Ang Sampung Huling Araw ng Ramadan
Ang mga kategorya
Full Description
Ang Sampung Huling Araw ng Ramadan
العشر الأواخر من رمضان
[ بلغة التغالوغ ]
Author
Ahmad Baquec
أحمد باكيك
Reviwer
Nur Maguid
نور ماجيد
1428 – 2007
Paano natin matupad ang Laylat al-Qadr? Ito ba ay sa pagdadasal, o sa pagbabasa ng Qur’an at ng Seerah ng Propetaﷺ, ang pakikinig ng mga aralin at ang pagdiriwang sa Masjid?
Ang papuri ay sa Allahﷻ lamang, ang Panginoon ng sansinukob at ng mga daigdig. Ang mga sumusunod ay ang mga tuntunin sa sampung huling araw ng Ramadan.
1. Ang Sugoﷺ ng Allah ay madalas ay matiyagang nagsusumikap sa pagsasamba sa sampung huling araw ng Ramadan na hindi niya pangkaraniwang ginagawa sa ibang panahon katulad ng pagdadasal, pagbabasa ng Qur’an at mga du’a (pagsusumamo).
Iniulat ni Aisha na sa pagdating ng sampung huling araw ng Ramadan, ang Propeta ay gumigising sa gabi kasama ang kanyang pamilya at talikdan ang ugnayang mag-asawa. [Al-Bukhaari at Muslim]
Iniulat na ang Propeta ay madalas matiyagang nagsusumikap sa pagsamba sa sampung huling arwa ng Ramadan na hindi tulad sa pangkaraniwang panahon. [Ahmad at Muslim]
2. Ang Propetaﷺ ay naghihikayat na manatiling gising at ipagdasal ang Laylat al-Qadr ng may pananampalataya at ang paghahangad ng gantimpala.
Sinabi ng Propetaﷺ:
“Sinuman ang manatiling gising at nagdarasal sa Laylat al-Qadr ng dahil sa paniniwala at hangaring makamit ang gantimpala, ang kanyang mga nakaraang kasalanan ay mapapatawad.” [Napagkasunduan]
Ang hadith na ito ay nagpapahiwatig na ang Laylat al-Qadr ay matutupad sa pamamagitan ng paggugul sa gabi sa pagdarasal.
3. Isa sa pinakamahusay na du’a na maaring bigkasin sa Laylat al-Qadr ay ang itinuro ng Propetaﷺ kay Aisha. Tinanong niya sa Propetaﷺ na kung batid niya ang Laylat al-Qadr, ano ang kanyang sasabihin sa gabing iyon?
Sinabi ng Propetaﷺ:
“Allaahumma innaka ‘afuwwun tuhibb al-‘afwa fa’affu ‘anni (O Allah, Ikaw ay mapagpatawad at kinaiibigan mo ang pagpapatawad, kaya’t patawarin mo ako.” [Tirmidhi]
4. Hinggil sa paniniguro sa gabi ng Laylat al-Qadr sa buwan ng Ramadan, ito ay nangangailangan ng tiyak ng katibayan. Subali’t ang mga araw tulad ng 21, 23, 25, 27, at 29 sa sampung huling araw ng Ramadan ay malamang na ang Laylat al-Qadr kung ihahambing sa ibang araw at ang araw ng ika-27 ang nakahihigit sa lahat sapagka’t ang araw na ito ay ang nabanggit sa Hadith.
5. Ang mga pagbabago (inobasyon) ay tinatanggihan sa buwan ng Ramadan at sa anumang araw o panahon.
Sinabi ng Sugo ng Allahﷻ:
“Sinuman ang maglabas ng pagbabago sa mga bagay na nuukol sa pagsamba at paniniwala na hindi nito bahagi ay tatanggihan.”
Sa isa pang pag-uulat:
“Sinuman ang gagawa ng isang gawain na hindi bahagi ng atin ay tatanggihan.”
May mga ilang pagdiriwang na ginaganap sa gabi ng sampung huling araw ng Ramadan ng ilang Muslim. Subali’t ang ganap na patnubay ay ang patnubay ni Muhammadﷺ at ang pinakamasama sa lahat ng bagay ay ang pagbabago (bid’ah).
Ang Allahﷻ ang taga-pagbigay ng lakas. Nawa’y pagkalooban ng Allahﷻ ng biyaya at kapayapaan ang ating Propeta Muhammadﷺ, ang kanyang pamilya at mga Sahabah.
Ang Palatandaan sa Laylat Al-Qadr
Ang mga sumusunod ay mga palatandaan sa Laylat –Al-Qadr mula sa mga katibayan ng mapananaligang hadith.
Ang Unang Palatandaan:
Iniulat ni Ubayy ibn Ka’b na ipinahayag ng Propeta na ang isa sa kanyang palatandaan ay kung ang sikat ng araw sa sumunod na umaga ay walang makikitang sinag. [Muslim, 762]
Ang Pangalawang Palatandaan:
Iniulat ni Ibn ‘Abbaas narrated mula kay Ibn Khuzaimah at sa musnad ni al-Tayaalisi na sinabi ng Propetaﷺ:
“Laylat al-Qadr ay isang kasiya-siyang gabi, ang kapaligiran ay katamtaman hindi mainit o malamig, at ang sumunod na araw, ang araw ay sisikat ng mapula at mahina.” [Saheeh Ibn Khuzaymah, 2912; Musnad al-Tayaalisi]
Ang Pangatlong Palatandaan:
Iniulat ni al-Tabaraani na hasan ang isnaad mula sa hadith Waathilah ibn al-Asqa na sinabi ng Propetaﷺ:
“Laylat al-Qadr ay isang maliwaag na gabi, hindi mainit o malamig, na walang bulalakaw na makikita.” [Narrated by al-Tabaraani in al-Kabeer. See Majma’ al-Zawaa’id, 3/179; Musnad Ahmad]
Ito ang mga tatlong saheeh ahadeeth na nagpapaliwanag sa mga palatandaang nagpapatunay ng Laylat al-Qadr
Hindi mahalaga sa isang nakasaksi ng Laylat al-Qadr na mapag-alaman na nasaksihan niya ito. Ang mahalaga nito ay ang matiyagang pagsusumikap at maging matapat sa pagsamba batid man o hindi ng iba na nasaksihan niya ang Laylat al-Qadr. Maaring ang ilan sa mga hindi nakababatid na nasaksihan nila ang Laylat al-Qadr ay nakahihigit sa mata ng Allahﷻ at nakatataas ang antas kung ihahambing sa mga taong nakababatid sa anong uri ng gabi ang nagdaan, sapagka’t matiyaga siyang nagsumikap.
Hilingin nating mula sa Allahﷻ na tanggapin an gating pag-aayuno at an gating panalangin sa gabi, at upang tulungan tayong maalaala Siya at pasalamatan Siya at sambahin Siya ng maayos. Nawa’y ipagkaloob ng Allahﷻ ang biyaya sa ating Propeta Muhammadﷺ.
_________________________________
Hango sa Standing Committee for Academic Research and Issuing Fatwas , 10/413