Islam, Bakit ko Ito Niyakap?
Ang mga kategorya
Full Description
ISLAM Bakit Ko Ito Niyakap
Mga Salaysay Ng Ilang
Kababaihang Muslim
Tinipon at Inihanda
ni
Sister Zainab P. Lucero
Sa Ngalan ng Allah
Ang Mapagpala, Ang Mahabagin
PASIMULA
Ang lahat ng Papuri at Pasasalamat ay tanging sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga Daigdig. Nawa’y ang Kanyang pagpapala ay mapasa Kanyang Huling Sugo at Propeta na si Muhammad, sa lahat ng kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng tumatahak sa tamang landas hanggang sa Huling Araw.
Noon pa mang Kristiyano ako, naging inspirasyon ko na ang maglingkod at magbigay tulong sa kaninuman sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga charity affairs. Nang yumakap ako sa Islam, higit kong natagpuan at nadama ang tunay na diwa ng kawanggawa. Higit palang makabuluhan ang lahat ng gawain kung ito ay tuwirang nakalaan bilang paglilingkod sa Diyos (Allah)---ang ating Panginoong Tagapaglikha. Isang pag-lilingkod na hindi naghihintay ng anumang materyal na kabayaran mula sa kaninumang tao. Bilang isang Muslim, hangad ko lamang makamtan ang pagpapala ng Allah (Subhanahu wa Ta’ala) at maging karagdagang kabutihan nawa sa akin sa Araw ng Paghuhukom. Sa kasalukuyan, naglilingkod ako bilang President of Philippine Association for Muslimah, Dar Al Eeeman, Inc. (PAMDAE, Inc.).
Ang paglathala ng isang maikling babasahing tumatalakay sa mga kasaysayan ng ilang kababaihang yumakap sa Islam ang siyang unang proyekto ng nasabing kapisanan. Nais kong ibahagi sa mga mambabasa kung ano ang damdamin ng isang babaing yumakap sa Islam.
Sa kabila ng labis na kalantaran ng lipunan at masalimuot na kalakaran ng buhay, mayroon pa ring kababaihang may pagpapahalaga sa kanilang dangal at naghahangad ng ganap na katiwasayan ng buhay. Mga babaing handang lisanin at talikdan ang nakagisnang tradisyon at kaugalian makamtan lamang ang tunay na kahulugan ng buhay. Hindi nasusukat ang kapayapaan sa kinang ng salapi, kislap ng yaman at makabagong pamumuhay. Higit na matatagpuan ang ningning ng buhay na handog ng Islam sa mga kaninumang naghahanap ng tunay na kapanatagan ng buhay.
Sa kabila ng maraming paninira at panunuligsa ng mga kaaway ng Islam, nananatili itong isang wagas na relihiyon sa gitna ng masalimuot na agos ng mundo. Ang Islam ay patuloy na niyayakap ng iba’t ibang lahi sapagka’t nababatay ito sa likas na katuwiran at kaisipan ng tao. Hindi magtatagumpay ang anumang kasiraang iniuukol dito sapagka’t ang Diyos na Tagapaglikha ang Siyang nagtangi nito para sa sangkatauhan.
Maraming relihiyon ang nagsulputan sa buong mundo, masigla sa simula nguni’t nang lumaon isa-isang naglalaho--- sapagka’t itinatag lamang ng tao ang mga ito. Walang karapatan ang sinumang tao na magtatag ng relihiyon sapagka’t ang tunay na kahulugan ng relihiyon ay pamamaraan ng buhay tungo sa kapayapaan at kaligtasan. Sino ba namang tao ang maaaring gumawa ng mga panuntunan para sa kapwa niya nilikha rin? Ang Dakilang Lumikha (Allah) lamang ang may Ganap na Karunungan sa lahat ng bagay at tanging nakababatid sa pangangailangan ng Kanyang mga nilikha maging materyal man o espirituwal. Siya lamang ang makapagbibigay ng ganap na pamamaraan ng buhay sa kanila. Kaya’t sinumang nagnanais ng kapayapaan at kaligtasan, ang tanging kailangan ay malinis na hangarin, at pagkilala sa Diyos (Allah) kaalinsabay ng matapat na paglilingkod sa Kanya. Ang Islam lamang ang nagtataglay ng mga alituntunin upang magampanan ito.
Nagdulot sa akin nang higit pang sigla ang mga salay-say na inilathala sa babasahing ito. Tila ba nagtutulak sa akin upang lalo akong magsumikap na itaguyod ang mga gawaing nakaatang sa aking balikat. May mga sandaling natatagpuan ang sariling lumuluha dahil sa aking paghanga sa katatagan ng kanilang pananampalataya. Hindi nila inalintana ang kaakit-akit na kapaligiran. Bagkus, nangibabaw sa kanila ang tunay na diwa ng Eemaan (pananampalataya). Ang tunay na kagandahan ng buhay ay yaong buhay na may lakip na pagmamahal at pagsunod sa ating Panginoong Tagapaglikha.
Dalangin kong makapagbigay nawa ng liwanag sa mga mambabasa ang mga kasaysayan ng ilang kababaihan natin na nagsikap makamit ang tunay na pananampalataya tungo sa kapayapaan. Nawa’y maging kapaki-pakinabang sa lahat ang aklat na ito.
Ang Allah (Subhanahu wa Ta’ala) ay sapat na sa atin at Siya ang Pinakamabuting Tagapatnubay. Maraming salamat.
Al Hamdulillahi Rabbil Alameen.
Sister Zainab P. Lucero
President
Philippine Association of Muslimah
Dar Al Eemaan, Incorporated
www.pamdae.com
I bear witness that there is no God worthy of worship except Allah, and I bear witness that Muhammad is His Servant and Last Messenger.
Ito ang mga katagang binanggit ko tungo sa landas ng kapayapaan. Maikling kataga nguni’t nagbigay ng ganap na pagbabago sa aking buhay. Ako nga pala si Maryam A. Alojado, ang inyong kapatid sa pananampalatayang Islam. Isinilang ako sa San Jose, Antique. Dati akong Kristiyano na si Jesus Christ ang sinasamba. Tuwing linggo, pumupunta kaming mag-anak sa simbahan at nakikinig ng sermon ng pari. Hindi ko pinangarap na palitan ang aking relihiyon. Para sa akin sapat na ito at ang aking kaunting kaalaman. May mga Muslim din sa aming bayan. May naririnig akong hindi raw maganda ang kanilang pag-uugali at sila raw ay sumasamba sa baboy. Nagkibit-balikat na lamang ako sa mga balitang ito.
Noong nag-aaral ako ng college sa Maynila, niyaya ako ng isa kong kaibigan na sumapi sa kanyang relihiyon---ang Iglesia ni Cristo. Matiyaga niya akong binabasahan ng mga magagandang katuruan nito subali’t kahit anong gawin niya, hindi ako naakit dahil pinaglaban ko pa rin ang pagiging isang Katoliko. Noong nasa 3rd year college na ako, niyaya akong mag-abroad ng aking tiyahin. Pangarap ko rin noon ang makarating sa ibang bansa katulad ng America o di kaya’y sa Austria. Sa pagkakataong ito nag-apply na rin ako subali’t para sa akin laro lamang ito dahil hindi ako tapos ng kolehiyo.
Parang tukso, sa lahat ng bansang inayawan kong marating hindi ko akalain na dito sa Saudi Arabia pala ako mapapadpad. Ang pag-aapply kong laru-laro lamang ay naging totoo at huli na ang lahat para bawiin ko ito. Ang perang galing sa tiyahin ko na nakalaan para sa aking tuition fees ang ibinayad ko sa agency. Dahil sa takot kong malaman ng tiyahin ko, nag-apura akong makaalis papuntang Saudi Arabia. Ipinaliwanag ko ang lahat sa aking lola at hindi ko makalimutan ang habilin niyang huwag akong mag-Muslim dahil hindi raw ito maganda.
Narating ko ang Saudi Arabia noong January 3, 1997. Tamang-tama namang palapit na noon ang buwan ng Ramadan. Sa pagsapit ng naturang buwan, takang-taka ako kung bakit hindi kumakain ang mga tao hangga’t hindi dumating ang takdang oras ng Maghreb o paglubog ng araw. Hindi ako nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng ginagawa nila. Nakalipas ang isang linggo, ang buong pamilya ng aking Saudi employer ay lumuwas patungong Jeddah at kasama kaming lahat na mga namamasukan sa kanila. Ako lang ang hindi Muslim sa kanila. Naramdaman kong tila kaiba ang trato nila sa akin kaysa sa aking mga kasama. Naging palaisipan ang bagay na ito sa akin hanggang sa bumalik kami sa Riyadh. Nagtanong ako sa isa sa aking mga kasama tungkol dito. Minabuti niyang bigyan ako ng mga babasahing Islamiko. Tuwing nagpapahinga, naging libangan ko ang pagbasa ng mga babasahing ito. Nang magkaroon ng liwanag ang mga bagay na bumabagabag sa akin tungkol sa Islam, nagpasiya akong sabihin sa aking madam na gusto kong dumalo sa mga Islamic lectures. Naging puspusan ang aking pag-aaral sa loob ng limang araw, at nang sumapit ang ika-anim na araw nagpasiya akong yakapin ang Islam. Ang tanging nasambit ko sa laki ng aking kagalakan ay: Allahu Akbar! Allahu Akbar! Allahu Akbar! (Ang Allah ay Dakila).
Hindi ko kayang ipaliwanag ang damdamin ko nang yakapin ko ang Islam. Pakiwari ko’y para akong lumulutang sa kasiyahan dahil alam kong kasapi na ako sa tunay na relihiyon. Ang labis kong ikinasisiya ay ang pangako ng Allah na ang sinumang taus-pusong yumakap ng Islam, mabubura ang lahat ng kanyang mga kasalanan at karagdagan nito’y mapapalitan ng mabubuting gawa kahit anuman ang timbang nito.
Muli kaming nagtungo sa Jeddah kung kaya’t hindi ko naipagpatuloy ang pagdalo sa lecture hall. Bukod sa pangu-nahing aralin sa Islam at ang pagganap ng Salah, hindi na naragdagan pa ang aking kaalaman. Sinulatan ko ang aking mga magulang na isa na akong Muslim. Hindi ko inisip kung ano ang magiging resulta ng aking pagtatapat sa kanila. Ang tanging nasa loob ko ay nagawa ko ang tamang bagay at ito ay pansarili dahil tinanggap ko ang Islam nang lubos sa aking kalooban at walang bahid ng pagsisisi.
Hindi pala tama ang aking pagsamba noon kay Jesus Christ dahil siya ay katulad din nating tao. Isinilang siya ng kanyang ina na si Maria, at isinugo siya ng Allah bilang isang Propetang may dalang mensahe mula sa Kanya. Dapat lamang tayong sumamba sa Allah at sundin ang mga aral ng Kanyang huling Propeta’t Sugo na si Muhammad.
Sa kagandahang loob ng aming employer hinikayat niya ako at isang kasama ko sa bahay na magpatuloy ng pag-aaral ng Islam. Nagpunta kami sa Call & Guidance Office Al-Batha at doon namin nakausap si Brother Muhammed dela Peña. Ipinayo niyang magpunta kami sa Dar Al Eemaan, isang center para sa kababaihang Muslim. May pag-aaral dito tuwing araw ng Biyernes. Pinayagan din kami ng aming employer at simula noon naging regular student kami.
Sa unang araw ng pagpasok sa Dar Al Eemaan, nahihiya pa kami ng aking kasama dahil sa uri ng aming trabaho. Subali’t binigyan kami ng lakas ng loob ng isang sister na namamahala doon. Ang sabi niya’y huwag mag-isip ng negatibo dahil para sa Allah pantay-pantay ang lahat---walang nurse, walang katulong, atpb. Doon ko rin naranasan ang magsulat ng Arabic alphabets, at nagpatuloy sa pag-aaral ng mga katuruan ng Islam. Nasabi ko sa aking sarili na sadyang malaki pala ang kakulangan ng aking kaalaman. Isang napakahalagang natutuhan ko sa Dar Al Eemaan ay ang pagbabasa ng Banal na Qur’an sa wikang Arabic. Simula noon puspusan kong pinag-aralan ang ilang bahagi ng Banal na Qur’an. Kinalulugdan ko ang pagdalo sa paaralang Dar Al Eemaan lalung-lalo na sa tuwing may Question and Answer pagkaraang magbigay ng Islamic studies. Para sa akin nais kong palaging Biyernes na lamang dahil kapag kasama ko ang mga kapatid sa Islam, pakiramdam ko’y nawawala ang aking pagod at pagkainip. Handa rin silang tumulong sa sinumang may suliranin sa amin.
Naranasan ko ring makapaglakbay patungong Makkah para mag-Umrah (pagdalaw sa Makkah) at hindi ko rin ito inakalang darating pa sa aking buhay. Lalong tumibay ang aking pananampalataya dahil narating ko na rin ang aking matagal na pangarap.
Maraming bagay ang nagbago sa aking buhay katulad ng tamang pananamit. Noon, mahilig akong magsuot ng sleeveless at T-shirt at mahihigpit na pantalon na parang mistulang lalaki. Napag-aralan ko rin ang kabutihang-asal sa Islam. Sa aking pag-aaral, natutuhan ko ring magkaroon ng takot sa Allah. Sa Islam, isa pala sa mataas na uri ng pagsamba ang pagtatakip ng buong katawan---tamang pananamit sa kababaihan.
Nagpapasalamat ako sa matiyagang pagtulong at pagpupursige ng namamahala sa Dar Al Eeman sa pagtuturo sa amin. Gayundin sa mga taong patuloy na tumutulong sa pananatili ng kapisanang ito. Nawa’y hindi sila magsawa sa pagtulong dahil marami pa ang hindi nakababatid sa katuruan ng Islam.
Sa aking pag-uwi sa Pilipinas, dalangin kong maibahagi ang aking nalalaman sa Islam sa aking mga magulang at mga kapatid. Nawa’y tanggapin nila ako sa aking bagong pananampalataya, Insha Allah. Iisa lamang ang aking pangarap---ang makapasok sa Paraiso at makaharap ang ating Tanging Tagapaglikha, ang Allah (swt).
Ang payo ko sa mga hindi pa Muslim na huwag husgahin ang Islam sa maling gawain o paninira ng iba, bagkus tingnan ang tamang katuruan nito sa pagbabasa ng lathalaing Islamiko at Banal na Qur’an. Isagawa ang kautusan nito upang magkaroon ng Kapayapaan at marating ang tamang landas. Sa panahon ngayon, dapat tayong kumilos at sundin ang Tunay na Relihiyon---ang Islam sapagka’t narito ang tunay na pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Lumikha sa ating lahat. Dapat lagi tayong nakahanda dahil napaikli ng buhay. Hindi natin alam kung kailan Niya tayo babawian ng buhay. Magsilbing inspirasyon sana ang aking karanasan sa mga taong naghahanap ng kapayapaan.
May Allah continue to guide us all to the right path.
“Inaamin kong kahit ‘born Muslim’ ako o ipinanganak
sa mga Muslim na magulang, marami pa rin ang hindi ko nalalaman tungkol sa aking relihiyon”
FAIDA H. APION
JOLO, SULU
Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin
Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha. Nawa’y ang Kanyang kapayapaan at pagpapala ay mapasa huling Propeta na si Muhammad at sa lahat ng mga Propetang nauna sa kanya at sa lahat ng taong tumatahak at sumusunod sa tamang landas hanggang sa Huling Araw.”
Ako po ay si Faida H. Apion, mula’t sapul Muslim na, tubong Mindanao, nagmula sa Jolo, Sulu, at ang tribong kinabibilangan ko ay Tausog. Matagal na ako dito sa Saudi Arabia, nagtatrabaho bilang isang Nurse sa Riyadh Medical Complex Hospital. Isang dormitoryo ang aking tirahan at masyadong mahigpit ang mga namamahala dito, maraming “do’s and don’ts”. Gayunpaman, aking napagtanto na para na rin sa kabutihan ng mga naninirahan ang kahigpitang ito.
Ang pagkakarating ko dito sa Saudi Arabia ay parang isang panaginip dahil hindi ko ito inaasahan. Maituturing kong isang malaking utang na loob ito sa Allah (swt). Pinakamimithi ng isang Muslim na makarating sa bansang ito na kung saan matatagpuan ang Makkah at Madinah. Nagpapasalamat ako sa natamong biyayang ito dahil bihira lang ang nagkakaroon ng ganitong pagkakataon, Alhamdu Lillah (Ang pagpupuri ay sa Allah lamang).
Kahit matagal na ako dito sa Saudi Arabia, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mangulila sa mga mahal ko sa buhay, lalo pa’t kung masyadong ‘attached’ sa isa’t isa. Totoo ang kasabihan na ang kalaban ng mga nangingibang bansa ay ‘home sickness’. Datapwa’t iniisip ko na lang na hindi para sa akin ang pananatili ko dito sa malayong bansa kundi sa kapakanan ng aking mga mahal sa buhay. Itinuturing ko itong isang mataas na uri ng pagsamba---ang matulungan ko ang aking pamilya. Ang tanging paraang ginagawa ko upang malibang ang aking sarili ay pagbabasa ng mga aklat na may katuturan at ang mga Islamic books na ibinigay sa akin ng mga kapatid na Muslim.
Hindi lang minsan na nakaliligtaan kong basahin ang mga librong Islamiko dahil pakiramdam ko’y nako-konsensiya ako. Masasabi kong malaki ang aking pagkukulang kung ang mga itinakdang tungkulin ng isang Muslim ang pag-uusapan. Matagal din bago ko nahikayat ang aking sariling bigyan ng panahon ang pagbabasa ng mga babasahing nauukol sa aking panuntunan sa buhay at aking relihiyon---ang Islam. Sa aking pagbabasa, marami akong natutuhan, hindi lang sa araw-araw na pamumuhay, kundi pati na rin sa buhay na walang hanggan.
Inaamin kong kahit ‘born Muslim’ ako o ipinanganak sa mga Muslim na magulang, marami pa rin ang hindi ko nalalaman tungkol sa aking relihiyon. Kaya ngayon, puspusan ang paghahanap ko ng paraan upang matugunan ang mga nais kong malaman, lalo na ang tungkol sa wastong pagbasa at pagbigkas ng Banal na Qur’an. Alhamdulillah! Isa na namang malaking pasasalamat ko sa Poong Maykapal--- ang Allah nang makarating ako sa Dar Al Eemaan, isang kapisanan para sa mga kababaihang Muslim na nagbibigay ng iba’t ibang lectures tungkol sa Islam. Lalong na-‘refresh’ at naragdagan ang kaalaman ko sa Islam simula nang dumalo ako sa mga naturang lectures. Lalong tumibay ang aking pananampalataya dahil hindi lang ang pangrelihiyon ang aking natutuhan, pati na rin ang pakikibagay sa kapwa, pagmamahal sa puso at pagtutulungan ng bawa’t Muslim at sa pagbibigay halaga nito.
Sa totoo lang, sa bawa’t pagbabalik-loob ng mga kapatid ko sa Islam, hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwa. Sa kaibuturan ng aking puso, nata-touch ako sa kanila, at nagiging inspirasyon ko ang bawa’t Shahada nila. Insha Allah, patnubayan nawa sila ng Allah (swt) at bigyan ng maraming biyaya. Dalangin ko rin ang magpatuloy ang Dar Al Eeman sa pagtuturo ng wastong pagbasa at pagbigkas ng Qur’an, ang interpretasyon nito at ang pagsasalita sa Arabic.
Hanggang dito na lamang at nawa’y pagpalain tayong lahat ng Allah (SWT).
“Namangha ako sa aking mga nakita
lalo na ang pamamaraan ng kanilang pagdarasal.”
MARYAM (Hermie) BARTOLOME
ILOILO CITY
Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin.
Ako si Maryam Bartolome tubong Iloilo City, pangatlo sa pitong magkakapatid. Pinalaki akong Kristiyano ng aking mga magulang. Maraming katanungan ang sumagi sa aking isipan na hindi ko maunawaan, katulad halimbawa ng: ‘bakit kailangang magsimba ako sa Iglesia Katolika’. Sa aking pagdadalaga, naging mausisa ako sa aking magulang kung talaga bang totoo ang pananampalataya na kinabibilangan namin. Nagpalipat-lipat ako ng relihiyon nguni’t hindi rin nakapagbigay kasiyahan at katiwasayan sa aking isipan. Para akong alinlangan at wala akong madamang kasiyahan.
Taong 1994 nang makarating ako sa Saudi Arabia. Namangha ako sa aking mga nakita lalo na ang pamamaraan ng kanilang pagdarasal. Gayunpaman, nagsawalang-kibo at nag-obserba na lamang ako sa mga nangyayari sa aking kapaligiran. Naakit ako sa paraan ng kanilang pagdarasal. Sa pakiwari ko, ang pamamaraan ng kanilang pagdarasal ay napakalapit sa Diyos. Sa paglipas ng mga araw, hindi ko napigilan ang damdamin ko at sinabi ko sa aking amo na gusto kong mag-aral ng kanilang pagdarasal. Hindi ako nagdalawang salita at pinagbigyan ako lalo na ang mga anak ng amo ko. Matiyaga silang nagturo sa akin. Ito na rin ang simula ng pagbabasa ko tungkol sa Islam, kung sino si Propeta Muhammad, at higit na mahalaga kung sino ang Allah (swt) na sinasamba nila. Lumipas ang mahabang panahon subali’t hindi ko pa rin pormal na tinanggap ang Islam.
Minsan niyaya ako ng aking kasama sa trabaho sa isang salu-salo. Nakilala ko doon ang hindi ko inaakalang magiging asawa ko. Isa siyang banyagang Arabo. Nagbigay siya ng aral sa akin tungkol sa Islam. Lingid sa kanyang kaalaman may kaunti na rin akong nalalaman tungkol sa relihiyong ito, subali’t hinayaan ko lamang siya. Pansamantalang nagkahiwalay kami matapos ang salu-salong yaon. Nang magkita kaming muli, hinikayat niya akong mag-embrace ng Islam. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tinanggap ko ang Islam. Pagkaraang yakapin ko ang Islam, nagpahayag ang taong ito na may lihim siyang pag-ibig sa akin at handa niya akong pakasalan. Pumayag ako sa dahilang naging bahagi siya sa pagtanggap ko ng Islam.
Makaraan ang ilang buwan, dumating ang buwan ng Ramadan. Ipinaliwanag ng asawa ko ang tungkol sa pag-aayuno. Tahimik lamang ako sa kanyang mga paliwanag. Hindi ko sinabi sa kanya na mayroon akong pangamba na baka hindi ko makayanan ang pag-aayuno. Nanawagan ako sa Allah at hiningi ko sa Kanyang tulungan akong makayanan ko ang lahat. Alhamdulillah, nagampanan ko ang ika-apat na Haligi ng Islam---ang pag-aayuno nang walang kahiraphirap.
Isang panaginip na hindi ko makalimutan sa buhay ko. Sa aking panaginip, naglakbay daw ako sa isang lugar na tila isang disyerto. Naglalakad akong sumusunod sa aking asawa na may ilang dipa ang layo niya sa akin. Lumingon pa siya sa akin. Sa aking pagod huminto ako at patuloy naman siya sa kanyang paglalakad na papalayo sa akin. Sa pahintu-hintong paglalakad nakaabot ako sa isang lugar na may taong nakatayo sa pagitan ng dalawang bundok. Sa pagkakatingin ko sa kanya’y itinuro niya ang aking asawang patuloy sa paglalakad patungo sa isang Masjid. Ang tao sa aking panaginip ay nakadamit na puti, may takip siya sa ulo, at sadyang napakahaba ng kanyang balbas na hindi ko pa nakita kanino man. Naputol ang panaginip ko nang tumunog ang aking orasan para sa Asr prayer.
Nakintal sa aking isipan ang nakita kong lugar sa aking panaginip. Lumipas ang panahon hanggang sa makarating ako sa samahan ng mga Muslim na kababaihan---ang Dar Al Eemaan. Nagkapalad akong makasama sa kanilang pag-Umrah sa Makkah. Nang makita ko ang Masjid sa Makkah, sumagi sa isip ko ang aking panaginip na Masjid sa gitna ng dalawang bundok. Ito ang aking nakita sa panaginip at ito pala ang kasagutan sa aking pangitain.
Lubos akong nagpapasalamat sa Allah (swt) sa Kanyang patnubay upang maging Muslim ako, na Siya rin ang nag-alis ng aking mga agam-agam sa tamang pananampalataya. Nagpapasalamat din ako sa aking amo at sa kanyang mga anak na unang nagbigay impormasyon sa akin tungkol sa Islam. Gayundin, sa aking asawang matiyagang nagtuturo sa akin hanggang sa ngayon. Sa mga kapatid sa Islam na walang sawa sa pagtulong katulad ng mga sister sa Dar Al Eemaan at sa mag-asawang Ibrahim at Joharah. Maraming salamat sa inyong lahat.
Manatili nawa sa atin ang mga biyaya at pagpapala ng Mahal na Allah (swt).
NOOR (Irma) C. BATOON
Pateros, Metro Manila
Bismillahir-Rahmaanir-Raheem. Alhamdulillaahi Rabbil-‘Aala-meen, Ar-Rahmaanir-Raheem, Maliki Yaumid-deen, Iyyaka na’abudu wa Iyyaka Nasta’een, Ihdinas-siraatal Mustaqeem, Siraatal-Ladheena An’amta Alayhim. Ghairil Maghdoobi Alayhim wa lad-daalleen. (Suratul Fatihah)
Ito ang kauna-unahang kabanata ng Banal na Qur’an na aking naisapuso. Ako nga pala si Noor C. Batoon, tubong Pateros, Metro Manila at lumaki sa pananampalatayang Kristiyanismo. Wala sa isip ko ang pagpapalit ng relihiyon sapagka’t ang katuwiran ko noon, dito ako lumaki sa pananampalatayang ito, dito rin ako mamamatay. Subali’t maraming tanong sa aking isipan na hindi ko mahanapan ng kasagutan, katulad ng ‘bakit kailangang idaan pa sa pari ang aking mga pagsisisi samantalang maaari ko namang ihingi ito ng tawad nang tuwiran sa Panginoon’. Lumaki akong sinusunod ang mga gawain ng Kristiyano---ang pagsimba, ang pagpanata sa mga kapistahan ng mga santo, ang pag-aayuno tuwing mahal na araw at marami pang gawaing Kristiyano. Nguni’t hindi maalis sa akin ang mga katanungang gumugulo sa aking isipan.
Marami sa aking mga kaibigan ang nag-anyaya sa aking dumalo sa kanilang pagsamba. Sumasama naman ako subali’t nakikinig lamang. Gayunpaman, hindi ko pa rin mahanap ang kasagutan sa mga katanungan ko. Sa tuwing nagdarasal ako, diretso ang aking pasasalamat, at paghingi ng tawad sa Panginoon sa lahat ng mga nagawa ko sa araw na iyon. Lahat ng bagay ay ikinukonsulta ko sa Kanya sa tuwing gagawa ako ng anumang hakbang sa aking buhay. Masasabing direkta sa Kanya ang aking mga panalangin kahit na ang aking kinalakihang pamilya ay naniniwala, nananalangin at nagbibigay papuri sa mga santo’t santa at kay Hesus.
Nagkaroon ako ng kaklaseng Muslim noong nasa ikalawa at ikatlong antas ako ng High School. Lagi ko silang tinatanong kung ano ang mga ginagawa nila bilang Muslim. Nguni’t hindi ganoon kalawak ang kanilang kaalaman. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagsisimba tuwing linggo at pagsama-sama sa mga kapistahan. Sumapit ang panahong dumating sa buhay ko ang aking napangasawa. Hindi pa siya Muslim noong magkatagpo kami. Katulad ko, marami rin siyang katanungan sa Kristiyanismo at sa lahat ng mga relihiyon. Hindi siya naniniwala sa mga santo dahil rebolto lang daw ito. Lagi kaming nagtatalo kapag niyayaya ko siyang magsimba dahil ayaw niyang sumama. Nagkahiwalay kami ng aking kasintahan noong umalis siya patungong Riyadh noong 1997.
Patuloy ang pagsusulatan namin sa isa’t isa hanggang sa isang araw, ipinagtapat niya sa akin na Muslim na siya. Nagulat ako sa aking nabasa at bigla akong nainis sa kanya na hindi ko man lang inalam ang dahilan kung bakit siya nag-Muslim. Unang pumasok sa aking isipan ang takot na maaari siyang mag-asawa ng marami. Galit kong sinagot ang mga sulat niya at sinabi ko sa kanyang hindi niya ako maaakay sa Islam kahit kailan. Nguni’t habang ginagawa ko ang sulat na iyon, humihingi ako ng tulong sa Panginoon na nawa’y bigyan niya ako ng dahilan kung bakit kailangan kong tanggapin ang paliwanag ng aking kasintahan. Isang linggo ang lumipas at nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang mga bagay na nais niyang sabihin. Hinintay ko ang sagot niya sa mga sulat ko. Naisip kong bakit kailangan akong magalit sa kanya samantalang may sinasamba na siya ngayon, may takot, at ilang beses kung magdasal sa loob ng isang araw. Hindi katulad noon, wala siyang interes sa relihiyon. Ipinaliwanag niya sa akin ang takot ko tungkol sa pag-aasawa nang marami ng Muslim. Sinabi niyang maaaring makapag-asawa ang Muslim ng hanggang apat, “And if you fear that you shall not be able to deal justly with the orphan-girls, then marry (other) women of your choice, two or three, or four but if you fear that you shall not be able to deal justly (with them), then only one or (the captives and the slaves) that your right hands possess. That is nearer to prevent you from doing injustice.” (Qur’an 4:3). Ipinaliwanag din niya sa akin ang mga dahilan kung bakit niya niyakap ang Islam. Tinanggap ko ang kanyang mga paliwanag nguni’t sinabi ko sa kanya na huwag niya akong yayain na mag-Muslim din. Sinabi niya sa akin na nasa Allah lamang ang patnubay kung magiging Muslim ako o hindi, nguni’t obligasyon niyang ibahagi sa akin ang katuruan ng Islam sapagka’t accountable siya tungkol dito sa pagdating ng Judgement Day.
Sa dalawang taon niyang pamamalagi sa Riyadh, dalawang taon din niya akong pinadadalhan ng mga aklat at babasahing Islamiko at walang sawang ipinaliliwanag sa akin ang mga katuruan ng Islam. Hindi ko man lang binabasa noong una ang mga aklat na pinadadala niya, hanggang sa dumating na lamang sa akin ang interes na basahin ang mga ito. Nakuha kong basahing lahat ang mga naipadala niya at hindi ko namamalayan na halos abangan ko na ang mga susunod niyang ipadadala. Lagi kong hinihiling sa Panginoon na ibigay sa akin ang tamang daan patungo sa Kanya. Hinihiling ko, kung ako ay para sa Islam, bigyan niya ako ng sign at aking tatanggapin ito. Isang araw namalayan ko na lamang ang aking sarili na isinasaulo ang Al-Fatihah (opening chapter ng Banal na Qur’an) na nakasulat sa isang post card na ipinadala sa akin noong nag-Umrah siya sa Makkah.
Noong taong 1998, naoperahan ako dahil sa appen-dicitis. Hindi ko inaasahang ang pangyayaring iyon ang magbubukas sa aking puso upang tanggapin ang Islam. Nang malaman kong ooperahan ako, dumating ang malaking takot sa akin. Dinasal kong lahat ang alam kong dasal ng Kristiyano nguni’t balisa pa rin ako at takot na takot hanggang sa dalhin nila ako na sa operating room. Nag-iiyak at naghi-hysterical ako. Bago ako binigyan ng anaesthesia para makatulog, dinasal ko ang Al-Fatihah. Doon ko naramdaman ang kapanatagan ng loob at kapayapaan ng isip. Palagay ang loob kong walang anumang mangyayari sa akin sapagka’t nasa pangangalaga ako ng Allah. Alhamdulillah, naging maayos ang aking operasyon. Mula noon hindi ko na isinasantabi ang pag-aaral tungkol sa Islam. Patago akong nagbabasa ng mga aklat na ibinigay ng aking kasintahan dahil alam kong magagalit ang aking magulang. Iba ang kanilang pananaw sa mga Muslim. Hindi ko rin binabanggit sa aking kasintahan na patuloy akong nag-aaral tungkol sa Islam.
Enero ng taong 1999 noong nagbabayad ako ng bill ng telepono sa Makati nang masumpungan ko na lamang ang aking sariling tumatawag sa ISCAG (Islamic Call and Guidance) sa Cavite at tinatanong ko kung papaano ako makakarating doon. Dumating ako sa Cavite na eksaktong oras na ng Salaah ng Asr (afternoon prayer) at doon ko unang narinig ang Adhan (call for prayer). Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman sa mga oras na iyon. Gayunpaman, hindi pa rin ako nakapag-Shahada (pagsaksi ng pagyakap sa pananampalatayang Islam) sa mga sandaling iyon. Lumipas ang tatlong buwan at ako’y nasorpresa sa biglang pag-uwi ng aking kasintahan. Niyaya niya akong pakasal dahil raw hindi sinasang-ayunan sa Islam ang pakikipagkasintahan. Hiningi niya ang pahintulot ng aking mga magulang. Bagama’t alam nilang Muslim na siya, hindi sila tumutol sapagka’t wala naman silang makitang masama sa kanyang relihiyong Islam. Pumunta kami sa Quiapo at hinanap ang mga Islamic Offices doon na maaaring tumulong sa amin sa pagpapakasal. Marami kaming napagtanungan nguni’t taliwas ang mga ito sa mga itinuturo ng Islam. Nagpatuloy kami sa paghahanap hanggang sa matagpuan namin ang Islamic Wisdom Worldwide (IWW) na pinamamahalaan ng isang Palestino at doon isinangguni namin ang aming balak na magpakasal. Nag-Shahada ako noong araw ding iyon at biglang nagulat at umiyak sa tuwa ang aking kasintahan dahil lagi raw niyang hinihiling sa Allah (swt) na mapatnubayan ako sa tamang landas. Nakasal din kami noong araw na iyon. Hindi ko lubusang maunawaan noon kung bakit siya umiyak nang mag-Shahada ako.
Ilang buwan lang at bumalik na uli rito sa Riyadh ang aking asawa. Patago pa rin akong nagbabasa-basa ng mga aklat at nagsa-Salaah sapagka’t sarado sa Islam ang aking pamilya lalung-lalo na ang aking Ate. Hindi siya tumatanggap ng anumang paliwanag tungkol dito. Kaya kahit patago, patuloy ko pa ring ginagampanan ang mga tungkulin ko bilang isang Muslim. Gayunpaman, marami pa ring mga bagay na hindi ko magawa sapagka’t naroroon ako sa lugar ng mga di-Muslim. Kaya, hiniling ko sa Allah na makarating sana ako sa aking asawa sa Riyadh upang magampanan ang mga responsibilidad ko bilang isang Muslim, at tuluyang makapag-aral tungkol sa Islam.
Alhamdulillah, anim na buwan na ako ngayon dito sa Riyadh kasama ang aking asawa. Biniyayaan din kami ng Allah (swt) na magkaroon ng anak dahil maglilimang buwan na akong nagdadalang-tao. Kasalukuyan akong nag-aaral sa Dar Al Eemaan tuwing Biyernes kung saan nabigyan ako ng pangalan na ang kahulugan ay “Ilaw”. Nakakasalamuha ko rin ang ibang mga sisters sa pananampalataya at masayang-masaya ako sa mga biyayang natatanggap ko ngayon mula sa Allah (swt), Alhamdu Lillah!
Nagpapasalamat ako sa Allah sa Kanyang patnubay. Ang tanging hiling ko’y buksan nawa Niya ang puso’t isipan ng aking pamilya na tanggapin ang katotohanan na ang Islam ang tunay na relihiyon na ibinigay Niya sa sanlibutan. Sa aking natamong kapayapaan at kaligayahan, tiyak na mapapaluha rin ako kung sakaling tanggapin din nila ang Islam. Ngayon ko lubusang nauunawaan kung bakit napaluha ang aking kabiyak nang tanggappin ko ang Islam.
Nawa’y magsilbing gabay sa mga bagong Muslim ang karanasan kong ito at gayundin sa mga taong may alinlangan pa sa kanilang mga puso.
Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.
“Nakatayo ako sa may bintana nang makita ako ng amo ko
at binigyan niya ito ng masamang kahulugan”
MARYAM CARINO
SAN FERNANDO CITY, LA UNION
Ako ay si Maryam P. Carino, Imelda sa pangalan pagka-Kristiyano. Nang una akong dumating dito sa Saudi Arabia, my first step was in Dhahran Int’l. Airport bago ako pumunta ng Riyadh. Noong nasa airport ako nang oras na iyon, nakaramdam ako ng pagkalungkot at pagka-disappoint dahil sa mga nakita kong nakatakip ang mukha at nakasuot na puro itim ang mga babae. Hindi ko alam na may kinalaman pala ito sa relihiyong Islam. Nang makarating na ako sa Riyadh sa aking mga amo, nag-usiyuso ako kinaumagahan na makita ang aking kapaligiran. Nakatayo ako sa may bintana nang makita ako ng amo ko at binigyan ito ng masamang kahulugan. Hindi raw nababagay sa isang babae ang manungaw sa bintana. Pumasok kaagad sa isipan ko iyong naririnig kong masasamang tao raw ang mga Muslim.
Sa unang araw ko dito habang nakikipagkuwentuhan ang amo ko sa akin tungkol sa relihiyong Kristiyanismo, biglang may nagtatawag sa may labasan na tila nakamikropono. Sabi niya sa akin, ‘call for prayer ang naririnig mong iyan. Kami dito ay nagdarasal ng limang beses araw-araw’. Sa nakikita ko nga sa kanila, nagdarasal sila ng limang beses. Nag-isip ako at inihambing ang relihiyong Kristiyanismo sa Islam. Nasabi ko sa aking sarili na religiously, they are much better than us because they are submitting themselves a lot in praying. They are obedient for the cause of Allah (swt). Lumipas ang mga araw hanggang dumating ang buwan ng Ramadan---buwan ng pag-aayuno. Naitanong ko sa aking amo kung bakit sila nag-aayuno from dawn until sunset. Nasabi nga na marami ang dahilan at isa na rito, is to experience hunger and thirst so as to have compassion with the poor. Isang bagay na napakabuting gawin sa buhay ng isang tao.
Mag-iisang taon na ako nang bigyan nila ako ng mga babasahing gaya ng “Forty Hadith” by An-Nawawis which is the Prophetic Hadith (mga aral ni Propeta Muhammad) and so with the Forty Hadith Qudsi (Sacred Hadith) which is sent down from Allah to His Messenger Prophet Muhammad and also the Spirit of Islam. Dito ko nalaman ang limang haligi ng Islam at ang anim na paniniwala ng mga Muslim at ang kaukulang mga paliwanag tungkol dito. I started to be serious and interested to know more and more about Islam and always pray to God to show me the path to the true religion.
Dalawang taon na ang nakaraan at bumalik na ako mula sa aking pagbabakasyon sa Pilipinas. Decided na ako noong mag-convert. Sinabi ko sa kanila ang nasa loob ko pero hindi ako ini-encourage ng amo ko sa dahilang kapag nag-Muslim daw ako, automatically na divorce na raw ako sa asawa (dahil siya ay hindi Muslim). So I stopped thinking about it till another two years had past. Hindi pa rin mapalagay ang aking kalooban dahil decided na akong tanggapin ang Islam. Pero may isang bagay na nakapagtataka na nangyari sa akin sa apat na beses kong balakin ang pag-Shahada. Sa gabi ring iyon, nagpakita sa akin ang napakalaking cross at wala naman si Jesus na nakapako doon. So on the fourth time na binalak kong mag-Shahada at nagpakita ulit ang cross subali’t biglang naglaho at si Virgin Mary ang lumabas na hawak si Jesus at napakaganda ng ngiti niya. Kaya dito ko kinuha ang aking pangalang Maryam. Hindi ko na rin pinansin ang mga nakikita ko. The following day, pumunta kaming mag-asawa sa Islamic Guidance of Al-Batha at isa sa mga Sheikh ang nag-Shahadah sa amin.
Mag-iisang taon na akong Muslim ngayon. Marami akong nakikitang pagkakaiba sa buhay ko ngayon kaysa noong Kristiyano pa ako. The more knowledge I’ve learned about Islam, the more I struggle for the best in the cause of Allah.
I hope to learn more and more, to gain more knowledge not only for my benefit but to my love ones. I also want to share to my family and to those who need guidance. I hope and pray to Allah that sooner or later, we will all be united in one religion of Islam.
“ Noong musmos pa ako sa Islam, hindi ko gaanong binibigyang halaga ang aking mga tungkulin bilang
isang Muslim. Dulot na rin ito noon ng aking
kakulangan sa kaalaman.”
AMINA (AILEEN) C. PUGEDA CHOWDURY
ROSARIO, CAVITE
Assalamu alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.
Napakahalaga para sa ating mga Balik-Islam na pag-aralan ang tungkol sa pananampalatayang ito upang mapalapit tayo sa Nag-iisa at Tagapaglikha, ang Allah (swt). Gayundin, upang maiwasan natin ang mga bagay na ipinagbabawal na nagiging sanhi ng pagkakasala na maaaring ikapahamak natin sa Kabilang Buhay.
Ako ang inyong kapatid na si Amina Reza Chowdury, 24 taong gulang at isinilang sa Rosario, Cavite sa Pilipinas. Ipinanganak at lumaki ako sa pamilyang Kristiyano. Nagbalik- Islam ako noong ika-25 ng Enero, 1995 sa Tandang Sora, Quezon City. Tutol ang aking pamilya sa pagyakap ko noon sa Islam dahil kami raw ay ‘purong Kristiyano’. Lagi nilang ipinaalaala sa akin na huwag kong kalilimutan ang kinagisnang relihiyon, ang Kristiyanismo. Hindi ko pinakinggan ang mga paalaalang iyon sapagka’t namulat na ko kung gaano kaliwanag ang mga pangunahing aral ng Islam.
Malaki ang naging bahagi ng aking naging asawa upang lubusan kong maunawaan ang Islam. Ipinaliwanag niya sa akin na ang Islam ay siyang daan tungo sa Paraiso. Kailangan lamang na tanggapin ito nang buong puso at walang pag-aalinlangan. Hindi sapilitan ang pagpasok ko sa Islam. Naniniwala ako na walang ibang karapat-dapat na sambahin maliban sa Allah (swt), at si Propeta Muhammad ang Kanyang Huling Sugo. Naniniwala din ako sa Anim na Haligi ng Pananampalataya (Six Articles of Faith), Limang Haligi ng Islam (5 Pillars of Islam). May pangako ang Allah na patatawarin Niya ang lahat ng nakaraang kasalanan ng sinumang tao sa sandaling manumpa at maniwala siya nang tapat sa mga katuruan ng Islam. Sa pagtanggap sa Islam nagsisimula ang pagtahak sa matuwid na landas ng buhay. Ang pagkakaroon ng isang matibay na pananampalataya ay siyang saligan upang mapaglabanan ang mga tukso at bulong ni Satanas. Ang palagiang pagtawag sa Dakilang Tagapaglikha--- ang Allah (swt) ang maglalayo sa atin sa mga bagay na hindi mabuti.
Noong musmos pa ako sa Islam, hindi ko gaanong binibigyang halaga ang aking mga tungkulin bilang isang Muslim. Dulot na rin ito noon ng aking kakulangan sa kaalaman. Ni hindi ko noon nagawang magdasal ng limang beses sa isang araw. Hindi ko pa rin sinusunod ang wastong pananamit bilang Muslim dahil katulad pa rin ng pananamit ng mga kababaihang Kristiyano ang aking suot. Hindi ko rin alam ang mga tinatawag na Islamic expressions. Dumadalo pa ako sa mga binyagan at kasalan.
Alhamdulillah! Naalis na sa akin ang mga kamangmangang ito dahilan sa ginawa kong puspusang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa Islam. Unti-unting nabago ang aking pananaw at naging madali sa akin ang pagsunod sa mga ipinag-uutos ng Dakilang Allah (swt). Allahu Akbar (Ang Allah ay Dakila)! Binigyan Niya ako ng pagkakataon upang mabago ang aking sarili. Marami rin akong natutuhan tungkol sa mga Sunnah (Tradisyon) ng Propeta Muhammad na nagsisilbing huwaran sa pagganap sa pananampalataya. Nalaman ko ring gawain ng mga pagano ang pagdaraos ng Pasko, Bagong Taon, Kaarawan, Fiesta, Anibersaryo at iba pa. Tinatawag na Bid’a o innovation sa pananampalataya ang mga ito dahil hindi naman itinuro ng kahit sinong Propetang ipinadala ng Allah sa daigdig.
Narating ko ang Saudi Arabia at tumagal ako dito ng apat na taon. Nalaman kong mayroon palang center dito sa Riyadh para sa mga kababaihang Muslim. Maraming mga sisters na kapuwa Pilipina na iba’t iba ang uri ng trabaho ang dumadalo sa center na ito. Welcome rin ang ibang kababaihang di-Muslim dito upang malaman ang tunay na katuruan ng pananampalatayang Islam. Makatutulong ito nang malaki sa pananatili sa Muslim na bansa dahil sadyang magaan ang pakikitungo sa sinuman kapag nauunawaan mo ang kanyang tradisyon at paniniwala.
Sa totoo lang, noong una’y nahihiya ako dahil sa tinagal-tagal ko sa Islam ay mistula pa rin akong mangmang. Salamat sa isang kaibigan na siyang humikayat sa akin upang dumalo sa nasabing center. Mula nang maging aktibo ako sa center, nagkaroon ako ng positibong pag-iisip. Naiisip ko noon na napakahirap na mag-aral lalo na sa katulad kong may tatlong maliliit na mga anak. Subali’t dahilan sa hangarin kong matutuhan ang aral sa Islam, naging magaan sa akin ang lahat, Alhamdulillah. Naniniwala ako na ang sinumang nagna-nais na matutuhan ang mga aral sa Islam, matatagpuan niya ang mga paraan upang maisakatuparan ito, at ang sinumang naisin ng Dakilang Allah na maging Muslim, walang maaaring makahahadlang.
Maraming itinuturo sa center, kasama na rito ang pagsasalita at pagsusulat sa wikang Arabic, pagbabasa ng Banal na Qur’an sa Arabic. Walang bayad ang lahat na ito. Libre rin ang mga ipinamimigay na aklat. May mga Islamic teaching na isinalin sa ating sariling wika upang lubos na maunawaan ng marami lalo na sa mga kapatid na hindi mataas ang naabot sa paaralan. Natutuhan ko rin sa center ang pagda-Da’wah (paghahatid ng katuruan ng Islam) sa mga di-Muslim. Nalaman ko rin ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa. Isa ring mahalagang tungkulin ng mabuting Muslim ang pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan. Gayundin ang pagiging katamtaman sa anumang bagay. Ang pagsasapuso ng anumang bagay na makabubuti sa sarili ay biyaya mula sa Dakilang Allah, at kapag magaan ang pakiramdam tiyak na payapa rin ang kaisipan.
Tinatawagan ko ang kapuwa ko Muslim na magsikap tayong mag-aral tungkol sa ating pananampalataya. Isabuhay ang nalalaman upang maging huwaran tayo ng kabutihan sa iba. Nais ko ring hikayatin ang mga di-Muslim na sana’y bigyan ninyo ng panahon ang pag-aaral ng Islam. Higit na mainam ito kaysa umasa na lamang sa naririnig ninyong mga batikos at propaganda laban sa Islam na sadyang di-makatarungan at taliwas sa katotohanan. Maraming salamat sa pagkakataong maibahagi ko ang aking karanasan sa pagiging Muslim. Hinihingi ko sa Dakilang Allah (swt) na patnubayan ang mga naliligaw ng landas tungo sa kapayapaan---ang Islam.
“Takot ako noon sa mga Muslim dahil mga ‘traitors’ at ‘murderers’ daw sila. Nadinig ko pang kaya raw hindi
sila kumakain ng baboy dahil ito ang kanilang sinasambang diyos.”
LEILA R. CORRES
MANILA, PHILIPPINES
Nagmula ako sa isang pamilyang may matatag at matibay na paniniwalang ang Romano Katoliko ang siyang tunay na relihiyon tungo sa buhay na walang katapusan sa Paraiso. Noong nag-aaral pa ako sa pribadong paaralan, isang tungkulin para sa akin ang dumalo sa araw-araw na panalangin sa simbahan, ang mangumpisal, mag-rosaryo, magbasa ng aklat tungkol sa buhay ng mga santo at santa.
Sa panahon ding yaon madalas bumisita ang mga pare sa aming paaralan upang magbigay ng misa. Nag-usisa at nagtanong ako sa ilan sa kanila: Why do we make the sign of the cross?” Kataka-taka dahil may kanya-kanyang opinyon ang bawa’t isa sa kanila. Ang isa nga sa kanila’y nagsabing “mystery” daw ito. Kanyang ipinayo na huwag ko na lamang intindihin ito at sa halip ay mag-ukol na lang ng panahon kung papaano ko itutuloy ang buhay ko.
Isang Baptist ang aking naging asawa at siya ‘yung tipong hindi pansin ang tungkol sa aking relihiyon. Magkaiba sila ng kanyang ina dahil may pagpapahalaga ang huli sa relihiyon. Noong 1985, nagpasiya siyang pumunta sa bansang Saudi Arabia “to look for a greener pasture” ika nga. Sa utos ng aking asawa, naiwan ako sa pangangalaga ng kanyang ina. Dito nagsimula ang pagpapaulang ginawa ng aking mother-in-law tungkol sa kamalian ng aking relihiyon, na siya namang nagtulak upang puspusan kong hanapin ang tunay na pananampalataya. Naging kasapi ako ng iba’t ibang relihiyon hanggang maging isang miyembro na rin ako noon ng Hare Krisna. Nabigo ako sa aking hangaring madama ang kapa-yapaan. Nang tanungin ako ng aking Mother-in-law kung kailan ko tatanggapin na si Hesus lamang ang diyos at tagapagligtas, ang naging sagot ko sa kanya ay “never”. At dinagdagan ko pa ito na “mas mabuti pang pasukin ko ang Islam kaysa maging isang Born Again Christian”. Nagulat siya sa hindi niya inaasahang sagot ko at kahit sa aking sarili’y hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang aking pagtutol sa kanyang nais.
Sa kabila ng laganap na Christian Propagation, ang mga Muslim sa Maynila noon ay masasabi kong tahimik sa kanilang pananampalatayang Islam---isang dahilan kung bakit wala akong kaalam-alam tungkol sa Islam. Takot ako noon sa mga Muslim dahil mga ‘traitors’ at ‘murderers’ daw sila. Nadinig ko pang kaya raw hindi sila kumakain ng baboy dahil ito ang kanilang sinasambang diyos. Naglakas-loob akong pumunta sa tinatawag nilang Blue Mosque sa Taguig noong 1986 buwan ng pag-aayuno o Ramadan upang manaliksik tungkol sa Islam, bagama’t may kaba sa dibdib at nananalanging makauwi pa sana ako ng buhay sa amin! Alhamdu Lillah, binigyan ako ng gabay ng Allah (swt) dahil maraming kaalaman tungkol sa Islam ang taong aking napagtanungan. Tinalakay niya sa akin ang 5 Pillars of Islam, 6 Articles of faith, at The Concept of Islam. Ipinaliwanag din niya ang tungkol kay Hesus at ang kanyang inang si Maria. Naging “very fruitful” ang aking pakikipag-usap sa kanya at humingi na rin ako ng iba’t ibang babasahin tungkol sa Islam. Makaraan ang ilan buwan pagkaraang marating ko ang Blue Mosque, ninais ko ng tanggapin ang Islam. Subali’t mayroon akong pangamba kung papaano ko ito magagampanan.
Alhamdulillah, dahil sa hangad kong tanggapin ang Islam muli akong binigyan ng gabay ng Allah (swt) na marating ang tanggapan ni Atty. Abdul Rahman Linzag. Ipinagpatuloy ni Bro. Linzag ang pagbigay ng da’wah (paghahatid ng katuruan ng Islam) sa akin. Ipinaliwanag niya na maaaring maging sagabal sa pagpasok ko sa Islam ang aking asawa (na di Muslim). Subali’t iginiit ko sa kanyang kapag ipinagpaliban ko pa ito maaaring kunin na ng Allah ang aking buhay na hindi pa ako Muslim at magiging responsibilidad niya ito at sagutin sa araw ng paghuhukom. Sa madaling salita, pumayag na rin si Bro. Abdul Rahman na mag-Shahada ako. Hindi ko inintindi ang magiging reaksyon ng aking asawa subali’t dahil sa laki ng nadama kong kasiyahan, tinawagan ko rin siya upang ibalita ito sa kanya. Sa halip na matuwa, nagsumiklab siya sa galit dahil hindi ko raw ito sinangguni muna sa kanya.
Alhamdulillah, lumipas ang panahon at naging mahinahon ang aking asawa hanggang sa dumating siya sa Pilipinas at hinikayat niya akong bumalik ulit sa pagiging Kristiyano. Ginawa niya ang lahat, maging ang pagdadala niya sa akin sa malalaking restaurant upang kumain ng masasarap na lutong baboy, subali’t nabigo siya. Sa halip na pagbigyan ko ang kahilingan ng aking asawa, siya ang binigyan ko ng paliwanag tungkol sa Islam (Da’wah) at isinama pa sa mga Islamic symposiums at pati na rin sa Blue Mosque. Hindi naman siya tumutol, Alhamdu Lillah.
Nagkaroon kami ng “marital problem” at umabot ito ng limang taon. Hindi ko maipaliwanag ang aking naging karanasan noong mga panahong may hidwaan kami dahil sa relihiyon. Nagsikap at nagtiis ako upang itaguyod ang aking mga anak sa kanilang pag-aaral at pangangailangan dahil sa kapabayaan ng aking asawa. Alhamdulillah, dahil sa aking tiyagang ipaliwanag ang tungkol sa Islam at “inspite of everything between me and my husband”, tinanggap din niya ang ang Islam noong September 1995. Naging daan ito upang maging masayang muli ang aming pamilya.
May dahilan ang Allah (swt) kung bakit Niya tayo nilikha. Ito’y katulad ng dahilan ng pagpapadala Niya ng mga Propeta sa buong mundo na nagsasabi na ‘Walang ibang dapat sam-bahin maliban sa Kanya’. Ipinapayo kong dapat nating pagsikapan ang patuloy na pagtamo ng kaalaman upang magkaroon ng liwanag, at hindi ‘yung husgahan ang Islam sa mga maling gawain ng ilang nagpapabayang Muslim. Nakatala na rin sa ating libro ang anumang pagsubok na darating sa ating buhay. Dito makikita kung hanggang saan talaga ang ating pagtitiis, paniniwala at pagtitiwala sa Kanya. Tayo ang nangangailangan sa Kanya. Iwasan ang mga bagay na hindi mabuti lalo na ang mga taong walang maituturong kabutihan sa buhay.
Mahalin at iligtas natin ang ating sarili at laging hilingin ang habag ng Allah (swt) ang Siyang Makapangyarihan sa lahat. Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya, at si Propeta Muhammad ay Kanyang Alipin at Huling Sugo.
“Noong una, akala ko’y katulad din ng ibang relihiyon ang Islam na matapos itong tanggapin, hanggang doon na lamang.”
JOHARAH V. CRUZ
TALON, LAS PINAS CITY
Hindi ako bihasa sa ganitong pagsusulat, subali’t ikinasisiya kong ibahagi ang mga di makalimutang karanasan nang yakapin ko ang relihiyong Islam. Isinilang ako sa lungsod ng Maynila. Isang cathechist ang aking ina at devotee of Mary the Mother of Jesus. Masasabi kong sagradong Romano Katoliko siya. Protestante naman ang aking ama, nguni’t ang aking dalawang kapatid na lalaki at dalawa ring kapatid na babae ay debotong Katoliko. Katunayan, tinatawag silang “born in the church”. Marahil, maituturing nga akong “black sheep” sa aming pamilya dahil madalas kong sinusuway ang mga utos at patakaran ng aking mga magulang tungkol sa relihiyon. Iniisip kong ‘against the human norm’ ang kanilang ipinasusunod sa akin. Tutol ako sa laging pamimilit ng aming ina na kailangan daw lagi akong magsimba. Ayon sa kanya, ang simbahan ay Tahanan ng Diyos at naroroon daw ang kapayapaan at kabanalan. Hindi ko nadama ang mga bagay na iyon dahil nasaksihan kong pakitang-tao lamang ang pagsamba ng marami. Para sa akin punung-puno naman ng pagkukunwari o ‘hyprocrisy’ ang sinasabi nilang tahanan ng Diyos. Iyan ang dahilan kaya wala akong pagnanais na magsimba.
Isang malaking hamon sa aking buhay nang makapag-asawa ako ng isang Muslim. Ipinagtaka ko kung bakit hindi niya ako inutusang baguhin ang aking relihiyon. Hindi ko rin alam noon na ang aking naging asawa ay isang Da’e (Propagator of Islam). Madalas silang magbahay-bahay upang magbigay ng Da’wah sa ilang pamilyang Pilipino. Hindi ko alam na ang ginagawa ng aking kabiyak ay isa ring Ibadah (gawaing pagsamba). Isinasama niya rin ako sa Masjid. Napapasama ako sa congregational prayers tulad ng Isha at Taraweh kapag Ramadan. Hindi ko alam na nagagampanan ko ang mga gawaing ito na hindi ko kailanman naranasan noong Kristiyano pa ako. Wala akong kamalay-malay noon na sinisimulan na pala niya ang aking pagsasanay para sa Da’wah. Sa bandang huli, unti-unti ko ring napag-aralan ang mga bagay tungkol kay Nabi Isa (Propeta Jesus [as]). Nalaman ko rin ang malaking pagkakaiba ng Bibliya ng mga Kristiyano at ng Qur’an ng mga Muslim. Natuklasan ko ang kahalagahan ng Islam, gayundin ang kadakilaan ni Propeta Muhammad. Labis akong humanga sa aking asawa at sa ibang mga kapatid na Muslim dahil sa kanilang pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw. Hindi kailanman itinuro ng aking ina ang malimit na pagdarasal bagama’t isang cathechist siya ng simbahan. Ni hindi rin itinuro ng aming pari sa aming parokya.
Tanggapin natin ang katotohanang hindi maganda sa pananaw ng maraming Kristiyano ang Islam at ang mga Muslim. Naitanim ang ‘racism’ sa ating mga isipan ng mga dayuhang Kastila at Amerikano na sumakop sa ating bayan. Noong una, akala ko’y katulad din ng ibang relihiyon ang Islam na matapos itong tanggapin, hanggang doon na lamang. Nguni’t nagkamali ako sapagka’t may kaakibat palang tungkulin ang pagiging Muslim. Isa na nga rito ang pagpapalaganap ng Islam sa maraming tao. Hindi nagtagal isinagawa ko ang katuruan ng Islam nang buong katapatan. Tinanggap ko sa aking puso ang mga aral ng Huling Sugo ng Dakilang Allah na si Propeta Muhammad. Mula nang tanggapin ko sa aking buhay ang “Tauhidu-Allah” (Paniniwala at Pagsamba sa Nag-iisang Diyos), nagkaroon ito ng chain reaction. Natuklasan ko na lamang na nag-aayuno ako tuwing buwan ng Ramadan. Naniniwala akong paglilinis ito sa ating katawan at kaluluwa. Hindi rin ako nag-aalinlangang magbigay ng tulong sa mga kapatid na Muslim na nangangailangan.
Nasagot ang malaon ko ng katanungan, kung paano mapapalapit ang tao sa Diyos. Noong Kristiyano pa ako, naniniwala akong lagi kong kasama ang Diyos. Ngayong isa na akong Muslim, saka ko natutuhang magiging malapit ka lamang sa Dakilang Allah (swt) sa pamamagitan ng pagda-rasal at paggawa ng mabuti.
Noong bata pa ako, nagkaroon ako ng karamdaman na labis na ikinabahala ng aking ina. Dahilan sa kanyang pag-alala sa akin, na-overdosed ako sa gamot na naging sanhi ng pagkakaroon ko ng karamdaman sa atay. Dahilan sa pangyayari, nagbigay ng reseta ang doctor na kailangang inumin ko ang gamot na ito habang buhay upang mailigtas pa ang aking atay. Pinagbawalan ako ng mga doctor na magpakapagod. Kaya’t, nag-alala ako noon baka hindi ko magampanan ang Hajj o Umrah dahil dito, lalo na’t na-diagnosed din akong mayroong osteomalatia, isang uri ng sakit sa buto na nagdudulot ng madalas na pagkirot ng aking mga kasukasuan, sakong, tuhod at mga daliri. Sa kabila ng ganitong karamdaman, malaki pa rin ang hangarin kong maisakatuparan ang ika-limang haligi ng Islam, ang Pilgrimage to Makkah.
Nagpasiya akong sumama sa Hajj noong taong 1994. Subal’it hindi matiyak noon ng aking asawa kung makakasama siya o hindi dahil sa kanyang trabaho. Karagdagan nito’y baka hindi na siya payagan ng kinauukulan dahil ilang ulit na rin siyang nakapag-Hajj. Napag-alaman ko ring hindi dapat maglakbay nang malayo ang isang babae katulad ng pagpunta sa Hajj nang walang kasamang ‘Mahram’ (guardian). Taimtim akong nagdasal noong nalalapit na ang panahon ng Hajj, at isang araw hindi ko inaasahan ang biglang pagdating ng aking asawa mula sa kanyang destino at sinabing ‘inaanyayahan ka ng Dakilang Allah upang marating mo ang Makkah’. Isa sa kanyang kasamahan sa Kompanya na Syrian national ay may kamag-anak sa Germany na namatay sa car accident at kailangang puntahan niya ito. Nagbilin na lamang ang Syrian sa aking asawa na isagawa ang Hajj para sa kanya (kaibigang Syrian) sa kadahilanang hindi maipagpaliban at kinakailangang mapuntahan ang kanyang kamag-anak.
Alhamdulillah, matagumpay kong nagampanan ang Hajj na kasama ang aking asawa. Dumalaw din kami sa Masjid ni Propeta Muhammad sa Al Madina Al Munawwara. Nakita ko rin ang Qiblatain Masjid, ang Al Kuba Masjid at iba pang maha-halagang Islamic spots sa Saudi Arabia. Pagdating namin sa Makkah, walang kapagurang nagawa naming mag-asawa ang Tawaf Al-Qudoom. Nakalapit ako sa Kaaba sa kabila ng napakaraming Muslim ang nagsisiksikan. Matapos kaming tumayo sa bundok ng Arafat, nagtuloy kami sa Musdalifa. Sa Mina, nagtayo kami ng camp at naisagawa rin namin ang pagbato sa Jamaraat, ang Rami-Jamar. Nang nasa Jamaraat kami sa bandang hapon, may tatlong mag-asawang sumama sa amin dahil iyon pa lamang daw ang kanilang kauna-unahang pilgrimage. Ang aking asawa ang siyang nanguna sa aming munting pangkat ng mga ‘Hajjis’. Sa aking pagtupad sa Hajj, lalo akong nakadama ng tinatawag na ‘spiritual uplifting’ at lubos ang aking paniniwala na tanging Islam ang tunay na relihiyon.
Walang katanungang hindi nabibigyan ng kasagutan sa Islam. Nagtuturo ito sa kaisahan ng Diyos. Ito ang relihiyon ng pagtitiwala, ng katotohanan, ng tunay na pananampalataya at pag-asa. Labis ang aking pasasalamat sa Dakilang Allah (swt) sapagka’t pinagkalooban Niya ako ng talino upang Siya ay aking makilala. Salamat sa Kanya dahil batid ko na ngayon kung ano ang mabubuting bagay na dapat gampanan, at kung ano ang masasamang bagay na dapat iwasan.
Nawa’y magdulot ng aral sa aking mga kapatid sa Islam ang kasaysayan ng buhay ko. Patnubayan nawa ng Allah na matagpuan ng mga di-Muslim ang landas tungo sa kapayapaan sa puso at isipan. Naghahanap ang mundo ng tinatawag nilang ‘global peace’. Ang kalutasan upang makamtan ang ‘global peace’ ay Islam dahil narito ang Tunay na kapayapaan.
“Masasabing Muslim ako noon, subali’t ‘Muslim by name only’. Wala akong naging pagsisikap na matutuhan ang mga aral kaya naman wala rin akong takot na lumabag sa mga kautusan nito.“
LAILA (LUZVIMINDA) P. CRUZ
NORZAGARAY, BULACAN
Taong 1981, ika-28 ng Mayo, pinalad akong marating ang bansang Saudi Arabia. Natanggap ako ng Saudi Ministry of Health bilang isa sa mga OCW (Overseas Contract Worker). Ang nakapanlulumo, malayung-malayo sa matatawag na kabihasnan ang aking pinapasukan noon. Nakadama ako roon ng matinding lungkot kaya naman madalas akong umiiyak. Nag-iisa lamang akong Pilipino sa aking pinapasukan, kaya halos masiraan ako ng bait bunga ng tinatawag na “homesickness”.
Mga trabahador na Arabiana at isang matandang Pakistani ang aking mga kasama. Sinikap kong unawain ang kanilang mga ugali nguni’t totoong iba ang kanilang kultura, lalo na nga kung pag-uusapan ang kanilang relihiyon. Ibang-iba ito kaysa sa pananampalatayang aking kinagisnan. Naging malaking palaisipan sa akin ang kanilang pagdarasal. Totoo, isa akong Kristiyano subali’t hindi ako naging madasaling tao. Hindi ako matatawag na relihiyosa bagama’t may katungkulan sa aming relihiyon ang aking mga magulang. Hindi nila ako nagawang mapasunod sa kanilang mga patakaran.
Napansin kong obligadong magdasal ang bawa’t Muslim. Hindi lamang minsan kundi limang beses sa loob ng isang araw. Sa sandaling marinig nila sa kanilang masjid ang ‘muadhin’ (tumatawag ng pagdarasal) iniiwan nila ang kanilang ginagawa at maghahanda na para magdasal. Naitanong ko noon sa aking sarili kung anong uri ang kanilang relihiyon na ginagawang obligasyon ang pagdarasal. Gayun ang ginagawa ng lahat ng mga kasama ko sa trabaho.
Ang matandang Pakistani ang siyang matiyagang nagpaliwanag sa akin tungkol sa Islam hanggang sa unti-unti na rin akong nahikayat na maging Muslim. Isa ring OCW ang aking ama sa Saudi Arabia noong panahong yakapin ko ang Islam. Ipinaglihim ko ang aking pagiging Muslim sa takot na baka magalit, ngunit nang matuklasan niya ito, walang ibang sinabi kundi ‘nasa hustong gulang ka na at tiyak kong alam mo na ang iyong ginagawa’.
Makalipas ang isang taon, nakilala ko ang aking naging kabiyak ng puso. Isa rin siyang Muslim. Tulad ko rin siyang nagtatrabaho sa Saudi at galing sa ibang bansa. Lihim akong nagpapasalamat dahil masasabing hindi ‘istrikto’ ang aking naging asawa tungkol sa mga patakaran sa Islam. Dala na rin marahil ng aking kabataan kaya marami pa akong pinagka-kaabalahan noon sa buhay. Hindi ko gaanong pinahahalagahan ang mga aral sa Islam. Masasabing Muslim ako noon, subali’t “Muslim by name only”. Wala akong naging pagsisikap na matutuhan ang mga aral kaya naman wala rin akong takot na lumabag sa mga kautusan nito. Madalas pa rin akong dumadalo sa mga pagdiriwang, katulad ng kaarawan, pasko o bagong taon. Sa sandaling punahin ako ng aking asawa, humahantong kami sa pagtatalo. Totoo, nagdarasal ako nguni’t kung kailan ko lamang gusto. Hindi ko binigyang-pansin ang pagbabasa ng banal na Qur’an. Ang pagkululang ko at pagpapabaya ko noon ang labis ko ngayong inihingi ng kapatawaran sa Allah (Subhanahu wa Ta’ala).
Sumapit ang buwan ng Agosto, 1998, may bago na akong pinapasukan. Nakapagtrabaho ako sa isang malaking ospital. Naanyayahan akong dumalo sa isang Islamic center ng mga kababaihan. Ang layunin ng aking pagdalo ay upang matuto lamang ng wikang Arabic at wala ng iba. Hindi ko akalain na ang pagdalo kong iyon ang siyang magmumulat sa akin sa pang-unawa tungkol sa tunay na relihiyong Islam. Nakinig ako ng mga Islamic lectures at pakiramdam ko’y para ba akong nabuhay na muli. Tuwing araw ng Biyernes isinasagawa ang pagtitipon sa Islamic center. Kinasasabikan ko ang pagdating ng araw ng Biyernes. Nasabi ko sa aking sarili na marahil ay dumating na ang takdang panahon upang lubos kong maunawaan kung ano nga ba ang Islam. Sa bawa’t paksang tinatalakay tuwing nagtitipon ay lalo lamang nararagdagan ang aking kaalaman tungkol sa tunay na relihiyon. Nabago ang aking pananaw sa buhay at kusang sumibol ang isang tapat na pananampalataya sa Allah (Subhanahu wa Ta’ala). Alhamdu Lillah, kasiyahan ko sa ngayon ang regular na pagdalo sa center. Ikinasisiya kong marinig ang magagandang paliwanag at nauunawaan ko na ang isinasaad sa banal na Qur’an tulad ng: “You are the noblest people that have been brought out for the benefit of mankind. You enjoin the good and forbid the evil and you believe in Allah.” (Qur’an 3:110)
Ang mula sa Hadith ng Propeta Muhammad: “The best among you is the one who learns the Quran and teaches it.”
Sa aking pagdalo sa mga Islamic studies, nadama ko ang tunay na kapatiran ng mga Muslim. Utos sa Islam na dapat pantay-pantay ang lahat. Iyan ang nakikita ko sa bawa’t isa sa amin. Sa Islam, hindi pinagbabasihan kung gaano ang inabot na pinag-aralan o maging ang kalagayan sa buhay. Pare-pareho lamang ang lahat maliban sa may higit na takot sa Allah. Binibigyan din kami ng pag-aaral upang maging Daiyah (paghahatid ng Islam). Bawa’t isa sa amin ay natutong magbigay ng iba’t ibang paksang tatalakayin tuwing araw ng Biyernes. Dama ko ang pagiging malapit sa Allah (swt). Kapag mayroon akong suliranin sa buhay, ihinihingi ko lamang sa Allah ang lunas.
Labis akong nagpapasalamat sa Allah (swt) at binigyan Niya ako ng pagkakataong matutuhan ang tamang landas tungo sa wastong pamumuhay. Nagpapasalamat din sa lahat ng tumutulong sa pananatili ng Dar Al Eemaan center dito sa Riyadh. Ipinagdarasal ko rin ang tagumpay ng mga kapatid na tumutulong sa Da’wah o ‘Propagation of Islam’. Nananawagan ako sa ating mga kapatid lalo na yaong mga may kakayahang maging Daiyah na magpatuloy sa Da’wah upang lalo pa nating mapalaganap ang Islam.
Maraming salamat sa Allah (swt) sa lahat ng Kanyang pagpapala sa akin. Kung nagkataong wala Siyang habag sa akin, marahil isa na ako sa mga tatanggap ng malagim na kaparusahan sa Araw ng Paghuhukom. Kaya, Alhamdu Lillah! (Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay sa Allah)
“Laking pagtataka ko kung bakit isinasagawa ng mga Muslim ang lahat ng mga halimbawang ito na dapat sanang isinasagawa ng mga Kristiyano dahil nasasaad ito sa kanilang Bibliya.”
AISHAH (Josie) TIMPAC DIMASHKIAH
BAGUIO CITY
Assalamu alaikum. Ang aking hangarin sa pagsasalaysay ng aking karanasan ay para sa Allah (swt) lamang. Maaaring makatulong ito sa mga taong naghahanap ng katotohanan at mapagtantong matatagpuan lamang ito sa Islam, Insha Allah. Dati po akong nabibilang sa Anglican Denomination
Alhamdulillah, nagbalik-Islam po ako o naging Muslim humigit-kumulang mga tatlong taon na ang nakararaan. Unang-una, nagpapasalamat ako sa Allah (swt) sa Kanyang patnubay, at gayundin sa aking mahal na asawa, sa aking bayaw, at sa Darul Hijra Foundation (Baguio Branch) na naging daan upang nalaman ko ang tungkol sa Islam. Sa tulong ng Allah, nagkaroon ako ng kakayahan upang magsaliksik at maging matibay ang aking pananampalataya. Other efforts to find the truth without Allah’s Divine Guidance may even lead one astray.
Kung atin pong tanawin ang nakaraan, nauna ko pong nalaman ang tungkol sa Islam sa aking bayaw na taga-Mindanao. Ipinaliwanag niya sa akin ang pangunahing turo sa Islam, ang tunay na aspeto ng Kaisahan ng Nag-iisang Diyos, at ang kaibahan ng Islam at ang Kristiyanismo. Noong pana-hong yaon hindi ako gaanong interesado o seryosong alamin ang ibang relihiyon. Nakatuon ang buhay ko noon sa masasa-yang sandali---only to enjoy teenage life! Besides, natanim sa aking isipan na pare-pareho ang lahat ng relihiyon kung kaya’t hindi mahalaga sa akin ang bagong relihiyon na mag-uutos kung ano ang aking gagawin samantalang nagsasabi ang kasalukuyan kong relihiyon ng “Jesus died for our sins or he has already redeemed us from our sins”. Kaya’t maliwanag na hindi na kailangan pang magsisi sa mga maling gawain dahil iniligtas na ako.
Dahil sa tiyaga ng aking bayaw sa pagpapaliwanag ng katuruan ng Islam sa aming pamilya, nagsimula akong magduda sa aking pananampalataya, lalung-lalo na sa katuruan ng Divine Trinity, at ang paniniwalang tinubos ng Diyos (Jesus) ang kasalanan ng tao sa pamamagitan ng kanyang pagkapako sa krus at tuluyan na itong namatay. Sinimulan kong suriin ang dating paniniwalang ito nang bukas-puso at isipan. Sadyang napakahirap tanggapin ang mga bagay na ito sa katwiran ng tao. Salungat ito sa paniniwala sa Nag-iisang Diyos. Tama ‘yong sinabi ni Jesus Christ (pbuh) sa Mark 12:29 sa Bibliya: “The first of all the commandments is, Hear, O Israel: The Lord our God is one Lord”. “Pakinggan mo Israel, ang Panginoon nating Diyos ay iisa”. Sabi niya “panginoon natin” ibig sabihin kasama siya sa sumasamba sa nag-iisang Diyos kaya’t malinaw na hindi siya Diyos. Sinuri ko rin ang doktrinang 3 in 1 God. Noong namatay ang Diyos-anak na si Hesus, kasama bang namatay ang Diyos-ama? HINDI! Kaya ang ibig sabihin hindi sila iisa. Kaya naman noong ipinako sa krus si Jesus Christ, siya’y sumigaw, “My God, my God, why have you forsaken me?” ang ibig sabihin nito, Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Sa mga katagang yaon, kung gagamitin natin ang ating katwiran at ang ating katalinuhan, makikita nating mayroon ding Diyos si Hesus. Ang sinasamba ring Diyos nina Abraham, Moses, Noah, David, at ni Muhammad. Ang Allah (swt ) na nagsugo sa lahat ng mga Propeta ang Siya ring sinasamba ng mga Muslim.
“God (Jesus) died for our sins”, this is a wrong doctrine that stands behind every corruption. For example, it dis-courages the doing of good and it encourages people to neglect and cancel the laws and commandments of God and to commit sin while depending on a promise of love and forgiveness from God”.
Nang mawari ko ang kawalang-katarungan at hindi katanggap-tanggap na katuruan at paniniwala ng aking nau-nang relihiyon, nagsilbi itong inspirasyon sa akin na magbasa ng iba pang aklat tungkol sa comparative religion. Sa aking patuloy na pagbasa at pagsaliksik, I was surprise upon knowing that Muslims and not the Christians ang gumagawa sa mga bagay na nabasa ko sa Bibliya. Tulad halimbawa ang pamamaraang pagdarasal ng mga Propeta kasama na rito si Jesus (as), nagpapatirapa sila kung magdasal, nag-aayuno sila katulad ng pag-aayuno ni Jesus (as) ng 40 days, ipinagbawal sa bibliya ang pagkain ng karne ng baboy, at si Mary noon ay nagtatakip ng buhok na karaniwang ginagawa ng mga babaing Muslim. Laking pagtataka ko kung bakit isinasagawa ng mga Muslim ang lahat ng mga halimbawang ito na dapat sanang isinasagawa ng mga Kristiyano dahil nasasaad ito sa kanilang Bibliya.
Dahil sa aking natuklasan, nag-decide po akong mag-aral pa tungkol sa katuruan ng Islam at ang kasaysayan nito sa pamamagitan ng suportang aklat ng Islamic center sa aming lungsod.The best thing that fascinated and caught my attention in Islam is the concept of pure worship of the Oneness of God which is not present in other religions. I learned that Islam is the Perfect Way of Life that suits any circumstances and at any time. It is logical, rational, and very comprehensive. So, without hesitation, I immediately declared my Shahada last January 23, 1997 when I was in fourth year high school, Alhamdulillah. Allah guides whom He wills. I am very grateful that Allah guided me at an early age.
Noong mga unang buwan ng aking pagbabalik-Islam hindi pa po ako gaanong practising Muslim dahil sa mga environmental influences which I encountered lalo na ang aking mga magulang na mahigpit na tumututol sa aking pagbabalik-Islam. I was obliged to conceal my belief. Nahihiya po akong magsuot ng hijab noong una dahil nakatira kami noon sa non-Muslim area at nag-aaral ako sa katolikong unibersidad. Takot akong mapagtawanan o sitahin ng mga tao, at maging tampulan ng pansin kung magsusuot ako ng hijab.
Sa pamamagitan ng Habag ng Allah (swt) nakilala ko ang aking asawa na siyang naggabay at nagbigay ng lakas ng loob sa akin upang magampanan ko nang lubos ang katuruan ng Islam. Lagi niyang itinutuwid ang mga mali kong gawaing labas sa katuruan ng Islam. Alhamdulillah at pinagkalooban ako ng Allah ng isang matiyaga at maalalahaning kabiyak ng puso in this worldly life at sa mga ispiritual na paniniwala. Habang umuusbong ang kaalaman ko tungkol sa Islam at sa pagpatuloy ng pag-inog ng panahon, dito ko napatunayan ang malaking kaibahan ng dating kong paniniwala na siya ngayong nagpapatibay at nagpapalapit sa aking paniniwala sa Allah. Alhamdulillah, nararamdaman ko na ngayon ang kaligayahan, kapayapaan at kasiyahan sa aking buhay. Noon dati akong matatakutin, subali’t pinalalahanan ako ng aking asawa na dapat akong magtiwala sa Allah. Sinabi pa niya, magsama-sama man ang lahat ng masasamang tao upang gawan ako ng pinsala, hindi nila ito magagawa kung walang kapahintulutan ang Allah (swt). Of course, as a new Muslim for almost three years now, problem, obstacles, hindrances and difficulties occurred, but I don’t consider them as downfall, instead as challenges. For I believe that the truth shall always prevail. I know that Allah (swt) had given the task to every Muslim to propagate Islam to non-Muslims. So I appeal to anyone, who is looking for the truth, who is seeking the greatest fulfillment of their lives, just try to study and learn about Islam. May Allah guide us always to the straight path. Ameen.
“Naitanong ko sa aking sarili kung kaya ko nga bang tanggapin ang Islam at kung magagampanan ko ang mga dapat gawin bilang isang Muslim.”
JOHARA (ABYSSINIA) ESPEJON
TANZA, CAVITE
Assalamu alaikum wa rahmatullahi wa barakatuh.
Sa loob ng dalawampu’t apat na taon bilang isang Kristiyano, masasabi kong punung-puno ng aksyon at pakiki-pagsapalaran ang buhay ko noon. Masasabi ko rin na mapalad ako sa panahon ng aking kabataan. Abot-kamay ko lamang ang lahat ng aking kailangan at hinangad. Katulad halimbawa ng pagkakaroon ng mga magagandang laruan at mga gamit. Damang-dama namin ang pagmamahal ng aming pamilya at mga kaibigan. Sa madaling salita, naging napakakulay ng aking mundong ginalawan. Masaya, maganda at puno ng pagmamahal ang aking kabataan. Subali’t habang nagma-mature ako, nagsimulang may hinahanap ako sa aking sarili. Nais kong magkaroon ng kabuluhan ang aking buhay. Kasapi ako noon ng tinatawag na ‘community social works’. Ikinasisiya kong gampanan ang mga religious activities sa aming pook. Maituturing kong nagkaroon ng ‘balance life spiritually and physically’ ang aking buhay. Sa tuwing sasapit ang weekend karaniwan nang nakakasama ang aking pamilya at malalapit na kaibigan. Lumalabas kami upang maranasan ang tinatawag na ‘night life’. Dumating ang panahong naitanong ko sa aking sarili: “Nasaan ang kapayapaan sa aking pagkatao?” Halos lahat ng bagay na gustuhin ko ay nagiging akin subali’t nadama ko pa ring hungkag ang aking buhay. Parang may kulang na hindi ko maunawaan.
Palagi akong restless at ito ang aking naging palaisipan. Sinimulan kong hanapin ang katotohanan dahil sa halip na maging masaya ako sa aking buhay, nagiging malungkutin ako lalo na kapag nag-iisa. Wala akong nakitang kasagutan o pag-asa sa aking naramdaman. Nanatiling katanungan sa aking puso ay, “Bakit?” Simula noon, nagbago ako ng pakikitungo sa lahat, pati na rin sa aking trabaho hanggang sa napagpasiyahan kong magtungo sa Saudi Arabia. Isa man sa aking pamilya o mga kaibigan ay hindi alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit kinailangan kong mangibang bansa at makipagsapalaran. Aktibo na akong kasapi noon ng El Shadai bago ako nagtungo ng Saudi. Sa kabila ng pagiging aktibo ko sa El Shadai, naroroon pa rin ang aking pagkabalisa. Makaraan ang dalawang taon kong pagtatrabaho sa Saudi Arabia, naisipan kong magtanung-tanong tungkol sa Islam, kung ano ito at kung sino ang sinusunod ng mga Muslim. Dumadalo ako sa ginagawang pamamahayag tungkol sa Islam at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakikipagtalakayan sa mga Muslim tungkol sa pananampalatayang Kristiyanismo at Islam. Sinimulan ko ang pagsaliksik tungkol sa Kristiyanismo sa pagbabasa ng Bibliya. Halos naisaulo ko ang mga aral sa kalahati ng Bibliya, nguni’t naramdaman kong tila wala pa ring kabuluhan ang lahat at pakiramdam ko’y wala ring kahihinatnan ang aking ginagawa. Sinimulan kong basahin ang mga aklat tungkol sa Islam. Unti-unting lumiwanag ang lahat, nguni’t bantulot pa rin akong tanggapin ang Islam. Sumapit ang buwan ng Ramadan o panahon ng pag-aayuno ng mga Muslim. Kaya naman, sinubukan ko ring mag-ayuno kahit walang pagnanais na maging Muslim ako. Inisip kong wala namang masama kung susubukin ko ito. Hindi ko inaasahan na iyon ang magiging daan upang lubusan kong makamit ang aking minimithi sa buhay---ang pagkakaroon ng tinatawag na “Kapayapaan”. Nagkaroon ako ng hangaring matutuhan ang pagsamba sa Diyos sa aking pag-aayuno. Hiniling ko ring bigyan ako ng gabay upang matutuhan ko ang tamang landas tungo sa katotohanan. Naniniwala akong mayroong iisang Diyos.
Dumating ang panahong nagdarasal ako makalipas ang hatinggabi. Nakaluhod ako at tumitingala sa langit, nagsusu-mamo sa Diyos na tulungan akong matagpuan ang mga kasagutan sa aking pagiging balisa. Hindi ko ikinahihiyang aminin na noong kasalukuyang nakaluhod ako at humihingi ng liwanag sa Diyos, umiiyak akong nagtatanong kung ano nga bang talaga ang kabuluhan ng buhay. Natapos ko ang halos isang buwan ng pag-aayuno hanggang sa tinatawag na “The Last Ten Nights of Ramadhan”. Nakapagpasiya ako na mag-tanong sa aking mga kasamahang Muslim sa trabaho kung ano ang magiging ‘resulta’ ng pag-aayuno at kung ano ang ibig sabihin ng Call for Prayer o Adhan. Itinanong ko rin kung ano ang binibigkas kapag nagdarasal sila. May nakapagsabi sa akin na lumapit ako sa isang Muslim na Filipina sa pinapasukan kong ospital. Siya raw ang makatutulong sa akin upang lubusan kong maunawaan ang tungkol sa Islam. Nang makita ko siya, hiniling kong mahiram ang kanyang prayer carpet upang makapagdasal ako. Gayun na lamang ang kanyang pagtataka. Tinanong niya ako kung Muslim ako at ang sabi ko’y ‘hindi’. Ipinaliwanag niya sa akin na lalong magkakaroon ng kahulugan ang Islam sa aking buhay kung tatanggapin ko ito. Sinabi pa niyang tatanggapin ng Allah ang aking dasal pagkaraang manumpa o sumaksi ako ng pananampalataya.
Nagsimula akong mag-isip nang malalim. Naitanong ko sa aking sarili kung kaya ko nga bang tanggapin ang Islam at kung magagampanan ko ang mga dapat gawin bilang isang Muslim. Hindi nagtagal, nagpasiya na rin akong manumpa o mag-Shahada. Nanumpa ako na “Walang diyos na dapat sam-bahin maliban sa Allah at si Propeta Muhammad ay Kanyang Alipin at Huling Sugo”. Nang mga sandaling yaon, I surrendered myself to Islam. Walang pag-aalinlangan sa aking isipan. Naliwanagan ako kung ano ang idudulot ng Islam sa aking buhay sa mga darating na araw. Damang-dama ko sa aking sarili na tila “bagong silang” ako at punung-puno ng pag-asa at pagtitiwala sa Allah (swt). Alhamdu Lillah, bago natapos ang buwan ng Ramadan noong taong 1994, isang ganap na Muslim na ako. Johara ang pinili kong pangalan para sa aking sarili na ang kahulugan ay kumikinang na bato sa disyerto.
“Kaya’t sinabi ko sa kanyang wala na akong magagawa
at kalimutan na lamang niya ako bilang asawa dahil
labag sa Islam ang isang babaing Muslim
na mag-asawa ng di-Muslim.”
SUMAIYAH (LEONIDA) GOMEZ
PAMPANGA, LUZON, PHILIPPINES
Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh. Ako ang inyong kapatid sa pananampalataya, Sumaiyah Gomez na dating Kristiyano, ipinanganak sa Pampanga at kasalukuyang namamasukan bilang isang katulong dito sa Riyadh, Saudi Arabia. Noong Kristiyano pa ako, palagi akong nagsisimba, nakikinig ng sermon at nag-aaral ng cathechism. Marami rin akong naririnig na ibang relihiyon subali’t hindi ko ito naiin-tindihan. Sa aking dating relihiyon naintindihan ko na may Diyos na siyang lumikha ng lahat na ating nakikita at mga hindi nakikita. Sabi rin sa Bibliya na si Hesus ay anak ni Birhen Maria at siya ang tinatawag na Mesiah. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kapag nananalangin kami, kinakailangan pang humarap sa mga larawan ni Jesus na may nakaukit na: ‘Jesus – anak ni Maria’. At ang sabi pa ng ninuno namin, patay daw ang Diyos kapag Biyernes Santo kaya’t mag-ipon daw kami ng tubig sa banga o drum at huwag daw kaming maglilikot.
Kaya nga noon pa man, may alinlangan na sa aking isipan at puso pero wala akong magawa dahil kailangang sumunod sa mga magulang. Wala akong naririnig noon tungkol sa Islam, subali’t may narinig akong mamamatay-tao daw ang mga Muslim. Kapag Kristiyano ka at pumunta sa Mindanao, hindi ka na raw makababalik ng buhay sa iyong pinanggalingan. Ito ang natanim sa aking isipan kaya’t kapag may nakikita akong taga-Mindanao agad akong natatakot.
Wala akong kabalak-balak na pumunta sa Riyadh lalo pa nga’t may balita na maraming napapahamak na mga katulong sa bahay (domestic helpers). Hanggang sa isang araw, dahil na rin sa kapahintulutan ng Allah, nakarating ako ng Riyadh noong June 7, 1990 at nanilbihan bilang isang katulong. Sa unang araw ko pa lang, laking gulat ko nang marinig ko ang sigaw na “Allahu Akbar” o “Adhan”. Akala ko noon maraming pari (priest) dito sa Saudi Arabia dahil sa puti at mahabang kasuotan ng mga Saudi na tila mga pari sa Pilipinas. Nagtanong na ako simula noon, subali’t naroon pa rin ang aking pangamba dahil lugar ito ng mga Muslim na kinakatakutan ko. Ang ipinagtataka ko’y bakit madalas silang magdasal lalung-lalo na ang kalalakihan na kailangan pang magdasal sa masjid. Sila ba ang dapat kong katakutan? Hindi ba taliwas ang aking pananaw sa pagiging relihiyoso nila? Ano kaya ang kaibahan ng mga Muslim dito at sa Pilipinas? Nagpatuloy akong magmasid at napuna ko ang maganda nilang pagbati sa isa’t isa; ang “Assalamu Alaikum” na ang kahulugan pala nito ay “Peace Be Upon You”.
Sumapit ang buwan ng pag-aayuno o Ramadan, at nagulat na lamang ako nang lahat kaming mga katulong, Muslim man o hindi ay inabutan ng pera ng mga amo namin. Dahil sa napakaganda ang pakita nila sa akin kahit hindi pa ako Muslim, nasabi ko tuloy sa aking sarili na napakabait pala ng mga Muslim.
Dumaan pa ang mga araw at buwan nang nakaranas ako ng lungkot at pighati dahil sa pagkakalayo ko sa aking pamilya. May isang tao akong naging kaibigan at pinayuhan niya akong kailangang magtiis at isipin ko na lamang na kailangan ng aking pamilya ang tulong ko. Hindi ko nakalimutan ang kanyang payo na nagsilbing malaking aral sa akin. Isang araw, napanaginipan ko ang aking anak na babae na nagbigay ng labis na kalungkutan sa akin. Itinuring ko itong isang babala upang maiayos ko ang aking sarili at maging makatotohanan. Sa aking paniniwala, kapag ang isang tao ay nakararanas ng problema o lubhang kalungkutan, siya ay nakalilimot sa Diyos. Ang panaginip na iyon ang siyang nag-udyok sa akin upang magmuni-muni sa paghahanap ng katotohanan at kapayapaan sa sarili.
Dumating din ang punto na inalok ako ng aking amo na mag-Muslim. Bigla akong natakot dahil parang nanariwa sa aking pag-iisip ang pagkakilala ko sa mga Muslim noong nasa Pilipinas pa ako. Naging matiyaga ang amo ko at ipinaliwanag sa akin ang tungkol sa Islam. Nangako akong magmu-Muslim sa aking pagbabalik mula sa bakasyon at matapos akong magpaalam sa aking pamilya. Nagbalik-Islam ako noong December 4, 1994 dito sa Islamic Call & Guidance, North of Riyadh, sa tulong ng ating kapatid na si Mohammed dela Peña. Ipinaliwanag niya sa akin na sinumang matapat na manumpa na “Walang Diyos na Dapat Sambahin Maliban sa Allah Lamang” patatawarin ng Allah ang lahat ng nakaraang kasalanan nito, maliit man o malaki. Umiyak ako noon sa laki ng kagalakan dahil tinanggap ko ang Islam nang kusang-loob at buong puso. Magmula noon natuto akong magdasal ng limang beses sa isang araw bilang tungkulin. Nasabi ko sa aking sarili na napakaganda pala ng Islam. Maginhawa at mapayapa ang sarili sa tuwinang nagdarasal at laging alaala ang Allah.
Muslim na ako noong magbakasyon ulit ako sa amin. Sinabi ko sa aking pamilya ang bago kong pananampalataya. Magkaiba kami ng relihiyon ng tatay ko at pati na rin ng asawa ko. Binigyan ko na rin sila ng paliwanag tungkol sa Islam. Ang katuwiran nila’y kanya-kanyang hanap daw ng kaligtasan. Kung saan daw ako nakatagpo ng kaligtasan, panghawakan ko raw ito nang mahigpit.
Alhamdulillah! Hindi ko kailanman pinagsisihan ang pagpasok ko sa Islam at pagsuko sa batas ng Allah. Sa aking muling pagbalik sa Riyadh, hinanap ko si Bro. Mohammed dela Peña upang magtanong kung saan ako maaaring makapag-aaral tungkol sa Islam. Itinuro ako sa isang sister na namamahala sa isang center para sa kababaihan na nagbibigay pag-aaral tuwing Biyernes. Alhamdulillah natagpuan ko ang sinasabing kapatid at simula noon isa na ako sa mga masugid na nag-aaral sa Dar Al Eemaan. Marami akong natutuhan mula sa center tungkol sa buhay ng isang Muslim. Kung papaano sumunod sa mga kautusan ng Allah upang matamo ang Kanyang biyaya. Napag-alaman ko rin ang mga kaparusahan kung susuway sa mga batas ng Allah. Bilang isang Muslim nagkaroon ako ng takot na gumawa ng masama, dahil ang tanging hangad ko ay marating ang Paraiso. Marami rin akong nakakasalamuhang mga kapwa Muslim sisters. Narating ko na rin ang Makkah noong nag-Umrah ako. Natutu-han ko na ring magsuot ng “Hijab” (ang tamang pananamit sa Islam) dahil isang tungkulin ito para sa isang babaing Muslim.
Hinggil naman sa aking asawa, hindi pa niya tinatanggap ang Islam hanggang sa ngayon. Ikinalulungkot kong sabihin na nabigyan ko na siya ng mahabang panahon upang pag-aralan ito subali’t patuloy pa rin niyang itinatanggi ito. Kaya’t sinabi ko sa kanyang wala na akong magagawa at kalimutan na lamang niya ako bilang asawa dahil labag sa Islam ang isang babaing Muslim na mag-asawa ng di-Muslim. Tungkol naman sa aking mga anak, nagkakaroon na rin sila ng kaalaman tungkol sa Islam at Insha Allah, buksan ng Allah ang kanilang puso upang matanggap nila ang Islamic Monotheism o ang kaisahan ng Allah.
Maraming salamat sa pagkakataong maibahagi ko ang buhay ko sa mga kapwa ko Muslim at sa mga di-Muslim. At sana, sa Awa at kapahintulutan ng Allah maging daan ang pagsasalaysay na ito upang mabuksan ang puso at magkaroon ng liwanag sa mga taong hindi alam ang tunay na relihiyon at kung sino talaga ang Allah at kung bakit Niya tayo nilikha dito sa mundo. Allahu Akbar!!!!
“Ang tanong ko sa aking sarili, bakit nagkaganito ang anyo ng aking mga magulang samantalang nagpalit lamang sila ng relihiyon!”
JAMILA (Rachel) L. GONZAGA
BACOOR, CAVITE
Ako ay si Jamila (Rachel) L. Gonzaga. Ang tunay na dahilan kung kaya ko pinili ang Muslim name na Jamila sapagka’t ‘Maganda’ ang ibig sabihin nito. Nagpapasalamat ako sa Allah sapagka’t isa ako sa mga napili Niyang patnubayan sa tunay na relihiyon---ang Islam. Ginawa Niyang instrumento ang aking ama upang malinawagan kami at mai-guide sa kung ano ang dapat naming gawin upang makamit namin ang Paraiso. Madali lamang akong nagbalik-Islam. Ang natatandaan ko, yumakap kaagad ako sa relihiyong ito ng wala pang 24 hours. Nagsimula ‘yon nang dumating ang aking mga magulang galing ng Saudi Arabia. Nagulat ako dahil nag-iba ang anyo ng aking ama dahil sa kanyang balbas na dati-rati ayaw na ayaw niya ito, kahit na isa! Pinabubunot pa nga niya ito sa akin. Samantala, biglang naging balot na balot naman ang aking ina sa kanyang pananamit na dati-rati laging naka-sleeveless sa kadahilanang mainit nga sa Pilipinas. Ang tanong ko sa aking sarili, bakit nagkaganito ang anyo ng aking mga magulang samantalang nagpalit lamang sila ng relihiyon!
Sa aking pagpuna sa kanyang balbas, sinabi lang niya, “Nakikita mo ba ang larawan ni Jesus?” Ang sagot ko naman ay “Opo”. Ang tanong pa niya, “Mayroon ba siyang balbas o wala?” Na-realize kong sinusunod pala ng mga Muslim ang mga Propeta. On the other hand, sinusunod naman ng mga kababaihang Muslim si Virgin Mary sa kanyang pananamit. Nasabi ko tuloy sa aking sarili na higit na karapat-dapat ang Islam bilang pananampalataya. Ang mga nag-aangking kababaihang Kristiyano ay hindi masasabing tunay na sumusunod dahil hindi nila sinusunod ang pananamit ng ina ni Jesus Christ. Bagkus halos nakahubad sila maging sa labas ng bahay. Si Virgin Mary ang dapat nilang huwaran kung totoong Kristiyano nga sila. Laganap din sa lipunan ang paniniwala sa hula o sa stars o kaya horoscope.
Napupuna kong malayo na nga ang ginagawa ng lipunang Kristiyano sa itinuturo ng Diyos at ng mga Propeta. Masasabi mo pa ngang karapat-dapat na tawaging Kristiyano ang mga Muslim sa kadahilanang sila ang sumusunod kay Kristo (as) at maging sa lahat ng mga Propeta. Halimbawa na lang, nagpapatirapa sa nag-iisang Diyos. Mababasa sa Bibliya na nagpapatirapa si Hesus kung magdasal. Ito rin ang gina-gawa ng lahat ng Propeta o Sugo ng Diyos. Hindi gumagamit ng krus dahil hindi naman ito nakalagay sa Bibliya. Hindi sinabi ng Bibliya na gagamitin ang krus o ang salitang “In The Name of the Father, The Son and The Holy Spirit” tuwing magda-rasal. Na realize ko rin na pawang may balbas ang lahat ng Propeta! Kaya aking naunawaan ang aking ama sa pagka-karoon niya ng balbas.
Ang pagkakaisa ng dasal ang lalong nakapagpalinaw sa akin ukol sa Islam. Ang dasal ng mga Muslim ay iisa ang wika at formation --- kahit saan mapunta --- mapa-Europa, Pilipinas, Tsina o Saudi Arabia. Basta’t Muslim iisa ang dasal --- nagkakaintindihan sa kung anong gagawin at kung anong oras. Kumpara sa Kristiyano, ang dasal ng Katoliko ay may Tagalog, Intsik, English at iba pa. Ang dasal ay may sari-sariling wika --- nagkakagulo sa kung ano ang dapat gamitin wika sa dasal kapag nagsama-sama na ang iba’t ibang lahi! Dahil sa pamamaraan ng mga Muslim sa pagdarasal, madali akong nahikayat sa Islam. Laking kagalakan ko nga dahil “excited” akong matuto kung paano mag-Salaah, kung paano ang magsuot ng belo, at makipagbatian sa kapwa Muslim ng “Assalaamu Alaykum”. Ito ang universal greetings ng mga Muslim sa isa’t isa kahit saan man sila magkita. Ganito rin ang pagbati ni Hesus: “Kapayapaan ay sumainyo.” Katumbas ng Arabik na “Assalaamu Alaykum.” Ang Salam ay katagang Arabik na nangangahulugan ng ‘Kapayapaan.”
Alhamdu Lillah, binigyan ako ng Allah ng pagkakataon na maging Muslim sa mura kong gulang (high school pa lang po ako) at dahil sa mga katuruan ng Islam naiiwasan ko ang mga bagay na hindi karapat-dapat, bagkus sundin lamang ang tama upang marating ko ang aking pinapangarap na Paraiso, Insha Allah.
“Kung lumayo man ang mga dati kong kaibigang Kristiyano, napalitan naman nang higit na marami at pawang mga believers pa.”
MARYAM (Maria Violeta) GONZAGA
BACOOR, CAVITE
Bismillahir-Rahmaanir-Rahim.
Ako po si Maria Violeta Gonzaga, na ngayon bilang Muslim ay si Maryam Gonzaga. Maryam ang pinili kong pangalan sapagka’t ito ay may kaugnayan sa tunay kong pangalan at sa pangalan ni Virgin Mary, ina ni Jesus Christ.
Naririto ako ngayon sa Riyadh, Saudi Arabia kasama ng aking asawa at ang aming anak na babae. Unang nag-Muslim ang aking asawa at yumakap na rin ako sa Islam makalipas ang ilang buwan. Gayundin ang aking mga anak na sinundan naman ng aking ina, manugang, pamangkin, pinsan at bayaw. Alhamdulillah marami na kaming Muslim sa aking pamilya. Lumaki ako sa relihiyon ng aking mga magulang na Romano Katoliko. Bilang Kristiyano, nakaugalian na naming mag-asawa ang magbasa ng Bibliya tuwing araw ng Linggo. Ito lang ang araw at panahon namin sa Diyos. Nagpalipat-lipat kami ng relihiyon. Sumapi kami sa Iglesia ni Kristo at pagkaraa’y lumipat sa samahang Born Again. Hindi nagluwat, lumamig at tumigil na rin kami sa pagdalo sa kanilang pagsamba. Wala na sa amin ang pagsisimba, kahit pa nasa Pilipinas kami tuwing nagbabakasyon. Nagsipaglaki ang mga anak ko sa katuruang magkaroon ng takot sa Diyos. Hindi ko iginiit sa kanila ang pagdarasal na ginagawa ko noon, katulad ng pagrorosary, pagsisimba tuwing Linggo, o ang pagpunta sa Baclaran at Quiapo. Ang alam lang nilang dasal ay “Our Father”. Ito rin ang sinasambit nila bago kumain at matulog o kaya’y humihingi ng tawad kapag nakagawa sila ng pagkakamali.
Sa tinagal-tagal namin dito sa Riyadh na halos 15 years, wala ni isa man ang naghangad na maturuan kami tungkol sa Islam. Nang lumipat ng trabaho ang aking asawa sa Dar al Riyadh Consultants, doon pa lamang siya nakarinig ng Da’wah tungkol sa Islam. Kapag pumupunta ang asawa ko sa Jizan, lagi siyang dumadalo sa mga Islamic lectures dahil pawang mga Muslim ang lahat ng kanyang kasama. Hindi muna niya agad tinanggap ang Islam. Nanaliksik muna siya ng ilang buwan hanggang napatunayan na ito nga ang tunay na relihiyon. Ito raw ang relihiyon ng lahat ng Propeta mula kay Adam hanggang sa huling Propeta na si Muhammad. Sa kanyang pagpapatunay, sumuko at tumalima ang lahat ng Propeta sa kautusan ng nag-iisang Diyos, ang Allah (swt). Sa relihiyong Islam matatagpuan ang tuwid at tamang landas ng pamumuhay. Noong taong 1995 habang nasa bakasyon ako sa Pilipinas, tinanggap ng asawa ko ang Islam.
Nang bumalik ako galing ng bakasyon, napansin ko ang kakaibang kilos ng aking asawa dahil naging madasalin siya at lumalabas ng bahay upang pumunta ng masjid tuwing tatawag ng dasal o Prayer Call. Laging nag-iisang Diyos ang bukang-bibig sa akin. Lumipas ang ilang linggo hindi ako nakatiis at tinanong ko siya: “Nag-Muslim ka na ba? Nagdarasal ka at pumupunta sa masjid tuwing Salah. Daig mo pa ang ibang Muslim diyan na hindi nagsa-Salah sa masjid. Pero ikaw tuwing Salah, nasa masjid ka”. Ang sagot niya: “Oo, yumakap na ako sa Islam, isa na akong Muslim.” Ang dagdag pa niya: “Alam kong naniniwala ka sa nag-iisang Diyos kaya’t makinig ka lang sa mga sasabihin ko”. Sinimulan niya kung ano ang Islam, sino ang Allah, sino ang mga Muslim at sino si Jesus Christ. Siya rin ang nagbigay ng kasagutan sa mga tanong niya. Nag-isip ako at nalito lalo na ng sabihin niya na hindi anak ng Diyos si Jesus. Anak siya ni Maria. Nilikha siya ng Diyos nang walang ama. Sa pamamagitan ng salita ng Allah na “be” and it was. “Mangyari” ang sabi ng Allah at “nangyari nga”. Ang sabi pa sa Banal na Qur’an:
“Sabihin mo (O Muhammad), ang Allah ay Nag-iisa,
Siya ang sandigan ng lahat. Hindi Siya ipinanganak at
Hindi Siya nagka-anak, at Siya ay walang katulad”.
Marami pang kasunod na paliwanag ang ginawa ng aking asawa. Naroong nagdamdam ako sa kanya dahil pakiwari ko aping-api si Jesus sa kanyang mga paliwanag. Para sa akin hindi sapat ang kanyang mga paliwanag, kaya ang ginagawa niya’y nagdadala ng mga babasahing Islamiko tuwing uuwi siya, Bagama’t lito, nagkaroon ako ng interes na basahin ang mga dala niyang aklat.
Nalinawagan na ako pagkaraang mabasa ang ilang mga librong tungkol sa Islam at kay Jesus. Lalo akong naliwanagan noon basahin ko ang “Description of Paradise” hanggang sa napanaginipan ko ito at natuwa pa raw ako. Natakot naman ako ng mabasa ko ang “Description of Hell”. Kaya nasabi ko sa aking sarili na ito na nga ang tunay na relihiyon dahil walang makapag-detalye nito na kasing liwanag ng Islam. Halos dalawang buwan din akong nagpatuloy ng pananaliksik at napatunayan kong tama ang mga paliwanag ng aking asawa. Kaya’t noong December, 1996 nag-Shahada ako sa aking asawa at nagtungo kami sa Cooperative Office for Call and Guidance Al Batha upang magkaroon ako ng Muslim certificate.
Ngayong Muslim na ako, sinasabihan ako ng aking mga kaibigang Kristiyano na mahina ang faith ko dahil hindi raw ako naging active noon sa Christian Movement. Ang sabi ko naman sa kanila, tinanggap ko lamang ang tamang pananampalataya! Binigyan ko sila ng mga babasahin at nagbigay rin kaming mag-asawa ng paliwanag sa kanila, subali’t hanggang ngayon hindi nila ito matanggap. Ginawa lang namin ang aming tungkulin bilang mga Muslim. Ang Allah lamang at walang ng iba, ang tanging magbibigay ng patnubay sa kanila upang tanggapin ang tinatawag na Islamic Monotheism.
Nagkaroon din ako ng interes na dumalo sa Islamic gathering tuwing Biyernes sa isang center na itinayo para sa kababaihan dito sa Riyadh. Nagsimula lamang kami sa maliit na grupo hanggang sa lumaki ito. Dito naragdagan ang aming kaalaman tungkol sa Islam dahil sa matiyagang pagtuturo ng mga namamahala.
Para sa kaalaman ng lahat, lalo na sa di pa Muslim na kababaihan, bata man o matanda, welcome kayong lahat sa center na ito. Ang layunin dito ay upang magkaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa Islam, at ang pagpalaganap nito, at makatulong sa nangangailangan at sa mga nagnanais malaman ang Islam. Sa tulong ng mga namamahala sa center at iba pang mga volunteer na teachers, madali ko ring naipa-mahagi ang aking natutuhan sa mga baguhang Muslim. Dahil din dito naragdagan ang aking mga kaibigan at kakilala. Kung lumayo man ang mga dati kong kaibigan na mga Kristiyano, napalitan naman nang higit na marami at pawang mga believers pa. Kaya ang huli kong mensahe, kung sino man ang nagnanais malaman ang katotohanan, welcome po kayo dito sa Dar Al Eemaan. Magtungo lamang dito tuwing Biyernes magmula alas singko hanggang alas nuwebe ng gabi. Mayroon ding mga guest speakers at scholars na nagbibigay lectures sa iba’t ibang paksa tungkol sa Islam.
Maraming salamat po sa inyong matiyagang pagbasa ng aking pahayag.
“…para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Tuluyan na akong nakaiwas sa dating mga bisyo. Gayun na lamang ang aking pagtataka sa sarili sapagka’t sadyang napakadali kong nalimutan ang mga weird kong hilig, lalo na ang paninigarilyo.
RAHMA JARDINICO
BINALBAGAN, NEGROS OCCIDENTAL
Ako po si Rahma Jardinico ng Binalbagan, Negros Occidental at kasalukuyang naninirahan dito sa Riyadh, Saudi Arabia. Naulila na ako sa mga magulang noong maliit pa ako at isa ako sa maituturing na lumaki sa isang broken home family. Mahirap at magulo ang buhay ko noon subali’t nakapagtapos pa rin ako sa kursong X-Ray Techonology sa Maynila sa tulong ng aking mga tiyahin at tiyuhin na kapatid ng aking yumaong ina. Noong nasa kolehiyo ako, palipat-lipat ako ng tirahan sa mga kamag-anak. Patigil-tigil din ako sa pag-aaral at may mga oras na nawawalan ako ng pag-asa sa buhay. Nahinto ako sa pag-aaral at nalulong sa maraming bisyo, naging heavy drinker, chain-smoker, mahilig sa sayawan, at tumikim din ako ng droga. Nang makapag-aral ulit, pilit kong iniwasan ang dati kong bisyo. Subali’t maliban sa droga, nanatili sa akin ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Hindi ko mapigilan ito bagkus lalong nalulong sa pag-inom. Gayunpaman, naroroon pa rin ang hangarin kong magbago. Ilang beses na rin akong nag-New Year’s Resolution na titigil na ako sa aking mga bisyo, subali’t nasisira ang pangakong yaon dahil pagkaraan lamang ng tatlong araw muli akong nagbabalik sa dating bisyo. Ganoon kalala ang aking pagka-gumon sa bisyo noon.
Noong 1997 dumating ako dito sa Saudi Arabia. Nanibago ako sa lugar dahil napakahigpit lalo na sa kababaihan na kailangang magsuot ng mahabang damit. Naka-takip ang mukha ng mga kababaihang Saudi at parang mga multo ang tingin ko sa kanila. Pakiramdam ko’y hindi ako tatagal sa Saudi lalo na’t walang disco, hindi ako makapagsuot ng short pants kapag nasa labas, at hindi ako makapunta sa iba pang happenings na malaya kong ginagawa noon sa Pilipinas. Naiinis din ako tuwing naririnig ko ang Prayer Call o Adhan. Sa aking pandinig ay tila asong ulol na nagkakahol ‘yong tumatawag para mag-Salah (patawarin nawa ako ng Allah). Patuloy pa rin ang paninigarilyo ko. Kapag may birthday party sa aming mga kasama, ako ang ginagawa nilang entertainer. Sumasayaw ako sa gitna nila na animo’y parang nasa kabaret. Tuwang-tuwa naman ako habang ginagawa ko ito at pinanonood nila ang aking kalaswaan. All-out ako talaga pagdating sa mga kasayahan.
Makalipas ang isang taon nagkaroon ng malaking pagbabago sa aking buhay. Nag-umpisa ito nang magkita kami ng aking kababata at schoolmate dito sa Saudi Arabia. Pareho pa rin kaming Kristiyano, subali’t makaraan ng isang buwan matapos kaming pagtagpuin, nabalitaan kong Muslim na siya. Medyo ‘nadismaya’ ako dahil hanggang sa sandaling yon inis na inis pa rin ako sa Islam. Wala akong balak na alamin ang tungkol sa relihiyong ito at pilit kong ipinaglaban ang Kristiyanismo. Hindi ko akalaing ang kaibigan kong ito ang magiging daan para maliwanagan ako tungkol sa Islam. Pinagtiyagaan akong bigyan ng mga babasahin at tapes tungkol sa Islam kasama na rin ang kanyang matiyagang pagpapaliwanag. Una, talagang ayaw kong makinig sa kanya dahil katwiran ko’y hindi na ako makakakain ng baboy, makapag-disco, makatikim ng alak at higit sa lahat ang manigarilyo. Iyon ang mga dahilan kung bakit ayaw kong tanggaping ang Islam---ang tunay na relihiyon dito sa mundo. Sa kabila ng aking pagmamatigas at pagbingi-bingihan sa aking kaibigan, naramdaman kong may gusto siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Sabi ko sa aking sariling kaya ko siyang iwasan at kalimutan dahil talagang hindi ko matanggap na Muslim siya at wala rin naman akong balak yakapin ang Islam. Noong pumunta siya sa Makkah para mag-Umrah, sinabi niya sa aking ipagdarasal daw niya na lumambot nawa ang aking puso sa pagtanggap ng Islam. Kaya’t panay naman ang pagbasa ko ng bibliya at hiniling ko kay Jesus Christ na tigilan na sana ako ng aking kaibigan. Walang nangyari sa mga dalangin ko bagkus lalo akong naguluhan at patuloy pa rin ang pagdalaw niya sa akin hanggang sa matagpuan ko ang aking sariling nakikinig sa mga tapes na ibinigay niya.
Maliban sa kababata ko, mayroon pa rin akong isang kaibigan na Born Again Christian na patuloy ding naghihikayat sa akin. Sinasabi niyang mga anak lang daw ng Diyos ang makakarating sa Kaharian, kaya lalo akong nalito at para akong nasa dalawang nag-uumpugang bato. Upang maalis ang aking kalituhan nagdasal na lang ako at humingi ng sign kung saan talaga ako. Sa mismong gabing ‘yon napanaginipan ko ang dating kapitbahay namin sa probinsiya na kaibigan ng aking Nanay na nagsa-Salah at nagpapatirapa. Pagkaraa’y tiningnan niya ako at umiiyak. Sabi niya sa akin, magkakaroon ako ng tunay na kapayapaan sa Islam kung tatanggapin ko ito at magbalik-loob dito. Ang sagot ko sa kanya na talagang darating ako doon pero naghihintay lang ako ng tamang panahon. Sa paggising ko’y bigla akong kinabahan, subali’t nagmatigas pa rin ako. Muling humiling na nawa’y bigyan pa ako ng isa pang sign. Sa sumunod kong panaginip, nakita ko ang aking sariling papaalis mula sa simbahan. Hindi na ako nanaginip simula noon, at ang sumunod na pangyayari’y naging Muslim na ako.
Tuwang-tuwa ang kababata ko at sinuportahan niya ako, tinuruan kung papaano ang pagdarasal at kung paano gampanan ang isang tunay na Muslim. Alhamdu Lillah, sa unang pag-alay ko ng Salah sa madaling-araw umiyak ako at humingi ng kapatawaran sa mga nagawa kong kasalanan. Nagpasalamat ako dahil binigyan ako ng pagkakataong malaman ang katotohanan sa kabila ng pagmamatigas ko at pagbatikos sa relihiyong Islam. Simula noon aking naramdamang para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Tuluyan na akong nakaiwas sa dating mga bisyo. Gayun na lamang ang aking pagtataka sa sarili sapagka’t sadyang napakadali kong nalimutan ang mga weird kong hilig, lalo na ang paninigarilyo. Nanibago rin ang mga taong nakakakilala sa akin dahil nagbago raw ang aking mga kilos at pananalita na dati rati’y may kagaslawan.
Alhamdu Lillah! Hindi ako nahirapan sa aking pagbabago dahil nagkaroon ako ng takot sa Allah. Sa ngayon, pumupunta na ako sa center para sa kababaihan dito sa Riyadh tuwing araw ng Biyernes. Dito naragdagan ang aking kaalaman tungkol sa Islam dahil sa mga Islamic lectures. Dito ko rin naramdaman ang tunay na samahan at kapatiran sa Islam. Welcome dito ang lahat ng kababaihan, Muslim man o hindi. Tinuturuan kami dito ng wastong pagdarasal, pag-uugali ng isang Muslim, ang mga dapat gawin at tungkulin para sa Allah. Pagtuturo ng wastong pagbigkas ng wikang Arabic upang matuto kaming magbasa ng Qur’an. Binibigyan din kami dito ng pagkakataong makapaga-lecture para paghandaan ang aming sarili sa Da’wah (pagpapalaganap ng Islam). Dito ako nakaranas ng magandang training at Insha Allah, magiging propagator na rin ako ng Islam pag-uwi ko sa Pilipinas.
Maganda at tahimik ang aking pamumuhay ngayon at kasama ko ang aking asawa, dati kong schoolmate at kababatang nagtiyaga upang maunawaan ko ang Islam. Alhamdulillah, nagkaroon ng malaking biyaya mula sa Allah ang aming pagsasama dahil binigyan Niya kami ng isang supling na babae---si Raheema, apat na buwan na siya ngayon.
Niyakap ko ang Islam nang buong puso. Dito ko natagpuan ang tunay na kapayapaan at tamang pananaw sa buhay. Mga kapatid, nais ko lamang ipaabot sa inyong lahat na bigyan ng pansin ang relihiyong Islam---ang pagsunod, pagsuko at pagtalima sa nag-iisang Tagapaglikha, ang Allah. Manaliksik at mag-aral tayo. Buksan natin ang ating isipan at hanapin ang katotohanan tungo sa kaligtasan. Walang tutulong o magliligtas sa atin kundi sarili nating pagsisikap na sa pamamagitan nito’y tutulungan tayo ng Allah. Maraming salamat po sa inyong matiyagang pagbasa.
Sumainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah.
“…marami akong napunang pagbabago sa kanya. Hindi na siya tumikim ng alak samantalang dati siyang umiinom. Hindi na rin siya nanigarilyo. Simple lamang ang pananaw sa buhay ng aking asawa.”
JAMILA (Melinda) MEYER
BICOL REGION
Sino nga ba ang nagpapasiya kung sino sa atin ang magiging Muslim? Ang Banal na Qur’an ay nagsasabi: “Sinumang nais patnubayan ng Allah, bubuksan Niya ang kanyang dibdib sa Islam; at sinumang hinayaan Niyang maligaw, Kanyang isasara at pagsisikipin ang kanyang dibdib…”. (Surah 6:125).
Wala sa aking isipan na magiging Muslim ako. Nagtatrabaho ang aking asawa noon sa Middle East. Siya ang unang naging Muslim sa aming pamilya. Sumulat siya sa akin at ibinalita ang kanyang pagiging Muslim. Nakadama ako ng bigat ng kalooban na may kahalong takot at pangamba. Naglalaro sa isipan ko ang mga negatibong bagay katulad ng: Maaaring ninais ng asawa kong maging Muslim upang magkaroon ng maraming asawa. Yaon ang napapanood ko sa telebisyon at nababasa sa diyaryo. Ito ang mga konseptong aking natutuhan.
Dumating ang araw na nagbakasyon sa Pilipinas ang aking asawa. Dahil sa kanyang pagiging Muslim, marami akong napunang pagbabago sa kanya. Hindi na siya tumikim ng alak samantalang dati siyang umiinom. Hindi na rin siya nanigarilyo. Simple lamang ang pananaw sa buhay ng aking asawa. Kapuna-puna sa akin ang kanyang pagdarasal ng limang beses isang araw. Dahil sa kanyang pagbabago at sa kanyang mga paliwanag, unti-unti ring nabago ang aking paniniwala. Gayunpaman, hindi ako lubusang kumbinsido sa bago niyang relihiyon. Isa akong Kristiyano subali’t tila ako’y naguguluhan. Pitong buwan ang bakasyon ng aking asawa. Bagama’t hindi niya ako pinuwersang tanggapin ang kanyang pananampalataya, napansin ko sa aking pagdarasal na hindi na pangalan ni Jesus ang aking binabanggit. Wala na rin yong “Our Father in Heaven” o kaya “Hail Mary”. Hindi ko na rin ginagawa ang “Sign of the Cross”. Ang madalas kong dasal ay ganito: “Diyos ko, kung sakali pong nais Ninyo akong mag-Muslim, bigyan po sana Ninyo ako ng patnubay sapagka’t totoong naguguluhan ako”.
Lumipas ang mga araw at natunghayan ko na lamang ang aking sariling nagbabasa ng mga aklat tungkol sa Islam. Nang mga panahong iyon, nakabalik na uli ang aking asawa sa Saudi. Patuloy pa rin ang kanyang mga paliwanag tungkol sa Islam. Ilang buwan pa ang nakalipas, hindi ko akalaing naisaulo ko na ang Opening Chapter ng Holy Qur’an, ang Al-Fatiha. Ang pagdarasal sa Islam ang sumunod kong pinag-aralan. Sa tulong pa rin ng mga babasahing ipinadala ng aking asawa, nakilala ko na rin si Jesus na isang dakilang Propetang nilikha rin ng Allah (swt). Katulad ng ibang Propeta ng Allah, siya ay hindi dapat sambahin. Nagkataon naman na may isang nagbakasyong Muslim mula rin sa Middle East ang bumisita sa amin. Napakiusapan pala siya ng aking asawa na dumaan muna sa bahay para magsagawa sa akin ng Da’wah. Omar Dy ang kanyang pangalan. Noong ika-24 ng Abril, 1996, binigkas ko ang Shahada at ako ay naging Muslim, Alhamdulillah.
Pinalad din akong mapunta sa Saudi Arabia upang isakatuparan ang isang layunin, ito ang ika-limang haligi ng Islam---ang Hajj. Dahil sa kakulangan pa ng aking kaalaman sa Islam, iminungkahi ng aking asawa na magtungo ako sa Dar Al Eemaan center. Dito ko natutuhan ang tamang pamamaraan ng pagdarasal, pagbigkas ng mga salita sa Banal na Qur’an, ang kahulugan ng mga Hadith na itinuro ng Propeta Muhammad, mga kaugalian sa Islam ayon sa Banal na Qur’an at mga aral ng Propeta Muhammad. Gayundin ang kaalaman tungkol sa pagiging Dai’yah at ang magandang samahan ng mga kababaihang Muslim. Dito ko rin naram-daman ang tunay na kahulugan ng ‘sisterhood’ sa Islam sapagka’t dito ako nagkaroon ng pagkakataong makisalamuha sa mga kababaihang Muslim. Ito ang Center na pinupuntahan ng mga kababaihang nagnanais na maging Muslim. Bagama’t mula sa iba’t ibang lahi at iba’t ibang propesyon ang nagtutungo dito, pantay-pantay ang turing sa lahat bilang magkakapatid.
Ginawa ko ang salaysay na ito bilang pasasalamat sa nag-iisang Dakilang Allah (swt) at sa mga taong malapit sa aking puso. Unang-una, sa mahabaging Allah (swt) dahil sa pagbukas Niya sa aking puso at isipan upang ako ay maging isang Muslim. Pangalawa, sa aking asawa na naging daan para malaman ko ang Islam. Pangatlo, sa aking anak dahil sa kanyang nakalulugod na ipinakitang kaalaman sa Islam, at pang-apat, sa mga namumuno sa Dar Al Eemaan, at gayundin sa lahat sa aking mga kapatid na Muslim doon. Sa inyong lahat, patnubayan nawa lagi kayo ng Allah (swt) maging saan man at
magpakailan man.
Bilang mga Muslim, hindi natin maihahayag ang ating kaalaman sa pamamagitan lamang ng salita, kailangan ding ipakita natin sa ating mga gawa. Magsilbi sana tayong magandang halimbawa upang mawala ang mga negatibong pananaw ng tao sa Islam at mga Muslim. Ang paggawa at pagpapakita ng kabutihan ay dapat simulan natin sa ating pamilya. Marahil iba ang kalagayan ko sa inyo, dahil sa aking pagbabalik sa Pilipinas, wala ni isang Muslim sa aming pamilya kaya malaking hamon ang haharapin ko na kailangang paghandaan. Sa pamamagitan ng ating malawak na pang-unawa at sa ating tamang pagkilos, maipararating natin sa marami ang magandang kaugalian sa Islam. Patunayan natin na hindi tayo mga subersibong tao. Ipakita nating nilikha tayong may pananampalataya at pagmamahal sa kapayapaan. Na sumusunod tayo sa kagustuhan ng nag-iisang Allah (swt).
Sa ating mga kababayan na di pa Muslim, may panahon pa upang hanapin natin ang katotohanan. Buksan natin ang ating puso at isipan. Huwag nating tingnan ang gawain ng mga nagkukulang o naliligaw na Muslim, bagkus alamin natin ang aral na mula sa banal na Qur’an at sa mga itinuro ni Propeta Muhammad. Insha Allah, matupad nawa natin ang ating mga mabubuting layunin dito sa ibabaw ng mundo tungo sa pangakong buhay na walang hanggan sa Paraiso. Kailangang lagi tayong maghanda dahil may katapusan ang bawa’t isa sa atin. Walang nakababatid sa pagdating nito maliban lamang sa Allah (swt).
Assalamu alaykum wa rahmatullah wa barakatuh!
“Sinasabing may kapangyarihang manggamot ang aking ama sa pamamagitan ng pagtawag sa mga espiritu. Maraming bagay akong hindi nauunawaan tungkol sa pagiging “faith healer” niya.”
AISHA (JOSEPHINE) SISON
LINGAYEN, PANGASINAN
Bagong dating pa lamang ako sa Saudi Arabia nang magkaroon ako ng “culture shock”. Nagtrabaho ako bilang isang private nurse. Tunay na napakalungkot ang unang linggo ko. Ang totoo, hindi sang-ayon ang aking mga magulang sa pagtungo ko sa Middle East upang magtrabaho. Hindi ko rin akalain na dito ko matatagpuan ang Islam. Ni minsan kasi, wala akong narinig tungkol sa Islam sa Pilipinas. Ang tanging alam ko’y dapat pangilagan ang mga Muslim dahil matatapang sila at mga terorista. Dito sa Saudi Arabia, napatunayan kong ang lahat ng ito ay pawang mga “black propaganda” lamang upang sirain ang Islam.
Dito ko napag-aralan ang banal na Qur’an. Isang apo ng aking inaalagaan ang nagkaloob sa akin ng Qur’an na nagkataon noong araw pa ng aking kaarawan. Walang sinuman nakababatid na ang araw na ‘yon ay espesyal sa akin. Laking gulat ko na lang nang makita ko ang Banal na Qur’an. Binalewala ko iyon sa simula, ngunit nagka-interest na rin akong basahin ang nilalaman nito pagkaraan ng ilang araw.
Alhamdulillah, mahigit na akong dalawang taong Muslim. Sa loob lamang ng ilang panahong pamamalagi ko sa Saudi Arabia, nabuksan ang aking isipan at puso mula nang basahin ko ang aklat na sinulat ni Ahmad Deedat na ang pamagat ay “Choice”. Hindi ko talaga akalain na magiging Muslim ako dahil kung susuriin ang aking “religious background”, parang hindi mapaniniwalaan na magagawa kong tanggapin ang Islam. Ang aming pamilya ay masasabing mga relihiyosong Kristiyano. Katunayan ang aking ama ay “founder” ng sektang “Espiritista” sa aming lugar. Ito ang kinamulatan kong paniniwala. Sinasabing may kapangyarihang manggamot ang aking ama sa pamamagitan ng pagtawag sa mga espiritu. Maraming bagay akong hindi nauunawaan tungkol sa pagiging “faith healer” niya. Nakapagtataka ang kanyang mga ginagawa ngunit marami ang naniniwala sa kanya . Nang mga panahong iyon ng aking kabataan, hindi ko masasabing “God conscious” ako dahil mas gusto ko noon ang “worldly life”. Ang sabi nga ng aking mga kaibigan, tipong “happy go lucky” raw ako.
May mga bagay na nakaakit sa akin sa Islam. Una, ang ginagawang pagdarasal ng mga Muslim. Ito ang Salah na ginagawa ng limang beses sa loob ng isang araw. Ang “fasting” o pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Nakikita ko ang pag-aayuno ng mga Muslim at ang kanilang sabay-sabay na pagkain pagkagat ng dilim. Ang kanilang pagbigkas ng katagang “Bismillah” (sa Ngalan ng Allah) sa tuwing kakain sila o kahit ano pa man ang kanilang gagawin. Nagkaroon na ako ng pag-aalinglangan sa mga aral ng Kristiyanismo nang magsimula akong magbasa ng mga aklat at mga pampleto tungkol sa Islam. Upang mabigyan ng kalutasan ang lahat, nagdasal ako at hiningi ko sa Diyos na sakaling ang Islam ang tunay na relihiyon, payag na akong maging isang Muslim, subali’t kung walang katotohanan ito, nawa’y ilayo Niya ako sa pananampalatayang ito. Makaraan lamang ang isang lingo, nagkaroon ng kasagutan ang aking dasal sapagka’t ako ay taus-pusong nanumpa. Ako ay nag-Shahada, binigkas ko ang: “Ash-hadu allaa ilaaha illa Allah wa Ash-hadu anna Muhammadan Rasoolu Allah”
Subhana Allah (Luwalhati sa Allah), naging magaan ang lahat para sa akin. Madali kong nasaulo ang mga dasal sa loob lamang na isang linggo. Hindi rin ako nakaligtas sa mga pagkutya at pagtatawa ng iba kong mga kasamahan sa trabaho tungkol sa aking pagiging Muslim nguni’t hindi ko na lamang sila binigyang-pansin. Isa pang matinding pagsubok ay noong muntik na akong itakwil ng aking mga magulang na nasa Pilipinas, nang malaman nilang Muslim na ako. Sa kabilang banda naman, isang napakagandang bagay ang naganap sa aking buhay. Nakapag-asawa ako ng isa ring Muslim na tubong General Santos City, sa Mindanao. Nagkatuluyan kami ng aking naging kabiyak in 3 weeks time after I embraced Islam. Allahu Akbar! Maligaya akong maybahay ngayon at pinagkalooban kami ng Dakilang Allah ng isang napakagandang anak na babae. Isang taon at anim na buwan na siya ngayon. Najla ang kanyang pangalan. Sa kanyang murang gulang, gumagaya-gaya na siya kung papaano magdasal ang mga Muslim. Nanggigising na siya sa aming mag-asawa sa tuwing naririnig niya ang Call of Prayer o Adhan.
Alhamdulillah, sa ngayon tanggap na kaming mag-asawa ng aking mga magulang. Insha Allah, sa aming pag-uwi sa Pilipinas, bigyan nawa kami ng Allah ng pagkakataong maipaliwanag sa kanila ang tungkol sa Islam. Patuloy pa rin ako sa aking pananaliksik at pag-aaral tungkol sa Islam. Sabi nga ni Propeta Muhammad: “Sinumang tumahak sa landas ng kaalaman, gagawin ng Allah na magaan sa kanya ang landas patungo sa Paraiso.”
Ang tangi maipapayo ko sa lahat ng mga kapatid na Muslim at maging sa di pa Muslim na sikaping basahin ang Banal na Qur’an at sundin ang mga Sunnah (gawain) ni Propeta Muhammad. Tulungan nawa tayo ng Allah at ipagkaloob Niya sa atin ang karunungan tungkol sa mga aral ng Islam.
“Islam is the true religion. Islam is the religion of truth”
“Naging makulay ang dating magulo at masalimuot kong buhay at Wallahi! Ginagampanan ko na ang Salaah nang limang beses sa isang araw at nagawa ko na ring mag-ayuno. Naging iba na rin ang pananaw ko sa buhay.”
MARYAM ( MARISEILLE) TANES REAL
BACOLOD CITY, NEGROS OCCIDENTAL
Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga Daigdig. Nawa’y ang Kanyang kapayapaan ay mapasa Kanyang Propeta na si Muhammad, sa kanyang pamilya, mga kasamahan at sa lahat ng tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa huling araw. Ang sinumang may patnubay ng Allah, walang sinumang makapagliligaw sa kanya, at sinumang hindi patnubayan ng Allah, walang sinumang makapagbibigay patnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos maliban sa Allah, at sumasaksi ako na si Muhammaday Kanyang Sugo at Propeta.
Taong 1993 nang niyakap ng Tatay ko ang Islam. Nabigla ako at hindi ko alam kung bakit siya nag-Muslim. Lumipas ang ilang buwan at siya’y nag-abroad. Naisip kong kaya niya niyakap ang Islam para may proteksyon siya pagdating sa Gitnang Silangan o Middle East. Dahil ang tanging alam ko kapag nasa Saudi at Muslim ka, walang gugulo sa iyo. Palaging ipinaliliwanag ng tatay ko ang tungkol sa Islam sa tuwing susulat siya sa amin. Sinabi pa niyang pumunta daw kami sa Islamic Center para makinig ng lecture, pero walang sumunod sa amin kahit isa. Naisip ko tuloy na, aba… seryoso talaga ang tatay ko sa pagiging Muslim niya!
December 30, 1995 nang pumasok ako sa pananampalatayang Islam. Nguni’t sa pakiramdam ko’y parang bukang-bibig lamang ito. Hindi ito bukal sa kalooban dahil naiisip kong kapag nakarating ako ng Maynila, kakantsawan ako sa aking pagiging Muslim”. Dahil nga bagong Muslim ako, binigyan ako ng Tatay ko ng babasahin kung papaano isagawa ang Salaah o pagdarasal, at mga maikling surah o pahina sa Banal na Qur’an. Sa totoo lang, sa dalawang taong nilagi ko sa Maynila hindi ko naisagawa ang Salaah ng limang beses sa isang araw bagama’t isang obligasyon ito ng isang tunay na nananampalataya. Hindi ko rin alam kung ano ang tunay na kahulugan ng Islam at kung sino ang tinatawag na Muslim. Kaya naman kapag tinatanong ako ng mga kasamahan ko sa trabaho, wala akong maisagot.
Isang araw, naisip kong Muslim nga ako, subali’t bakit hindi ko ginagawa ang tungkulin ko bilang isang Muslim. Kahima’t nagpabaya ako sa aking tungkulin, patuloy ko pa ring tinatamasa ang mga biyayang handog ng Allah at kailan man ay hindi Niya ako pinabayaan. Ang tanong ko sa aking sarili, ano pa kaya kung gawin ko ang aking obligasyon bilang isang Muslim, lalung-lalo na ang Salaah at iwasan ko ang mga bagay na labag sa turo ng Islam, marahil mas maraming biyaya akong matatanggap mula sa Allah? Napag-isipan ko rin ang mga nasayang na panahon, pinagsisihan ang mga gawaing walang kabuluhan na hindi nagbigay silbi sa akin bilang Muslim. Simula sa mga araw na iyon, itinigil ko ang pa “good time-good time” ika nga, at sinimulan ko na ring maghanap ng kaalaman tungkol sa Islam.
Pumunta ako ng ISCAG (Islamic Studies, Call & Guidance) na dating nasa Cubao tuwing Linggo at isa sa mga sisters doon ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang Islam, kung ano ang pakay nito, at kung bakit tayo nabubuhay dito sa mundo. Hindi ko rin pinalampas ang paanyaya ng aking kaibigan na dumalo sa lecture na may pamagat na “Status of Women in Islam”. Isang napakagandang topic na maliwanag itong tinalakay ng isang magaling na lecturer. Noong araw ng lecture na ‘yon nakaramdam ako ng lubos na kasiyahan dahil marami akong nakasalamuhang mga Muslim sisters.
Umuwi ako sa amin para magbakasyon at sinalubong ako ng balitang may isang brother na nagpaalam sa tatay ko na gusto akong mapangasawa. Hindi naging maganda sa aking pandinig ang balitang yaon at ang sagot ko sa kanila, “Bata pa ako, ayoko pang mag-asawa at gusto ko pang mag-enjoy sa aking pagkadalaga!”. Bumalik ako ng Maynila na ‘yon ang naging palaisipan ko. Sumulat sa akin ang brother na iyon at dinadawahan (pagbibigay impormasyon sa Islam) niya ako, pinadadalhan niya rin ako ng kung anu-anong klaseng libro at sabi pa niya “hinahamon kitang pag-aralan mo ng mabuti ang Islam”. Dumalangin ako sa Allah na, “Oh Allah! Kung ito man ang lalaking tutulong sa akin para tumibay ang aking Iman o pananampalataya at magdadala sa akin sa Paraiso o Jannah (Insha Allah), hindi ako magdadalawang-isip na magpakasal sa kanya. Allahu Akbar! Dininig ng Allah ang aking panalangin. Umuwi siya at nagpakasal kami. Naging makulay ang dating magulo at masalimuot kong buhay at Wallahi! Ginagampanan ko na ang Salaah nang limang beses sa isang araw at nagawa ko na ring mag-ayuno. Naging iba na rin ang pananaw ko sa buhay. Palagi niya akong sinasabihan na makuntento sa mga bagay na natatamo natin maging malaki man o maliit ito, at palaging magpasalamat sa Allah sa mga biyayang ibinibigay Niya lalo na ang pagiging Muslim natin.
Al-Hamdu Lillah! Ibinigay sa akin ng Allah si ‘Isa, ang aking mister at si Khawlah, ang aming anak. Hanggang ngayon, patuloy pa rin akong humihingi ng tawad sa Allah sa mga nagawa kong labag sa turo ng Islam sa mga nakaraang panahon na sinasabing “Days of Jahiliyah or Ignorance”, noong bagong Muslim pa lamang ako at kulang sa kaalaman.
Hindi nagtagal nakarating ako sa lugar na tinatawag na Land of the Prophet---ang gitnang silangan. Naragdagan dito ang aking kaalaman tungkol sa Islam sa pamamagitan ng pag-attend ko sa mga lectures. Dito ko rin nakita uli ang sister na dating nagbigay sa akin ng lecture doon sa ISCAG. Hindi rin ako nag-atubiling tanggapin ang kanilang imbitasyong dumalo sa kanilang field trip. Noon din ay nagsimula akong mag-attend sa tinatawag nilang “Dar Al-Eemaan”. Tinuturuan kami roon kung paano magbasa ng Qur’an. May Arabic classes at Islamic lectures din. Gayundin, tinuturuan kami sa mga paraan ng pagda-da’awah at good moral values.
Ang aking payo sa mga kapwa ko Muslim, pagbutihin po natin ang pagsamba sa Allah. Gumawa po tayo ng mga bagay na magbibigay ng kabutihan sa atin sa kabilang buhay. Iwasan natin ang mga bagay na labag sa turo ng Islam at labag sa mga aral ni Propeta Muhammad. Patatagin natin ang ating Iman at lagi tayong mag-Dhikr (remembering Allah) dahil ang Dhikr ay pagkain ng ating kaluluwa. Truly, the only religion in the sight of Allah is Islam. Assalamu alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.
“Bakit Ko Niyakap Ang Islam”
NORAH (NORIE) PARADO TUBIO
DASMARINAS, CAVITE
Tanong: Bakit Ko Niyakap Ang Islam? Isang napakagandang tanong. Hindi ko pinili ang maging Muslim bagkus, ang Allah (swt.) ang pumili sa akin nang sumapit na ang takdang panahon, in His own purpose and His own reason. Naganap ang lahat nang hindi ko halos namalayan. Natuklasan ko na lamang ang sarili kong binibigkas ang “Shahada”. Isang patunay ng aking pagtanggap na walang Diyos maliban sa Dakilang Allah, at si Muhammad ang Kanyang Huling Propeta. Pakiramdam ko noon, para akong nakalutang sa ulap. Isang damdaming di maipaliwanag. Ni hindi ko alam kung ano ang dahilan at nagawa kong talikuran ang dati kong relihiyon at tanggapin sa aking puso ang Islam. Naramdaman ko na lamang na sa bawa’t araw na dumating sa buhay ko, lalo lamang lumiliwanag ang mensahe ng Allah at ang Kanyang mga kautusan na dapat kong tupdin. Sa simula, totoong nahirapan akong sumunod sa mga alituntunin ng Islam, subali’t dahilan sa aking malaking takot at pagmamahal sa Allah, lakip na rin ang pagnanais na mapasa-Paraiso sa Kabilang Buhay, nagsisikap akong magampanan ang aking tungkulin bilang isang mabuting Muslim.
Tatlong buwan, matapos akong mag-Shahada nakilala ko ang ‘the right man’ para sa akin. Isipin na lamang na pagkaraang mag-Muslim ako, doon ko pa nakilala ang aking magiging asawa. Ikinasal kami at makalipas ang isang taon, isinilang ko ang isang malusog na sanggol na babae, Allahu Akbar!
Alhamdulillah, naging maliwanag sa akin kung ano ang Islam at ang pagiging mabuting Muslim. Nauunawaan ko na ang mga pangyayaring naganap sa buhay ko. Hindi rin naman naging mahirap para sa aking ina at mga kapatid ang ginawa kong pag-akay sa Islam. Mas mahirap pa ngang paliwanagan ang mga taong hindi ko kaanak dahil pawang mga masasakit na salita ang naririnig ko sa kanila. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Nauunawaan kong maraming mga pagsubok ang aking daranasin. I could not just please everybody, ito ang aking naiisip. Madalas, sabi nila na kaya raw nagko-cover ng buhok ang mga babaing Muslim dahil mayroon daw motibong masama. Masakit na marinig ang bagay na ito, lalo na nga’t ‘it takes time’ din bago ko nagawang magtakip ng buhok. Dahil sa narinig kong iyon, nagkaroon ako ng lakas ng loob upang ipaliwanag sa kanila ang utos ng Allah (swt) na nakasaad sa banal na Qur’an.
Lahat tayong nilikha dito sa mundo ay mamamatay at ibabalik sa ating Tagapaglikha. Huhusgahan ang bawa’t isa sa atin ayon sa ating mga gawa. Kaya habang may panahon pa, sikapin nating iwasto ang ating mga gawa at sundin ang kautusan ng Allah (swt). Sa sandaling magpasiya tayong sumunod sa Kanyang ipinag-utos, Siya ang magbibigay ng lakas sa bawa’t isa sa atin upang isagawa ito. Magtiwala tayo sa Allah (swt) at sundin ang Kanyang mga salita. Sikapin nating makamtan ang Kanyang Paraiso sapagka’t hindi kayang ilarawan ang kagandahan nito.
“Hindi nangangahulugan na kapag ang tao ay isinilang sa magulang na Muslim, batid na niya ang lahat tungkol sa Islam.”
SITTI RAYAM DELA TORRE
SULU, PHILIPPINES
Ako po si Sitti Rayam dela Torre, ipinanganak na isang Muslim at tubong Siasi, Sulu, Philippines. Kabilang ako sa tribong Tausog. Isang bagay ang aking maipagmamalaki dahil nakamulatan kong relihiyoso ang aking pamilya at ipinamulat sa amin ang tamang katuruan ng Islam. Mula sa pagkabata, sinanay na kami ng aking mga magulang na bumasa ng Qur’an sa wikang Arabik. Gayunpaman, kinakailangan pa ring pag-aralang mabuti ang wastong pagbigkas nito. Ito ang naging malaking problema sa akin dahil alam kong may kakulangan pa rin ako sa tamang pagbigkas nito na maaaring magkaroon pa ng ibang kahulugan.
Nang magpunta ako dito sa Saudi Arabia, marami akong natutuhan tungkol sa Islam sa pamamagitan ng iba’t ibang babasahin lalo na ang English translation ng Qur’an, at gayundin sa paliwanag ng mga Muslim sa paligid ko. Tuwing gabi nakaugalian kong sanayin ang aking sarili sa pagbabasa tungkol sa Islam subali’t pakiramdam ko’y hindi pa rin sapat ang aking ginagawa. Hanggang sumapit ang isang araw na naimbita akong dumalo sa pagtitipon sa center para sa kababaihang Muslim. May mga Islamic lectures tuwing Biyernes daw dito. Kami ng mga kasamahan kong mga born Muslims ay nagsitungo sa paaralang ito upang pagyamanin ang aming kaalaman tungkol sa Islam. Alhamdu Lillah, sa tulong ng mga namamahala at mga Arab sisters na matiyagang nagtuturo sa amin sa wastong pagbasa ng Qur’an, unti-unti kaming natututo sa mga katuruan ng Islam. Insha Allah, mabigyan nawa ng full support ang paaralang ito dahil malaking tulong ang naidudulot nito sa aming mga Muslim at sa mga di pa Muslim na nagnanais malaman ang tungkol sa Islam.
Taus-puso akong nananawagan sa iba pang “ born Muslims” na sana’y dagdagan natin ang kaalaman tungkol sa Islam. Hindi nangangahulugan na kapag ang tao ay isinilang sa magulang na Muslim, batid na niya ang lahat tungkol sa Islam. Sa aking natutuhan, dapat nating pag-aralan ang Islam from the cradle to the grave, and the more you seek knowledge the better you become as a Muslim. Pinatitibay ng kaalaman ang ating pananampalataya.
Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng center na nabanggit na binuo para sa kapakanan ng mga kababaihang Muslim. Open din ito sa mga di pa Muslim na nais malaman ang tungkol sa Islam. Nawa’y bigyan ng Allah ng ibayo pang kakayahan ang pamunuan ng center at magpatuloy nawa ang proyektong ito. Jazakumu Allahu Khayran.
“Papaano ito mangyayari gayong sinisikap kong maging isang matatag na Kristiyano. Hangga’t maaari, ayaw kong makinig sa kahit kaninong nagpapaliwanag ng tungkol sa Islam.”
NASRA TURLA
NORTHERN SAMAR
Ako po ay tubong Allen, Northern Samar at nanggaling sa pamilyang Romano Katoliko. Dati rin akong miyembro ng Secular Franciscan Orders at aktibo sa mga Parish Council groups at iba pang religious groups katulad ng Miraculous Lady at Nazareno. Sa panahong nasa kalagitnaan na ako ng pagiging relihiyosa, maraming pumasok na katanungan sa akin. Una, karapat-dapat bang ipatungkol ko kay Jesus (Alaihis Salam) ang aking panalangin o sa Diyos Ama na lumikha sa lahat? Pangalawa, si Jesus (a.s) ba’y tunay na anak ng Diyos? Pangatlo, umaangkop ba ang ginagawa kong mga paglilingkod at pagpupuri sa aking paniniwala sa Panginoong Lumikha?
Nanatiling mga katanungan iyon sa aking sarili hanggang sa dalhin ako ng kapalaran dito sa Riyadh, K.S.A. Nagtrabaho ako bilang beautician sa isang shop at dito pinaliwanagan ako ng aking employer tungkol sa Islam. Dagdag pa rito, ang aking mga parukyano at isang Muslim na beautician din ang humihikayat sa akin tungo sa Islam, subali’t nanatiling matigas ang aking paninindigan bilang Kristiyano.
Inabot ako ng limang taon na nanatiling sarado ang puso at isip sa Islam hanggang sa magkaroon ako ng panaginip sa magkasunud-sunod na buwan ng September, October and November ng taong 1996. Pumasok daw ako sa Masjid na kasama ang aking inang tatlong taon nang patay ng mga panahong yaon. Nakita ko ang aking sariling sinasaliksik ang lahat ng bagay sa loob ng Masjid. Magkatulad ang pangitain kong iyon sa loob ng tatlong buwan. Nang sumapit ang sumunod na buwan ng Disyembre, nagkaroon uli ako ng pangitain. Nakita ko ang aking sariling nasa itaas ng entablado sa harap ng maraming tao at sinasabihan ko sila ng Allahu Akbar! Allahu Akbar! Salah! Salah! Nagising ako sa lakas ng boses ko at nanginginig ako’t kinilabutan sa aking pangitaing iyon. Kaagad akong nanalangin sa oras na iyon at sabay tanong sa ating Panginoong Lumikha na bakit ako nanaginip ng ganoon, nangangahulugan bang ako’y magiging Muslim? Subali’t ang malaking tanong ay ito: Papaano ito mangyayari gayong sinisikap kong maging isang matatag na Kristiyano. Hangga’t maaari, ayaw kong makinig sa kahit kaninong nagpapaliwanag ng tungkol sa Islam.
Hanggang dumating ang taong 1997, buwan ng Pebrero nang makilala ko ang isang anak ng Pakistaning Tabligh na tumigil ng isang taon sa Markaz, Marawi upang magpalaganap ng Islam. Humanga ako sa ispiritwal na paninindigan ng kanyang ama na nagtulak sa akin upang saliksikin kung ano nga bang mayroon sa Islam na sinasabi nilang “Islam is very good and beautiful”. Nasundan pa iyon nang minsa’y nakapakinig ako sa isang lecturer tungkol sa Islam nang hindi sinasadya. Ginanap ito noong buwan ng Marso. 1997. Magmula noon ay unti-unting bumukas sa puso ko at isipan ang kahulugan ng Islam. At naging masugid ako sa pagbabasa ng iba’t ibang mga aklat tungkol dito. Halos lahat ng katanungan ko noong Kristiyano pa ako’y nasagot na, Alhamdu Lillah! Kaya sinabihan ko ang aking employer na nais kong mag-Shahada na o pagbibigay-saksi ng aking pananampalataya sa Islam. Hindi kaagad pumayag ang aking employer dahil na rin sa nakita niyang malaking pagtanggi noon at ang pinamalas kong katatagan ng pagiging Kristiyano ko. Kaya’t naantala ang katuparan ng pasiyang ito hanggang sa dumating ang buwan ng Hulyo. Talagang nahikayat ko siyang handang-handa na akong maging Muslim. Kaya noong maghrib time (takip-silim) ng Hulyo 28, 1997, Alhamdu Lillah, naging Nasra Turla ang dating Elena Turla. Maraming salamat sa ating Tagapagpala---Ang Allah (swt).
“Naging ganap ang kapayapaan sa akin habang nagdarasal ako, at nasabi ko sa aking sarili, “Sa wakas, alam ko na ngayon kung kanino ako nagdarasal.”
MARYAM MARCELO JACINTO
GAPAN, NUEVA ECIJA
Sa Ngalan Ng Allah
Ang Mapagpala, Ang Mahabagin
Assalaamu alaikum Wa Rahmatullaahi Wa Barakatuhu
Isa ako sa mga pinalad na magawaran ng gabay ng Allah (swt) tungo sa katotohanan. Sa simula pa lang ng mura kong isipa’y may mga bagay na lagi kong hinahanap ng kasagutan tungkol sa Diyos na dapat sambahin. Lumaki akong Kristiyano subali’t maraming pagkakataon na lagi kong tina-tanong ang aking sarili. Minsan, habang nagdarasal ako sa simbahan pilit na sumasagi sa aking isipan “Kanino ba ako nagdarasal?” kay Jesus Christ ba sa Diyos Ama O sa Holy Spirit. At lagi na lang akong nagtataka kung bakit nagdarasal sa harap ng santo ang mga tao gayong maaari naman silang magdasal nang tuwiran sa Diyos. At bakit kailangang isilang at magkatawang tao ang Diyos? Mga katanungang dala-dala ko hanggang sa umabot ako sa hustong gulang.
Pinalad akong mangibang bansa sa Saudi Arabia para magtrabaho sa isang hospital. Hindi sumagi sa aking isipan na iyon ang magiging simula ng pagbabago sa aking buhay. Minsan, nag-uusap kami ng kasama kong doktor sa clinic tungkol sa relihiyon, tinanong niya ako “Ano ang Christianity?” Sinabi kong sa Christianity ay may isang Diyos subali’t sa isang Diyos na iyon ay Tatlo. Dahil sa siya ay isang Muslim hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. At saka niya sinabi sa akin “Hindi! Iisa lamang ang Diyos”. Para akong natulala sa simple at tuwiran niyang sagot sa akin. At sabi ko sa aking sarili “Ito na ang kasagutang hinahanap ko.” Iyon ang simula ng aking pag-aaral sa Islam. Unti-unti kong naunawaan ang katotohanan. Nagsimula akong lumayo sa landas ng Chris-tianity, hininto ko ang paraan ng pagdarasal ng isang Christian hanggang sa matagpuan ko ang aking sariling nagdarasal katulad sa Islam. Naging ganap ang kapayapaan sa akin habang nagdarasal ako, at nasabi ko sa aking sarili, “Sa wakas, alam ko na ngayon kung kanino ako nagdarasal”.
Isang gabi habang nagbabasa ako ng Qur’an, nabasa ko ang mga verses na “Allah guided those whom He will”, “Allah guided those whom He pleases”, hindi ko napigilang mapaluha dahil naisip kong isa lamang akong hamak na nilalang subali’t ginabayan ako ng Dakilang Kataas-taasan.
Dahil natagpuan ko na ang katotohanang aking hinahanap sa matagal na panahon, taus-pusong niyakap ko ang Islam. Al Hamdu Lillahi Rabbil Aalamin.
Para sa mga kapatid natin na taliwas pa rin ang paniniwala, isipin natin ang Tanging Nag-iisang Diyos na Siyang lumikha sa ating lahat. Siya na nagbigay sa atin ng buhay na Kanya ring babawiin ito sa takdang panahon. Samakatuwid, Siya lamang ang dapat sambahin.
At para naman sa mga kapatid sa Islam, nalalaman kong marami sa atin na matapos magbalik Islam ay nakaranas na kamuhian ng sariling pamilya, nahiwalay sa asawa at pinagtawanan ng mga kaibigan. Lagi nating alalahanin na sa sandaling tinanggap natin ang Islam, we grasp the best handhold in our lives. Lagi sana tayong gabayan ng Allah (swt) at bigyan lagi ng lakas ng loob sa mga darating pang pagsubok sa ating buhay. Be patient as we can read from the Holy Qur’an, ”For Allah is with those who are patient.”
Assalamu alaikum wa Rahmatullaahi wa Barakatuh.
PASASALAMAT
Hinango ang aklat na ito sa tunay na buhay at karanasan ng ilang kababaihang kapatid sa pananampalataya at kung papano nila tinanggap ang tunay na relihiyon---Ang Islam.
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Allah (Subhanahu wa Ta’ala) sa patnubay na iginawad Niya sa akin habang isinasagawa ko ang munting aklat na ito. Dalangin ko sa Kanya na nawa’y bigyan pa ako ng maraming pagkakataon na makapaglingkod sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kanyang relihiyon. Ipinaabot ko rin ang aking pasasalamat sa mga taong tumulong sa akin at nagbigay ng mga mungkahi upang mapahusay ang aklat na ito. Nawa’y biyayaan sila ng Allah dito sa mundo at sa kabilang buhay. Sila ay sina: Sheikh Mohammed Habib Al Kholaqui, Bro. Khalid Evaristo, Bro. Omar Peñalber, Bro.Mohammed de la Pena, Bro.Jameel Almarez, Bro. Mansour Meyer, Bro.Yusup Butucan, Bro. Ahmad Jibreel Salas at Sis. Noor Batoon.
Umaasa kaming lahat na makapagdulot nawa ito ng kabutihan at gabay sa mga mambabasa. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islam, maaaring makipag-ugnayan o tumawag sa:
Philippine Association of Muslimah
Dar Al Eemaan, Incorporated
www.pamdae.com
Room 224 Tia Maria Building, C. V. Starr Avenue
Pamplona II, Las Pinas City, Philippines
Telephone No. ______________
Mobile No. 05 312 3520
Email: luceroc@ngha.med.sa
TALASALITAAN
Ang mga salitang Arabik na binigyan ng pahapyaw na kahulugan sa wikang Pilipino.
Allah Ang Tangi at Nag-iisang Tunay Na Diyos
Ang Nag-iisang Tagapalikha ng Lahat
Ang Nag-iisang Panginoon
Allahu Akbar Dakila ang Allah
Adhan Ang Pagtawag Ng Salah
Al Hamdulillah Ang Pagpuri at Pasasalamat ay sa Allah lamang
Assalamu Alaikum Sumainyo ang Kapayapaan
Islam Ang relihiyon ng pagsuko at pagtalima sa Nag-iisang Diyos. Isang ganap na panuntunan ng buhay
Al Fatiha Ang Panimula, unang kabanata ng Qur’an
Ash-hadu allaa Ako ay sumasaksi na walang tunay na Diyos na
ilaaha illa Allah dapat sambahin maliban sa Allah.
Laa ilaaha illa Allah Walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah
Subhana Allah Luwalhati sa Allah
Insha Allah Sa pahintulot ng Allah
Jaahiliyyah Panahon ng kamangmangan
Jannah Paraiso
Jahannam Impiyerno
Salaah Itinakdang limang beses na pagdarasal sa Islam
Salaah Fajr Dasal tuwing Madalling Araw
Salaah Dhur Dasal sa Tanghali
Salaah Asr Dasal sa Kalagitnaan ng Hapon
Salaah Magrib Dasal sa Takip silim
Salaah Isha Dasal sa Gabi
Taraweeh Dasal sa gabi ng Ramadhan
Daiyah Mga nagbibigay-aral tungkol sa Islam
Da’wah Pagpapalaganap ng Islam
Masjeed Pook ng sambahan ng mga Muslim
Mahram Kasama ng isang babaing Muslim sa paglalakbay na hindi niya maaaring maging asawa.
Ka’aba Ang direksiyon kung saan nakaharap ang mga Muslim sa kanilang Salaah. Ito ay nasa direksiyong Makkah.
Arafat Isang bulubunduking lugar sa Makkah na kung saan isinasagawa ang isang bahagi ng Hajj.
Musdalifah Isang lugar sa Makkah na mayroon ding bahagi sa Hajj.
Rami Jamar Isang ritual ng Hajj sa pamamagitan ng paghagis ng bato sa isang itinakdang lugar sa Mina
Mu’adhin Tagatawag ng Adhan.
Salam Kapayapaan
Subhanahu wa Luwalhati sa Allah, Ang Kataas-taasan
Ta ala (swt)
Sunnah Mga salita, gawain, kilos at kapahintulutan ng Propeta Muhammad
Hadith Salaysay ng mga sinabi, gawain, kilos ni Propeta Muhammad
Sallallaahu alayhi Nawa’y itampok ng Allah si Propeta Muhammad
wa sallam at ilayo siya sa anumang paninira
Alayhi As-salam Sumakanya nawa ang kapayapaan ng Allah
Qur’an Ang Huling Banal na Kasulatan ng Allah
Muhammad Ang Huling Propeta at Sugo ng Allah
Makkah Ang sentro ng Islamikong pananampalataya
Ramadhan Ika-siyam na buwan sa kalendaryong Hijrah
Umrah Isang maikling Hajj (pagdalaw sa Makkah)
Tawheedullah Ang Kaisahan ng Allah
Tawaf Al Qudoom Ang unang lakad na paikot sa Ka’bah sa sandaling
sumapit sa Masjid Al-Haram (Makkah)
Nabi Propeta
Dar Al Eemaan Isang samahan para sa mga kababaihang Muslim