na nagtataguyod ng kapayapaan at nagbabawal ng lahat ng uri ng mga gawain na manulsol ng kasamaan at magtanim ng pagkasuklam at matinding galit sa mga puso at diwa ng mga tao. Alinsunod dito, kung ang mga kasapi ng lipunan ay isasagawa ang mga alituntunin ng Islam, maaaring sila ay magtamasa ng kapayapaan, kaligtasan, katahimikan at kaligayahan na kanilang likas na pinagsisikapan at pinananabikan. Ang lahat ng halaga ng kabanalang wagas ng Islam ay nagbubunga ng higit na mabuti at matuwid na nilalang na may mga banal na katangian na hinahangaan ng sanlibutan, katulad ng pagiging matapat, walang kinikilingan, may lakas ng loob, mapag-kawanggawa, matiisin, matiyaga, mabait at magalang.
Ang pinakamahalagang katangian ng kabanalang wagas ng Islam ay ang paglipol o pagpuksa sa lahat ng mga kasamaan na ipinahayag na labag sa batas at mga gawaing di-nakakalugod sa Allah, ang Makapangyarihan, Tagapaglikha at Panginoong Tagapanustos sa lahat ng nilalang. Kung ginagawa ng isang Muslim ang anumang mga gawaing ipinagbabawal, maaaring inilalantad lang ang kanyang sarili sa alinmang kaparusahan dito sa mundo sa tiyak na mga kaparusahan ng batas ng Islam, o sa Galit ng Allah, ang Makapangyarihan at Di-Mapaglalabanan sa Kabilang Buhay.
Katulad ng makabagong Arabong makata na si Amir ash-Shu’ara’ ash-Shauki na nagpahayag sa isang taludtod, na nagpapaliwanag na ang bansa ng mga tao ay nawala maliban sa kanilang kaugaliang wagas at mga katangian.
"Kung ang mga kaugaliang wagas ng isang bansa ay mawala… ang bansa ay mawawala din!”
SSSS
Mga Tagubilin sa mga Mananampalataya at ang mga Payo upang Maitaguyod ang Kapayapaan
-> Ang Islam ay Ngtatagubilin ng Katotohanan
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"O kayong mga sumasampalataya! Matakot sa Allah at makisama sa mga taong matatapat." (Qur'an 9:119)
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"At siya (Muhammad) na nagdala ng Katotohanan (ang Qur’an) at sila na nagsisampalataya at nagtaguyod rito, sila yaong mga taong gumagawa ng katwiran at kabutihan." (Qur'an 39:33)
-> Ang Islam ay Nagtatagubilin ng Katarungan
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Ang Allah ay nag-uutos ng katarungan, ang paggawa ng mabuti, maging mapagkawanggawa sa mga kamag-anak, at ipinagbawal Niya ang lahat ng nakakahiyang mga gawain, di-makatarugan at paghihimagsik: at Kanya kayong tinuturuan upang kayo ay tumanggap ng babala at paalaala.” (Qur'an 16:90)
Katarungan at walang kinikilingan ay ipinag-utos at kailangan sa lahat ng kalagayan, kung ang isang tao ay maligaya at kuntento, at kung ang isang tao ay balisa at di-kuntento, magkasama pareho ang mga Muslim at di-Muslim. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"O kayong mga nagsisisampalataya! Manindigan kayo ng matatag para sa Allah at maging makatarungang mga saksi sa pakikitungo at huwag hayaang ang pagkamuhi ng mga iba sa inyo ay maging dahilan upang umiwas sa katarungan. Maging makatarungan kayo, ito ay higit na malapit sa katarungan, at matakot sa Allah. Katotohanan ang Allah ay ganap na nakababatid ng lahat ng inyong ginagawa." (Qur'an 5:8)
At Siya, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"(O kayong mga nagsisisampalataya! Manindigan kayo nang matatag sa katarungan bilang mga saksi sa Allah, kahima’t ito ay laban sa inyong mga sarili, o sa inyong magulang o sa inyong kamag-anak at kahit na laban sa mayaman o mahirap…” (Qur'an 4:135)
-> Ang Islam ay Nagtatagubilin na Huwag Maging Maramot at Makasarili
Mapagkawanggawa at kagandahang loob ay ang mga bunga ng matapat na di-pagiging maramot at makasarili, at ito ay kapansin-pansin sa mga pag-uugali ng mga kasamahan ng Propeta(ﷺ) na naghahandog ng pagdamay at pagtulong sa iba para lamang sa Kapakanan at Kasiyahan ng Allah (Y). Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"…At magsigawa kayo ng kabutihan. Katotohanan, minamahal ng Allah ang gumagawa ng kabutihan." (Qur'an 2:195)
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"At ang mga taong nauna sa kanila, na may tahanan (sa Medina) at nagsiyakap na sa Pananampalataya, ay nagpakita ng pagmamahal sa mga nagsilikas sa kanila upang may kanlungan, at sila ay walang paninibugho sa kanilang mga puso kung anuman ang naibigay nila (sa mga humingi ng tulong), bagkus sila ay nagbigay ng higit na pagkiling kaysa sa kanilang sarili, kahit na ang kahirapan ay nasa kanila. At sinuman ang ligtas sa kanyang sariling kasakiman, sila nga ang tunay na makakatanggap ng kasaganaan at tagumpay." (Qur'an 59:9)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Magbigay ng mga pabor (kagandahan at kabutihang loob) sa mga taong may karapatan dito at pati na rin sa mga taong walang karapatan. Kung sinuman ang nagbigay ng pabor sa mga taong nararapat bigyan, ito ay maganda at mabuti, at kung sinuman ang walang kakayanan na magbigay ng pabor, siya mismo ay isa sa mga taong may karapatang tumanggap ng mga pabor.” (Tirmidthi)
-> Ang Islam ay Nagtatagubilin ng Kapatiran
Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagsabi:
"Katotohanan, ang mga sumasampalataya ay magkakapatid (sa pananampalatayang Islam)..." (Qur'an 49:10)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Huwag mangimbulo/mainggit ang bawat isa, huwag pataasin ang mga presyo sa sobrang pagtatawad laban sa isa’t isa , huwag magtanim ng malisya laban sa isa’t isa, at huwag pumasok sa komersiyang pakikipag-unawaan kung ang iba’y nakipag-unawaan na dito, pero dapat kayong maging, O mga alipin ng Allah, bilang mga magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng isa pang Muslim, hindi niya inaapi o hinahamak, o hinihiya. Ang Kabanalan ay narito, (at itinuro niya ang kanyang dibdib ng tatlong beses). Sapat na kasamaan para sa isang Muslim na hamakin niya ang kapwa niya Muslim. Ang lahat ng mga bagay sa Muslim ay hindi nasusuway para sa kanyang kapatid sa pananampalataya: ang kanyang dugo, ang kanyang ari-arian at ang kanyang dangal.” (Muslim)
Ang Islam ay Nagtatagubilin ng Pagpapanatili sa mga Mabuting kasamahan
Ang mga Muslim ay pinapayuhan na kumuha ng mga mabubuting kasama at iwasan ang masamang kasamahan. Ang Propeta ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang halimbawa ng mabuti at masamang kasamahan ay katulad ng isang taong nagdadala ng pabango at ang panday na nagbubuga ng apoy sa kanyang hurno. Ang tagapagdala ng pabango (musk) ay maaaring mabigyan kayo sa mga ito o kaya ay mapagbilhan kayo sa mga ito at kahit papaano ay makakatanggap kayo ng amoy ng pabango mula sa kanya. Sa panday naman na nagbubuga ng apoy, maaaring masunog ang inyong damit, maistorbo sa pagsiklab ng kanyang apoy, at kahit papaano ay makakatanggap ka ng masamang amoy mula sa kanya at mula sa lugar ng kanyang trabaho” (Bukhari & Muslim)
-> And Islam ay Nagtatagubilin sa Muling Pakikipag-kasundo at Pakikipagmabutihan
Ang muling pakikipagkasundo ay itinatagubilin sa lahat ng sandali lalo na kapag may malalang hidwaan sa relasyon na maaaring umakay sa matinding gulo. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Katotohanan, ang mga sumasampalataya ay magkakapatid (sa pananampalatayang Islam), kaya’t magpakita ng kapayapaan at makipagkasundo sa pagitan ng inyong nagtutunggaliang mga kapatid, at matakot sa Allah, upang kayo ay magkamit ng Habag." (Qur'an 49:10)
Ang Allah, ang Makapangyarihan at Dakila ay nagsabi:
"Sa karamihan ng kanilang mga palihim na usapan ay walang kabutihan, maliban sa kanya na nag-uutos upang gumawa ng kawanggawa o katarungan o pagkakasundo sa pagitan ng mga tao (sa gayon ang paglilihim ay pinapayagan); at sa kanya na gumawa nito, na hinahanap ang mabuting Kagalakan ng Allah, sa kanya ay magkakaloob Kami ng malaking gantimpala." (Qur'an 4:114)
Ang Islam ay Nagtatagubilin na Panatilihin ang Mabuti at Wagas na Katangian at Pag-uugali
Ang mga mabubuti at wagas na kaugalian ay mahalaga para sa ikabubuti ng lipunan. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Sa mga pinakamahusay na Mananampalataya ay ang mga taong may pinakamahusay na katangian at pag-uugaling wagas at sila yaong pinakamabait sa kanilang sariling pamilya.” (Tirmidthi)
At sinabi Niya (ﷺ):
“Isinugo lamang ako para gawing ganap ang mabuting pag-uugali.” At sa iba pang pahayag, “para gawing ganap ang marangal na pag-uugali.” (Malik, Ahmad at al-Bazzar)
Ang Islam ay Nagtatagubilin na maging Mapag-bigay
Ang pagiging mapagbigay ay ginagawang malapit ang mga tao para sa isa’t isa at makakamtan ng mapagkawanggawa ang pagmamahal at pagkalinga ng iba. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagmamahal sa dalawang katangian: ang maging mabuti sa iba at maging mapagbigay sa kanila. Katulad din, ang Allah, ang Makapangyarihan, ay napopoot sa dalawang pag-uugali: ang pagiging maramot sa iba at maging hidhid sa mga tao. (Sa kabilang dako), kung ang Allah, ang Makapangyarihan, ay magbibigay ng kagandahang-loob sa isang tao, bibigyan niya ito ng trabaho para tulungan ang iba upang makamtan ang kanilang mga mithiin at matupad ang kanilang mga pangangailangan.” (Bukhari at Muslim)
Ang batayan ng pagiging mapagkawanggawa sa Islam ay iniulat sa taludtod ng Banal na Qur’an:
"At huwag hayaan ang iyong kamay ay natatalian sa iyong leeg (katulad ng isang kuripot), gayun din naman ay huwag itong iunat ng labis (ang pagiging bulagsak o waldas) dahil ikaw ay magsisisi at magiging hikahos.” (Qur'an 17:29)
Ang batayang ito ay nagtakda sa mga tao upang hindi lumampas sa hangganan. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"At magbigay sa kamag-anak ng kanyang karapatan, at sa mga nangangailangan (mahihirap), at sa mga manlalakbay (na kinapos ng panustos); at huwag mong lustayin ang iyong kayamanan ng walang kapararakan. Katotohanan, ang mga mapagwaldas ay mga kapatid ng mga demonyo, at ang Demonyo (Satanas) ay lagi nang walang utang na loob ng pasasalamat sa kanyang Panghinoon." (Qur'an 17:26-27)
-> Ang Islam ay Nagtatagubilin sa mga Muslim na Ilihim ang mga Pagkakamali at Kapabayaan ng Iba:
Ang Propeta ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Kung sinuman ang magpagaan sa paghihirap ng isang Mananampalataya, gagawin ding magaan ng Allah, ang Makapangyarihan, ang kanyang paghihirap sa Araw ng Pagbabayad. Kung sinuman ang pumawi sa kondisyon ng isang tao (sa pananalapi) na nalagay sa kagipitan, papawiin din ng Allah, ang Makapangyarihan, ang kanyang paghihirap dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. Kung sinuman ang maglilihim sa mga kapintasan ng isang Muslim dito sa mundo, ililihim din ng Allah, ang Makapangyarihan, ang kanyang kapintasan dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. Itutuloy ng Allah, ang Makapangyarihan, ang pagtulong sa isang alipin hangga’t ang taong ito ay patuloy na tumutulong at dumadamay sa kanyang mga kapatid na Muslim.” (Muslim)
Ang Islam ay Nagtatagubilin sa Pagtitiis.
Pinapasigla ang mga tao sa pagiging matiisin upang magampanan nila ang kanilang mga tungkuling pang-Relihiyon at makamundong mga pananagutan at umiwas sa lahat ng kasamaan. Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
"Kaya’t ikaw (O Muhammad) ay maghintay ng may pagtitiyaga sa Pasya ng iyong Panginoon; sapagkat katotohanang ikaw ay nasa pangangalaga ng Aming mga Mata; at ipagbunyi mo ang mga papuri ng iyong Panginoon kung ikaw ay magbangon mula sa pagkakatulog." (Qur'an 52:48)
Hinihimok ng Islam at binibigyan ng lakas ng loob ang mga Muslim upang sila ay maging matiisin mula sa kanilang naitalagang kapalaran katulad ng pagkatakot, kahirapan, pagkagutom, kawalan ng mga ari-arian o kayamanan, mga nakamamatay na karamdaman, atbp. Ang Allah, ang Makapangyarihan at Dakila ay nagsabi:
"At katiyakang kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na tulad ng pangamba at pagkagutom, ang ilan ay sa pagkalugi sa hanap buhay o pagkawala ng kayamanan, mga buhay, at pagkawala ng bungangkahoy (na inyong pinaghirapan), datapwa’t magbigay ng magandang balita sa mga mapagbata. Na kung sila ay nakakaranas ng kapinsalaan (pagsubok) ay nagsasabi; ‘Katotohanang sa Allah kami nanggaling, at sa Kanya kami magbabalik.” Sila ang mga tumatanggap ng mga biyaya at ng Habag mula sa kanilang Panginoon at sila ang tunay na napapatnubayan." (Qur'an 2:155-157)
Ang Allah, ang Makapangyarihan at Dakila, ay naglarawan sa magiging gantimpala ng mga taong matiisin sa Banal na Qur’an:
"Sabihin: O Aking mga alipin na sumasampalataya! Matakot sa inyong Panginoon. Kabutihan ay (ang gantimpala) para sa mga taong gumagawa ng kabutihan dito sa mundo. Maluwang ang kalupaan ng Allah. Sa mga matiisin at mapagpasensiya ay tunay na makakatanggap ng gantimpalang walang sukat!" (Qur'an 39:10)
Bahagi ng awa at pagpapatawad ay ang pagtitimpi at patawarin ang iba kahit na siya ay may kakayahang maghiganti, na siyang nagpapatibay sa relasyon ng mga tao at lumilikha ng mas magandang kapaligiran sa loob ng lipunan. Nangako ang Allah(Y) ng malaking biyaya sa pagtitimpi ng isang tao. Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
"At maging mabilis sa pag-uunahan para sa kapatawaran mula sa inyong Panginoon, at sa Paraiso na kasinlawak ng mga kalangitan at ng kalupaan na inihanda para sa mga mabubuti. Ang mga gumugugol (para sa Kapakanan ng Allah), sa kasaganaan at kahirapan, na nagtitimpi ng galit at nagpapatawad ng mga tao, katotohanan ang Allah ay nagmamahal sa mga taong gumagawa ng kabutihan." (Qur'an 3:133-134)
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nag-utos din sa mga Muslim na isagawa ang kabanalan o pagiging matapat sa lahat ng oras at sa bawat sandali at huwag ibalik ang kasamaan kapag kayo ay minaltrato ng gawang masama. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Ang Kabutihan at Kasamaan ay hindi magkatulad. Hadlangan ang Kasamaan sa pamamagitan ng (paggawa ng) higit na mabuti, kung magkakagayon, siya na sa pagitan mo at niya ay may pagkakagalit ay magiging tila ba siya ay dati nang malapit na magkaibigan!" (Qur'an 41:34)
Ang mga halimbawa sa itaas ay pawang mga sulyap lamang kung ano ang ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim para tugunan ang kanilang mga pansarili at pampublikong buhay para sa Ikaliligaya ng Allah (Y). Ang Aklat ng Allah, Ang Qur’an, at ang Sunnah ng Sugo ng Allah (ﷺ) ay naglaan ng karagdagang pag-uutos at mga detalye tungkol dito at ibang matataas at mararangal na mga kaugaliang wagas.
SSSS Mga Gawaing Ipinagbabawal sa Islam upang Maitaguyod ang Kapayapaan
Marahas na binatikos at isinumpa ng Islam ang mga sumusunod na mga gawain at mahigpit na ipinagbawal na isagawa sa pagtaguyod ng kapayapaan at kaligtasan sa lipunan, pati na ang pag-alis o pagbawas ng pagkapoot, pagkamuhi, hinananakit, pagkagahaman, at pagkagalit na siyang mga dahilan ng pag-aaway at ng karahasan.
Ang Pagsamba sa Maraming Diyos at ang Paniniwala sa mga Ibang Diyus-Diyosan
Ang pagsamba sa maraming diyos at ang paniniwala sa ibang diyus-diyosan ay tiyak na isa ito sa magiging dahilan ng pag-aaway katulad ng mga pangkat-pangkat, mga tribu at mga tao na nagpapaligsahan upang makilala sila sa pang katayuan, para maghari, at magparangal para sa kanilang mga idolo at kaugnay ng mga paniniwala at mga kuwentong alamat ng kanilang kultura. Kung ang lahat ng tao ay sasamba sa Allah, ang kaisa-isang Diyos, sa gayon ang pinakamalaking ugat ng karahasan ay mapupuksa. Ang Allah, ang Pinakamarangal ay nagsabi:
"At iyong tanungin (O Muhammad) ang Aming mga Sugo na Aming isinugo nang una pa sa iyo; ‘Naglikha ba kami ng ibang diyus-diyosan para sambahin maliban sa Allah? " (Qur'an 43:45)
Ang Allah, ang Pinakabanal ay nagsabi:
"At hindi Namin isinugo ang sinumang Sugo bago pa sa iyo (O Muhammad) maliban sa ipinahayag Namin sa kanya na wala ng iba pang diyos na karapatdapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Akin, kaya’t sambahin Ako." (Qur'an 21:25)
Ang Allah ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"At katotohanan, Kami ay nagsugo sa bawat pamayanan ng isang Sugo (na nagpapahayag): "Sambahin lamang ang Allah (nag-iisa), at iwasan ang ‘taghoot’ (Satanas, mga idolo, mga mapaniil)…" (Qur'an 16:36)
Ang Allah, ang Dakila ay nagsabi:
"Ang mga sumasampalataya ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ng Allah, at sila na hindi sumasampalataya ay nakikipaglaban tungo sa kapakanan ng Taghoot (Satanas, mga diyus-diyosan, mga mapaniil). Kaya’t makipaglaban kayo laban sa mga kapanalig ni Satanas; Tunay na mahina ang mga pakana ni Satanas." (Qur'an 4:76)
-> Pangkukulam at Lahat ng Uri ng Salamangka
Ang pagbabawal dito ay ayon sa mga maraming katibayan katulad ng sinabi ng Dakilang Allah:
"…Datapwa’t ang sinuman sa kanilang dalawa (ang anghel na sina Harut at Marut) ay hindi nagturo sa kaninuman (ng salamangka) hangga’t sila ay nagsabi (babala para sa kanila): ‘Tunay, kami ay para sa pagsubok lamang, kaya’t huwag kayong mawalan ng paniniwala…" (Qur'an 2:102)
At isinaad sa hadith (tradisyon) ng Propeta ng Allah (ﷺ):
“Iwasan ang pitong nakakasirang mga kasalanan." Ang mga tao ay nagtanong: 'O Propeta ng Allah! ‘Ano ang mga nakakasirang mga kasalanan? Sinabi niya: “Ang mga ito ay: ang pagtatambal ng iba sa pagsamba sa Allah, pangkukulam at lahat ng anyo ng pagsasalamangka, pagpatay sa inosenteng kaluluwa ng walang lehitimong dahilan, ang pakikipag-ugnayan na may interes o tubo at pagpapahiram ng may malaking tubo, ang pagwaldas at pang-aabuso sa mga pondo ng naulila, ang pagtakas sa larangan ng digmaan, maling pagpaparatang sa isang babaeng mananampalataya ng pakikipag-ulayaw, pakikiapid, o paninira sa kaugaliang wagas.” (Bukhari at Muslim)
-> Pananalakay at Pang-aapi.
Ang Allah (Y) ay nagsabi:
"Ang paratang ay laban lamang sa mga umaapi sa mga tao na gumagawa ng kamalian at walang pakundangang nagmamalabis sa lahat ng hangganan ng pagsuway sa kalupaan, na yumuyurak sa katwiran at katarungan, para sa ganyang mga tao mapapasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan." (Qur'an 42:42)
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Sabihin (O Muhammad): Ang mga bagay na ipinagbawal ng aking Panginoon ay nakakahiyang mga gawain, kahima’t ito ay ginawa ng lantad o linggid na mga kasalanan at mga lumalampas laban sa katotohanan at katarungan, ang magtalaga ng mga katambal (sa pagsamba) sa Allah na rito ay wala Siyang ibinigay na katibayan o kapangyarihan, at ang pagsasabi ng mga bagay tungkol sa Allah na rito ay wala kayong kaalaman." (Qur'an 7:33)
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi din:
"At kung ang isa sa mga pagano mapagsamba sa maraming diyus-diyosan ay humingi ng iyong pangangalaga, igawad mo sa kanya ang pangangalaga upang mapakinggan niya ang Salita ng Allah, at samahan siya sa lugar na siya ay magiging ligtas. Sapagkat sila ay mga taong walang kaalaman." (Qur'an 9:6)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
"Mag-ingat sa pagiging di-makatarungan, dahil ang pang-aapi o kalupitan ay magiging kadiliman sa Araw ng Pagkabuhay, at mag-ingat sa pagiging kuripot dahil sa ito ang dahilan kung bakit napahamak ang mga nauna sa inyo. Ito ang nagbigay lakas sa kanila para magdanak ng dugo at ipalagay na ang labag sa batas ay gawing legal." (Muslim)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang Allah ay nagbigay sigla sa akin: Maging mapagkumbaba para walang sinuman ang mang-aapi sa iba at walang sinuman ang magmayabang sa iba ng may pagmamalaki." (Muslim)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang Allah, ang Maluwalhati ay nagsabi: “Aking mga alipin, ginawa Kong di-makatarungan ang pang-aapi para sa Akin at di-makatarungan para sa inyo, kaya’t huwag kayong gagawa ng pang-aapi laban sa bawat isa…...’” (Muslim)
Hinihikayat ng Islam na alalayan pareho ang naapi at ang nang-aapi sa pagpapatigil ng pinagmumulan ng pang-aapi. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Kumandili at halinang magbigay ng tulong sa iyong kapatid kahit na siya ay naapi o siya ay nang-aapi.”
Isang lalaki ang nakarinig dito at nagtanong, naintindihan ko na tulungan ang kapatid kung siya ay naapi subali't papaano kung siya ang nang-aapi? Ag Sugo ng Allah (ﷺ) ay nanindigan,
“Tulungan mo siya sa pagpigil mula sa kanyang pang-aapi; iyan ang paraan para tulungan (sa katotohanan) ang nang-aapi.” (Bukhari)
Ang lahat ng mga legal na kasapi ng isang pamayanan, kahit na ano ang kanyang pananampalatya o paniniwala ay may karapatan ng ganap na pangangalaga sa kanilang karapatan sa buhay, sa mga ari-arian at kayamanan. Katulad halimbawa ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Sinuman ang pumatay (ng hindi-makatarungan) sa isang hindi Muslim na nakatira sa ilalim ng batas ng Islam, ay hindi makakaamoy sa bango ng Paraiso. Ang bango ng Paraiso ay maaaring maamoy sa agwat na apatnapung taon.” (Bukhari)
-> Ang Hindi Mabuting Pagtrato sa mga Magulang, mga Anak at mga Kamag-anakan
Ito ay batay sa taludtod na ipinahayag sa Banal na Qur'an:
"At ang Iyong Panginoon ay nag-utos na huwag sumamba sa iba pa maliban sa Kanya, at kayo ay maging masunurin sa inyong magulang. At kung ang isa sa kanila o silang dalawa ay sumapit na sa matandang gulang, huwag kayong magsalita sa kanila ng isa mang salita ng kalapastanganan, o kaya’y hadlangan sila, datapwa’t ikaw ay mangusap sa kanila ng may dangal. At sa pamamagitan ng kabutihan, ibaba sa kanila ang pakpak ng pagiging mapagkumbaba (maging masunurin at maawain na may habag), at sabihin: O aking Panginoon! Igawad Ninyo sa kanila ang Inyong Awa, na katulad ng pagmamahal nila sa akin noong ako ay batang paslit pa." (Qur'an 17:23-24)
Ang Islam ay nagtuturo ng pagiging mabuti sa lahat ng kamag-anakan. Ito ay ayon sa taludtod na ipinahayag sa Banal na Qur’an:
"At kayo ba, kung kayo ay bigyan ng kapamahalaan, ay magsisigawa ng katiwalian sa kalupaan, at inyong puputulin ang inyong relasyon sa inyong mga kamag-anakan? Sila ang mga taong isinumpa ng Allah, kaya’t ginawa silang bingi at binulag ang kanilang mga paningin…" (Qur'an 47:22-23)
At ito ay naaayon sa tradisyon ng Propeta ng Allah (ﷺ):
“Ang taong sumira ng relasyon sa pamilya ay hindi makakapasok sa Paraiso." (Bukhari & Muslim)
Ang pagsira sa relasyon sa pamilya at mga kamag-anakan ay nagpapahiwatig ng maraming bagay: ang kawalan ng damayan sa pagbisita ng magkamag-anak, pagpapabaya sa mga kamag-anak na nangangailangan, at pagwawalang bahala sa tulong na pananalapi at pagtangkilik para sa mga maralitang miyembro ng pamilya.
Pinapahalagahan ng Islam ang kawanggawa na nagmula sa mga mayaman para sa mga mahihirap. Ang kawanggawang donasyon mula sa pamilyang mayaman para sa miyembro ng pamilyang nangangailangan ay nagdadala ng dobleng gantimpala dahil ito ay parehong pangkawanggawa, sa kabilang dako, ito ay may layuning mapanatili ang relasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Kung ang isang tao ay mahirap at hindi niya kayang mag-abot ng tulong na pananalapi sa mga kamag-anakan, ang Allah (Y) ay magbibigay sa kanya ng biyaya kahit sa kanyang pagbisita, pangangalaga, at pagmamahal dahil ang mga ito ay mga uri ng kawanggawa at mabuting mga gawain. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Magtatag ng magandang relasyon sa inyong mga miyembro ng pamila at malalapit na kamag-anak, kahit na sa pamamagitan ng pagbati sa kanila at pagtanong ng tungkol sa kanilang kalakatuladn at kalusugan.” (Bazzar at Tabrani)
SSSS Pakikiapid, Pangangalunya, Paninirang-puri, atbp.
Katotohanan na maraming kaguluhan, pagkikipag-away at patatayan ang nangyayari dahil sa “trianggulong pagmamahalan” na kung saan ang mga tao ay nag-aaway para sa kanilang legal o di-legal na relasyon sa kanilang kinakasama. Pinutol ng Islam ang lahat ng daan para sa di-naayon na relasyong pansekswal upang mapangalagaan ang kalinisan at kadalisayan ng mga tao sa lipunan, at pigilin ang kaguluhan, mga anak sa labas at ang pagpapalaglag.
Ang Allah, ang Pinakadakila ay nagsabi:
"At huwag lalapit sa ipinagbabawal na pakikipagtalik; dahil ito ay nakakahiyang (gawain) at daan ng kasamaan, binubuksan ang daan (tungo sa iba pang kasamaan)." (Qur'an 17:32)
At sinabi Niya (Y):
"Katotohanan, sila na mga nagpaparatang sa mga malilinis na babae, kulang sa mabuting pasiya na sisira sa kanilang kalinisan, at matuwid na sumasampalataya, sila (na nagpaparatang) ay mga isinumpa sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay; at sa kanila ay nakalaan ang matinding Kaparusahan." (Qur'an 24:23)
At ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Katotohanan, sila na nagkakagusto na ipagkalat ang kalaswaang balita sa lipon ng mga nagsisisampalataya, ay sasakanila ang matinding kaparusahan sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay; at ang Allah ang nakakaalam, at hindi ninyo nalalaman." (Qur'an 24:19)
Napasang-ayon ng Propeta ng Allah (ﷺ) ang isang batang lalaki na ang pagkakaroon ng di-banal na sekswal na ugnayan ay labag sa batas sa mga sumusunod na pag-uusap:
“Isang batang lalaki ang pumunta sa Sugo ng Allah (ﷺ) at nagsabi: ‘O Sugo ng Allah, hayaan po ninyo ako (kasama ng may tanging pahintulot) sa pakikiapid.’ Ang mga tao ay nag-umpisang pagsabihan siyang tampalasan pero ang Propeta (ﷺ) ay umupo ng malapit sa kanya at nagtanong: ‘Gusto mo ba ito para sa iyong ina?’ Sumagot siya ng, ‘Hindi, sumpa man sa Allah, sana’y gawin akong sakripisyo ng Allah para sa iyo!’ Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: ‘At gayun din ayaw ito ng mga tao para sa kanilang mga ina.’ Siya ay nagsabi: ‘Gusto mo ba ito para sa iyong mga anak na babae? 'Hindi’, ang sagot niya. Ang Sugo ng Allah(ﷺ) ay nagsabi: ‘At gayun din ayaw ng mga tao ito para sa kanilang mga anak na babae.’ Siya ay nagsabi: ‘Gusto mo ba ito para sa iyong tiya (sa panig ng ama)?’ 'Hindi,’ ang sagot niya. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: ‘At gayun din ayaw ng mga tao ito para kanilang tiya (sa panig ng ama). Siya ay nagsabi: ‘Gusto mo ba ito para sa inyong tiya (sa panig ng ina)?’ 'Hindi’, ang sagot niya. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: ‘At gayun din ayaw ng mga tao ito para kanilang tiya (sa panig ng ina). Pagkatapos nito, iniligay ng Propeta (ﷺ) ang kanyang kamay sa batang lalaki at nagsabi, "O Allah patawarin Ninyo siya sa kanyang kasalanan at dalisayin ang kanyang puso at gawin siyang malinis (pagtibayin ang kanyang pangingilin sa sekswal na kasalanan).” [Ibinalita ni Imam Ahmad mula sa tradisyon na isinalaysay ni Abu Umamah.]
Dito matatagpuan natin ang halimbawa ng Sugo ng Allah(ﷺ) na matiyagang kinukumbinsi ang batang lalaking ito sa pamamagitan ng pagkakatulad tungkol sa dobleng pamantayan na hindi naayon sa batas. Dahil sa walang sinuman ang may gusto para sa kanyang sarili na magamit at maabuso, kung gayon paano niya hahayaan ang kanyang sarili na mang-abuso sa iba. Ang gintong alituntunin, na siyang tawag dito, ay nagpakilala sa isang bantog na tradisyon ng Sugo (ﷺ):
“Wala pa sa inyo ang tunay na nananampalataya hangga't hindi niya mahal para sa kanyang kapatid kung ano ang mahal niya para sa kanyang sarili.” (Bukhari at Muslim)
-> Ang Mga Nakalalasing at ang Pagsusugal
Kadalasan at higit na alam natin, na ang mga taong lasing ay higit na makakagawa ng marahas na kasalanan kaysa sa mga hindi lasing na mga tao. Ang sugal ay isa ring mabigat na dahilan na pinagmumulan ng malaking kaguluhan. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"O kayong Mananampalataya! Ang mga nakakalasing, ang pagsusugal, at ang Al-Ansab (sa lagayan ng mga imahen o batong altar), at ang Al-Azlam (mga palaso sa paghahanap ng suwerte) ay kasuklam-suklam na gawain ni Satanas; kaya't iwasan ang lahat ng gayon (mga kasuklam-suklam na gawain) upang kayo ay maging matagumpay. Nais lamang ni Satanas na maghasik ng galit at poot sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng inuming nakalalasing at sugal at (nais niyang) hadlangan kayo sa pagbibigay alaala sa Allah at mula sa pagtupad ng pagdarasal. Kaya, hindi ba kayo kung gayon iiwas? (Qur'an 5:90-91)
-> Ang Pagnanakaw, Panloloob, Labag sa Batas na Pagtatamo ng mga Ari-arian at Kayamanan
Ang mga gawaing ito ay tiyak na lilikha ng pagkamuhi at galit, at maging sanhi ng malaking kaguluhan sa lipunan, tungo sa di-katiwasayan at ganap na kaguluhan.
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Sinuman ang kumuha ng karapatan ng isang Muslim, ang Allah, ang Makapangyarihan, ay magdudulot para siya ay manirahan sa Nag-aapoy na Impiyerno sa Araw ng Paghuhukom at siya ay pagbabawalan makapasok sa Paraiso. Isa sa mga Kasamahan (y) na naroroon sa araw na iyon ay nagtanong, ‘O Propeta ng Allah! 'Ano kung ang bagay na kinuha ng isa tao ay walang halaga?' Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Kahit na ang bagay na iyon ay walang kabuluhan katulad ng kahoy na pansipilyo ng ngipin (mula sa sanga ng Arak na kahoy).” (Muslim)
-> Pagsarili at Pagtatago (ng Kalakal)
Ang Propheta (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang isang makasalanan lamang ang nagsasarili at nagtatago (ng pagkain at ibang mga bagay para sa pangangailangan ng publiko).” (Muslim)
Ang Di-makatarungang Paggamit ng Kayamanan at mga Ari-arian ng isang Ulila.
Ang mga ulila ay mahina at walang kakayahang pangasiwaan ang kanilang mga pondo. Katungkulan ng tagapangalaga ng mga ulila ang pangasiwaang mabuti ang pananalapi at suliranin ng kanyang alaga sa pinakamahusay na kakayahan. Ang Allah(Y) ay nagbabala at nagsabi:
“Katotohanan, yaong kumakamkam o naglulustay ng walang kabuluhan sa mga ari-arian (o yaman) ng mga ulila, ay kumakain ng apoy sa sarili nilang katawan; hindi magtatagal, sila ay magbabata sa naglalagablab na Apoy.” (Qur'an 4:10)
-> Pang-aabuso sa Kapangyarihan
Ang Muslim na tagapamahala o sinuman ang taong nasa kapangyarihan ay dapat na maging tapat at walang kinikilingan sa kanyang mga tao at hindi dapat gumawa ng pagkakamali sa kanila o ipagkanulo sila sa anumang pamamaraan. Ang Allah(Y) ay nagsabi:
"Huwag isipin na ang Allah ay hindi nakababatid sa mga gawain ng mga taong gumagawa ng pagkakamali o kasalanan. Kanyang binibigyan sila ng palugit hanggang sa Araw na ang mga mata ay tititig sa pagkagimbal." (Qur'an 14:42-43)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Kung ipinagkatiwala ng Allah sa isang tao ang kapangyarihan ngunit ang taong pinagkatiwalaan ay hindi naghandog ng pinakamabuting payo para sa kanyang mga kapanalig, ang taong yaon ay hindi pahihintulutan na makapasok sa Paraiso.” (Bukhari)
Pagpapahirap
Ang kasamahang si Hesham ibn Hakim ibn Hizam (t) minsan ay napadaan sa grupo ng tao sa 'Levant' na pinapahirapan sa pagbibilad sa kanila sa init ng araw. Siya ay nagsabi: Ano ba ang pagkakamali ng mga taong ito? Sila ay nakulong dahil hindi sila nagbayad ng jizya. Si Hesham (t) ay nagsabi: 'Ako ay sumasaksi na narinig ko ang Sugo ng Allah(ﷺ) na nagsabing:
"Pahihirapan ng Allah yaong mga nagpapahirap sa mga tao habang sila nabubuhay dito sa mundo.” Sinabi niya: “At ang kanilang pinuno na si ‘Umair Ibn Sa’d sa sandaling iyon ay nasa 'Palestine', kaya't pinuntahan siya at sinabi niya ang pangyayari at dahil doon siya ay nagbigay ng pag-uutos at sila ay pinalaya.” (Muslim)
Mga Maling Pagsaksi at Panunumpa
Ang maling pagsaksi ay malaking kasalanan. Sa katotohanan, kung ang isang tao ay sinasadyang nagbibigay ng maling pagtestigo sa palagiang pamamaraan, siya ay maituturing na nasa labas ng hangganan ng Islam. Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagsabi:
"At sila na hindi sumasaksi sa kasinungalingan, at kung sila ay napaparaan nang malapit sa masamang pag-uusap, sila ay dumaraan doon ng may dangal (na pag-iwas)." (Qur'an 25:72)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“'Nararapat ko bang sahibin sa inyo ang kasuklam-suklam na mga kasalanan?' Ang mga Kasama ng Propeta ay nagsabi ng 'oo'. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: (Ang mga kasuklam-suklam na kasalanan ay) ang pagtatambal sa iba sa pagsamba sa Allah, ang pagiging masama at palasuway sa inyong mga magulang. Ang Sugo ng Allah(ﷺ) habang sumasandal sa sahig ay napaupo ng tuwid at nagsabi: '…at ang pagbigay ng maling pahayag at magbigay ng maling pagtestigo.” Ang Sugo ng Allah(ﷺ) ay patuloy na sinasambit ang huling pahayag hanggang sa hangad na lamang ng kanyang mga Kasamahan na tumigil na siya (ﷺ) sa pag-ulit dito.” (Bukhari)
Ang panunumpang ito ay sinasadya at binihasa upang makakuha ng di-makatarungang mga pakinabang. Ang panunumpang ito ay matatawag na ghamoos (paglublob) yamang ang nanunumpa ay ilulublob sa Apoy ng Impiyerno. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Katotohanan, Silang ipinagpalit (ipinagbili) sa maliit na halaga ang kanilang kasunduan sa Allah at ang kanilang pangako (panunumpa), sila ay walang bahagi sa kabilang buhay. Hindi sila kakausapin o titingnan man lamang ng Allah sa Araw ng Muling Pagkabuhay at hindi sila gagawing dalisay (sa kanilang mga kasalanan), at sila ay tatanggap ng kasakit-sakit na Kaparusahan." (Qur'an 3:77)
Ito ay naayon sa tradisyon ng Sugo ng Allah (ﷺ):
“Ang sinumang kumuha sa karapatan ng isa pang Muslim sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay (halimbawa, sa maling panunumpa) ay may karapatan sa Apoy sa Impiyerno at babawian ang karapatang pumasok sa Paraiso.” Ang isang lalaki ay nagdadag ng katanungan na kahit na iyong kinuha mula sa karapatan ng Kapatid na Muslim ay balewala o hindi makabuluhan? Ang Sugo ng Allah(ﷺ) ay nagsabi: Kahit na ang karapatan ng Muslim na kapatid ay isang pansipilyo sa ngipin (mula sa sanga ng Arak na kahoy)” (Muslim)
Pagkanulo at Pagsira ng Pagtitiwala sa mga Kontrata
Ang Islam ay nagtagubilin sa mga Muslim na maging matapat. Ang Islam ay nag-utos para tuparin ang mga pangako at nagbigay babala laban sa di-pagtupad sa mga pangako at hindi pahalagahan ang mga kasunduan. Binibigyan diin ng Islam ang pagpapatupad sa lahat ng pagtitiwala sa mga nararapat na tao at nagbigay babala laban sa pagtanggi sa kahit na hindi maliit na halaga na ipinagkatiwala sa tao. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"O kayong mga nananampalataya! Huwag ipagkanulo ang tiwala ng Allah at ng Sugo, o lustayin ang mga bagay na alam ninyong ipinagkatiwala at itinalaga sa inyo." (Qur'an 8:27)
Ipinahayag ng Islam na ang pagtatago ng lihim ay isa sa mga gawain sa pagtitiwala.
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Kung ang isang tao ay nagsabi ng isang bagay sa ibang tao, pagkatapos ay umalis, ang salitang iyon ay magiging pagtitiwala para sa nakapakinig.” (Tirmidthi at Abu Dawood)
Katulad nito, ang Islam ay nagbigay ng kaurian na ang paghingi ng payo ay kabilang din sa katawagang pagtitiwala. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang taong hiningan ng payo ay pinagkatiwalaan (i.e., kung anuman ang kanyang napakinggan sa tao na humihingi ng matapat na kuro-kuro at payo).” (Tirmidthi at Abu Dawood)
Ang Islam ay nagtataguyod ng pagtitiwala. Ang Sugo ng Allah(ﷺ) ay nagsabi:
“Walang pananampalataya para sa isang tao na hindi mapagkakatiwalaan. Walang Relihiyon sa isang tao na sumisira sa kanyang tapat na pangako.” (Ahmed at Baihaqi)
Ang Propeta (ﷺ) ay nagsabi:
“Kung ang isang tao ay nagmamay-ari ng apat na katangiang ito, siya ay matataguriang ganap na mapagkunwari. At kung ang isang tao ay nagmamay-ari ng anuman sa apat na katangiang ito, aariin niya ang pagiging mapagkunwari hanggat iwan at isantabi ito; 1) ang nagsisinungaling lagi sa kanyang pagsasalita, 2) ang sumisira sa pangako, 3) ang ipagkanulo ang pagtitiwala, 4) ang pagsira sa isang kasunduan.” (Bukhari at Muslim)
Ayon sa ibang paglalahad na naiulat:
“Ang isang tao ay matataguriang gayon (mapagkunwari) kahit na pinaninindigan niya ang kanyang pang-araw-araw na pagdarasal, ang pagtalima sa pag-aayuno sa Ramadan, at pag-angkin na siya ay isang Muslim.” (Muslim)
Ang Paninirang Puri at Paninira sa Talikuran (Magtsismis)
Ang paninirang patalikod ay ang pagbanggit ng mga bagay tungkol sa mga tao na kinamumuhian nilang malaman kahit na ito ay tunay na nangyari. Ang gawaing ito ay maglalagay sa panganib sa dangal at dignidad ng taong binabatikos o pinupuntirya, magiging dahilan ng pagkapoot at di-pagbibigay pagpapahalaga sa mga tao, na maaaring maghatid ng kaguluhan. Kasama ng paninirang puri ay ang pagbabalita ng hindi totoo at kasiraan.
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Kapighatian sa bawat (taguri ng) tagapamahayag ng alingasngas at paninirang-puri at yumuyurak sa talikuran." (Qur'an 104:1)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Alam ba ninyo ang paninira sa talikuran?“ Ang mga Kasamahan ng Propeta (ﷺ) na naroroon sa oras na iyon ay nagsabi, ang Allah at ang Kanyang Sugo ay siyang nakakaalam ng mabuti! Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Ito ay ang patalikod na pagsambit ng mga bagay sa isang tao na kinamumuhian niyang malaman ng iba.” Isa sa mga kasama ng Propeta (ﷺ) ay nagtanong, 'O Propeta ng Allah!' Paano kung ang puntong patalikod na pahayag ay tunay na umiiral sa taong iyon, ito din ba’y matatawag na gawaing paninira sa talikuran? Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Ang paninira sa talikuran ay ang pagsambit ng bisyo na umiiral sa kanya subali't kung wala siyang bisyo, kung gayon ito ay paninirang puri.” (Muslim)
Pagbansag ng Pangalan at Pagkutya sa Iba
Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
“O kayong mananampalataya! Huwag ang ilang pangkat sa inyo ay hamakin ang ibang pangkat, maaaring sila ay higit na mabuti kaysa sa mga unang pangkat. Huwag ang ilang kababaihan ay hamakin ang ibang pangkat ng kababaihan, maaaring sila ay higit na mabuti kaysa sa mga unang pangkat. Huwag alipustain ang bawat isa sa inyo at huwag insultuhin ang iba (sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya ng ibang bansag)...” (Qur'an 49:11)
Pagkapoot, Pag-alipusta, at Paghinanakit laban sa iba
Ang mga ganitong ugali ay nag-uudyok na gumawa ng paghihiganti sa maraming kaparaanan. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay tinanong:
“'O Propeta ng Allah! Sino ang pinakamabuting uri ng tao?' Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Ang bawat taong may likas na kabutihan at bawat taong makatotohanan.” Ang mga Kasamahan ng Propeta na dumalo ay naghayag ng katanungan para sa Sugo ng Allah (ﷺ) at sinabing, 'O Propeta ng Allah! Alam namin kung sino ang makatotohanang tao subali't sino ang taong may likas na kabutihan?' Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Siya ang banal, dalisay, hindi nagkakasala, walang inapi o nilabag na mga karapatan ng iba, isang taong nag-aangkin ng walang pagkapoot o pagkainggit sa kanyang puso sa iba.” (Tirmidthi)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagbigay ng halimbawa sa mga bunga ng pagkainggit katulad ng mga sumusunod:
“Ang pagkainggit at paninibugho ay kinakain ang mga mabubuting gawain katulad ng apoy na kumakain sa mga kahoy.” (Abu Dawood)
Panlipunang Paglayo o Pagboykoteo (maliban kung ito ay nasa mahigpit na mga kondisyon)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Huwag maglayuan ang bawat isa, huwag tumalikod sa sa isa't isa, huwag mapoot sa bawat isa, huwag mainggit sa bawat isa: lahat kayo ay dapat na (totoong) mga aliping-alila ng Allah katulad ng magkakapatid. Ang isang Muslim ay hindi pinahihintulutang iwasan o layuan ang kanyang kapatid na Muslim ng higit sa tatlong (araw).” (Bukhari at Muslim)
At sa ibang salin ng pahayag:
“Ang isang Muslim ay hindi pinapayagan na iwasan ang kanyang kapatid na Muslim na lumampas sa tatlong gabi, sa oras ng pagtatagpo, ang bawat isa ay lumilihis sa ibang direksiyon at umiilag sa bawat isa. Ang pinakamabuti sa dalawa ay ang taong unang bumati sa kanila.”
Ang Pagsumpa at Mapanlait na Salita
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang mga taong nagsumpa ay hindi pahihintulutan na maging mga testigo o mamamagitan sa Araw ng Paghuhukom.” (Muslim)
Ipinagbabawal din ng Islam ang pagsumpa sa mga kaaway at hinihikayat ang isang Muslim na magdasal para gabayan ang gayong mga tao sa Tama at Matuwid na Landas. Ito ay ayon sa Sugo ng Allah (ﷺ) na minsan siya ay tinanong: “O Propeta ng Allah (ﷺ)! Hindi ba ninyo kailangang magdasal laban sa mga pagano at mga sumasamba sa diyus-diyosan?" Sinabi niya:
“Ako ay hinirang lamang upang maging awa (para sa sangkatauhan) at hindi ako hinirang upang isumpa ang iba.” (Muslim)
Pagiging Kuripot at Lubhang Maramot
Itinuturing ng Islam na ang kayamanan ay katulad ng isang tiwala na ipinagkatiwala ng Allah (Y) sa tao para sa partikular na panahon sa kanyang buhay para magamit ng mainam at gamitin ayon sa kautusan ng Allah (Y): para sa gastusin sa buhay at para sa mahalagang pangangailangan, para sa kawanggawa at para sa gawaing pangkabanalan. Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang mapanlinlang, kuripot at maramot na tao na nagyayabang ng pauli-ulit ukol sa kanyang donasyon at pagtulong sa mga nangangailangan at mahirap na mga tao, ay hindi makakapasok sa Paraiso.” (Tirmidthi)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nag-ulat din na nagbabala tungkol sa kahindik-hindik na mangyayari sa lipunan na kung saan ang pagiging maramot ay isang gawaing pangkaraniwan, at siya ay nagsabi:
“Mag-ingat sa pang-aapi. Ang pang-aapi ay kadiliman sa Araw ng Paghuhukom. Mag-ingat sa pagiging sakim at sobrang maramot, dahil ito ang nagwasak sa mga taong nauna sa inyo. Ang pagiging sakim at sobrang maramot ay nagpumilit sa mga taong (nauna sa inyo) na nagdanak ng dugo ng kanilang mga tao at itinulak sila para gawing makatarungan ang di-makatarungan at ipinagbabawal.” (Muslim)
Mapag-aksaya at Sobrang Paggastos
Nag-utos ang Dakilang Allah sa isang Muslim na iwasan ang labis-labis na pag-aaksaya.
"…at kumain at magsi-inom nguni't huwag mag-aksaya,, Katotohanan, Siya (Allah) ay hindi nalulugod sa mga maluluho." (Qur'an 7:31)
Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“At magkaloob sa mga kamag-anakan ng kanilang karapatan at sa mga nangangailangan at naglalakbay. Nguni't huwag maglustay (ng inyong yaman) sa pamamagitan ng luho (at walang katuturan). Katotohanan, ang naglulustay ay mga kapatid ng mga demonyo at ang demonyo ay walang pasalamat sa kanyang Panginoon.” (Qur'an 17:26-27)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagbabawal sa inyo sa pagiging di-masunurin sa inyong mga ina, mula sa pagtanggi na bigyan ang mahirap at nangangailangan para sa kapakanan ng Allah, mula sa paghingi ng kawanggawa sa mga tao na hindi mo naman talaga kailangan, at sa paglibing ng buhay sa mga batang babae. Ayaw din ng Allah sa inyo na maging tagapagtaguyod ng usap-usapan (tsismis), at palaging humihingi sa mga tao na bigyan ka, at ang maglustay ng mga pondo ng walang pagpapahalaga.” (Bukhari at Muslim)
Pagpapalabis at Magmalabis sa Kasukdulan
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Ang Allah ay nagnanais na ang mga pagsamba ay maging magaan sa inyo, ayaw Niya sa inyo na ilagay kayo sa kahirapan. (Nais Niyang) tapusin ang naitakdang panahon at luwalhatiin Siya sapagkat Kanyang pinatnubayan kayo, upang kayo ay magkaroon ng pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat." (Qur'an 2:185)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Mag-alay ng masayang balita at huwag tugisin ang mga tao para lumayo. Bigyan ng katiwasayan ang buhay ng mga tao at huwag itong gawin mahirap at hindi nila mapagtiisan.” (Bukhari at Muslim)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Mag-ingat na huwag lumabis sa itinakda ng Relihiyon. Ang mga taong nauna sa inyo ay nangawasak dahil sa agmamalabis sa Relihiyon." (Nisaa`e, Ibn Maajah, Ibn Khuzaimah at al-Haakim)
Kahambugan at Maling Pagpapahalaga sa Sarili
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
“At huwag patambukin ang iyong pisngi sa harap ng mga tao ng may pagmamalaki at huwag lumakad sa kalupaan ng may pangmamataas (at pagyayabang). Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mayabang (at mapagmalaki). At maging magalang (at kaaya-aya) sa iyong paglalakad at ibaba ang iyong tinig. Katotohanan, ang pinaka di-katanggap-tanggap na tinig sa lahat ng tinig ay ang atungal ng isang asno.” (Qur'an 31:18-19)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang isang taong may katiting na bigat ng kayabangan sa kanyang puso, ay hindi makakapasok sa Paraiso.” Ang isa sa mga Kasamahan ng Propeta na naroroon noon ay nagtanong sa Sugo ng Allah (ﷺ): “O Propeta ng Allah! Ang gusto ng isa sa amin ay ang pag-suot ng magandang mga damit at magandang mga sapatos [ito ba ay isang pagyayabang]?" Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Ang pagiging mayabang ay ang pagkakaila sa katotohanan at ang paglapastangan sa iba. ” (Muslim)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Hindi lilingon ang Allah sa isang taong kumakaladkad ng kanyang damit sa kayabangan sa Araw ng Paghuhukom.” (Bukhari at Muslim)
Ang Lahat ng Di-Makatarungang Gawain Tungo sa Pakikipagtalo, Pakikipag-away, at Alitan sa Gitna ng Mga Tao.
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"At kayo ay humawak ng mahigpit ng sama-sama sa Lubid ng Allah (ang Qur'an – na ibinigay para sa inyo), at huwag magkakahiwalay sa isat-isa. At alalahanin ang biyaya ng Allah sa inyo sapagka't kayo noon ay magkaaway at Kanyang pinag-isa ang inyong puso na magkakasama. At sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay naging magkakapatid kayo (sa pananampalataya), at kayo ay nasa bingit ng Hukay ng Apoy, at iniligtas Niya kayo rito. Kaya’t ginawa ng Allah ang Kanyang mga katibayan at tanda upang maging maliwanag sa inyo upang kayo ay mapatnubayan." (Qur'an 3:103)
Katulad nito, ang Islam ay ipinagbabawal ang lahat ng anyo ng pagbibintang at maka-demonyong pag-iisip tungkol sa iba. Ang Allah, ang Makapangyarihan at Dakila ay nagsabi:
"O kayong sumasampalataya! Inyong iwasan ang maraming pagdududa, katiyakang ang ilang pagdududa ay mga kasalanan. At huwag kayong manubok, gayundin huwag magsalita ng paninira sa talikuran. Mayroong bang isa sa inyo ang ibig kumain ng laman ng patay niyang kapatid? Tunay ngang kasusuklaman ninyo ito, at inyong pangambahan ang Allah, katotohanan ang Allah ang tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain." (Qur'an 49:12)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Iwasan ang pagbibintang dahil ang magbintang (ay maging daan) sa pinakasinungaling na salita na maaaring magawa ng isang tao.” (Bukhari)
Maling Paglalarawan sa mga Katotohanan at Maling Pagbabalita
Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"O kayong mga mananampalataya! Kung ang isang makasalanang tao ay dumatal na may hatid ng anumang balita, tiyakin ang katotohanan nito, baka kayo ay makapinsala ng mga tao ng hindi sinasadya at sa bandang huli ay maging lipos (puspos) kayo ng pagsisisi sa inyong nagawa." (Qur'an 49:6)
Silakbo ng Galit, Pag-aalboroto, at Paggamit ng Masasakit at Mapanghamak na Salita.
Kaya’t ang isang Muslim ay napag-utusang magpigil palagi ng kanyang galit. Ang Allah, ang Makapangyarihan at Dakila ay nagsabi:
“Sila na mga taong umiiwas sa pinakamalaking kasalanan at mga nakakahiyang gawain kahit na sila ay nagagalit, sila ay nagpapatawad.” (Qur'an 42:37)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
"Ang isang malakas na tao ay hindi yaong nakikipagbuno, subali't ang malakas na tao sa katotohanan ay yaong marunong magpigil sa kanyang sarili sa pagdatal ng kanyang galit.” (Bukhari & Muslim)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang Nananampalataya ay hindi isang tao na tumutuligsa sa katapatan ng iba, ang sumpain ang iba, ang paggamit ng masasamang salita at maging di-kaaya-aya sa kanyang pananalita sa iba.” (Tirmidthi)
Si Abu Hurairah (t) ay nag-ulat:
Ang isang lalaki ay humiling sa Propeta (ﷺ) na bigyan siya ng payo at sinabi niya: "Huwag kang magalit.” Inulit ng lalaking yaon ng maraming beses at sumagot siya (sa bawat paghingi ng payo): "Huwag kang magalit.” (Bukhari)
Galak at Malisyosong Katuwaan Tungkol sa Pagdurusa ng Iba
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Huwag magpakita ng anumang kaligayahan kapag nakakita ng malungkot na pangyayari sa inyong kapatid. Ang Allah ay magiging Mahabagin sa taong dumanas ng sakuna at magbigay ng kalungkutan sa inyo sa gayong mga problema.” (Tirmidthi)
Di-dapat Manghimasok sa mga Bagay na Wala Tayong Kinalaman
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Isa sa mga tanda ng pagiging mabuting Muslim ay ang pag-iwan sa mga bagay na wala siyang kinalaman.” (Tirmidthi)
Di-makatarungang Pamamalakad at mga Paghatol
Ang mga batas ay hango sa Qur’an at Sunnah, kaya't walang ibang mambabatas maliban sa Allah (Y). Samakatuwid, ang hukom ay pinagkatiwalaan para ipaliwanag ang batas at gamitin ito ng makatwirang sa lahat ng kaso at kung siya ay naging di-makatarungan sa kanyang paghatol, ipinagkakanulo niya ang sagradong pagtitiwala. Ang Allah, Ang Maalam at Dakila ay naglahad:
“…at kung sinuman ang hindi humatol batay sa ipinahayag ng Allah, tunay nga, na sila ay hindi nananampalataya.” (Qur'an 5:44)
Ito ay ayon din sa Hadith ng Sugo ng Allah (ﷺ):
“Ang mga hukom ay tatlo, ang dalawa ay maninirahan sa Impiyerno at ang isa ay sa Paraiso. Ang hukom na alam niya ang katotohanan at humatol ng alinsunod sa batas ay maninirahan sa Paraiso. Ang hukom na alam niya ang katotohanan at sadyang lumihis dito ay maninirahan sa Impiyerno. Ang hukom na nagbigay ng paghatol na hindi nag-aangkin ng tamang kaalaman ay maninirahan sa Impiyerno. Isa sa mga kasama ng Propeta, na naroroon ay nagtanong ng mga sumusunod, “Ano ang kasalanan ng hukom na hindi batid ang likas na katotohanan sa kaso?" Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagbigay puna, "Ang kanyang kasalanan ay ang hindi siya dapat manungkulan bilang isang hukom hangga’t siya ay maging maalam.” (Hakim)
Ang Paniniktik sa iba
Ipinagbawal ng Islam ang maniktik sa iba sa lahat ng kaparaanan na binanggit ng Allah (Y):
"O kayong sumasampalataya! Inyong iwasan ang maraming pagdududa, katiyakang ang ilang pagdududa ay mga kasalanan. At huwag kayong manubok, gayundin huwag magsalita ng paninira sa talikuran. Mayroong bang isa sa inyo ang ibig kumain ng laman ng patay niyang kapatid? Tunay ngang kasusuklaman ninyo ito, at inyong pangambahan ang Allah, katotohanan ang Allah ang tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain." (Qur'an 49:12)
Ang Sugo (ﷺ) ay nagsabi:
“Ang taong nakinig sa pag-uusap ng iba na kinamumuhian siyang makinig ay ibubuhos ang lusaw na tingga sa kanyang mga tainga sa Araw ng Pagbabayad.” (Bukhari)
-> Ang Pagpapalaganap ng mga Kamalian ng iba at ang Paninirang Puri
Ang pag-tsismis ay sumisira sa kasiya-siyang relasyon sa pagitan ng mga tao at nagbubunga ng matinding poot at lumilikha ng magulong kalagayan sa lipunan. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"At huwag mong dinggin ang mga taong kakutya-kutya na handang manumpa ng lubhang marami, na mapanglait at mapanirang puri, na nagpapalibut-libot at nagkakalat ng kasinungalingan laban sa puri ng kapwa." (Qur'an 68:10-11)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi,
“Ang taong mapanirang puri ay hindi pahihintulutan na makapasok sa Paraiso.” (Bukhari at Muslim)
Isa sa mga tiyak na bunga ng paninirang-puri ay ang paglaganap ng mga usap-usapan, pagkamuhi, at pagkapoot sa mga kasapi ng komunidad. Dahil dito, ito ay maaaring humantong sa mga patayan o kaguluhan sa komunidad. Hindi tinatanggap o pinapatawad ng Islam ang kalagayang ganito.
Pagsasamantala sa Iba, Lalo na sa mga Madaling Mabiktima Katulad ng mga Maralita at Matatanda
Ang layunin ng Islam ay ang maitatag ang pinakamainam na samahan ng lipunan na may matatag na pangkapatirang pagkakaisa. Ang Allah, ang Makapangyarihan at ang Dakila ay nagsabi:
“Sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa Kanya. Maging magalang kayo sa inyong mga magulang, kamag-anak, at mga ulila, mga nangangailangan, at maging sa inyong mga kapitbahay na inyong kaanak at mga hindi kaano-ano, at ganoon din sa mga naglalakbay at napadpad sa inyong lugar, at maging sa mga alipin na inyong pinamamahalaan. Katotohanan! Hindi minamahal ng Allah ang mga mapagmataas at mayayabang.” (Qur'an 4:36)
-> Ang Pag-aabala sa Iba, Lalo na sa mga Kapitbahay
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
"Sa Ngalan ng Allah! Ang tao ay hindi maging (ganap) na Mananampalataya! "Sa Ngalan ng Allah! Ang tao ay hindi maging (ganap) na Mananampalataya! Ang kanyang mga Kasamahan ay nagtanong, ‘O Propeta ng Allah! Sino ang taong ito? Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagpahayag, 'Siya ay iyong taong ang kapitbahay ay hindi ligtas o hindi panatag laban sa (lahat ng kanyang) mga kalupitan at mga kasamaan.” (Bukhari at Muslim)
SSSS
Panghuling Pananalita
Ang Islam ay nagtayo ng pamantayan pangkapatiran sa pagitan ng mga tao batay sa prinsipyong pangkalahatan at damayan sa kapakanan ng lahat ng may kinauukulan. Walang sapilitan o pamumuersa sa pagtanggap ng Islam. Ang layunin ng Islam ay ang kabutihan para sa lahat na di-tumutukoy sa kulay, kredo o alituntunin, lugar, at bansang kinabibilangan. Ang mga batas at mga alituntunin ng Islam ay nagtataguyod ng pangkalahatang mga pamamaraan ng may kabutihan, kagandahang loob at katarungan. Ang mga Muslim ay napag-utusan na magmahal alang-alang sa Allah (Y) at mamuhi alang-alang sa Allah (Y), at hindi kailanman para sa anupamang pansariling kapakanan, makamundong pagnanais o mga kapritso. Ang isang nilalang ay hindi nagmamahal o namunuhi sa isang tao sa salita lamang, subali't mahalin niya ang kabutihan at kamuhian niya ang kasalanang nakikita sa pag-uugali ng isang tao. Ang Allah, Ang Makapangyarihan ay nagsabi:
"Tumangan sa pagpapatawad, mag-utos kung ano ang tama, subali't lumayo mula sa mga mangmang o mga ignorante." (Qur'an 7:199)
Dinadala ng Islam ang mga tao mula sa kadiliman ng kamangmangan at kawalang katarungan tungo sa tunay na liwanag ng patnubay at katarungan. Ang Allah, ang Maalam at Dakila ay nagsabi:
"Ang Allah ay ang Tagapagligtas at Kapanalig ng mga taong may pananampalataya. Pinapatnubayan sila mula sa kailaliman ng kadiliman tungo sa liwanag. Ang mga walang pananampalataya ay mga tagatangkilik at kapanalig ng taghoot (si Satanas, mga idolo, mga mapang-api). Mula sa liwanag sila ay dadalhin sa kailaliman ng kadiliman. Sila ang magiging Kasamahan ng Apoy upang maninirahan doon (ng walang hanggan)." (Qur'an 2:257)
Tinuturuan ng Islam ang lahat ng mga Muslim na maging mapayapa, mapagpatawad, mapagtiis, at mapangalaga. Ang Islam ay naghahanap ng lahat ng paraan para maitatag ang makatarungang panlipunan at mapangalagaan ang mga karapatan ng lahat ng nilalang sa pamamahala ng Islam at sila as sakop lahat ng sistemang pangkaginhawahan. Hinihikayat ng Islam ang mga Muslim na maging mabuti sa kapwa na hindi naghihintay ang anupamang kabutihang loob, dahil mas higit pa niyang hahanapin ang gantimpala mula sa Allah, ang kanilang Panginoon, ang Pinakamapagbigay. Tinuturuan ng Islam ang mga Muslim upang bigyang galang at dangal ang mga banal na pagtuturo at mga batas upang bawat kasapi ng lipunan ay makaramdam ng kapanatagan, kaligtasan, at kapayapaan maliban sa mga taong may mga ginagawang kasamaan, na dapat lang na maparusahan sa paglabag sa katarungan. Tinuturuan ng Islam ang mga Muslim na isipin ang kapakanan ng iba bago ang kanilang sarili at hangarin para sa iba kung anuman ang kanilang ninanais upang ang buong lipunan ay mabigyan ng pakinabang. Ang mga matatanda ay dapat na maging mabait sa mga kabataan at ang mga kabataan ay dapat maging mahabagin, magalang, at matulungin sa mga matatanda, ang mayaman ay maging maawain sa mahirap, dapat hangarin ng lahat ang makatulong sa mga nangangailangan. Layunin ng Islam ang huwarang lipunan na kung saan ang pahayag ng Sugo ng Allah (ﷺ) ay matutupad:
“Ang halimbawa ng mga mananampalataya sa kanilang pagmamahal at pagtingin sa isa’t-isa ay katulad ng mga bahagi ng isang katawan. Kung ang isang bahagi ay sumakit, ang ibang bahagi ng katawan ay makakaramdam din ng pananakit at lalagnatin.”
Nawa’y ang maliit na aklat na ito ay makakatulong para maging gabay sa mga naghahanap ng katotohanan. Alam nating lahat na ang kamatayan ay ang kahuli-hulihang hantungan ng bawat nilalang, ang pinakamahalagang katanungan ay; Ano ang mangyayari pagkaraan ng kamatayan? Ang mga Muslim katulad ng mga naniniwala sa mga Kasulatan ay naniniwala sa Pagkabuhay na Muli pagkatapos mamatay kung saan lahat ay magakakamit ng makatarungang mga gantimpala o mga kaparusahan sa buhay na walang hanggan, maaaring sa lubos na kaligayahan sa Hardin ng Paraiso o sa naglalagablab na apoy sa Impiyerno. At sa mga taong tumanggap ng Islam ng may katapatan bilang pamamaraan ng buhay, tiyak nilang natunton ang matiwasay na daan tungo sa kaligayahan sa Hardin ng Paraiso pagkatapos ng kamatayan. At sa mga taong gumawa ng mga kasamaan dito sa mundo laban sa mga inosente na wala man lang makatarungang batayan, sila ay mapaparusahan at magbabayad sa kanilang kasalanan. Datapwa’t, kung ang isang tao ay nakagawa ng anumang bagay ng di-pagsunod sa mga Alituntunin ng Allah, ang Makapangyarihan, ang lubos na makapangyayari ay ang Kagustuhan at Awa ng Allah. Kung Gugustuhin Niya na parusahan ang mga gumawa ng masama sa Kanyang katarungan, walang sinuman ang maaaring mamamagitan para sa kanya maliban kung papayagan ng Allah(Y). At kung gugustuhin ng Allah (Y) na patawarin ang gumawa ng masama, gagawin Niya ito sa pamamagitan ng Kanyang Awa at ng Kanyang pagiging Mapagkawanggawa.
At sa mga taong tumanggi sa Islam o tumalikod dito at namatay na hindi mga Muslim, naniniwala kami na ang mga gayong nilalang ay mamamalagi sa Naglalagablab na Apoy ng walang hanggan.
Samakatuwid, hinihikayat namin ang bawat makatwiran, maalalahanin at may dangal na nilalang na hanapin ang tunay na kaligtasan para sa kanyang kaluluwa sa tamang mga gawain at ayon sa Awa ng Allah, ang Pinakamahabagin. Hinihimok namin ang bawat tao na hanapin ang Tama at Matuwid na Daan tungo sa Paraiso, iyan ang Daan ng Allah, ang Daan ng Islam, ang kabuang pagsunod sa Allah (Y). Ito ang Daan tungo sa Kaligayahang Walang Hanggan. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi sa mga kaaway na nagkakalat ng maling pagpapalaganap laban sa Islam:
"Ang kanilang layunin ay patayin ang Liwanag ng Allah sa pamamagitan ng kanilang mga bibig; subali't gagawing ganap ng Allah (ang mensahe) ng Kanyang Liwanag, kahi’t na ang mga di-naniniwala ay mapoot (dito)." (Qur'an 61:8)
Ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi:
“Sa Isa na kung Kaninong Kamay nakasalalay ang kaluluwa ni Muhammad! Walang kasapi o miyembro ang nasyon na ito (na matatawag), walang Hudyo o Kristiyano na nakarinig sa akin at hindi naniwala sa kung ano ang aking dinala (kapahayagan), subali't siya ay mapapabilang sa mga tao sa Apoy.” (Muslim)
SSSS
Paunawa mula sa mga Tagasalin ng Tagalog:
"Ang mga isinaling talata mula sa Banal na Qur'an at sa mga Hadith at Sunnah ng Sugo ng Allah (ﷺ) ay mga pawang paliwanag ng mga tagasalin na inaakalang pinakamalapit sa pagpapakahulugan. Ang mga orihinal na Salita ng Allah (ﷻ) (ang Qur'an) at ang mga Hadith at Sunnah ng Propeta (ﷺ) ay makikita lamang sa mga orihinal na Arabik na pagkasulat."
Nawa'y tanggapin ng Dakilang Allah ang aming hamak na pagsisikap at patawarin kami sa aming mga pagkakamali." Ameen
========================================================
الحمد لله رب العالمين
Lahat ng Papuri at pagsamba ay nauukol lamang sa Allah, ang Rabb (Panginoon) ng mga Daigdig at nawa’y purihin at itampok ng Allah ang pagbanggit sa Kanyang Propeta (ﷺ) at ang kanyang pamilya at iligtas siya mula sa anumang kasamaan.
* * * * * * * * * * *
Kung nais ninyong tumanggap ng anumang kaalaman tungkol sa Islam huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin:
1) Email: info@islamland.com
2) Maaari kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod na websites:
[1] Ang salitang ito ay nababanggit kapag ang isang tao ay nagugulat, nanggigilalas, maligaya o gustong magbigay ng papuri.